SlideShare a Scribd company logo
1 of 59
PAGBASA AT
PAGSURI SA IBAT
IBANG TEKSTO
IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng
babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa.
IMPORMATIBO
Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-
akda ay hindi nakabase sa kanyang opinyon kundi sa
katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin
ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita
sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa
mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia,
gayundin sa iba’t ibang website sa internet.
IMPORMATIBO
Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong
pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon ang tekstong impormatibo.
Layunin ng tekstong ito na magbigay ng mahalagang
impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-
agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay ng
isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay
nakaayos nang sekwensyal at inilahad nang buong linaw
at kaisahan.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan – Sa
uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Mababasa dito an gang pinakamahalagang impormasyon
tulad ng sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang
inilahad.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
2. Pag-uulat pang-impormasyon – Sa uring ito nakalahad
ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol
sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Ito’y nangangailangan ng masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon at delalyeng taglay nito
ay naglalahad ng katotohanan at hindi dapat samahan
ng personal na pananaw o opinion ng manunulat.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
3. Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong
impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
nagana pang isang bagay o pangyayari. Karaniwan itong
ginagamitan ng mga larawan, dayagram,o flowchart na
may kasamang mga paliwanag.
Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at
insekto.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
ito ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng
pang-amoy, panlasa, pandinig,paningin, at pansalat,
itinala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye
na kanyang nararanasan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuuang
larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay
magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-
bagay, pook, tao, o pangyayari. Mauuri ang paglalarawan
sa dalawa: subhetibo at obhetibo.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang
manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa
totoong buhay. Obhetibo naman ang paglalarawan kung
ito’y may pinagbatayang katotohanan.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ang layunin ng tekstong ito ay ang manghikayat
o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
Layunin ng tekstong persuweysib o
nanghihikayat na umapela o mapukaw ang
damdamin ng mambabasa upang makuha ang
simpatiya nito at mahikayat na umayon sa
ideyang inilalahad.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ang tekstong persuweysib o nanghihikayat ay may
subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag
ng manunulat ang kaniyang paniniwalaan at
pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala
ng may-akda.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip
para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at
pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang
tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito
ay ang sumusunod:
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/
Tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay
sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa
salitang “Imahe”.
Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o
kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang
elementong ethos ang magpapasiya kung kapani- paniwala o
dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o
mambabasa ang manunulat.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/
Tagapagsalita
Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang
tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali, maayos
kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang
hangarin. Sa kasalukuyan, nararapat na ring idagdag
ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa
paksang kaniyang ipinaliliwanag.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/
Tagapagsalita
Halimbawa:
Ang isang artistang nanghihikayat ng mga
turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/
Tagapagsalita
 Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa
pangangatwiran. Nangangahulugan din itong
panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o
kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o
mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/
Tagapagsalita
Sa ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga sa lohika
at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang
mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at
pasaklaw (Inductive).
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/
Tagapagsalita
Ngunit para sa karaniwang tagapakinig, kung minsan
ay hindi gaanong nakahihikayat ang masyadong
siyentipiko o teknikal na pagpapaliwanag, kaya nauuwi
ito sa pangangatwirang retorikal sa halip na lohikal.
Halimbawa:
Ang isang taong naghihikayat na bumili ng kanilang
sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa
emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May
kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil
mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay
bunga ng kaniyang pag-iisip.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa
emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May
kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil
mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay
bunga ng kaniyang pag-iisip.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o
iboboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat ay
masusing pinag-iisipan.
.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi
magandang puna o taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at
nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong sabon, ang produktong
ito ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa
katipiran, bossing sa kaputian.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad
upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na
brand
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay
tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
Halimbawa:
Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa
ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng
ebedensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya
ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang
kanyang kapartido.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o
komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay
pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto,
produkto, o serbisyo.
Halimbawa:
1. Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit
at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
2. Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag eendorso
ng kanilang produkto.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng
magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa:
Instant noodles, ang produktong ito ay pinapakita ang
magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito,
nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
PROPAGANDA DEVICES
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang
lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang
pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa:
Buong bayan ay sumali na sa isang organisasyon o
networking site.
TEKSTONG NARATIBO
Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang
maayos na pagkasunod-sunod mula sa simula
hanggang katapusan.
Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng
dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
TEKSTONG NARATIBO
Layunin ng tekstong naratibo ang makapagsalaysay
ng mga pangayayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay-aliw o saya.
 Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng
kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng
pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi
nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at
pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
TEKSTONG NARATIBO
Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa
Tekstong Naratibo
1. Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang
nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng
manunulat ang tauhang pinagagala niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng
unang nagsabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat
sa kanilang pagsasalaysay.
TEKSTONG NARATIBO
Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa
Tekstong Naratibo
3. Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw
na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa
tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya.
Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa
labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang
ganitong uri ng pananaw:
TEKSTONG NARATIBO
Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa
Tekstong Naratibo
 MALADIYOS NA PANAUHAN- nababatid niya ang galaw at iniisip ng
lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at
naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga
mambabasa.
 LIMITADONG PANAUHAN- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng
isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
 TAGAPAG-OBSERBANG PANAUHAN- hindi niya napapasok o nababatid
ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga
nakikita o naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kaniyang isinalaysay.
TEKSTONG NARATIBO
Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa
Tekstong Naratibo
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi lang
iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o
paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung
saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas
mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala
sa bawat kabanata.
TEKSTONG NARATIBO
May Paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa
Tekstong Naratibo
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay
direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng
panipi.
Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging
natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng
mga tauhan.
TEKSTONG NARATIBO
May Paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa
Tekstong Naratibo
 Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat
nagiging mas malinaw sa kaniya ang eksaktong
mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng
pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming
taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang
sasabihin ng tagapagsalaysay.
TEKSTONG NARATIBO
Halimbawa:
“Donato, kakain na, anak, “tawag ni Aling Guada sa
anak na noo’y abalang- abala sa ginagawat hindi halos
napansing nakalapit na pala ang ina sa kaniyang
kinalalagyan. “aba’y kayganda naman nireng ginagawa
mo, anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay
papasok sa
munti nilang kusina.
- Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
TEKSTONG NARATIBO
May Paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa
Tekstong Naratibo
2. Di Direkta o Di Tuwirang Pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi,
iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
 Ito ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng
manunulat, batay sa datos o impormasyong inilatag ng
manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi-
ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong
argumentatibo ang logos.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
• Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda
ang mga argument, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay
ng kanyang posisyon o punto.
Nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na
literatura at pag- aaral, ebidensyang pangkasaysayan at
resulta ng empirikal na pananaliksik.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa
pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam, sarbey at eksperementasyon.
Bernales, Rolando A. 2002. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang TekstoTungo sa Pananaliksik pp. 31 -
35.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA
MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
.
1. PABUOD- Paglalahad muna ng mga halimbawa o
maliliit na ideyang tumatayong pangsuportang kaisipan at
nagtatapos sa isang pangunahing kaisipan.
HAL. 1. Tumulong kami sa paglilinis sa kapaligiran at pagsasabit
sa mga palamuti sa entablado bilang paghahanda sa kapistahan ng
aming barangay.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA
MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
.
2. PASAKLAW-Kabaliktaran ng pabuod. Nagsisimula sa
paglalahad ng pangunahing kaisipan na sinusundan ng
mga pantulong na kaisipang sumusuporta sa naunang
kaisipan.
HAL. 2. Ang Train Law o Tax Reform for Acceleration and
Inclusion ay isang batas na nagbabago sa sistema ng
ating buwis. Napapaloob dito ay ang dagdag sahod,pagtaas ng
presyo ng langis at asukal kasunod sa iba pang bilihin.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA
MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
.
3. LOHIKAL-Naayon sa mga risonableng inaasahan
kaugnay sa mga espisipikong sitwasyon o kaganapan at
ang lohikal na pag-iisip ay isang tao na may maayos na
pag- iisip at consistent.
Hal.
Sa kalikasan natugunan ang pangangailangan ng tao na
nagbibigay sa kanya ng kasiyahan sa buhay.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA
MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
.
4. SILOHISMO-Binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi
a. Pangunahing Premis b. Pangalawang Premis c.
Kongklusyon
Hal.
Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano.
Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko.
Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA
MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
.
5. SANHI AT BUNGA-Pagtalakay sa mga kadahilanan ng
isang bagay o pangyayari at mga epekto nito
 Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga
gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o
resulta.
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
 Nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng isang gawain mula umpisa
hanggang sa katapusan.
Apat na pangunahing bahagi
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
1.Layunin ay tumutukoy sa nais matamo pagkatapos ng
gawain.
2.Mga Kagamitan/Sangkap na gagamitin para
maisakatuparan ang isang gawain.
3.Hakbang o pamamaraan ay ang serye ng
pagkakasunod-sunod sa gawain.
4.Konklusyon/Ebalwasyon na nagbibigay gabay sa mga
mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparang mabuti ang mga hakbangin.
Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
1.Paraan ng pagluluto (Recipes)
 Nagbibigay ng panuto sa mga mambabasa kung paano
magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay
malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at
maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.
Recipe ng adobong manok
Hal.Igisa ang bawang hanggang sa magkulay brown at saka ihalo ang manok
Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
2.Panuto- Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa kung
paano maisasagawa o likhain ang isang bagay
Pagsagot sa isang lagumang pasulit.
Hal.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
3.Panuntunan sa mga laro- Nagbibigay sa mga manlalaro
ng gabay na dapat nilang sundin.
Panuntunan sa paglalaro ng Sepak Takraw
Hal.Bawal hawakan ang bola. Paa, Ulo, Balikat,
Dibdib,Tuhod, Hita at Binti lamang ang maaaring gamitin.
Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
4.Mga ekspiremento- Sa mga eksperimento,tumutuklas
tayo ng mga bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang
nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya
naman kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na
wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain
Karaniwang ginagawa sa Science na asignatura.
Hal. Paggawa ng “Egg Lamp”
Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
TEKSTONG PROSIDYURAL
.
5.Pagbibigay ng direksyon- Mahalagang magbigay tayo
ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na
destinasyon ang ating ginagabayan.
Pagtuturo ng direksyon ng isang lugar.
Hal.Ang bahay nila Ana ay malapit lamang sa palengke.

