2. Kasanayang Pampagkatuto
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang
ekspresyon, tayutay, simbolo. (F8PT-IVc-d-34)
Naisusulat sa isang monologo ang mga
pansariling damdamin tungkol sa: pagkapoot,
pagkatakot at iba pang damdamin. (F8PU-IVc-d-
36)
4. Ang buong Atenas ay nanggilalas sa
katampalasanan ni Adolfo. Ang mga mag-aaral ay
labis na nanggipuspos at si Antenor ay nanlumo
nang gayon na lamang. Sa mahabang panahon ng
kanyang pagtuturo ay noon lamang siya nakatagpo
ng isang batang nagpakita ng kabaitan sa mga araw
ng kanyang pag-aaral, datapwat isang kahangalan.
Nalinlang ang kanyang mahabang karanasan sa
pagkilala at pagsusuri sa damdamin at kalooban ng
isang bata.
5. Ngayong nalantad sa buong bayan ang
mapait na lihim ni Adolfo ay ipinalagay niyang
siya’y bigo, hindi sa pagtuturo ng karunungan
kundi sa pagkipil sa pagpapakarangal ng isang
pusong punong-puno ng paghihiganti.
6. Ang mga mag-aaral ay tahimik na tahimik.
Ang mga sinabi ng kanilang guro ay tumagos sa
kanilang mga kaluluwa. Ang malungkot na
pangyayari ay nanariwa sa kanilang mga puso.
Ang pagkamuhi kay Adolfo ay nagbangon sa
kanilang damdamin. Ang habag at pagmamahal
kay Florante ay nagging bantayog sa kanilang
dibdib na hindi na mapapawi ng panahon.
7. Wala na nga si Adolfo. Wala na ang
mapagkunwari. Wala na ang anay na ibig sumira sa
matibay na haligi ng paaralan. Ngunit si Florante at
naiwan pa sa Atenas upang hintayin ang pasiya at
kalooban ng kanyang ama. Ipinagpatuloy ang
kanyang pag-aaral. Ngayo’y higit pa sa dati ang
pagkakilala sa kanya. Ang buong Atenas ay
nagpupuri sa kanyang katalinuhan at kadakilaan.
Kung ano ang bigat ng sumpang inukol kay Adolfo ay
siya naming bigat ng papuri at pagmamahal kay
Florante.
8. At hindi na nga naglipat-linggo. Isang kalatas
ang dumating sa kanya mula sa Albanya. Sa
harap ng kanyang guro at katotong Menandro ay
buong pananabik na binuksan ang kalatas.
Nayanig ang buong katauhan ni Florante nang
mabasa ang nilalaman ng kalatas na pumanaw
na ang kanyang minamahal na ina.
11. Nang matauhan si Florante ay nasa
pagpapala na ng guro at mga kamag-aral.
Nakatingin sa malayo na waring sa dako pa
roon ay nasisilayan ang larawan ng kanyang
ina. Nagsisikip ang kanyang paghinga at ang
kanyang buhay ay tila isang hibla na lamang
ng marupok na sinulid.
12. Dalawang buwan ang tila mga dahong
tuyong nalagas sa tangkay ng kapanahunan.
Dalawang buwang hindi man lamang
nakalasap ng katuwaan si Florante. Ang
naging kaakibat niya ay pawang himutok. Ang
naging kalaban niya ay pawang pighati. May
mga gabing hindi siya dinadalaw ng antok.
13. At dumating din ang ikalawang liham ni Duke Briseo.
Siya’y pinapauwi na sa Albanya. Dumaong din ang
sasakyang maghahatid sa kanya. Sa Atenas ay maiiwan
niya ang guro at mga kamag-aral. Sa Albanya’y darating
siyang wala na ang babaing una niyang nakilala.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay
Florante pabalik sa Albanya. At pinayuhan niya ang
magkaibigan na huwag kakaligtaan ang mga lihim ni
Adolfo. At hanggang sa daong ng sasakyan ay
pumatnubay si Antenor at mga kamag-aral.
14. Ang sasakyan ay sumadsad sa
dalampasigan ng Albanya. Sa karamihan ng tao
ay hindi niya nakita ang kanyang ina. Kung
buhay nga naman si Prinsesa Floresca ay may
isang kaluluwang sasalubong sa kanyang
pagbabalik. Hinaplos ni Florante ang kanyang
mukhang naramdaman niyang ginagapangan
ng mainit na luha.
