SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
1. Dulang Patula Filipino 4 Sr. Lilibeth O. Cajes,sm
2. Larong Patula 1. Karagatan 2. Duplo 3. Juego de Prenda/ Ensilada
3. Dulang Panlibangan 1. Karilyo – Pagpapagalaw ng anino ng mga pirapirasong kartong hugis-tao sa likod ng kumot na puti na may ilaw. Habang
pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng
kurido, awit, dulang panrelihiyon o alamat. Karilyo- Maynila, Rizal,
Batangas at Laguna Titires – Ilocos Norte, Pangasinan, Bataan, Capiz,
Negros Gagalo o Kikimut – Pampanga, Tarlac Aliala – La Union
4. Dulang Panlibangan 2. Senaculo – nagsasalaysay ng buhay at
kamatayan nin Hesukristo. Ito ay Pasyong itinatanghal sa entablado. 3.
“Sugat” o Salubong – ito ay ginaganap tuwing Araw ng Pagkabuhay ni
Hesuskristo. Ang salubong ay tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen
Maria at ni Hesukristo. May awitan ng mga anghel at pagpupuring tula at
awitin na sinasambit. Hanggang sa kasalukuyan ang tradisyong ito pa rin
ay buhay at ginagawa sa Pilipinas.
5. Dulang Panlibangan 4. Tibag – pagtatanghal tuwing Buwan ng Mayo, sa
paghahanap ni Reyna Elena sa Krus na pinagpakuan kay Kristo 5. Flores
de Mayo (Santa Cruzan)– pagpaparada sa krus na pinagpakuan ni Hesus
sa lansangan at paghahatid nito sa simbahan. Marangyang parada ng mga
sagala at konsorte na kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa bibliya.
6. Dulang Panlibangan 6.Panunuluyan – isinasagawa bago mag- alas-12
ng gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ni
Maria at Jose upang iluwal ang sanggol na si Hesus. 7. Panubong –
mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o
kapistahan.Masasaksihan ito sa Quezon at sa Marinduque
7. Dulang Panlibangan 8. Pangaluluwa – dulang panrelihiyon na isinagawa
tuwing Araw ng mga Patay (Todos Los Santos). Bisperas pa lang (Oct 31)
ay gumagala na ang mga kaluluwa at bumibisita sa mga bahay-bahay at
humihingi ng limos habang kumakanta.
8. Dulang Panlibangan 9. Moriones – ( Mindoro at Marinduque) ginaganap
tuwing mahal na araw. Miyerkules hanggang biyernes santo. Nagsusuot na
maskarang may iba’ibang kulay. Kumakatawan ito sa Senturyong Romano
. Pinakabayani si Longinus, taong bulag ang isang mata na gumaling nang
matuluan ng dugo ni Hesus nang tinusok ng sibat si Hesus sa krus.
9. Dulang Panlibangan 10. Moro-moro – Itinatanghal sa entablado tuwing
araw ng Pista upang magdulot ng aliw. Itinatanghal ang pag-aaway ng
Muslim at Kristiyano . 11. Sarswela (Zarzuela)- komedya o melodramang
may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at naghihinggil sa mga
punong damdamin ng tao- pag-ibig, kapopootan, paghihiganti, kasakiman,
kalupitan o suliraning panlipunan o pampulitika.
10. Tulang Panromansa (Metrical Romance) Awit - isang uri ng tulang
pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na
ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na
dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa). Inilalahad ng awit
ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa
magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan.
11. Tulang Panromansa (Metrical Romance) Korido -binabaybay na
'Corrido' noong panahon ng Espanyol. Mahabang salaysay na nasa berso
(patula) na itinatanghal ang katangiang (karangalan, katapangan,
pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng mga dugong bughaw. Nagtataglay
kung minsan ng mga hindi kapani-paniwalang saysay.
12. Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido: AWIT KORIDO Mabagal ang bigkas
Mabilis ang bigkas 12 pantig 8 pantig Saliw ng gitara o bandurya kumpas
na martsa May kapani-paniwalang daloy ng kwento Kinawiwilihan dahil sa
mga mala- pantasyang temang taglay
13. Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni
Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de
la Cruz, Mariang Kalabasa Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clarian Mga
Halimbawa ng Awit
14. Ibong Adarna Don Juan Teñoso Salita at Buhay ni Mariang Alimango,
Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla
Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas Mga Halimbawa ng Korido
15. • Sangguniang Aklat: • a. Panitikan ng Lahi, Belvez • b. Panitikan ng
Pilipinas, Tumangan • c. Panitikang Panrehiyon ng Pilipinas, Villafuerte • d.
Panitikang Antolohiya, Arrogante • e. Panitikang Filipino , Salazar

. Kaligirang Panlipunan ng Pilipinas sa
Panahon ng Okupasyon ng mga Hapon
Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang kanilang propaganda na ang mga
hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyang magpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas
ang propagandang kanilang pinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot
ng mga Pilipino sa kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay ng mga dumanas ng
karahasan--- pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga kaanak at panggagahasa.[1]
Mayroong pinaniniwalaang tatlong pangunahing dahilan para sakupin ng mga Hapones ang
Pilipinas. Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga hapon mula sa mga US military bases.
Kinailangan nilang pigilin ito sa pamamgitan ng pagsakop sa Pilipinas na lumalabas na isang teritoryo ng
Amerika sa panahong iyon. Ikalawa, ang Pilipinas ay nasa tugmang posisyon sa Timog-Silangang Asya
na kinakailangan ng mga Hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan. Makakatulong din ng malaki ito
sa pagprotekta ng kanilang mga supply lines at para palakasin ang depensa ng hukbong hapon. At ikatlo,
sa Pilipinas matatgpuan ang mga hilaw na materyales na kailangan ng bansang hapon para sa
digmaan.[2]Ang lahat ng ito ay para sa itatagauyod ng depensang pangmilitar ng mga haon at siyang
kumukontrol sa pamamahala ng Pilipinas.[3]
Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto nga Pilipino gaya ng respetong binigay ng mga
ito sa mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuha ang simpatya ng mga Pilipino. Sinasabing gawa
ng mahabang panahon ng pagkababad sa kulturang kanluranin ang mga Pilipino ay nakalimot na sa
kanyang pagiging Asyano. Gayundin, ang pagiging highly literate ng mga Pilipino ay nagsilbing sagabal
sa pagsakop ng hindi lamang bansa gayundin ng kamalayan ng mga Pilipino. Ang problemang ito ang
nagbunsod sa pagkabuo ng isang cultural policy sa panahon ng pananakop ng Japanese Invasion Army.
Nakapaloob sa cultural policy na ito ang paglalatag ng mga programa na makakatulong sa
ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-Hapon. Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagpapatuloy ng
pamahahala ng mga Pilipino ng sariling gobyerno ngunit kumikilala sa hapon [4] bilang bagong
mananakop. At bilang pampalubag-loob ay idineklara ni Prime Minister Hideki Tojo na ibabalik ang
kasarinlang hinihiling ng mga Pilipino kung makikipagtulungan na ng lubusan ang mga Pilipino sa mga
Hapon.[5] Kabilang din sa polisiyang ito ang pagtatatag ng Bagong Pilipinas o New Philippines.[6] Ang
unang hakbang na kinakailangan ay ang paglalatag ng mga pundasyong ispirituwal na siyang sentro ng
kultura at siyang tanging sandigan ng politika, ekonomiya, industriya at edukasyon ng bansa. [7]
Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ito, ninais ng mga Hapon
na makontrol ang kaisipan ng mga Pilipino at ito’y sa pamamagitan ng pagmanipula sa edukasyon. Ang
Ang Administrasyong Pangmilitar ay nag-isyu ng Order No. 2 noong 1942 na naglalayong na baguhin
ang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. [8] Kasama sa mga kautusang ito ang
pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaari pang mabura sa isipan ng mga Pilipino ang
Ingles.[9] Nais ng mga Hapon na madebelop sa mga Pilipino ang ideyang ang mga Hapon ang siyang
makapangyarihang lider sa Asya. Noong panahong iyon ay idineklarang opisyal na wika ang Niponggo
kasama ng Tagalog at idinagdag sa mga curriculum sa mga paaralan.[10]
Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mga Pilipino ng kaisipang
maka-Pilipino at maka-Asyano. Nagagawa ng mga kampanya na sumusuporta sa paggamit ng Tagalog
bilang pamansang wika. Ang wikang Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga aklat o
anumang nagpapakita ng suporta sa Amerika ay sinesensor.
Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan sa panahong iyon. Sa
sobrang higpit nito ay maraming mga literary periodicals ang napahinto sa paglalathala. Dahil sa pagliit
ng bilang ng mga peryodiko ay nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdang pampanitikan
sa Ingles. Taliwas naman ito sa lubos na pagyabong ng mga akdang pampanitikang Tagalog. Mas
lamang ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat supotado ito ng mga Hapon. Walang
puwang sa paglalathala ang mga akdang pampanitikan sa Ingles kung kaya’t maraming mga manunulat
sa Ingles ang lumipat sa pagsusulat sa Tagalog para lamang makapagpalathala.
Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagpasok ng mga Hollywood movies sa Pilipinas. Tanging mga
lumang pelikulang Ingles at Tagalog lamang ang paulit-ulit na ipinapalabas. Nagpalabas din ng mga
Pelikulang Hapon. Samantala ang industriya ng pelikula sa panahong iyon ay baldado mula sa paggawa
ng mga bagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga pelikula ang nagbigay-daan sa pagyabong ng
Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay nagbunsod sa masiglang panahon ng Tanghalang
Pilipino.[11]