More Related Content

What's hot

(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
Module 2. lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONS
Module 2.  lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONSModule 2.  lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONS
Module 2. lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONSAngelita Montilla
 
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"majoydrew
 
Konseptong papel. filipino
Konseptong papel. filipino  Konseptong papel. filipino
Konseptong papel. filipino Denzel Flores
 
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptx
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptxQ3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptx
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptxAndreaJeanBurro
 
Anthropological and sociological perspective on culture and society..
Anthropological and sociological perspective on culture and society..Anthropological and sociological perspective on culture and society..
Anthropological and sociological perspective on culture and society..Silvery Gynn Castardo
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Muel Clamor
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatiboREGie3
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangStemGeneroso
 
PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITY
PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITYPHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITY
PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITYAntonio Delgado
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoSarah Jane Reyes
 
Mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik
Mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksikMga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik
Mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksikJocelle
 
Social media at internet
Social media at internetSocial media at internet
Social media at internetRezifrans
 

What's hot (20)

Teskstong Naratibo
Teskstong NaratiboTeskstong Naratibo
Teskstong Naratibo
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Module 2. lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONS
Module 2.  lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONSModule 2.  lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONS
Module 2. lesson 4: THE NON-STATE INSTITUTIONS
 
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptxPagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
 
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
Mga uri ng pananaliksik "filipino11"
 
Tekstong Prosidyural
Tekstong ProsidyuralTekstong Prosidyural
Tekstong Prosidyural
 
Konseptong papel. filipino
Konseptong papel. filipino  Konseptong papel. filipino
Konseptong papel. filipino
 
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptxTEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
 
Claims of-policy
Claims of-policyClaims of-policy
Claims of-policy
 
Pagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng ReaksiyonPagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng Reaksiyon
 
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptx
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptxQ3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptx
Q3 ARALIN 5 Tekstong persuweysib.pptx
 
Anthropological and sociological perspective on culture and society..
Anthropological and sociological perspective on culture and society..Anthropological and sociological perspective on culture and society..
Anthropological and sociological perspective on culture and society..
 
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
Etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITY
PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITYPHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITY
PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON - INTERSUBJECTIVITY
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
 
Mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik
Mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksikMga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik
Mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik
 
Social media at internet
Social media at internetSocial media at internet
Social media at internet
 

Similar to NAT-Pagbasa-at-pagsuri-sa-ibat-ibang-teksto.pptx

Tekstong-Persweysib.pptx
Tekstong-Persweysib.pptxTekstong-Persweysib.pptx
Tekstong-Persweysib.pptxZeroTwo663166
 
Ibat ibang uri ng teksto
Ibat ibang uri ng tekstoIbat ibang uri ng teksto
Ibat ibang uri ng tekstoMycz Doña
 
Tekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptx
Tekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptxTekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptx
Tekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptxQuennieJaneCaballero
 
Tekstong Persuweysib o uri ng mga Tekstong
Tekstong Persuweysib o uri ng mga  TekstongTekstong Persuweysib o uri ng mga  Tekstong
Tekstong Persuweysib o uri ng mga TekstongAshleyRelente
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng PagpapahayagLeanneAguilarVillega
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxAntonetteAlbina3
 
Mga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfMga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfRonaMaeRubio
 
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBTEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBRONELMABINI
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxMangalinoReyshe
 
pagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuu
pagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuupagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuu
pagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuuMarkAngeloDelaPea1
 
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptxAralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptxDominicMacatangay
 
aralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptx
aralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptxaralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptx
aralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptxferdinandsanbuenaven
 
IBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptx
IBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptxIBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptx
IBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptxSerranoLouie
 
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptxPANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptxgladysmaaarquezramos
 
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptxPAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptxKathreenIelDeVera
 

Similar to NAT-Pagbasa-at-pagsuri-sa-ibat-ibang-teksto.pptx (20)

ARALIN 3.pptx
ARALIN 3.pptxARALIN 3.pptx
ARALIN 3.pptx
 
Tekstong-Persweysib.pptx
Tekstong-Persweysib.pptxTekstong-Persweysib.pptx
Tekstong-Persweysib.pptx
 
Ibat ibang uri ng teksto
Ibat ibang uri ng tekstoIbat ibang uri ng teksto
Ibat ibang uri ng teksto
 
Tekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptx
Tekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptxTekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptx
Tekstong Persuweysib grade 12 pagbasa at pananaliksik.pptx
 
Module_F2_week 7.pdf
Module_F2_week 7.pdfModule_F2_week 7.pdf
Module_F2_week 7.pdf
 
Tekstong Persuweysib o uri ng mga Tekstong
Tekstong Persuweysib o uri ng mga  TekstongTekstong Persuweysib o uri ng mga  Tekstong
Tekstong Persuweysib o uri ng mga Tekstong
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
 
Mga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfMga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdf
 
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBTEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
 
pagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuu
pagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuupagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuu
pagbasa-mpormatibo.pptxbsjsisjshsjsjwmwjwsuu
 
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptxAralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
 
FIL1
FIL1FIL1
FIL1
 
ARALIN 3.pptx
ARALIN 3.pptxARALIN 3.pptx
ARALIN 3.pptx
 
aralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptx
aralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptxaralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptx
aralin3-grade 11 pagbasa at pagsusuri.pptx
 
IBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptx
IBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptxIBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptx
IBAT-IBANG-URI-NG-TEKSTO.pptx
 
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptxPANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
 
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptxPAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
 
