4. •Ang pagsasalin (pagsasalinwika) ay
ang gawain ng pagpapaunawa ng
mga kahulugan ng panitik (teksto),
at ng kinalabasang paglikha ng
katumbas na teksto – na tinatawag
na salinwika – na naghahatid ng
kaparehong mensahe na nasa
ibang wika.
5. •“Ang pagsasaling-wika ay muling
paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas
ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng
wika, una’y batay sa kahulugan, at
ikalawa’y batay sa istilo.”
7. 1.Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o
magsaliksik upang mapag-aralan ito at
magkaroon nang mas malawak na kaalaman
sa paksa ng tekstong isasalin.
2.Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng
teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang
ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala
ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y
tandaang hindi ka basta magpapa-
paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo
dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya
o mensahe ng iyong isinasalin.
8. 3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan
o mensahe at hindi lang mga salita.
Makatutulong ang malawak na kaalaman ng
isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa
wikang pagsasalinan.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling
maunawaan ng mambabasa. Mainam kung
ang mga salitang gagamitin ay lubos mong
nauunawaan ang kahulugan at tiyak na
mauunawaan din ng mga mambabasa upang
higit na maging natural o malapit ang orihinal
9. 5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang
pinagsalinan o sa isang katutubong
nagsasalita ng wika ang iyong isinalin.
6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman
sa genre ng akdang isasalin.
Makatutulong sa epektibong pagsasalin
ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre
ng kinabibilangan ng isasalin.
10. 7. Isaalang-alang ang kultura at
konteksto ng wikang isasalin at
ng pagsasalinan.
8. Ang pagiging mahusay na
tagapagsalin ay nalilinang sa
pagdaan ng panahon at
pagbubuti ng karanasan.
12. •Ang
isang anekdota (Ingles: anecdote) ay
"isang salaysay na may punto", tulad
ng pagbabatid ng isang ideyang
mahirap unawain tungkol sa isang
tao, lugar, o bagay sa pamamagitan
ng konkretong mga detalye ng isang
maikling kuwento o upang kilalanin sa
pamamagitan ng paglalarawan ng
isang partikular na ugaling hindi
inaasahan o mga katangian.
13. • Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng
isang nakawiwili, nakalilibang o patalambuhay
na pangyayari. Nagagamit din ito sa talumpati
lalo na sa pagsisimula o sa pagwawakas o kung
may puntos na nais bigyan ng diin ng
tagapagsalita.
• Ang anekdota ay maaari ring personal o
pangyayari sa buhay ng manunulat o
mananalumpati. Sa pamamagitan nito
maipasisilip nila ang isang bahagi ng kanilang
buhay na maaaring kapulutan ng aral.
14. •Maaring totoo o kathang-isip ang
mga anekdota; karaniwang tampok
ng mga gawang pampanitikan ang
anekdotikong paglilihis at kahit ang
mga anekdotang pasalita ay tipikal
na kinakasangkutan ng banayad na
pagpapahigit sa katotohanan at
drama upang libangin ang mga
nakikinig.
15. •Laging pinapakita ang anekdota
bilang ang pagsasalaysay ng isang
insidente na kinabibilangan ng
aktuwal na mga tao at kadalasang
sa isang tukoy na lugar.