3. Sa mga unang saknong, itinatanong
ni Balagtas kung nasaan na ang
kanyang Ceciliang dating
minamahal. Ipinag-aalala niya rin
kung baka nakalimot na si Selya sa
kanilang pag-iibigan. Ang pagkalimot
na ito, ayon kay Balagtas, ay ang
ikinalubog ng kanyang kapalaran sa
lubhang kalungkutan.
4. Pero iginigiit naman ni Balagtas na
hindi niya nakalimutan ang
pagmamahalang iyon.
Lumipas na ang mga araw na iyon,
ang natira na lamang sa kanyang
puso ay ang pag-ibig kay Selyang
iniaako ni Balagtas na mananatili
habang siya ay buhay pa.
5. Dahil inaakala ni Balagtas na
nakalimot na si Selya, siya ngayon ay
nangungulila sa pagmamahal, at
nagdurusa. At para maibsan ito,
inaaliw niya ang kanyang sarili sa
pag-alala ng kanilang nakaraan, at sa
pag-alala pa lamang niya sa mukha
ni Selya, siya na ay nagiginhawaan.
6. Kanyang inaalala ay ang larawan ni
Celia kanyang iginuhit na ayon sa
kanya, ang kanyang tanging
naiiwang pampag-alala kay Selya, at
nililigawan ito sa ilog.
Inaalala niya ang kanilang
pinagpasiyalan noong sila ay
magkasintahan pa.
7. Hinahanap niya si Celia, ang kanilang
pagmamahalan, lahat ito ay wala na
sa kanya. Lahat ito ay lubha niyang
ikinalulungkot.
Sa bandang hulihan ng kabanata,
ipinag-aalala naman ni Balagtas na
baka nalulungkot ngayon si Selya, at
para maibsan ito, dapat man lamang
sana siyang alalahanin.
9. Nagpapasalamat ang makata sa
mga babasa ng kanyang awit.
Ang kanyang akda ay parang
bubot na prutas sa unang tingin
ngunit masarap kapag
ninamnam.
10. Hinihiling ng makata na huwag
babaguhin ang kanyang berso at
pakasuriin muna ito bago
pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi
niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina
at may paliwanag doon.
11. Ipinakiusap din niya na huwag
babaguhin ang mga salita
sapagkat sa halip na mapabuti
ay baka sumama pa ang akda.
13. Nagsisimula ang awit sa isang
madilim at mapanglaw na
gubat na di halos mapasok ng
sikat ng araw. Madawag ang
gubat at maraming puno ng
higera at sipres.
14. Maraming hayop dito, tulad ng
ahas, basilisko, hyena, tigre at
leon. Sa isang punong higera
sa gitna ng gubat, naktali ang
paa, kamay at leeg ng isang
guwapong binata, na may
makinis na balat at kulay
gintong buhok.