3. ay isang hindi pangkaraniwang babae. Lumaki siya
sa panahong laganap ang diskriminasyon sa mga
tulad niyang African-American subalit
napagtagumpayan niya ang lahat ng mga
pagsubok at masalimuot niyang nakaraan at sa
kabila ng mga ito'y naging mahusay at iginagalang
siyang makata, manunulat, artista, mang-aawit, at
aktibistang tagapagtaguyod ng karapatang sibil
lalo na ng mga kapwa niya African-American.
Isinilang siya noong Abril 4, 1928 sa St. Louis,
Missouri. Nang batà pa siya'y naghiwalay ang
kanyang magulang.
4. • Tumira siya sa kanyang lola sa Stamps, Arkansas kung saan siya
nakaranas ng diskriminasyon nang dahil sa kulay ng kanyang
balát at lahing kinabibilangan. Nang pitong taong gulang siya'y
pinagsamantalahan siya ng kasintahan ng kanyang ina at dahil
dito' y napatay ng kanyang mga tiyuhin ang lalaki.
• Sa labis na trauma sa pangyayaring ito ay naging pipi si Maya
Angelou sa loob ng maraming taon. Maaga siyang naging ina
sa edad na labing-anim kayâ naman napasok siya sa iba't ibang
trabaho upang masuportahan ang sarili at ang anak.
• Kalauna'y naging asawa niya ang Griyegong si Anastasios
Angelopulos,kung kanino niya nakuha ang kanyang pangalan-
ang Maya ay mula sa palayaw niya noong batà pa siya at ang
Angelou ay mula sa pinaikling apelyido ng kanyang asawa.
5. •Nakilala si Maya Angelou sa isinulat niyang
talambuhay na pinamagatang I Know Why the
Caged Bird Sings, ang kauna-unahang di piksiyon
ng isang babaeng African-American na naging New
York Times Best Seller sa loob ng dalawang taon,
isang hindi pangkaraniwang pangyayari para sa
isang aklat. Nakilala rin siya sa obra niyang “On the
Pulse of Morning,"ang tulang binigkas niya sa
inagurasyon ni Pangulong Bill Clinton noong 1993 at
nagpanalo kay Maya ng Grammy Award para sa
husay ng pagkakabigkas sa nasabing tula.
6. •Yumao si Maya Angelou noon lamang Mayo 28,
2014. Ikinalungkot : ipinagluksa ng maraming tao
sa buong mundo maging ng mga kilalang
personalidad ang kanyang pagyao. Maging si
Pangulong Barack Obama / nagpalabas ng
mensahe para sa kanya na nagsabing “siya ay isang
apakahusay na manunulat, mabuting kaibigan, at
isang kahanga-hangang abae. Ipinaaalala ni Maya
Angelou na tayong lahat ay mga anak ng Diyos; at
yong lahat ay may maaaring ialay para sa ating
kapwa."
9. Bakit hindi dapat mandiskrimina at
manghusga ng isang tao nang dahil
lang sa kanyang lahi, kulay ng balat,
itsura o anyo, kasarian at edad?
Paano maiwasan ang diskriminasyon?