15. Nang sila’y sumapit sa tahanan ay dinatnan
nila ang isang malungkot na Duke. Iisa ang
dahilan ng kanilang mga kahapisan, ang pagyao
ni Prinsesa Floresca na siyang bituing
nagpaparilag sa kanilang buhay na mag-ama.
Nang magkabitiw ang mag-ama ay ipinakilala ni
Florante ang kanyang kaibigan.
16. At ang kanilang pag-uusap ay pinutol sa
pagdating ng isang sugo mula sa kaharian ng
Krotona. Ang Krotona ay isang bayang malaya at ang
hari roon ay nuno ni Florante. Ang sugo ay galing na
pala sa palasyo ni Haring Linseo ng Albanya ana
nagbigay-alam sa kinalalagyan ni Duke Briseo. Isang
kalatas ang taglay nito mula sa monarka ng Krotona.
17. Ayon sa liham, ang biyenan ni Duke Briseo ay
humihingi ng tulong kay Haring Linseo sapagkat
nakukubkob ng mga kaaway na moro na
pinamumunuan ng kilabot at bantog na si Osmalik.
Ay pangalawa nito ay si Prinsipe Aladin na balita rin
sa pakikipaghamok at pakikibaka.
19. Hindi na nagpaliban pa ng araw ang mag-
amang Florante. Pagkabasa sa nabanggit na liham
ay nagsadya agad sila sa palasyo ni Haring Linseo
upang makipag-alam tungkol sa gagawing tulong sa
Krotona. Bago pa lamang sila umakyat ng hagdanan
ng magarang tahanang hari na batbat ng
kayamanan at mga hiyas ay siyang pagsalubong sa
kanila ng Haring Linseo. Niyakap si Duke Briseo at
kinamayan si Florante.
20. Napamaang si Haring Linseo sapagkat hindi
niya alam na si Duke Briseo pala ay may anak na
binata. Nagsiupo sila at pinag-usapan ang bala-
balaking mga bagay tungkol sa paghahanda ng
hukbo. Samantalang sila’y nagpapanayam,
dumating ang isang marilag na dalaga. Ito’y walang
iba kundi si Laura, ang mahal na prinsesang bugtong
na anak ni Haring Linseo.
21. Ang puso ni Florante ay halos
mawala sa kanyang dibdib na
papawirin. Ano pa’t nang mga
sandaling yaon ay litong-lito ang diwa
ng binata. Tanging ang salitang pag-ibig
ang naibulong na lamang niya sa
kanyang sarili. Napansin din niyang si
Laura ay nagugulo ang sarili. Sa palagay
niya ay nagkakaisa sila ng damdamin.
Higit na naging balisa si Florante
hanggang sa mapansin ito ni
Menandro.
22. Inakala niya na ang sanhi ng kanyang pagkabalisa ay
dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Prinsesa
Floresca o di kaya’y ang pagtungo nila sa Krotona.
Hanggang sa itanong ni Florante kay Menandro
kung siya ba ay umibig na sa isang dalaga. Napatawa
si Menandro dahil natitiyak niyang si Florante ay
umiibig na. At inamin na nga niya na siya ay umiibig
kay Laura.
Binati ni Menandro si Florante sa dalawang
tagumpay, tagumpay sa susuungin nilang digma at
sa kagandahan ni Laura.
24. Ito ay isang uri ng pagsasadulang
pampanitikan na ginagampanan ng iisang tao
lamang.
MONOLOGO
Maaaring ito ay pagsasalita ukol sa kaniyang
kaisipan na ipinararating sa mga manonood o
karakter na kaniyang ginagampanan.
25. 1. Pumili ng paksang kaaya-aya sa mga
manonood.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG MONOLOGO
2. Maghanap ng karakter na nakaayon sa iyong
personalidad.
3. Gumawa ng storyline sa kuwentong iyong
naiisip.
26. 4. Gawing maikli ngunit kasiya-siya ang
kuwento.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG MONOLOGO
5. Maging maabilidad sa paggawa ng mga
senaryong nakakahanga at nakakaaliw.
6. Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi
kaaya-aya sa pandinig.
27. 7. Tapusin ang monologo sa isang kahanga-
hangang pananalita o iskrip.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG MONOLOGO
28. Wasto at malinaw na pagbigkas ng mga salita
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSASAGAWA NG MONOLOGO
Tinig at tindig
Kilos at kumpas