2. Ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay ng isang
makatawag-pansin o nakatutuwang pangyayari sa búhay
ng isang tao na kadalasa’y kilalá o tanyag.
Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli at ang
mgapangyayari ay maaaring totoong nangyari sa búhay
ng nasabing taoo maaari ding mga likhang-isip lámang
subalit halos nahahawig sa katotohanan.
3. Madalas nagagamit ang anekdota sa pagsulat lalo na kapag
may isang bagay na nais bigyang-diin ang manunulat kung
saan angkop na angkop ang mensahe ng anekdota.
Nagagamit din ito sa pagtatalumpati lalo na sa pagsisimula o
sa pagwawakas o kung may punto na nais bigyang-diin ang
tagapagsalita.
Nagagamit ang anekdota upang makapagbigay-
aliw,makapagturo, o makapagbigay-aral patungkol sa isang
paksa. Ang anekdota ay maaari ding personal na pangyayari sa
búhay ng manunulat o mananalumpati.
4. MGA DAPATTANDAAN SA PAGSULAT NG
ANEKDOTA
Alamin mo ang layunin o paksang paggagamitan mo ng
personal na anekdota.
Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad
mo bilang personal na anekdota
Sa pagsasalaysay nito'y huwag agad sasabihin ang kasukdulan
dahil mawawala ang pananabik ng mambabasa o tagapakinig
sa kabuoan nito.
Iwasang gumamit ng mabibigat na salitang hindi agad
maunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig.
5. MGA DAPATTANDAAN SA PAGSULAT NG
ANEKDOTA
Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagtatalumpati o
pagsasalita ay mahalagang makapag-ensayo ka upang
mailahad ito nang mabisa.
Bilang pagwawakas ay bigyang-diin ang dahilan kung bakit mo
inilahad ang anekdotang ito. Dito nila mauunawaan at
mapahahalagahan kung bakit mo isinama ang anekdota sa
iyong paglalahad.
9. GRAMATIKAL
Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita
upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na
mga tuntuning panggramatika. Mahalagang batid ng
nagsasalita ang tuntuning panggramatika dahil magagamit
ang nagsasalita ang tuntuning panggramatika dahil
magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita,
pangungusap,tamang pagbigkas, pagbaybay, at maging sa
pagbibigay-kahulugan sa salita.
Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na gramatikal
ay: Anong salita ang angkop gamitin? Paano magagamit
nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?
10. SOSYO-LINGGUWISTIK
Ang komponent na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita
upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa
kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring
magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng
magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang
galang, mayabang, o naiiba.
Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na sosyo-
lingguwistik ay: “Anong salita o parirala ang angkop sa
partikular na lugar at sitwasyon? Paano ko makikilala ang
kaugalian at kulturang taglay ng isang tao sa pamamagitan
ng mga salitang kanyang ginagamit? “
11. DISKORSAL
Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang
wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa
makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at
maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan
ng wastong interpretasyon ang salita, pangungusap,o pahayag
upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na
kahulugan. Ang tanong na sinasagot ng komponent na
diskorsal ay:
Sa paanong paraan mapagsasama-sama o mapag-uugnay-
ugnay ang mga salita, parirala, at pangungusap upang
makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati,e-
mail,artikulo,at iba pa?
12. STRATEGIC
Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit
ang berbal at hindi berbal na mga hadyat .
Kilalá rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa
pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag
tinatanong kung nasaan ang isang lugar.Ang mga tanong
na sinasagot ng komponent na strategic ay: · Paano ko
malalaman kung hindi ko palá naunawaan ang ibig
sabihin ng kausap ko o kung hindi niya naunawaan ang
gusto kong iparating? Paano ko ipahahayag ang aking
pananaw nang hindi mabibigyan ng maling
interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko alam
ang tawag sa isang bagay?