3. Nagkataong dumating sa gubat
ang isang mandirigma o gerero
na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-
Persiya. Naupo ito sa lilim ng
isang puno at lumuluhang
naghimutok.
4. Naghihimutok isto at nasabi na
hindi niya papayagan na si
Flerida ay maagaw sa kanya.
Kung hindi lang daw ang
sariling ama ang umagaw nito
sa kanya, makikita raw ng iba
ang lupit ng kanyang patalim na
handang pumatay.
5. Nasabi ni Aladin ang labis na
kapangyarihan ng pag-ibig, na
kaya nitong saklawin ang lahat
masunod lamang ang
damdamin.
9. Pinugutan ito ng ulo,
pinaghiwa-hiwalay ang
kanyang katawan at hindi
man lamang ito inilibing dahil
sa takot ng kanyang mga
kainigan sa Konde.
10. Hanggang sa huling sandali
ng buhay ng kanyang ama
ang tanging panalangin pa
rin nito sa Panginoon ay ang
kaligtasan niya sa kamay ng
taksil na si Adolfo.
17. Muling narinig ni Aladin ang
mga panangis ni Florante,
na kahit na nagtaksil ang
babaing kanyang sinisinta
ay nariyan pa rin ang
kanyang pag-ibig at ito’y
dadalhin niya hanggang sa
kanyang libingan.
18. Hindi pa ito natatapos sa
kanyang panambitan nang
may dumating na dalawang
leon para silain siya. Ngunit
isang kababalaghan ang
nangyari at ang dalawang
leon ay naupo sa kanyang
harapan.
19. Sa pag-aakala ng binatang
nakagapos na siya’y
mamamatay sa lupit ng
alibugha, dahil pinabayaan
itong mamatay dahil
sumama sa ibang lalaki, at
kay Adolfo dahil sa mga
kalupitan nito sa kanya.
20. Sinabi ng binata na ang
lalong ipinaghihirap ng
kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin
niya ang kamatayan nang
di angkin ang pag-ibig ni
Laura.