Talumpati.pptx
Talumpati.pptxTalumpati.pptx
Talumpati.pptx
 

NAT-Pagbasa-at-pagsuri-sa-ibat-ibang-teksto.pptx

  • 1. PAGBASA AT PAGSURI SA IBAT IBANG TEKSTO
  • 2. IMPORMATIBO Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
  • 3. IMPORMATIBO Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may- akda ay hindi nakabase sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.
  • 4. IMPORMATIBO Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin ng tekstong ito na magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam- agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay ng isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sekwensyal at inilahad nang buong linaw at kaisahan.
  • 5. URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO 1. Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan – Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Mababasa dito an gang pinakamahalagang impormasyon tulad ng sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilahad.
  • 6. URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO 2. Pag-uulat pang-impormasyon – Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ito’y nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at delalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinion ng manunulat.
  • 7. URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO 3. Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit nagana pang isang bagay o pangyayari. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram,o flowchart na may kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto.
  • 8.
  • 9. TEKSTONG DESKRIPTIBO ito ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig,paningin, at pansalat, itinala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.
  • 10. TEKSTONG DESKRIPTIBO Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay- bagay, pook, tao, o pangyayari. Mauuri ang paglalarawan sa dalawa: subhetibo at obhetibo.
  • 11. TEKSTONG DESKRIPTIBO Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.
  • 12.
  • 13.
  • 14. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ang layunin ng tekstong ito ay ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Layunin ng tekstong persuweysib o nanghihikayat na umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.
  • 15. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ang tekstong persuweysib o nanghihikayat ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kaniyang paniniwalaan at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
  • 16. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
  • 17. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani- paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat.
  • 18. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin. Sa kasalukuyan, nararapat na ring idagdag ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paksang kaniyang ipinaliliwanag.
  • 19. TEKSTONG PERSUWEYSIB Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Halimbawa: Ang isang artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.
  • 20. TEKSTONG PERSUWEYSIB Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita  Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
  • 21. TEKSTONG PERSUWEYSIB Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita Sa ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive).
  • 22. TEKSTONG PERSUWEYSIB Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita Ngunit para sa karaniwang tagapakinig, kung minsan ay hindi gaanong nakahihikayat ang masyadong siyentipiko o teknikal na pagpapaliwanag, kaya nauuwi ito sa pangangatwirang retorikal sa halip na lohikal. Halimbawa: Ang isang taong naghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi.
  • 23. TEKSTONG PERSUWEYSIB Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
  • 24. TEKSTONG PERSUWEYSIB Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
  • 25.
  • 26. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. .
  • 27. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. Halimbawa: Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
  • 28. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong sabon, ang produktong ito ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
  • 29. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand
  • 30. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto. Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebedensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
  • 31. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. Halimbawa: 1. Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap. 2. Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag eendorso ng kanilang produkto.
  • 32. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Instant noodles, ang produktong ito ay pinapakita ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
  • 33. TEKSTONG PERSUWEYSIB PROPAGANDA DEVICES 7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay sumali na sa isang organisasyon o networking site.
  • 34. TEKSTONG NARATIBO Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang maayos na pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan. Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
  • 35. TEKSTONG NARATIBO Layunin ng tekstong naratibo ang makapagsalaysay ng mga pangayayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.  Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
  • 36. TEKSTONG NARATIBO Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo 1. Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako. 2. Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagala niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nagsabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
  • 37. TEKSTONG NARATIBO Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo 3. Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
