Cot slide pagpapalit at pagdadaragdag ng mga tunog ubang makabuo ng bagong salita sa filipino 3
1. Pagpapalit at pagdaragdag ng
mga tunog upang makabuo ng
bagong salita
ni: RIZA A. CUBICO
MAGUIKAY ELEMENTARY SCHOOL
MAGUIKAY MANDAUE CITY
2. I. Pagbabalik-aral ng Ito, iyan, iyon
Buuin ang usapan gamit ang angkop na panghalip
na ito/ iyan/iyon
Ben: Tingnan ninyo _____ yoyong laruan ko. Yari
____ sa mataas na kalidad na bagay.
Lina: Saan mo binili ang yoyong ___?
Ben: Doon pa sa Divisoria binili ang yoyong ____.
Kokoy: Gusto kong bumili ng yoyo. ____ yoyo na
umiilaw.
Ben: O sige, pabili ka ng yoyong umiilaw.
5. Huwag Mawalan ng Pag-asa
ni Jenny-Lyn U. Trapane
Isang araw, masayang nagkukuwentuhan ang mag-iina at
ang dalawa niyang anak habang hinihintay si amang si Mang
Lando buhat sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Maya-maya ay
humahangos na dumating si Mang Ador. Ibinalita niyang dinala sa
ospital si Mang Lando.
Agad-agad nagtungo ang mga mag-iina sa ospital kung
nasaan si Mang Lando. Nagpahunga na si Mang Lando nang
dumating ang kanyang pamilya.
“Salamat sa Diyos at ligtas na ako. Nag-alala ako dahil
inisip ko kayo”.
6. Paano na tayo ngayon at di pa ako makapagtranago?” malungkot
na sabi ni mang Lando.
“Huwag kang magsalita ng ganyan. Ang mahalaga ay ligtas ka
na,” nakangiting wika ni Aling Elena.
Halos magkakasunod na nagsalita ang dalawa nilang anak.
“Opo nga , Itay. Hayaan po ninyo at lalo pa naming pagbubutihin
Ang pag-aaral. Magtitipid rin po kami sa aming kagamitan,” ang
sabi ng panganay.
“Salamat mga anak. Hayaan ninyo, kapag malakas na ako ay
maghahanap agad ako ng bagong trabaho. “
sambit ni Mang Lando.
7. “Alam kong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Halina kayo.
Sama-sama tayong magdasal. Huwag tayong mawalan ng
pag-asa,” yaya ni Aling Elena.
Naniniwala ang Pamilyang Reyes na malalampasan nila ang
pagsubok sa kainlang pamilya kapag sila ay sama-samang
nanalig sa Diyos.
8. Pagtalakay 1
1. Sino sino ang tauhan mga tauhan sa
kuwento?
Sagot: Mang Kanor, Aling Elena , dalawang anak
at Mang Ador
2. Ilan lahat ang anak ni Mang Kanor?
Sagot: dalawa
3. Sa tingin ninyo, bakit kaya siya dinala sa
ospital?
Sagot: Maaring nadisgrasya si Mang Kanor
9. 4. Ano ang nararamdaman ng asawa at anak ni
Mang Kanor sa pangyayaring naganap?
Sagot: Nalungkot sa nangyari sa kanilang tatay.
5. Paano ipinakita ng pamilya ang labis nilang
pananalig sa Panginoon?
Sagot: Sila ay nagdasal na malalampasan nila
ang suliran na dumating sa kanilang pamilya.
3. Anong katangian mayroon ang pamilya ni
Mang Kanor?
Sagot: Pagkamadasalin
11. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang mga titik ng tamang sagot.
1. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, anong bagong
salita ang mabubuo?
A. Lupa B. libroC. lamesa D. lasa
2. Aling salita ang mabubuo kapag pinalitan ang huling pantig ng
salitang basahin?
A. balita B. laruan C. baraha D. basahan
3. Ano ang mabubuong salita kapag pinalitan ang gitnang pantig ng
salitang kalamay?
A. klase B. kalesa C. karamay D. kama
4. Aling salita ang mabubuo kapag pinalitan ang unang panting ng
salitang hilata?
A. halata B. hardin C. hanapin D. handa
5. Anong tunog ang angkop na ipalit upang mabago ang salitang handa?
A. ma B. ba C. wa D. landa
12. Takdang-Aralin
Palitan ang mga salitang upang makabuo ng
bagong salita.
1. sapa (unahang pantig)= _________________
2. mata ( hulihang pantig) = ________________
3. masalin (gitnang pantig) = _______________
4. masama ( unang pantig) = ________________
5. pusa (hulihang pantig) = ________________