2. • nagmula sa dalawang salita, sanay at
pagsasalaysay. Ito ay isang piraso ng sulatin na
kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw ) ng may-akda.
• Ito rin ay komposisyon na prosa na may iisang
diwa at pananaw.
• Ito rin ay sistematikong paraan upang
maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari.
3. • Ayon naman kay Genoveva Edroza- Matute,
ang sanaysay ay pagtataya sa isang paksa
sa paraang tuluyan at sa malayang
paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-
kuro, palagay at ng kasiyahan ng
sumusulat, upang umaliw, magbigay-
kaalaman o magturo.
4. DALAWANG URI NG SANAYSAY:
• Pormal - na tumatalakay sa mga
seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-
aaral at malalim na pagkaunawa
sa paksa.
6. Di-Pormal - ay tumatalakay naman
sa mga paksang magaan,
karaniwan, pang-araw-araw at
personal. Ito rin ay nagtataglay ng
opinion, kuro-kuro at paglalarawan
ng isang may-akda.
7. BAHAGI NG SANAYSAY:
PANIMULA - Sa bahaging ito inilalahad
ang pangunahing kaisipan o pananaw
ng may akda at kung bakit mahalaga
ang paksang tinatalakay.
8. GITNA O KATAWAN - Inilalahad sa
bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw
kaugnay ng tinalakay na paksa
upang patunayan o suportahan ang
inilahad na pangunahing kaisipan.
9. WAKAS - Nakapaloob sa bahaging
ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya
tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katuwirang
inisa-isa sa bahaging gitna.
10. MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Tema - Ang tema ay ang sinasabi
ng isang akda tungkol sa isang
paksa. Bawat bahagi ng akda ay
nagpapalinaw ng temang ito.
11. Anyo at Estruktura - ang maayos
na pagkakasunud-sunod ng
ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa
sa pag-unawa sa sanaysay.
12. Kaisipan - mga ideyang
nabanggit na kaugnay o
nagpapalinaw sa tema.
13. Wika at Estilo - ang uri at antas ng
wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaapekto rin sa pag-unawa ng
mambabasa, higit na mabuting
gumamit ng simple, natural at
matapat na mga pahayag.
14. Larawan ng Buhay - nailalarawan
ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay,
masining na paglalahad
gumagamit ng sariling himig ang
may akda.
15. Damdamin - naipapahayag ng isang
magaling na may akda ang
kanyang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhan sa
paraang may kalawakan at
kaganapan.
16. Himig - nagpapahiwatig ng
kulay o kalikasan ng
damdamin. Maaaring
masaya, malungkot,
mapanudyo at iba pa.
17. Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya,
pangungusap, at detalye. Ito ay binubuo ng
pangunahing ideya at mga pansuportang ideya
o detalye. Nagagawang malinaw ang isang
masalimuot na paksa sa pamamagitan ng
mga pangungusap na tiyakang sumusuporta
sa pangunahing ideya.
18. Ang pangunahing ideya ay paksang
pangungusap na batayan ng mga detalyeng
inilahad sa teksto. Ito ay maaaring
matagpuan sa introduksyon, katawan o
kongklusyong bahagi ng teksto. May mga
pagkakataon naman na ang pangunahing
ideya ay hindi tuwirang binangggit sa
teksto.
19. Samantala, ang pansuportang ideya
ay mga detalyeng may kaugnayan
sa paksang pangungusap upang
lubusang maunawaan ang kaisipan
ng teksto.
21. Ayon kay Bernales (2009), ang
diskursong panghihikayat ay nakatuon
sa pgbibigay ng isang sapat at
matibay na pagpapaliwanag ng isang
isyu o panig upang makahikayat ng
mambabasa o tagapakinig.
22. Ito ay larangan ng pagpapatalas
ng kaisipan tungo sa
pagpapatibay ng paniniwala o
paninindigan (Cabrera, 2008).
25. ARGUMENTO ay ang paglalatag ng mga
dahilan at ebidensiya upang maging
makatwiran ang iyong panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik
at talas ng pagsusuri sa proposisyon
upang makapgbigay ng mahusay na
argumento.