II. Ang Dulaang Pilipino sa Ilalim ng
Okupasyon ng mga Hapon
Mayroong dalawang uri ng dula ang nadebelop sa panahong iyon, ang legitimate atillegitimate.
Ngunit ito ay batay sa pagtataya ng mga tradisyunal. Ang legitimate plays ay binubuo ng mga dulang
susmusunod sa kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal nito samantala sa illegitimate plays naman
pabilang ang mga stageshows.[12]
Ang paggamit sa live stageshows bilang entertainment ng Japanese Propaganda Corps, na
binubuo ng mga sibilyan na inaatasang manipulahin ang kultura ng mga nasasakupang bansa ng mga
Hapon, ay nagging matagumpay lalo na sa pagtagos sa kamalayan ng mga Pilipino. Kasama sa
propagandang ito ang pagtatayo ng mga Revue Companies sa bansa sa pangunguna ni Hidemi Kon ng
Japanese Propaganda Corps. Kinuha niya ang isang Italian national na si Carpi [13] upang mag-organisa
ng isang kompanya na magtatanghal sa iba’t ibang bahagi ng bansa at pinangalanan itongInternational
Revue Company na binubuo ng iba’t ibang nasyonalidad ng mga artista.
Ang mga artista sa pelikula ay nagbuo rin ng kanilang mga sariling grupo ng revue company at
nagsimulang magpalabas sa kalagitnaan ng taong 1942. Noong una ang mga stageshows ay
mgamusical variety shows lamang na binubuo ng mga kantahan, sayawan at mga dula na itinatanghal sa
pagitan ng dalawang pelikulang ipinalalabas. Sa kadahilanang, paulit-ulit na lamang ang mga pelikula
ang tanging inaantabayanan na lamang ng mga manonood ay ang mga stageshows. Sa kalaunan ay
hiniwalay ang bahaging musikal ng kanilang palabas mula sa mga dula.
Ang mga sumusunod ay ang mga pangalan ng mga revue companies na naitatag sa panahong
iyon:
Grupo
Tagapagtatag/Tagapangulo
Filipinas Revue
Joe Climaco
Sampaguita Revue
Lou Salvador
Silos Follies
Manuel Silos
Philippine Artists League
Lamberto Avellana
Thelma’s Stageshow
United Artists
Ramon Estrella
Roque Stage Revue
Roque Family
Artists’ Guild Show Company
Palace Variety Revue
Radio Variety Revue Company
Filipino Players’ Show
Fernando Poe, Sr.
Associated Artists
Fernando Poe, Sr.
Star Revue Company
Jose Dayrit

Tanghalan
Life
Dalisay
Avenue
Avenue
Lyric
Lyric
Lyric, Capitol
Palace
Palace
Palace
State
Capitol
Line Star

Namayagpag ng husto ang mga stageshows,una sapagkat walang ibang kahati ito sa
pagbibigayng aliw sa mga manonood sa panahong iyon. Ikalawa, naghahanap ng paraan para
makapaglibang at makapagsaya ng kahit papaano ang mga tao sa kabila ng digamaan at pananakop ng
mga Hapon sa bansa. Ikatlo, maaaring ipagpalagay na ang mga Pilipibno noon ay binalingan ang
stageshow bilang paraan ng pagtakas sa realidad ng buhay--- ang kawalan ng trabaho at pagdarahop sa
buhay. Ikaapat, nakahatak din ng husto ng mga manonood ang stageshow sapagkat ang mga
nagsisiganap ay ang mga kilalang artista rin sa pelikula.
Ang stageshow ay kombinasyon ng mga pagpapatawa, musika, mga sayaw at dula. Ang mga
palabas na ito ay itinanghal sa mga sinehan sa kalakhang Maynila. [14] Isang halimbawa nito ay ang
regular na pagpapalabas araw-araw ng mga stageshows sa Metropolitan Theater na tinawag naStraight
Vaudville Fantasy.[15]
Ang mga stage shows sa panahong ito ay nagsilbing hanapbuhay para sa mga artista ng
tanghalan na nawalan ng hanapbuhay nang lumaganap ang pelikulang Amerikano. Gayundin nagsilbi rin
itong pang-aliw sa publiko upang maibsan ang tensyon na kanilang nararamdaman. Dinudumog ang mga
stageshow sa panahong ito sapagkat inaaliw nito ang mga taong ligalig sa digmaan. Naging lunsaran din
ito ng mga adhikaing pangmakabayan. Sinasabing naglalaman diumano ito ng mga nakatagong
mensahe ng panghihikayat sa mga Pilipino upang makiisa sa pinaglalaban ng mga kapwa Pilipinong
ayaw sa mga Hapon (HUKBALAHAP) noong panahong iyon.[16]
Noong 1942 hindi lamang mga vaudeville fantasies ang ipinalalabas, isang halimbawa na rito ang
programa ng Metropolitan Theater.[17] Nagkaroon ng ekspirementasyon sa programa na naglalaro sa
dalawang uri ng palabas --- isang oras ng stageshow na hinahalinhinan ng programa ng kundiman at
dinagdaga ng muling pagpapalabas ng mga magagandang pelikula tulad ng Ang Maestro o Prinsesa
Uduja.
Pagdating sa kasuotan sa mga pagtitipon at iba pang mga okasyon ang kadalasang isinusuot ng
mga manonood ay barong tagalog para sa mga lalaki at balintawak (isa itong impormal na katutubong
kasuotan para sa mga babae na kadalasang isinusuot kapag may okasyon) naman para sa mga babae.
At ang Kimigayo ang pambansang awit ng Hapon ay itinutugtog bago umpisahan ang mga palabas sa
tanghalan panahong iyon.[18] Ito’y bilang pagpapaalala sa mga Pilipino sa presensya ng isang bagong
mananakop. Kadalasan itong unang piyesang tinutugtog pagkatapos ngopening number at ang standard
opening piece sa mga konsyerto, asembleya at iba pang mga pagdiriwang.[19]
Ayon kay Julian C. Balmaseda sa kanyang talumpati noong Setyembre 8, 1943 sa Institute of
National Language, napansin ng publiko ang kanilang mga napapanood ng panahong iyon ay hindi
dulang matatawag o illegitimate.
“The public presently noticed that what they saw in these showhouses were not real dramas, but
their mixedup dialogues taken at random here and there and which were staged withsong hits from old
songs of musical films, and also with comical talks that sprang from the imaginatin of Tuging and Puging,
Lopito and Lopita and other theatrical clowns. It was also the public who then looked for legitimate stage
shows and in order to respond to this demand the Dramatic Philippines was organized at Metropolitan
Theater”.[20]
Kung kaya’t bilang tugon sa mga manonood na naghahanap ng mga lehitimong dula
nagsimulang magpalabas ang Dramatic Philippines[21] sa pamumuno ni Narciso Pimentel Jr. noong
Pebrero 2, 1943 (staging area ng grupo ang Metropolitan Theater). Naipalabas ng grupo ang kaunaunahang mga lehitimong dula ng panahong iyon. Ang dalawang isang yugtong dula ang Sino ba
Kayo? na mula sa iskrip ni Julian C. Balmaseda at isinalin sa tagalog ni Fransico Soc Rodrigo at angHelp
Wanted ni Domingo Nolasco.[22] Napakainit ng pagtanggap ng mga manonood sa dulang Sino ba
Kayo? Kung kaya’t naipalabas ito ng dalawangpu’t walong (28) beses at ang kasamang pelikula lamang
nito ang napapalitan.
Mula 1943 hanggang Enero 1944 ay dalawangpung dula ang naipalabas ng Dranmatic
Philippines sa Metropolitan Theater bilang stage area. Kabilang sa mga dulang ito ay ang mga
sumusunod:
Mga dulang nasa wikang Pilipino ( karamihan ay mula
sa orihinal sa ingles at isinalin sa Pilipino at iba naman ay orihinal na akda)
Paa ng Kuwago – adaptasyon ni Francisco Soc Rodrigo mula sa The Monkey’s Paw ni W.W. Jacobs
Sino ba kayo? – isang yugtong dula sa panulat ni Julian Balmaseda sa Ingles at isinalin sa Tagalog ni
Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr.
Ang Asawa ng Abogado – isang adaptasyon ng orihinal na dula ni F. Liongson sa Espanyol at isinalin sa
Tagalog
Sa Pula, Sa Puti – isang yugtong dula sa panulat ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalog na orihinal sa
Ingles. Sa panahon ng Hapon ito ay itinanghal sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr. ng Dramatic
Philippines
Martir sa Golgota – isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalog mula sa Pasyon sa Ingles ng
Ateneo sa panulat ni Rev. Hunter Guthrie at Rev. Joseph A. Mulrey sa Ingles.
Ang Kahapong Nagbalik- isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo mula sa orihinal nito sa Espanyol
ang El Pasada Que Vuelve ni Francisco Liongson
Tia Upeng – salin mula sa Ingles ang Charley’s Aunt
Ulilang Tahanan –orihinal sa Ingles ni Wilfrido Ma. Guerrero noong 1940 at isinalin sa Pilipino ni Juan C.
Laya. Isinapelikula ng Premiere Productions sa direksyon ni Gerardo de Leon at ipinalabas noong Hunyo
1994 sa Capitol Theater sa pamagat na House For Sale, The Foresaken House. Itinanghal sa
Metropolitan Theater noong Enero 1944 sa Tagalog
Taong 1943 katapusan ng Marso, nag-anunsyo ang management ng Metropolitan Theater na
hindi na magpapalabas ng mga pelikula sapagkat simula sa araw na iyon ay mga dulang tagalog at
Philharmonic Prominade na lamang ang magpupuno ng kanilang mga programa.

III. Ang Sensura ng mga Dula
Ang lahat ng mga pagtatanghal sa panahong ito ay nasa ilalim ng sensura ng Japanese
Propaganda Corps gaya ng radyo at ng mga publikasyon. Ang mga iskrip ay kinakailangang ipasa muna
sa mga kinauukulan at tsaka lamang makakapagsimulang mag-rehearse kapag napahintulutan na aito.
At hindi lamang iyon, isang araw bago ang pagtatanghal ay pinapanood pa ito ng mgacensors.

Mga Uri ng Dulang Pinahihintulutan[23]
Tradisyunal na dula- hinihikayat ng mga awtoridad na hapon ang mga revue company na
bigyang-pokus ang pagpapalabas ng mga tradisyunal na porma ng dula gaya ng sarsuwela o di kaya ng
mga dulang may mga katutubong mga tagpuan. Halimbawa ukol sa mga buhay ng mga muslim at
iba mga pangkat-etniko upang lalong maigiit sa mga Pilipino manonood ang pagiging mga Pilipino at
Asyano. May mga dula rin na may temang batay sa mga awit, korido, mga katutubong alamat at mga
epiko.
Historikal na dula- pinahihintulutan din ng sensura ang ganitong mga dula na nagpapakita ng
pagiging makabayan. May mga dulang nagtatanghal ng buhay ni Rizal at iba pang mga rebolusyunaryo.
Dula ng Propaganda- Nais ng mga awtoridad na bigyang-diin ang pagtatanghal ng mga dulang
nagtatampok sa mga buhay ng mga mahihirap lalo na ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Dulang nagtatampok ng mga Ordinaryong Tao- Naapakaraming mga dula na nagtatampok ng
iba’t ibang mga buhay ng ordinaryong tao sa lungsod. Ang mga tema ay ukol sa mga dipagkakaunawaan sa pamilya at ang pang-araw-araw na pakikipagsaplaran ng isang tao para lamang
mabuhay. Ito ay maaring repleksyon ng kahirapan ng buhay sa panahong iyon. Isang halimbawa dito ay
ang dulang satirikong Bigas ay tungkol sa pagkaubos ng bigas na totoong nangyari sa panahong iyon.
Musical Fantasy- itoy mga dulang nagtatapok ng mga tema ng romansa, makukulay na mga
kasuotan at mga kapanapanabik na mg pakikipagsapalaran kung kaya’t mas naging popular ang uring
ito. Mas epektibo ito sapagkat may pagka-eskapista, na siyang kailangan sa panahon ng digmaan.
Dulang Relihiyoso- isinasaagawa parin sa panahong iyon ang mga dula tuwing semana santa
sa lahat ng mga teatro sa kamaynilaan gaya ng senakulo o mga dulang may temang relihiyoso.
Dulang Tagalog at Dulang Salin- karamihan sa mgga dulaang naipalabas ay mga salin sa
Tagalog mula sa orihinal nito sa Ingles at mga dulang nasusulat sa orihinal sa Tagalog sapagkat
hinihikayat ng mga awtoridad na mga Hapon ang paggamit ng Tagalog bilang pangunahing wika.
Dula sa Ingles- sa simula pa lamang ng okupasyon ng Hapon ay ipinagbawal na ang
pagpapalabas ng mga ito ngunit sa kahuli-hulihang taon ng pananakop ay muling naitanghal ang mga
dulang nasa wikang Ingles.
Dula sa Espanyol- may mga mangilan-nguilan parin mga Spanish Drama groups ang
nagtanghal parin sa mga college auditorium.
Opera at operettas- itinatanghal ito sa Metropolitan Theater. Ito ay pinaunlad upang magkaroon
ng sopistikadong panlasa ang mga Pilipino pagdating sa musika.
Iba pang mga musikal na pagtatanghal- Bukod sa mga opera at operettas ay may iba pang
mga espesyal pang mga konsyerto gaya ng May Time Music Festival na itinanghal noong Mayo 30, 1942
sa Saint Theresa’s College Auditorium.

IV. Ang Dalawang Panig ng Pagtingin
Ukol sa Dulaang lumaganap sa panahon
ng Hapon
A. Ang Pananaw ng mga Pilipino sa dulaan sa panahong iyon
Mayroong dalawang pangunahing kritisismo ukol sa dulaan sa panahong ito. Una, ito ay walang iba kundi
mga pinagtagpi-tagping mga porma ng sining. Ayon kay Manuel Z. Arguilla (isang batikang manunulat na
nagtrabaho bilang censor ng mga stageshows sa panahon ng mga Hapon,
As vaudeville, they are passable. As burlesque,they are useless.
As musical comedies, they are extremely inane. As melodramas,
they are uninteresting. As plays their value is absolutely nil. As
presentations of Filipino life on stage, they are unfaithful
and untrue. They lack vigor, character and seriousness. They
are formless and invertebrate. They do not bare, even
in the slightest degree, the usual earmarks of lasting literature:
beauty of language,sincerity of characterization and versimilitude
of plot[24]
Ang ikalawang kritisismo ay ang mga pagtatanghal sa panahong iyon ay mahihinang uri sapagkat
walang banghay, walang lohika o maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Ayon kay
Amadeo R. Dacanay:

Stageshows were generally half-baked improvisatios and

some directions even resorted to buying stories.In addition ,
the actors were mostly had or indifferent, as if they had
never been introduced to the rudiments of acting.[25]
Ngunit ayon din kay Dacanay bagaman may mga kahinaang tinataglay ang dulaan sa panahong
iyon ay may mga grupo pa rin na nagsisikap para makapagtanghal ng mga lehitimong dula o produksyon
gaya ng Dramatic Philippines. Sa kabila ng pagbabawal ng mga Hapon sa paggamit ng Ingles ay
binigyang pokus pa rin ng grupo ang pagsasalin ng mga sa Ingles sa Tagalog.

B. Ang Pagtingin ng mga Hapon sa Dula
Para sa mga Hapon na nakapanood ng mga musical shows sa panahong iyon ang
nagsabing walang sariling tradisyon ng dulaan sa Pilipinas. Sapagkat ang mga musical shows
diumano ay mga imitasyon lamang ng kulturang Amerikano.[26] Ganito rin ang palagay ng
Chairman ng Department of Information (Dramatic Section) na si Kodama Hidemi na ang isang
magandang dula ay magagawa lamang kung may matatag na pambansang kamalayan ang isang
bansa at epektibo ito kapag nilalaman nito ang mithiin at paniniwala ng mga mamamayan.
The important mission of drama through amusement and in deepening the
Ground of national culture which is conducive to the elevation of the
Standard of life. Therefore it comes as a naturalconclusion that drama
should exist for the nation and not merely a vulgar and capricious past
time.[27]

IV.

Ang Dulaan Bilang Propaganda

A. Ang Pagtatatag ng Philippine National Theater o PNT
Para magkaroon ng pagbabago sa hindi magandang pagtingin sa dulaan sa panahong iyon at
upang mapataas ang lebel nito ay itinatag ng mga artista ng dulaan ang Philippine National Theater,
Incorporated (naging PNT sa kalaunan) noong October 14, 1943 sa proklamasyon ng Republika ng
Pilipinas. Nakapailalim sa PNT ang Dramatic Philippines, Musical Philippines at Metropolitan Theater.
Ang ilan sa kanilang mga proyekto ay ang pagdadaos ng mga patimpalak sa pagsulat ng iskrip
na tumatalakay sa mga paksa ditto sa Pilipinas upang pasiglahin at mapaunlad ang kultura ng bansa sa
kabuuan.
Nagpalabas din ang samahang ito ng isang magasin ang Backstage noong Nobyembre 1943.
Nagbibigay ito ng mga pag-uulat ukol sa mga aktibidad sa dulaan at ng mga artista. Ito ay nasa wikang
Ingles at may ilang bahagi rin naman na nasa Tagalog. Ang huling isyu ay noong Hulyo 8, 1944 sanhi ng
mataas na singil sa paglilimbag.
Ang PNT ay naging lunsaran para lumaganap ng husto ang teatro bilang propaganda . Isa na rito
ang mga pagdadaos ng mga iba’t ibang paligsahan na nagbigay-daan sa maraming produksyon ng mga
akdang makabayan. Kabilang dito ang mga awiting Martsa Laurel ni Lucio D. San Pedro; Doon sa Kung
Saan Matamis ang Mangga at Kundiman ng Bayan ni Leon T. Ignacio.[28] Isang patunay lamang na ang
Metropolitan Theater bilang kanlungan ay may malaking kontribusyon sa propaganda.

B. Ang Paglaban/Pagtutol sa Dulaan
Sa mga stageshows sa panahong ito ay mga paglaban o pagtutol din na ikinakabit ang mga
direktor at aktor sa kanilang mga dayalogo o di kaya’y mga eksena. Isa ito sa kanilang mga paraan na
kahit paano ay maisahan nila ang mga Hapon. Isang halimbawa nito ay ang satirical comedy skits nina
Tugo at Pugo na ginagawang katatawanan ang mga Hapon.[29]
Ang historikal na dulang Tandang Sora ay may pagpapakita rin ng pagtutol laban sa mga Hapon.
Ang dula ay tungkol sa isang babaeng bayani na lumaban laban sa mga kastila na ang tanging mithiin ay
ang lumaya ang bayan. Pianayagan itong itanghal ng board of censors ngunit may ilang torture scenes
ang inalis. Narito ang isang paglalarawan sa pagtatanghal ng naturang dula sa direksyon ni Avellana:
Tandang Sora was presented without those scenes, but even
without them, the people quickly grasped the motive of the PAL
(Philippine Artist League) in presenting this stirring drama.
Close to the end of the play, there was a brief glimpse of the flag
Of the Katipuanan. Since during those early days of the Japanese
Occupation the Filipino Flag was not be exhibited on the pain of
Punishment, it was disconcerting to the Japanese authorities that
the audience of the Avenue rosesilently at the sight of the Katipunan
Flag on stage. Although the audience jammed the theater everyday,
Avellana was ordered to replace Tandang Sora with a comedy”.[30]
Ang teatro sa panahong ito ay nagging isang lunan ng mga taong laban sa mga Hapon. Naging
lugar ito kung saan sila nagkakaroon ng malayang komunikasyon ng patago. Sinasabing 80% ng mga
tao sa teatro noong panahong iyon ay kabilang sa anti-Japanaese Underground movement at 15%
naman ang nakikipagtulungan lamang.
Sa kabuuan naging matagumpay ang mga artista ng teatro sa panahong ito sapagkat nailarawan
nila ng sa kanilang mga pagtatanghal ang mga kondisyong panlipunan sa ilalim ng okupasyon ng mga
Hapon. Sa kalaunan ang mga pagtatanghal na ito ay naging propaganda laban sa mga Hapon. Ang mga
gawaing ito ng protesta ng pagtatanghal ay parehong kalahok ang mga gumaganap at ang mga
manonood.

V. Ang Pagsasakonteksto ng Dulang
Condemned! Ni Wilfrido Ma. Guerrero
A. Buod ng Dulang Condemned!
Nagsimula ang dula sa ilang oras na lamang ay bibitayin na si Pablo Gonzales sa salang
pagpatay sa isang lalaking nagtangkang gahasain ang kanyang kasintahan na si Cristina. Habang
naghihintay ng kanyang oras ng pagbitay ay isa-isang nagdatingan ang mga taong nagging malapit sa
kanya. Ang unang bisita niya ay ang paring nagsilbing tagapagpaalala niya sa mga salita ng Diyos sa
tuwing nalulungkot siya sa kanyang sinapit at kapag natatakot siya sa tuwing maaalala ang sasapiting
pagbitay. Ang ikalawa naman niyang bisita ay ang kanyang kababatang si Andres Gorospe. Naligayahan
ng husto si Pablo sa pagbisita niya sapagkat bumabalik muli sa kanya ang alaala ng kanyang kabataan
noong bago pa mamatay ang kanyang ama. Sang-ayon kay Andres hindi kayang pumatay ni Pablo
sapagkat takot ito sa balisong, lalong hindi sugarol at lasenggo. Ngunit si Pablo mismo ang umamin na
nag-iba siya mula nang lumayas siya sa kanyang Tia Chedeng noong maglalabing-apat na taon siya
noon. Sa kanilang usapan naisalaysay ni Pablo ang nangyari sa kanya nang mamatay ang kanyang ama.
Nang mamatay ang kanyang ama, iniwan siya ng kanyang ina na si Angela sa kanyang Tia Chedeng at
nagumon sa pagsusugal at sumama sa isang Marcos Nable. Sa pananaw ni Pablo ang ina niya ang
puno’t dulo ng kanyang kasawian sa buhay. Para sa kanya ay hindi siya mabibitay kung hindi siya
napariwara dahil sa paglalayasa at hindi siya maglalayas kung may inang magbibigay sa kanya ng pagaaruga at pagmamalasakit. Ang ina niya ang kanyang sinisisi sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya.
Ang ikatlo niyang bisita ay si Simeon Sereno na nagging barkada niya sa lahat ng kalokohan. Para kay
Pablo si Simon ang naglapit sa kanya sa kasamaan. Kung kaya’t galit siya noong una at hindi niya
pinapasok ngunit wala rin nagawa si Pablo nang magpumilit na pumasok si Simeon sa kinaroroonang
piitan ni Pablo. Nais na Makita ni Simeon si Pablo kahit sa huling pagkakataon para humingi ng tawad sa
lahat ng mga bagay na nagawa niyang nakasama kay Pablo. Ang ikaapat na bisita naman ay ang
kanyang Tia Chedeng na walang tigil sa paggabay sa kanya. Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay
pinatunayan nito ang pagmamalasakit sa pag-abot nito sa kanya ng isang kuwintas na may krusipiho. At
kinukulit siya nitong mangumpisal upang mahugasan ang lahat ng kanyang mga pagkakasala sa
pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran sa Panginoon. Ang ikalimang bisita ay si Cristina na
nagnanais na siya ay pakasalan ni Pablo kahit sa huling pagkakataon. Ngunit nagdadalawang-isip si
Pablo sapagkat ayaw niyang masira ang kinabukasan ni Cristina st maging balo kaagad ng isang
mamamatay tao. Pero mag-iiba ang desisyon ni Pablo sa huli. Sa muling pagdating ng pari ay hihilingin ni
Pablo na ikasal sila ng pari sa halip na mangumpisal siya. Nakasal ang dalawa, ilang minuto na lamang
ang nalalabi bago ang takdanmg oras ng pagbitay nang biglang dumating ang kanyang ina. Ang kanyang
huling bisita ay ang ina niyang si Angela ang konprontasyon ng dalawa ay nagbigay-daan sa paglilinaw
ng isang masalimuot na nakaraan. Ang lahat ng mga hinanakit ni Pablo sa ina ay dinaan sa mga sumbat.
Pinagtapat ng kanyang ina ang buong katotohanan sa likod ng mga masalimuot na pangyayari at kahit
huli na ang lahat ay nakuha na rin ni Pablong patawarin ang kanyang ina bago pa man siya mamatay.

B. Ang Teorya ni Eagleton bilang framework sa Pagsusuri ng dulang Condemned!
Ang gagamiting framework sa pagsasakonteksto ng dulang Condemned! Ni Wilfrido Ma.
Guerrero ay ang teorya ni Terry Eagleton.[31] Gaya ng mga historical at biograpikal na mga kritiko, ang
mga Marxista ay interesado din sa sosyolohikal na konteksto ng panitikan (sociological context of
Literature). Para sa mga Marxista ang tekstong pampanitikan (literary text) ay produkto ng kasaysayan.
At ang kasaysayan ay siyang nagdedetermina ng panglipunan at pang-ekonomiyang sitwasyon ng isang
bansa na may malaking impluwensya naman sa literature na siya rin na makikita/papaimbulog sa mga
akdang pampanitikan. Ngunit ang isang Marxistang kritiko ay mas interesado sa pagkatas ng
mga themes of interests sa mga social historians.[32]
Ngunit hindi rin lamang mga repleksyon ng panlipunan at pang-ekonomiyang kondisyon ang
literature kundi bahagi rin ito ng isang buong sistema ng mga panlipunang ugnayan at moda ng
produksyon na nag-emerge sa pagdaloy ng kasaysayan.
Sa sanaysay ni Terry Eagleton sa Literature and History ipinaliwanag niya na ang literature ay
bahagi ng isang power structure o ng isang struktura ng kapangyarihan ng kasaysayan. At ang susi sa
pag-unawa sa panitikan ay ang magkaroon ng rebolusyunaryong pag-unawa hinggil sa kasaysayan
mismo.[33] At para maunawaan naman ang kasaysayan ay binalangkas ni Eagleton ang mga ugnayan
ng mga pangunahing bahagi ng kasaysayang panlipunan (relationship of the components of social
history) mula sa perspektibang Marxista ang 1) base at superstructure,2) literature at superstructure,at
3) literature at ideology.
Kung tataluntunin ang ganitong pagbasa maaaring sabihin na ang Condemned! Bilang isang
akdang pampanitikan na nalikha sa panahon ng okupasyon ng Hapon ay produktong iniluwal mismo ng
panitikang nagsasalamin ng mga panglipunan at pang-ekonomiyang kondisyon sa panahong iyon.
Nagsimula sa pagtalakay si Eagleton sa ugnayan ng lipunan at ng superstructure ng lipunan sa
pag-aaral ni Karl Marx at Frederick Engels na Consciousness does not determine life: life determines
consciousness.[34] Sa madaling salita, ang panlipunang kalagayan ng isang tao ay makikita o
madedetermina sa kung paano siya kumikilos, kung paano mag-isip at paano niya ituring ang sarili. Ang
mga ugnayang panlipunan ng mga tao ay nadedetermina sa pamamagitan ng kanilang mga material na
pangangailangan (material necessity).[35] Sa paglipas ng panahon ang dibisyon sa paggawa sa isang
lipunan (mode of production) ay nagbabago.[36]
Sa puntong ito maaaring sabihin na ang isang awtor bilang bahagi ng isang institusyong
panlipunan o superstructure ay may kapasidad na ilarawan ang kairalang panlipunan ng panahon na
kanyang kinabibilangan. At ang akdang pampanitikan na kanyang iniluwal na sumasalamin sa
panglipunan at pang-ekonomiyang kalagayan ng kanyang bansa ay maaaring magdetermina ng posisyon
ng manunulat sa lipunan. Sa kaso ng dulang Condemned! Makikita ang isang depektibong paglalarawan
sa buhay ng isang ordinaryong tao. Mapapansin na hindi gagap ni Wilfrido Ma. Guerrero ang kilos, ugali
at gawi ng masa tulad ng kanyang nais na talakayin sa karakter ni Pablo Gonzales sapagkat mas gamay
niya ang pagtalakay sa middle-class sapagkat siya’y pabilang sa antas na ito. Ang mga katangiang
tinataglay ng tauhang si Pablo Gonzales ay ang persepsyon ni Wilfrido Ma.Guerrero ng isang
indibiduwal na mula sa mababang antas ng lipunan. Makikita ito sa mariin niyang pag-giit sa dula ng
kahalagahan ng edukasyon sa isang tao, ang pagiging intelektuwal ay isa lamang sa mga determinant
factor ng isang middle class. Isa pang salik na tinutukoy ni Guerrero ay ang pagkakaroon ng takot sa
Diyos at relihiyoso na sinasabing wala sa isang di-aral sapagkat padalos-dalos sa mga kilos at gawi at
lalong walang takot sa Diyos.
Ang dulang Condemned! Ay nasa orihinal sa Ingles ngunit dahil sa panahong iyon ng pananakop
ng mga Hapon, para maitanghal ay isinalin muna ang iskrip sa Tagalog bilang Salarin!Noong 27
Nobyembre 1943 sa Capitol theater sa direksyon ni Fernando Poe Sr. Isinagawa ito sa kadahilanang
pinagabawal nang mga Hapon ang paggamit ng Ingles bilang wika sa mga performance text o teksto sa
pagtatanghal. Ngunit kapansin-pansin ang pagiging eskapista ng tema ng dula sa kadahilanang wala
itong pagtalakay sa realidad --- sa tensyon o pakikibaka ng mga Pilipino sa mga mananakop na Hapon.

http://umpp.blogspot.com/2011/08/ang-dulang-pilipino-sa-panahon-ng.html

More Related Content

What's hot

MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptxMGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptxchelsiejadebuan
 
Singapore (Tagalog Version)
Singapore (Tagalog Version)Singapore (Tagalog Version)
Singapore (Tagalog Version)Jen S
 
Panitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng haponPanitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng haponChristine Reforba
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMETRO MANILA COLLEGE
 
Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-PilipinasMalayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-PilipinasSue Quirante
 
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Rehiyon IV-A (CALABARZON)Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Rehiyon IV-A (CALABARZON)Divine Dizon
 
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iiiQ4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iiiRivera Arnel
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoRodel Moreno
 
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)Juan Miguel Palero
 
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)Ann Tenerife
 
Aralin 22-pagiging-mamamayang-pilipino
Aralin 22-pagiging-mamamayang-pilipinoAralin 22-pagiging-mamamayang-pilipino
Aralin 22-pagiging-mamamayang-pilipinoMhelanieGolingay4
 
Balangkas at layunin ng pamahalaang komonwelt
Balangkas at layunin ng  pamahalaang komonweltBalangkas at layunin ng  pamahalaang komonwelt
Balangkas at layunin ng pamahalaang komonweltjetsetter22
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyonmaam jona
 

What's hot (20)

MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptxMGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
 
Singapore (Tagalog Version)
Singapore (Tagalog Version)Singapore (Tagalog Version)
Singapore (Tagalog Version)
 
Panitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng haponPanitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng hapon
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-PilipinasMalayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas
 
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Rehiyon IV-A (CALABARZON)Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
 
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iiiQ4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa Filipino
 
Ang talambuhay ni manuel l. quezon
Ang talambuhay ni manuel l. quezonAng talambuhay ni manuel l. quezon
Ang talambuhay ni manuel l. quezon
 
Pa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismoPa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismo
 
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
 
Formatted dula
Formatted dulaFormatted dula
Formatted dula
 
Sanhi at Bunga
Sanhi at BungaSanhi at Bunga
Sanhi at Bunga
 
Panitikan sa-panahon-ng-aktibismo
Panitikan sa-panahon-ng-aktibismoPanitikan sa-panahon-ng-aktibismo
Panitikan sa-panahon-ng-aktibismo
 
Navotas
NavotasNavotas
Navotas
 
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
PABUOD NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO (INDUCTIVE METHOD)
 
Aralin 22-pagiging-mamamayang-pilipino
Aralin 22-pagiging-mamamayang-pilipinoAralin 22-pagiging-mamamayang-pilipino
Aralin 22-pagiging-mamamayang-pilipino
 
Talambuhay ni Rizal.pptx
Talambuhay ni Rizal.pptxTalambuhay ni Rizal.pptx
Talambuhay ni Rizal.pptx
 
