Filipino 8 Lesson
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ang diwang Kristyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o ng isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal samagulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Ang awit ay may
May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
Halimbawa nito ang Florante at Laura.
Ang korido ay may
May walong pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para basahin, hindi awitin.
Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng isang korido ang Ibong Adarna.
2. Ama, maraming salamat sa araw na
Inyong ipinagkaloob sa amin. Naway
gabayan Mo kami sa aming pag-aaral
at pati na rin sa aming kanya-
kaniyang landas na tatahakin. Ito ang
aming ipinagdarasal, sa ngalan ng
Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo.
Amen.
3.
4.
5.
6. Bago ang
Talakayan
Pahayag
Pagkatapos ng
Talakayan
1. Ang sanaysay at ang talumpati ay magkakaugnay. Ang pagkakaiba
lamang at isinusulat ang sanaysay na patalumpati at binibigkas ang
talumpati.
2. May dalawang uri ng sanaysay.
3. Ayon kay Manuel L. Quezon, mahalaga ang wika sa bawat bansa.
4. Isa sa mga paraan ng pagpapahayag ay ang paglalarawan.
5. Ang pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito
nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
6. Ang paglalahad ay hindi uri ng pagpapahayag ngunit ito ay isang
bahagi ng pangangatwiran.
7. Ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masususing pag-aaral at malalim na pagkaunawa
sa paksa.
8. Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang magaan,
karaniwan, pang- araw-araw at personal.
9. Isa sa katangiang dapat taglayin ng isang mabuting mananaysay ay
ang may malawak na kaalaman o karanasan sa paksa.
10. Ang salitang sanaysay ay mula sa salitang latin na exagium.
7.
8. 1. Ano ang kadahilanan ng pagkakaroon natin ng maraming
dayalekto?
2. Ano ang mga suliraning kinaharap ng mga ninuno natin sa
pagkakaroon ng maraming dayalekto?
3. Sa palagay mo kaya sa karamihan ng pulo natin sa
Pilipinas, paano napagbuklod-buklod ng wika ang ating
kalayaan?
4. Ano ang naging epekto ng pagkakaroon natin ng
pambansang wika?
12. SANAYSAY
Salitang likha ni Alejandro G. Abadilla
“pagsasalaysay ng isang sanay”
“nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay”
Malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-
kuro ng isang manunulat
Mahalaga ang pagsulat at pagbasa nito dahil natututo ang
mambabasa mula sa inilahad ng manunulat.
13. Dalawang
Uri
•Pormal
•Di-Pormal
Katangiang
Dapat
Taglayin
ng
Mabuting
Mananalaysay
• May malawak na
kaalaman o karanasan sa
paksa.
• Nagagamit ang wika nang
wasto at mabisa.
• Nakapipili ng mabuti at
mabisang estilo ng
paglalahad ng ideya.
• Malinaw at hindi matipid
sa pagpapaliwanag ng
kaisipan at kaalaman ukol
sa paksa.
• May kakayahang
pumukaw o manghikayat
ng mambabasa.
Iba’t-ibang
Paraan
ng
Pagpapahayag
•Paglalahad
•Pag-iisa-isa
•Paghahambing
at
Pagsasalungata
n
•Pagsusuri
•Sanhi at Bunga
•Pagbibigay
Halimbawa
•Paglalarawan
14. 1. PORMAL O MAANYO, O IMPERSONAL
Ang salaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal—kung ito'y
maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay. Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan.
2. DI-PORMAL, O PAMILYAR O PALAGAYAN
Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang
mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng
may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya.
Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, kaya magaan at
madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing
gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng
may-akda ang pananaw.
15. Ang isang mananalaysay ayon kay Abadilla (1998) ay
kinakailangan na magtaglay ng sumusunod na mga katangian:
May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa.
Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
Nakapipili ng mabuti at mabisang estilo ng paglalahad ng
ideya.
Malinaw at hindi matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan
at kaalaman ukol sa paksa.
May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.
16. Sa pagsulat ng isang sanaysay ay
kinakailangan na magkaroon ng kakayahan ang
manulat ng angkop na kasanayan sa iba’t ibang
paraan ng pagpapahayag. Sa bahaging ito ay
nagbahagi si Jose Villa Panganibal (1982) sa
kanyang aklat na Masining na Pagpapahayag
ng iba’t ibang paraan sa pagpapahayag.
17. Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-
kaalaman o pakahulugan, at nagsusuri upang lubos
na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot
ng nagsasalita sa manunulat.
Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungan
kung ano ang katuturan ng isang bagay o salita, kung
paano ang pagsasagawa ng isang bagay, kung ano
ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.
18. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o
sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng
mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng
mga ito. Dito ay malinaw na naipakikita ang mga dahilan at
bunga ng mga pangyayari.
Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng
magkatuad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang paraang
ito ang pinakamalimit na gamitin.
19. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o
bagay-bagay na nakaaapekto sa isang sitwasyon at
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at
kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito
madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o
nakikinig ang mga pangyayari.
20. Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang ibibigay
na halimbawa.
Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang
naglalarawan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na
naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari
na ating nakita, narinig o nadarama.
21.
22. Wikang Pambansa
ni Manuel L. Quezon
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling
wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa
kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam
kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang
kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging
Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino.
Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan
ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang
pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa.
Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga
Bisaya, Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang
katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang
ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong
wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.
23. 1. Ano ang naging suliranin ng ating bansa sa di-
pagkakaroon ng wikang pambansa?
2. Ano ang naisip na paraan ni Manuel L. Quezon
upang malutas ang suliraning ito?
3.Bakit ginusto ni Manuel L. Quezon na
magkaroon ng pambansang wika ang ating
bansa?
4.Batay sa nabasa, anong uri ito ng sanaysay?
5.Aling paraan ng pagpapahayag ang ginamit?
24. Goal- Pagsulat ng isang orihinal na sanaysay na may 2 hanggat apat na
talata sa alinmang uring tinalakay. Ang tema ay pagmamahal sa bayan.
Role - Mananalaysay
Audience - Mga Kapwa Mag-aaral
Situation - Bukod sa pagsulat ng sanaysay ay kailangang bigkasin rin ito
sa harap ng kaklase upang higit na maipadama sa mga manonood kung
gaano kabisa at kaganda ang nabuo mong sanaysay. Gamitin ang rubrik na
kalakip bilang pamantayan sa pagmarka.
Product - Sulat Bigkas
27. Ano ang mga mahalagang
bagay na inyong
natutunan sa ating
sesyon ngayon?
28.
29. Para sa mga hindi makakapagpresenta
sa kanilang mga ginawang Sanaysay,
ipo-post ng mga mag-aaral ang kanilang
output sa kani-kanilang Facebook
accounts. Mangyaring i-tag nila ang
kanilang kamag-aral at guro gamit ang
#BayanKoMahalKo.
30. Ama, maraming salamat sa mga
nadagdag na kaalaman ngayong araw na
ito. Wala kaming magawa kung wala Ka,
kung kaya huwag Mo kaming
pababayaan sa aming pag-aaral at pati
na rin sa aming kanya-kaniyang landas
na tatahakin. Ito ang aming
ipinagdarasal, sa ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espirito Santo. Amen.