  • 38. TEKSTONG NARATIBO Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo  MALADIYOS NA PANAUHAN- nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.  LIMITADONG PANAUHAN- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.  TAGAPAG-OBSERBANG PANAUHAN- hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang isinalaysay.
  • 39. TEKSTONG NARATIBO Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo 4. Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
  • 40. TEKSTONG NARATIBO May Paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan.
  • 41. TEKSTONG NARATIBO May Paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo  Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kaniya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.
  • 42. TEKSTONG NARATIBO Halimbawa: “Donato, kakain na, anak, “tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang- abala sa ginagawat hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kaniyang kinalalagyan. “aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha? Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina. - Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
  • 43. TEKSTONG NARATIBO May Paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo 2. Di Direkta o Di Tuwirang Pagpapahayag Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
  • 44.
  • 45.  Ito ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi- ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos. TEKSTONG ARGUMENTATIBO • Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argument, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
  • 46. Nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na literatura at pag- aaral, ebidensyang pangkasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik. TEKSTONG ARGUMENTATIBO Empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperementasyon. Bernales, Rolando A. 2002. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang TekstoTungo sa Pananaliksik pp. 31 - 35.
  • 47. MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO . 1. PABUOD- Paglalahad muna ng mga halimbawa o maliliit na ideyang tumatayong pangsuportang kaisipan at nagtatapos sa isang pangunahing kaisipan. HAL. 1. Tumulong kami sa paglilinis sa kapaligiran at pagsasabit sa mga palamuti sa entablado bilang paghahanda sa kapistahan ng aming barangay.
  • 48. MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO . 2. PASAKLAW-Kabaliktaran ng pabuod. Nagsisimula sa paglalahad ng pangunahing kaisipan na sinusundan ng mga pantulong na kaisipang sumusuporta sa naunang kaisipan. HAL. 2. Ang Train Law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion ay isang batas na nagbabago sa sistema ng ating buwis. Napapaloob dito ay ang dagdag sahod,pagtaas ng presyo ng langis at asukal kasunod sa iba pang bilihin.
  • 49. MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO . 3. LOHIKAL-Naayon sa mga risonableng inaasahan kaugnay sa mga espisipikong sitwasyon o kaganapan at ang lohikal na pag-iisip ay isang tao na may maayos na pag- iisip at consistent. Hal. Sa kalikasan natugunan ang pangangailangan ng tao na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan sa buhay.
  • 50. MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO . 4. SILOHISMO-Binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi a. Pangunahing Premis b. Pangalawang Premis c. Kongklusyon Hal. Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano. Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko. Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano.
  • 51. MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO . 5. SANHI AT BUNGA-Pagtalakay sa mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at mga epekto nito
  • 52.
  • 53.  Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta. TEKSTONG PROSIDYURAL .  Nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng isang gawain mula umpisa hanggang sa katapusan.
  • 54. Apat na pangunahing bahagi TEKSTONG PROSIDYURAL . 1.Layunin ay tumutukoy sa nais matamo pagkatapos ng gawain. 2.Mga Kagamitan/Sangkap na gagamitin para maisakatuparan ang isang gawain. 3.Hakbang o pamamaraan ay ang serye ng pagkakasunod-sunod sa gawain. 4.Konklusyon/Ebalwasyon na nagbibigay gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang mga hakbangin.
  • 55. Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural TEKSTONG PROSIDYURAL . 1.Paraan ng pagluluto (Recipes)  Nagbibigay ng panuto sa mga mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan. Recipe ng adobong manok Hal.Igisa ang bawang hanggang sa magkulay brown at saka ihalo ang manok
  • 56. Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural TEKSTONG PROSIDYURAL . 2.Panuto- Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa kung paano maisasagawa o likhain ang isang bagay Pagsagot sa isang lagumang pasulit. Hal.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
  • 57. Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural TEKSTONG PROSIDYURAL . 3.Panuntunan sa mga laro- Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin. Panuntunan sa paglalaro ng Sepak Takraw Hal.Bawal hawakan ang bola. Paa, Ulo, Balikat, Dibdib,Tuhod, Hita at Binti lamang ang maaaring gamitin.
  • 58. Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural TEKSTONG PROSIDYURAL . 4.Mga ekspiremento- Sa mga eksperimento,tumutuklas tayo ng mga bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain Karaniwang ginagawa sa Science na asignatura. Hal. Paggawa ng “Egg Lamp”
  • 59. Ibat ibang Uri ng Tekstong Prosidyural TEKSTONG PROSIDYURAL . 5.Pagbibigay ng direksyon- Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan. Pagtuturo ng direksyon ng isang lugar. Hal.Ang bahay nila Ana ay malapit lamang sa palengke.