Balangkas at layunin ng pamahalaang komonwelt
Balangkas at layunin ng  pamahalaang komonweltBalangkas at layunin ng  pamahalaang komonwelt
Balangkas at layunin ng pamahalaang komonwelt
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyon
 

Viewers also liked

Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanKedamien Riley
 
Ang ningning at ang liwanag
Ang ningning at ang liwanagAng ningning at ang liwanag
Ang ningning at ang liwanagPRINTDESK by Dan
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOasa net
 

Viewers also liked (6)

Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Ang Dalawang Magkaibigan
Ang Dalawang MagkaibiganAng Dalawang Magkaibigan
Ang Dalawang Magkaibigan
 
Ang ningning at ang liwanag
Ang ningning at ang liwanagAng ningning at ang liwanag
Ang ningning at ang liwanag
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 

Similar to 1

PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptxPANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptxCyreneNSoterio
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanSCPS
 
ANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHON
ANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHONANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHON
ANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHONMary Grace Ayade
 
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Charisse Marie Verallo
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfAngelaTaala
 
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDLiezelRagas1
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanRhea
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng HaponesFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng HaponesJuan Miguel Palero
 
KASAYSAYAN NG WIKA.pptx
KASAYSAYAN NG WIKA.pptxKASAYSAYAN NG WIKA.pptx
KASAYSAYAN NG WIKA.pptxEliezeralan11
 
MAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptx
MAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptxMAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptx
MAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptxJaypeLDalit
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Aralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdfAralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdfEvelynRoblezPaguigan
 

Similar to 1 (20)

PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptxPANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
 
ANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHON
ANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHONANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHON
ANG WIKA SA IBA'T IBANG PANAHON
 
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
 
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng HaponesFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 
KASAYSAYAN NG WIKA.pptx
KASAYSAYAN NG WIKA.pptxKASAYSAYAN NG WIKA.pptx
KASAYSAYAN NG WIKA.pptx
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
kasaysayan.pptx
kasaysayan.pptxkasaysayan.pptx
kasaysayan.pptx
 
Filipino presentation
Filipino presentationFilipino presentation
Filipino presentation
 
MAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptx
MAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptxMAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptx
MAQUINTOTPowerpointpresentationreport.pptx
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Filipino takdang aralin
Filipino takdang aralinFilipino takdang aralin
Filipino takdang aralin
 
Aralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdfAralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 7 Pag-unlad ng Wikang Pambansa.pdf
 

More from John Anthony Teodosio (20)

Literary Writing -- first draft
Literary Writing -- first draftLiterary Writing -- first draft
Literary Writing -- first draft
 
Let
LetLet
Let
 
Tony resume
Tony resumeTony resume
Tony resume
 
Humanities module 3
Humanities module 3Humanities module 3
Humanities module 3
 
Letter words
Letter wordsLetter words
Letter words
 
My portfolio
My portfolioMy portfolio
My portfolio
 
Alala
AlalaAlala
Alala
 
Lira rebisyon
Lira rebisyonLira rebisyon
Lira rebisyon
 
Shotgun
ShotgunShotgun
Shotgun
 
Lira palihan
Lira palihanLira palihan
Lira palihan
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
Evaluation forms
Evaluation formsEvaluation forms
Evaluation forms
 
Revised banghay
Revised banghayRevised banghay
Revised banghay
 
Aanhin ninyo 'yan
Aanhin ninyo 'yanAanhin ninyo 'yan
Aanhin ninyo 'yan
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Tula aubade salin
Tula aubade salinTula aubade salin
Tula aubade salin
 
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuriNoli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
 
Tony
TonyTony
Tony
 
Panitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propagandaPanitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propaganda
 
Lira ...
Lira ...Lira ...
Lira ...
 

