Pagtalakay sa Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik, sa mga journal, siyentipikong ulat at mga balita sa radyo at telebisyon.
Tekstong Deskriptibo
o May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa
o May malinaw at pangunahing impresyon na iniiwan sa mga mambabasa
o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo
OBHETIBO- may direktang pagpapakita ng katangian ng makatotohanan at di mapasusubaliang paglalarawan
SUBHETIBO- May pagkiling sa sariling damdaming ipinahahayag at kinapapalooban ng matalinhagang paglalarawan.
o Mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng konkretong detalye
Tekstong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa
2. Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na
ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan
sa tunay na daigdig.
Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng
mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak
na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac,
papel-pananaliksik, sa mga journal, siyentipikong ulat at mga balita sa
radyo at telebisyon.
3. Tekstong Deskriptibo
o May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar,
karanasan at iba pa
o May malinaw at pangunahing impresyon na iniiwan sa
mga mambabasa
o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo
OBHETIBO- may direktang pagpapakita ng katangian ng
makatotohanan at di mapasusubaliang paglalarawan
SUBHETIBO- May pagkiling sa sariling damdaming
ipinahahayag at kinapapalooban ng matalinhagang
paglalarawan.
o Mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng
konkretong detalye
4. Tekstong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-
sunod mula simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang
makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay
nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging
mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa
kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay,
at iba pa.
5. May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of
view) sa Tekstong Naratibo
a) Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga
tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ako, tayo, akin, at kami.
b) Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng
manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento
kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit
ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
6. c)Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito
ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kay’a
ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga
pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
• Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng
lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat
tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala
ng mga ito sa mga mambabasa.
• Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng
isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o
nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari,
kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
7. d) Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay
hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan
ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang
panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa
bawat kabanata.
8. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento
kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan
sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga
elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong
deskriptibo.
1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng
tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng tauhang
magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lknang ang maaaring
magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang expository at
ang dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag
ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang karaniwang tauhan sa
mga akdang naratibo ay ang sumusunod: