SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
John Anthony B. Teodosio
1.
2.

Isang Rebisyon ng Tula
Isang malayang taludturan
Shotgun
-Si Kurt Cobain, 27, ay isa sa mga kinikilalang rock icon noong dekada 90. Nagulantang ang lahat nang
matagpuan siyang patay sa kanilang bahay noon pang ika-5ng Abril, 1994. Isang shotgun ang ginamit sa
kanyang pagpapatiwakal kalakip ang isang suicide note na naglalaman ng marahil ay pamamaalam sa
mundo ng musika.
Nakarating na marahil kay Boddah ang iyong pamamaalam
Na ngayo’y alingawngaw pa rin.
Dala ba ito ng paglalaro sa ibang mundo?
Ng pagkasawi?
Ng masamang pinagkabihasnan?
O ng
Paghahanap ng ganap na katahimikan?
Hindi kita naintindihan
Sa mga itinititik mong awit
Ng pagkahibang?
Ng pagkamatulain?
O ng pagnanais ng makapag-isa?
Hindi rin kita naintindihan
Kung ano ba ang nasa loob ng malikot mong dalumat?
Gayunpaman, patuloy akong sumasamba
Sa mga pira-pirasong gunita ng pagkagalit at pagkatuwa
At sa pagkitil ng gitara.
Di ko akalaing
Matatapos sa isang baril
Ang lahat ng ito.
Napabalitaang nakabulagta sa iyong silid
At ikinalabit ang gatilyo ng katapusan.
Bang!
Sumambulat
ang maraming
alaalang
nagkalat
sa buong paligid.
Nagkawatak-watak din
ang masasayang gunita.
Tinapos ng baril na ito
Ang musikerong tinatanglawan
Ng nakararami.
Ang baril na ito
Ay kailangang isundo ka
Sa walang hanggang mundo
Na iyong hinahanap.
“Na hindi ko nahanap
noong buhay ka pa.”
Binabalikan ko ngayon
Ang liriko ng pagluluksa,
Ang tinig na umungol sa murang pandinig.
Marahil ay sawa ka na sa lupang maraming nangmamata
At salat sa pag-unawa.
Marami ka pang tatakbuhing milya ng pagkabantog.
Ngunit sadyang matulin ang kawit ng dilim at lumbay.
Malayo pa sana ang babagtasin mong mga himig
Kung hindi ipinaubaya ang sarili sa baril ng pagwawakas.
Iisiping nasa langit ang simoy ng iyong tinig.
Mistulang pinaparinig ang melodya ng dalangin.

More Related Content

More from John Anthony Teodosio (20)

My portfolio
My portfolioMy portfolio
My portfolio
 
Alala
AlalaAlala
Alala
 
Lira rebisyon
Lira rebisyonLira rebisyon
Lira rebisyon
 
Lira palihan
Lira palihanLira palihan
Lira palihan
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
Evaluation forms
Evaluation formsEvaluation forms
Evaluation forms
 
Revised banghay
Revised banghayRevised banghay
Revised banghay
 
Aanhin ninyo 'yan
Aanhin ninyo 'yanAanhin ninyo 'yan
Aanhin ninyo 'yan
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Tula aubade salin
Tula aubade salinTula aubade salin
Tula aubade salin
 
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuriNoli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
 
Tony
TonyTony
Tony
 
Panitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propagandaPanitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propaganda
 
Lira ...
Lira ...Lira ...
Lira ...
 
Lira 5
Lira 5Lira 5
Lira 5
 
Tula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nitoTula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nito
 
Lira 1
Lira 1Lira 1
Lira 1
 
Tony
TonyTony
Tony
 
Palihan
PalihanPalihan
Palihan
 
Lira 4
Lira 4Lira 4
Lira 4
 

Shotgun

  • 1. John Anthony B. Teodosio 1. 2. Isang Rebisyon ng Tula Isang malayang taludturan Shotgun -Si Kurt Cobain, 27, ay isa sa mga kinikilalang rock icon noong dekada 90. Nagulantang ang lahat nang matagpuan siyang patay sa kanilang bahay noon pang ika-5ng Abril, 1994. Isang shotgun ang ginamit sa kanyang pagpapatiwakal kalakip ang isang suicide note na naglalaman ng marahil ay pamamaalam sa mundo ng musika. Nakarating na marahil kay Boddah ang iyong pamamaalam Na ngayo’y alingawngaw pa rin. Dala ba ito ng paglalaro sa ibang mundo? Ng pagkasawi? Ng masamang pinagkabihasnan? O ng Paghahanap ng ganap na katahimikan? Hindi kita naintindihan Sa mga itinititik mong awit Ng pagkahibang? Ng pagkamatulain? O ng pagnanais ng makapag-isa? Hindi rin kita naintindihan Kung ano ba ang nasa loob ng malikot mong dalumat? Gayunpaman, patuloy akong sumasamba Sa mga pira-pirasong gunita ng pagkagalit at pagkatuwa At sa pagkitil ng gitara. Di ko akalaing Matatapos sa isang baril Ang lahat ng ito. Napabalitaang nakabulagta sa iyong silid At ikinalabit ang gatilyo ng katapusan. Bang! Sumambulat ang maraming alaalang nagkalat sa buong paligid. Nagkawatak-watak din ang masasayang gunita.
  • 2. Tinapos ng baril na ito Ang musikerong tinatanglawan Ng nakararami. Ang baril na ito Ay kailangang isundo ka Sa walang hanggang mundo Na iyong hinahanap. “Na hindi ko nahanap noong buhay ka pa.” Binabalikan ko ngayon Ang liriko ng pagluluksa, Ang tinig na umungol sa murang pandinig. Marahil ay sawa ka na sa lupang maraming nangmamata At salat sa pag-unawa. Marami ka pang tatakbuhing milya ng pagkabantog. Ngunit sadyang matulin ang kawit ng dilim at lumbay. Malayo pa sana ang babagtasin mong mga himig Kung hindi ipinaubaya ang sarili sa baril ng pagwawakas. Iisiping nasa langit ang simoy ng iyong tinig. Mistulang pinaparinig ang melodya ng dalangin.