1

  • 1. 1. Dulang Patula Filipino 4 Sr. Lilibeth O. Cajes,sm 2. Larong Patula 1. Karagatan 2. Duplo 3. Juego de Prenda/ Ensilada 3. Dulang Panlibangan 1. Karilyo – Pagpapagalaw ng anino ng mga pirapirasong kartong hugis-tao sa likod ng kumot na puti na may ilaw. Habang pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng kurido, awit, dulang panrelihiyon o alamat. Karilyo- Maynila, Rizal, Batangas at Laguna Titires – Ilocos Norte, Pangasinan, Bataan, Capiz, Negros Gagalo o Kikimut – Pampanga, Tarlac Aliala – La Union 4. Dulang Panlibangan 2. Senaculo – nagsasalaysay ng buhay at kamatayan nin Hesukristo. Ito ay Pasyong itinatanghal sa entablado. 3. “Sugat” o Salubong – ito ay ginaganap tuwing Araw ng Pagkabuhay ni Hesuskristo. Ang salubong ay tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen Maria at ni Hesukristo. May awitan ng mga anghel at pagpupuring tula at awitin na sinasambit. Hanggang sa kasalukuyan ang tradisyong ito pa rin ay buhay at ginagawa sa Pilipinas. 5. Dulang Panlibangan 4. Tibag – pagtatanghal tuwing Buwan ng Mayo, sa paghahanap ni Reyna Elena sa Krus na pinagpakuan kay Kristo 5. Flores de Mayo (Santa Cruzan)– pagpaparada sa krus na pinagpakuan ni Hesus sa lansangan at paghahatid nito sa simbahan. Marangyang parada ng mga sagala at konsorte na kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa bibliya. 6. Dulang Panlibangan 6.Panunuluyan – isinasagawa bago mag- alas-12 ng gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ni Maria at Jose upang iluwal ang sanggol na si Hesus. 7. Panubong – mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan.Masasaksihan ito sa Quezon at sa Marinduque 7. Dulang Panlibangan 8. Pangaluluwa – dulang panrelihiyon na isinagawa tuwing Araw ng mga Patay (Todos Los Santos). Bisperas pa lang (Oct 31) ay gumagala na ang mga kaluluwa at bumibisita sa mga bahay-bahay at humihingi ng limos habang kumakanta.
  • 2. 8. Dulang Panlibangan 9. Moriones – ( Mindoro at Marinduque) ginaganap tuwing mahal na araw. Miyerkules hanggang biyernes santo. Nagsusuot na maskarang may iba’ibang kulay. Kumakatawan ito sa Senturyong Romano . Pinakabayani si Longinus, taong bulag ang isang mata na gumaling nang matuluan ng dugo ni Hesus nang tinusok ng sibat si Hesus sa krus. 9. Dulang Panlibangan 10. Moro-moro – Itinatanghal sa entablado tuwing araw ng Pista upang magdulot ng aliw. Itinatanghal ang pag-aaway ng Muslim at Kristiyano . 11. Sarswela (Zarzuela)- komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at naghihinggil sa mga punong damdamin ng tao- pag-ibig, kapopootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan o suliraning panlipunan o pampulitika. 10. Tulang Panromansa (Metrical Romance) Awit - isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa). Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan. 11. Tulang Panromansa (Metrical Romance) Korido -binabaybay na 'Corrido' noong panahon ng Espanyol. Mahabang salaysay na nasa berso (patula) na itinatanghal ang katangiang (karangalan, katapangan, pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng mga dugong bughaw. Nagtataglay kung minsan ng mga hindi kapani-paniwalang saysay. 12. Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido: AWIT KORIDO Mabagal ang bigkas Mabilis ang bigkas 12 pantig 8 pantig Saliw ng gitara o bandurya kumpas na martsa May kapani-paniwalang daloy ng kwento Kinawiwilihan dahil sa mga mala- pantasyang temang taglay 13. Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Mariang Kalabasa Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clarian Mga Halimbawa ng Awit
  • 3. 14. Ibong Adarna Don Juan Teñoso Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas Mga Halimbawa ng Korido 15. • Sangguniang Aklat: • a. Panitikan ng Lahi, Belvez • b. Panitikan ng Pilipinas, Tumangan • c. Panitikang Panrehiyon ng Pilipinas, Villafuerte • d. Panitikang Antolohiya, Arrogante • e. Panitikang Filipino , Salazar . Kaligirang Panlipunan ng Pilipinas sa Panahon ng Okupasyon ng mga Hapon Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang kanilang propaganda na ang mga hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyang magpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas ang propagandang kanilang pinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot ng mga Pilipino sa kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay ng mga dumanas ng karahasan--- pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga kaanak at panggagahasa.[1] Mayroong pinaniniwalaang tatlong pangunahing dahilan para sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas. Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga hapon mula sa mga US military bases. Kinailangan nilang pigilin ito sa pamamgitan ng pagsakop sa Pilipinas na lumalabas na isang teritoryo ng Amerika sa panahong iyon. Ikalawa, ang Pilipinas ay nasa tugmang posisyon sa Timog-Silangang Asya na kinakailangan ng mga Hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan. Makakatulong din ng malaki ito sa pagprotekta ng kanilang mga supply lines at para palakasin ang depensa ng hukbong hapon. At ikatlo, sa Pilipinas matatgpuan ang mga hilaw na materyales na kailangan ng bansang hapon para sa digmaan.[2]Ang lahat ng ito ay para sa itatagauyod ng depensang pangmilitar ng mga haon at siyang kumukontrol sa pamamahala ng Pilipinas.[3] Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto nga Pilipino gaya ng respetong binigay ng mga ito sa mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuha ang simpatya ng mga Pilipino. Sinasabing gawa ng mahabang panahon ng pagkababad sa kulturang kanluranin ang mga Pilipino ay nakalimot na sa kanyang pagiging Asyano. Gayundin, ang pagiging highly literate ng mga Pilipino ay nagsilbing sagabal sa pagsakop ng hindi lamang bansa gayundin ng kamalayan ng mga Pilipino. Ang problemang ito ang nagbunsod sa pagkabuo ng isang cultural policy sa panahon ng pananakop ng Japanese Invasion Army. Nakapaloob sa cultural policy na ito ang paglalatag ng mga programa na makakatulong sa ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-Hapon. Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagpapatuloy ng pamahahala ng mga Pilipino ng sariling gobyerno ngunit kumikilala sa hapon [4] bilang bagong mananakop. At bilang pampalubag-loob ay idineklara ni Prime Minister Hideki Tojo na ibabalik ang kasarinlang hinihiling ng mga Pilipino kung makikipagtulungan na ng lubusan ang mga Pilipino sa mga Hapon.[5] Kabilang din sa polisiyang ito ang pagtatatag ng Bagong Pilipinas o New Philippines.[6] Ang
  • 4. unang hakbang na kinakailangan ay ang paglalatag ng mga pundasyong ispirituwal na siyang sentro ng kultura at siyang tanging sandigan ng politika, ekonomiya, industriya at edukasyon ng bansa. [7] Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ito, ninais ng mga Hapon na makontrol ang kaisipan ng mga Pilipino at ito’y sa pamamagitan ng pagmanipula sa edukasyon. Ang Ang Administrasyong Pangmilitar ay nag-isyu ng Order No. 2 noong 1942 na naglalayong na baguhin ang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. [8] Kasama sa mga kautusang ito ang pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaari pang mabura sa isipan ng mga Pilipino ang Ingles.[9] Nais ng mga Hapon na madebelop sa mga Pilipino ang ideyang ang mga Hapon ang siyang makapangyarihang lider sa Asya. Noong panahong iyon ay idineklarang opisyal na wika ang Niponggo kasama ng Tagalog at idinagdag sa mga curriculum sa mga paaralan.[10] Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mga Pilipino ng kaisipang maka-Pilipino at maka-Asyano. Nagagawa ng mga kampanya na sumusuporta sa paggamit ng Tagalog bilang pamansang wika. Ang wikang Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga aklat o anumang nagpapakita ng suporta sa Amerika ay sinesensor. Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan sa panahong iyon. Sa sobrang higpit nito ay maraming mga literary periodicals ang napahinto sa paglalathala. Dahil sa pagliit ng bilang ng mga peryodiko ay nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdang pampanitikan sa Ingles. Taliwas naman ito sa lubos na pagyabong ng mga akdang pampanitikang Tagalog. Mas lamang ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat supotado ito ng mga Hapon. Walang puwang sa paglalathala ang mga akdang pampanitikan sa Ingles kung kaya’t maraming mga manunulat sa Ingles ang lumipat sa pagsusulat sa Tagalog para lamang makapagpalathala. Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagpasok ng mga Hollywood movies sa Pilipinas. Tanging mga lumang pelikulang Ingles at Tagalog lamang ang paulit-ulit na ipinapalabas. Nagpalabas din ng mga Pelikulang Hapon. Samantala ang industriya ng pelikula sa panahong iyon ay baldado mula sa paggawa ng mga bagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga pelikula ang nagbigay-daan sa pagyabong ng Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay nagbunsod sa masiglang panahon ng Tanghalang Pilipino.[11] II. Ang Dulaang Pilipino sa Ilalim ng Okupasyon ng mga Hapon Mayroong dalawang uri ng dula ang nadebelop sa panahong iyon, ang legitimate atillegitimate. Ngunit ito ay batay sa pagtataya ng mga tradisyunal. Ang legitimate plays ay binubuo ng mga dulang susmusunod sa kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal nito samantala sa illegitimate plays naman pabilang ang mga stageshows.[12] Ang paggamit sa live stageshows bilang entertainment ng Japanese Propaganda Corps, na binubuo ng mga sibilyan na inaatasang manipulahin ang kultura ng mga nasasakupang bansa ng mga Hapon, ay nagging matagumpay lalo na sa pagtagos sa kamalayan ng mga Pilipino. Kasama sa propagandang ito ang pagtatayo ng mga Revue Companies sa bansa sa pangunguna ni Hidemi Kon ng Japanese Propaganda Corps. Kinuha niya ang isang Italian national na si Carpi [13] upang mag-organisa ng isang kompanya na magtatanghal sa iba’t ibang bahagi ng bansa at pinangalanan itongInternational Revue Company na binubuo ng iba’t ibang nasyonalidad ng mga artista. Ang mga artista sa pelikula ay nagbuo rin ng kanilang mga sariling grupo ng revue company at nagsimulang magpalabas sa kalagitnaan ng taong 1942. Noong una ang mga stageshows ay
  • 5. mgamusical variety shows lamang na binubuo ng mga kantahan, sayawan at mga dula na itinatanghal sa pagitan ng dalawang pelikulang ipinalalabas. Sa kadahilanang, paulit-ulit na lamang ang mga pelikula ang tanging inaantabayanan na lamang ng mga manonood ay ang mga stageshows. Sa kalaunan ay hiniwalay ang bahaging musikal ng kanilang palabas mula sa mga dula. Ang mga sumusunod ay ang mga pangalan ng mga revue companies na naitatag sa panahong iyon: Grupo Tagapagtatag/Tagapangulo Filipinas Revue Joe Climaco Sampaguita Revue Lou Salvador Silos Follies Manuel Silos Philippine Artists League Lamberto Avellana Thelma’s Stageshow United Artists Ramon Estrella Roque Stage Revue Roque Family Artists’ Guild Show Company Palace Variety Revue Radio Variety Revue Company Filipino Players’ Show Fernando Poe, Sr. Associated Artists Fernando Poe, Sr. Star Revue Company Jose Dayrit Tanghalan Life Dalisay Avenue Avenue Lyric Lyric Lyric, Capitol Palace Palace Palace State Capitol Line Star Namayagpag ng husto ang mga stageshows,una sapagkat walang ibang kahati ito sa pagbibigayng aliw sa mga manonood sa panahong iyon. Ikalawa, naghahanap ng paraan para makapaglibang at makapagsaya ng kahit papaano ang mga tao sa kabila ng digamaan at pananakop ng mga Hapon sa bansa. Ikatlo, maaaring ipagpalagay na ang mga Pilipibno noon ay binalingan ang stageshow bilang paraan ng pagtakas sa realidad ng buhay--- ang kawalan ng trabaho at pagdarahop sa buhay. Ikaapat, nakahatak din ng husto ng mga manonood ang stageshow sapagkat ang mga nagsisiganap ay ang mga kilalang artista rin sa pelikula. Ang stageshow ay kombinasyon ng mga pagpapatawa, musika, mga sayaw at dula. Ang mga palabas na ito ay itinanghal sa mga sinehan sa kalakhang Maynila. [14] Isang halimbawa nito ay ang regular na pagpapalabas araw-araw ng mga stageshows sa Metropolitan Theater na tinawag naStraight Vaudville Fantasy.[15] Ang mga stage shows sa panahong ito ay nagsilbing hanapbuhay para sa mga artista ng tanghalan na nawalan ng hanapbuhay nang lumaganap ang pelikulang Amerikano. Gayundin nagsilbi rin itong pang-aliw sa publiko upang maibsan ang tensyon na kanilang nararamdaman. Dinudumog ang mga stageshow sa panahong ito sapagkat inaaliw nito ang mga taong ligalig sa digmaan. Naging lunsaran din ito ng mga adhikaing pangmakabayan. Sinasabing naglalaman diumano ito ng mga nakatagong mensahe ng panghihikayat sa mga Pilipino upang makiisa sa pinaglalaban ng mga kapwa Pilipinong ayaw sa mga Hapon (HUKBALAHAP) noong panahong iyon.[16] Noong 1942 hindi lamang mga vaudeville fantasies ang ipinalalabas, isang halimbawa na rito ang programa ng Metropolitan Theater.[17] Nagkaroon ng ekspirementasyon sa programa na naglalaro sa dalawang uri ng palabas --- isang oras ng stageshow na hinahalinhinan ng programa ng kundiman at dinagdaga ng muling pagpapalabas ng mga magagandang pelikula tulad ng Ang Maestro o Prinsesa Uduja.
  • 6. Pagdating sa kasuotan sa mga pagtitipon at iba pang mga okasyon ang kadalasang isinusuot ng mga manonood ay barong tagalog para sa mga lalaki at balintawak (isa itong impormal na katutubong kasuotan para sa mga babae na kadalasang isinusuot kapag may okasyon) naman para sa mga babae. At ang Kimigayo ang pambansang awit ng Hapon ay itinutugtog bago umpisahan ang mga palabas sa tanghalan panahong iyon.[18] Ito’y bilang pagpapaalala sa mga Pilipino sa presensya ng isang bagong mananakop. Kadalasan itong unang piyesang tinutugtog pagkatapos ngopening number at ang standard opening piece sa mga konsyerto, asembleya at iba pang mga pagdiriwang.[19] Ayon kay Julian C. Balmaseda sa kanyang talumpati noong Setyembre 8, 1943 sa Institute of National Language, napansin ng publiko ang kanilang mga napapanood ng panahong iyon ay hindi dulang matatawag o illegitimate. “The public presently noticed that what they saw in these showhouses were not real dramas, but their mixedup dialogues taken at random here and there and which were staged withsong hits from old songs of musical films, and also with comical talks that sprang from the imaginatin of Tuging and Puging, Lopito and Lopita and other theatrical clowns. It was also the public who then looked for legitimate stage shows and in order to respond to this demand the Dramatic Philippines was organized at Metropolitan Theater”.[20] Kung kaya’t bilang tugon sa mga manonood na naghahanap ng mga lehitimong dula nagsimulang magpalabas ang Dramatic Philippines[21] sa pamumuno ni Narciso Pimentel Jr. noong Pebrero 2, 1943 (staging area ng grupo ang Metropolitan Theater). Naipalabas ng grupo ang kaunaunahang mga lehitimong dula ng panahong iyon. Ang dalawang isang yugtong dula ang Sino ba Kayo? na mula sa iskrip ni Julian C. Balmaseda at isinalin sa tagalog ni Fransico Soc Rodrigo at angHelp Wanted ni Domingo Nolasco.[22] Napakainit ng pagtanggap ng mga manonood sa dulang Sino ba Kayo? Kung kaya’t naipalabas ito ng dalawangpu’t walong (28) beses at ang kasamang pelikula lamang nito ang napapalitan. Mula 1943 hanggang Enero 1944 ay dalawangpung dula ang naipalabas ng Dranmatic Philippines sa Metropolitan Theater bilang stage area. Kabilang sa mga dulang ito ay ang mga sumusunod: Mga dulang nasa wikang Pilipino ( karamihan ay mula sa orihinal sa ingles at isinalin sa Pilipino at iba naman ay orihinal na akda) Paa ng Kuwago – adaptasyon ni Francisco Soc Rodrigo mula sa The Monkey’s Paw ni W.W. Jacobs Sino ba kayo? – isang yugtong dula sa panulat ni Julian Balmaseda sa Ingles at isinalin sa Tagalog ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr. Ang Asawa ng Abogado – isang adaptasyon ng orihinal na dula ni F. Liongson sa Espanyol at isinalin sa Tagalog Sa Pula, Sa Puti – isang yugtong dula sa panulat ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalog na orihinal sa Ingles. Sa panahon ng Hapon ito ay itinanghal sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr. ng Dramatic Philippines Martir sa Golgota – isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalog mula sa Pasyon sa Ingles ng Ateneo sa panulat ni Rev. Hunter Guthrie at Rev. Joseph A. Mulrey sa Ingles. Ang Kahapong Nagbalik- isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo mula sa orihinal nito sa Espanyol ang El Pasada Que Vuelve ni Francisco Liongson Tia Upeng – salin mula sa Ingles ang Charley’s Aunt
  • 7. Ulilang Tahanan –orihinal sa Ingles ni Wilfrido Ma. Guerrero noong 1940 at isinalin sa Pilipino ni Juan C. Laya. Isinapelikula ng Premiere Productions sa direksyon ni Gerardo de Leon at ipinalabas noong Hunyo 1994 sa Capitol Theater sa pamagat na House For Sale, The Foresaken House. Itinanghal sa Metropolitan Theater noong Enero 1944 sa Tagalog Taong 1943 katapusan ng Marso, nag-anunsyo ang management ng Metropolitan Theater na hindi na magpapalabas ng mga pelikula sapagkat simula sa araw na iyon ay mga dulang tagalog at Philharmonic Prominade na lamang ang magpupuno ng kanilang mga programa. III. Ang Sensura ng mga Dula Ang lahat ng mga pagtatanghal sa panahong ito ay nasa ilalim ng sensura ng Japanese Propaganda Corps gaya ng radyo at ng mga publikasyon. Ang mga iskrip ay kinakailangang ipasa muna sa mga kinauukulan at tsaka lamang makakapagsimulang mag-rehearse kapag napahintulutan na aito. At hindi lamang iyon, isang araw bago ang pagtatanghal ay pinapanood pa ito ng mgacensors. Mga Uri ng Dulang Pinahihintulutan[23] Tradisyunal na dula- hinihikayat ng mga awtoridad na hapon ang mga revue company na bigyang-pokus ang pagpapalabas ng mga tradisyunal na porma ng dula gaya ng sarsuwela o di kaya ng mga dulang may mga katutubong mga tagpuan. Halimbawa ukol sa mga buhay ng mga muslim at iba mga pangkat-etniko upang lalong maigiit sa mga Pilipino manonood ang pagiging mga Pilipino at Asyano. May mga dula rin na may temang batay sa mga awit, korido, mga katutubong alamat at mga epiko. Historikal na dula- pinahihintulutan din ng sensura ang ganitong mga dula na nagpapakita ng pagiging makabayan. May mga dulang nagtatanghal ng buhay ni Rizal at iba pang mga rebolusyunaryo. Dula ng Propaganda- Nais ng mga awtoridad na bigyang-diin ang pagtatanghal ng mga dulang nagtatampok sa mga buhay ng mga mahihirap lalo na ng mga magsasaka at mga mangingisda. Dulang nagtatampok ng mga Ordinaryong Tao- Naapakaraming mga dula na nagtatampok ng iba’t ibang mga buhay ng ordinaryong tao sa lungsod. Ang mga tema ay ukol sa mga dipagkakaunawaan sa pamilya at ang pang-araw-araw na pakikipagsaplaran ng isang tao para lamang mabuhay. Ito ay maaring repleksyon ng kahirapan ng buhay sa panahong iyon. Isang halimbawa dito ay ang dulang satirikong Bigas ay tungkol sa pagkaubos ng bigas na totoong nangyari sa panahong iyon. Musical Fantasy- itoy mga dulang nagtatapok ng mga tema ng romansa, makukulay na mga kasuotan at mga kapanapanabik na mg pakikipagsapalaran kung kaya’t mas naging popular ang uring ito. Mas epektibo ito sapagkat may pagka-eskapista, na siyang kailangan sa panahon ng digmaan. Dulang Relihiyoso- isinasaagawa parin sa panahong iyon ang mga dula tuwing semana santa sa lahat ng mga teatro sa kamaynilaan gaya ng senakulo o mga dulang may temang relihiyoso. Dulang Tagalog at Dulang Salin- karamihan sa mgga dulaang naipalabas ay mga salin sa Tagalog mula sa orihinal nito sa Ingles at mga dulang nasusulat sa orihinal sa Tagalog sapagkat hinihikayat ng mga awtoridad na mga Hapon ang paggamit ng Tagalog bilang pangunahing wika.
  • 8. Dula sa Ingles- sa simula pa lamang ng okupasyon ng Hapon ay ipinagbawal na ang pagpapalabas ng mga ito ngunit sa kahuli-hulihang taon ng pananakop ay muling naitanghal ang mga dulang nasa wikang Ingles. Dula sa Espanyol- may mga mangilan-nguilan parin mga Spanish Drama groups ang nagtanghal parin sa mga college auditorium. Opera at operettas- itinatanghal ito sa Metropolitan Theater. Ito ay pinaunlad upang magkaroon ng sopistikadong panlasa ang mga Pilipino pagdating sa musika. Iba pang mga musikal na pagtatanghal- Bukod sa mga opera at operettas ay may iba pang mga espesyal pang mga konsyerto gaya ng May Time Music Festival na itinanghal noong Mayo 30, 1942 sa Saint Theresa’s College Auditorium. IV. Ang Dalawang Panig ng Pagtingin Ukol sa Dulaang lumaganap sa panahon ng Hapon A. Ang Pananaw ng mga Pilipino sa dulaan sa panahong iyon Mayroong dalawang pangunahing kritisismo ukol sa dulaan sa panahong ito. Una, ito ay walang iba kundi mga pinagtagpi-tagping mga porma ng sining. Ayon kay Manuel Z. Arguilla (isang batikang manunulat na nagtrabaho bilang censor ng mga stageshows sa panahon ng mga Hapon, As vaudeville, they are passable. As burlesque,they are useless. As musical comedies, they are extremely inane. As melodramas, they are uninteresting. As plays their value is absolutely nil. As presentations of Filipino life on stage, they are unfaithful and untrue. They lack vigor, character and seriousness. They are formless and invertebrate. They do not bare, even in the slightest degree, the usual earmarks of lasting literature: beauty of language,sincerity of characterization and versimilitude of plot[24] Ang ikalawang kritisismo ay ang mga pagtatanghal sa panahong iyon ay mahihinang uri sapagkat walang banghay, walang lohika o maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Ayon kay Amadeo R. Dacanay: Stageshows were generally half-baked improvisatios and some directions even resorted to buying stories.In addition ,
  • 9. the actors were mostly had or indifferent, as if they had never been introduced to the rudiments of acting.[25] Ngunit ayon din kay Dacanay bagaman may mga kahinaang tinataglay ang dulaan sa panahong iyon ay may mga grupo pa rin na nagsisikap para makapagtanghal ng mga lehitimong dula o produksyon gaya ng Dramatic Philippines. Sa kabila ng pagbabawal ng mga Hapon sa paggamit ng Ingles ay binigyang pokus pa rin ng grupo ang pagsasalin ng mga sa Ingles sa Tagalog. B. Ang Pagtingin ng mga Hapon sa Dula Para sa mga Hapon na nakapanood ng mga musical shows sa panahong iyon ang nagsabing walang sariling tradisyon ng dulaan sa Pilipinas. Sapagkat ang mga musical shows diumano ay mga imitasyon lamang ng kulturang Amerikano.[26] Ganito rin ang palagay ng Chairman ng Department of Information (Dramatic Section) na si Kodama Hidemi na ang isang magandang dula ay magagawa lamang kung may matatag na pambansang kamalayan ang isang bansa at epektibo ito kapag nilalaman nito ang mithiin at paniniwala ng mga mamamayan. The important mission of drama through amusement and in deepening the Ground of national culture which is conducive to the elevation of the Standard of life. Therefore it comes as a naturalconclusion that drama should exist for the nation and not merely a vulgar and capricious past time.[27] IV. Ang Dulaan Bilang Propaganda A. Ang Pagtatatag ng Philippine National Theater o PNT Para magkaroon ng pagbabago sa hindi magandang pagtingin sa dulaan sa panahong iyon at upang mapataas ang lebel nito ay itinatag ng mga artista ng dulaan ang Philippine National Theater, Incorporated (naging PNT sa kalaunan) noong October 14, 1943 sa proklamasyon ng Republika ng Pilipinas. Nakapailalim sa PNT ang Dramatic Philippines, Musical Philippines at Metropolitan Theater. Ang ilan sa kanilang mga proyekto ay ang pagdadaos ng mga patimpalak sa pagsulat ng iskrip na tumatalakay sa mga paksa ditto sa Pilipinas upang pasiglahin at mapaunlad ang kultura ng bansa sa kabuuan. Nagpalabas din ang samahang ito ng isang magasin ang Backstage noong Nobyembre 1943. Nagbibigay ito ng mga pag-uulat ukol sa mga aktibidad sa dulaan at ng mga artista. Ito ay nasa wikang Ingles at may ilang bahagi rin naman na nasa Tagalog. Ang huling isyu ay noong Hulyo 8, 1944 sanhi ng mataas na singil sa paglilimbag. Ang PNT ay naging lunsaran para lumaganap ng husto ang teatro bilang propaganda . Isa na rito ang mga pagdadaos ng mga iba’t ibang paligsahan na nagbigay-daan sa maraming produksyon ng mga akdang makabayan. Kabilang dito ang mga awiting Martsa Laurel ni Lucio D. San Pedro; Doon sa Kung Saan Matamis ang Mangga at Kundiman ng Bayan ni Leon T. Ignacio.[28] Isang patunay lamang na ang Metropolitan Theater bilang kanlungan ay may malaking kontribusyon sa propaganda. B. Ang Paglaban/Pagtutol sa Dulaan Sa mga stageshows sa panahong ito ay mga paglaban o pagtutol din na ikinakabit ang mga direktor at aktor sa kanilang mga dayalogo o di kaya’y mga eksena. Isa ito sa kanilang mga paraan na
  • 10. kahit paano ay maisahan nila ang mga Hapon. Isang halimbawa nito ay ang satirical comedy skits nina Tugo at Pugo na ginagawang katatawanan ang mga Hapon.[29] Ang historikal na dulang Tandang Sora ay may pagpapakita rin ng pagtutol laban sa mga Hapon. Ang dula ay tungkol sa isang babaeng bayani na lumaban laban sa mga kastila na ang tanging mithiin ay ang lumaya ang bayan. Pianayagan itong itanghal ng board of censors ngunit may ilang torture scenes ang inalis. Narito ang isang paglalarawan sa pagtatanghal ng naturang dula sa direksyon ni Avellana: Tandang Sora was presented without those scenes, but even without them, the people quickly grasped the motive of the PAL (Philippine Artist League) in presenting this stirring drama. Close to the end of the play, there was a brief glimpse of the flag Of the Katipuanan. Since during those early days of the Japanese Occupation the Filipino Flag was not be exhibited on the pain of Punishment, it was disconcerting to the Japanese authorities that the audience of the Avenue rosesilently at the sight of the Katipunan Flag on stage. Although the audience jammed the theater everyday, Avellana was ordered to replace Tandang Sora with a comedy”.[30] Ang teatro sa panahong ito ay nagging isang lunan ng mga taong laban sa mga Hapon. Naging lugar ito kung saan sila nagkakaroon ng malayang komunikasyon ng patago. Sinasabing 80% ng mga tao sa teatro noong panahong iyon ay kabilang sa anti-Japanaese Underground movement at 15% naman ang nakikipagtulungan lamang. Sa kabuuan naging matagumpay ang mga artista ng teatro sa panahong ito sapagkat nailarawan nila ng sa kanilang mga pagtatanghal ang mga kondisyong panlipunan sa ilalim ng okupasyon ng mga Hapon. Sa kalaunan ang mga pagtatanghal na ito ay naging propaganda laban sa mga Hapon. Ang mga gawaing ito ng protesta ng pagtatanghal ay parehong kalahok ang mga gumaganap at ang mga manonood. V. Ang Pagsasakonteksto ng Dulang Condemned! Ni Wilfrido Ma. Guerrero A. Buod ng Dulang Condemned! Nagsimula ang dula sa ilang oras na lamang ay bibitayin na si Pablo Gonzales sa salang pagpatay sa isang lalaking nagtangkang gahasain ang kanyang kasintahan na si Cristina. Habang naghihintay ng kanyang oras ng pagbitay ay isa-isang nagdatingan ang mga taong nagging malapit sa kanya. Ang unang bisita niya ay ang paring nagsilbing tagapagpaalala niya sa mga salita ng Diyos sa tuwing nalulungkot siya sa kanyang sinapit at kapag natatakot siya sa tuwing maaalala ang sasapiting pagbitay. Ang ikalawa naman niyang bisita ay ang kanyang kababatang si Andres Gorospe. Naligayahan ng husto si Pablo sa pagbisita niya sapagkat bumabalik muli sa kanya ang alaala ng kanyang kabataan noong bago pa mamatay ang kanyang ama. Sang-ayon kay Andres hindi kayang pumatay ni Pablo
  • 11. sapagkat takot ito sa balisong, lalong hindi sugarol at lasenggo. Ngunit si Pablo mismo ang umamin na nag-iba siya mula nang lumayas siya sa kanyang Tia Chedeng noong maglalabing-apat na taon siya noon. Sa kanilang usapan naisalaysay ni Pablo ang nangyari sa kanya nang mamatay ang kanyang ama. Nang mamatay ang kanyang ama, iniwan siya ng kanyang ina na si Angela sa kanyang Tia Chedeng at nagumon sa pagsusugal at sumama sa isang Marcos Nable. Sa pananaw ni Pablo ang ina niya ang puno’t dulo ng kanyang kasawian sa buhay. Para sa kanya ay hindi siya mabibitay kung hindi siya napariwara dahil sa paglalayasa at hindi siya maglalayas kung may inang magbibigay sa kanya ng pagaaruga at pagmamalasakit. Ang ina niya ang kanyang sinisisi sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya. Ang ikatlo niyang bisita ay si Simeon Sereno na nagging barkada niya sa lahat ng kalokohan. Para kay Pablo si Simon ang naglapit sa kanya sa kasamaan. Kung kaya’t galit siya noong una at hindi niya pinapasok ngunit wala rin nagawa si Pablo nang magpumilit na pumasok si Simeon sa kinaroroonang piitan ni Pablo. Nais na Makita ni Simeon si Pablo kahit sa huling pagkakataon para humingi ng tawad sa lahat ng mga bagay na nagawa niyang nakasama kay Pablo. Ang ikaapat na bisita naman ay ang kanyang Tia Chedeng na walang tigil sa paggabay sa kanya. Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay pinatunayan nito ang pagmamalasakit sa pag-abot nito sa kanya ng isang kuwintas na may krusipiho. At kinukulit siya nitong mangumpisal upang mahugasan ang lahat ng kanyang mga pagkakasala sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran sa Panginoon. Ang ikalimang bisita ay si Cristina na nagnanais na siya ay pakasalan ni Pablo kahit sa huling pagkakataon. Ngunit nagdadalawang-isip si Pablo sapagkat ayaw niyang masira ang kinabukasan ni Cristina st maging balo kaagad ng isang mamamatay tao. Pero mag-iiba ang desisyon ni Pablo sa huli. Sa muling pagdating ng pari ay hihilingin ni Pablo na ikasal sila ng pari sa halip na mangumpisal siya. Nakasal ang dalawa, ilang minuto na lamang ang nalalabi bago ang takdanmg oras ng pagbitay nang biglang dumating ang kanyang ina. Ang kanyang huling bisita ay ang ina niyang si Angela ang konprontasyon ng dalawa ay nagbigay-daan sa paglilinaw ng isang masalimuot na nakaraan. Ang lahat ng mga hinanakit ni Pablo sa ina ay dinaan sa mga sumbat. Pinagtapat ng kanyang ina ang buong katotohanan sa likod ng mga masalimuot na pangyayari at kahit huli na ang lahat ay nakuha na rin ni Pablong patawarin ang kanyang ina bago pa man siya mamatay. B. Ang Teorya ni Eagleton bilang framework sa Pagsusuri ng dulang Condemned! Ang gagamiting framework sa pagsasakonteksto ng dulang Condemned! Ni Wilfrido Ma. Guerrero ay ang teorya ni Terry Eagleton.[31] Gaya ng mga historical at biograpikal na mga kritiko, ang mga Marxista ay interesado din sa sosyolohikal na konteksto ng panitikan (sociological context of Literature). Para sa mga Marxista ang tekstong pampanitikan (literary text) ay produkto ng kasaysayan. At ang kasaysayan ay siyang nagdedetermina ng panglipunan at pang-ekonomiyang sitwasyon ng isang bansa na may malaking impluwensya naman sa literature na siya rin na makikita/papaimbulog sa mga akdang pampanitikan. Ngunit ang isang Marxistang kritiko ay mas interesado sa pagkatas ng mga themes of interests sa mga social historians.[32] Ngunit hindi rin lamang mga repleksyon ng panlipunan at pang-ekonomiyang kondisyon ang literature kundi bahagi rin ito ng isang buong sistema ng mga panlipunang ugnayan at moda ng produksyon na nag-emerge sa pagdaloy ng kasaysayan. Sa sanaysay ni Terry Eagleton sa Literature and History ipinaliwanag niya na ang literature ay bahagi ng isang power structure o ng isang struktura ng kapangyarihan ng kasaysayan. At ang susi sa pag-unawa sa panitikan ay ang magkaroon ng rebolusyunaryong pag-unawa hinggil sa kasaysayan mismo.[33] At para maunawaan naman ang kasaysayan ay binalangkas ni Eagleton ang mga ugnayan ng mga pangunahing bahagi ng kasaysayang panlipunan (relationship of the components of social
  • 12. history) mula sa perspektibang Marxista ang 1) base at superstructure,2) literature at superstructure,at 3) literature at ideology. Kung tataluntunin ang ganitong pagbasa maaaring sabihin na ang Condemned! Bilang isang akdang pampanitikan na nalikha sa panahon ng okupasyon ng Hapon ay produktong iniluwal mismo ng panitikang nagsasalamin ng mga panglipunan at pang-ekonomiyang kondisyon sa panahong iyon. Nagsimula sa pagtalakay si Eagleton sa ugnayan ng lipunan at ng superstructure ng lipunan sa pag-aaral ni Karl Marx at Frederick Engels na Consciousness does not determine life: life determines consciousness.[34] Sa madaling salita, ang panlipunang kalagayan ng isang tao ay makikita o madedetermina sa kung paano siya kumikilos, kung paano mag-isip at paano niya ituring ang sarili. Ang mga ugnayang panlipunan ng mga tao ay nadedetermina sa pamamagitan ng kanilang mga material na pangangailangan (material necessity).[35] Sa paglipas ng panahon ang dibisyon sa paggawa sa isang lipunan (mode of production) ay nagbabago.[36] Sa puntong ito maaaring sabihin na ang isang awtor bilang bahagi ng isang institusyong panlipunan o superstructure ay may kapasidad na ilarawan ang kairalang panlipunan ng panahon na kanyang kinabibilangan. At ang akdang pampanitikan na kanyang iniluwal na sumasalamin sa panglipunan at pang-ekonomiyang kalagayan ng kanyang bansa ay maaaring magdetermina ng posisyon ng manunulat sa lipunan. Sa kaso ng dulang Condemned! Makikita ang isang depektibong paglalarawan sa buhay ng isang ordinaryong tao. Mapapansin na hindi gagap ni Wilfrido Ma. Guerrero ang kilos, ugali at gawi ng masa tulad ng kanyang nais na talakayin sa karakter ni Pablo Gonzales sapagkat mas gamay niya ang pagtalakay sa middle-class sapagkat siya’y pabilang sa antas na ito. Ang mga katangiang tinataglay ng tauhang si Pablo Gonzales ay ang persepsyon ni Wilfrido Ma.Guerrero ng isang indibiduwal na mula sa mababang antas ng lipunan. Makikita ito sa mariin niyang pag-giit sa dula ng kahalagahan ng edukasyon sa isang tao, ang pagiging intelektuwal ay isa lamang sa mga determinant factor ng isang middle class. Isa pang salik na tinutukoy ni Guerrero ay ang pagkakaroon ng takot sa Diyos at relihiyoso na sinasabing wala sa isang di-aral sapagkat padalos-dalos sa mga kilos at gawi at lalong walang takot sa Diyos. Ang dulang Condemned! Ay nasa orihinal sa Ingles ngunit dahil sa panahong iyon ng pananakop ng mga Hapon, para maitanghal ay isinalin muna ang iskrip sa Tagalog bilang Salarin!Noong 27 Nobyembre 1943 sa Capitol theater sa direksyon ni Fernando Poe Sr. Isinagawa ito sa kadahilanang pinagabawal nang mga Hapon ang paggamit ng Ingles bilang wika sa mga performance text o teksto sa pagtatanghal. Ngunit kapansin-pansin ang pagiging eskapista ng tema ng dula sa kadahilanang wala itong pagtalakay sa realidad --- sa tensyon o pakikibaka ng mga Pilipino sa mga mananakop na Hapon. http://umpp.blogspot.com/2011/08/ang-dulang-pilipino-sa-panahon-ng.html