Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang kanilang propaganda na ang mga hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyang magpapalaya sa mga Pilipino. Ang karaniwang paksa sa panahong ito ay :
Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda.
Sumisentro sa Pagka-makabayan, Pag-ibig, Kalikasan.
Pananampalataya at sining.
Ugali ng mga hapon sa pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa
Bakit kaya ito ang karaniwang tema sa panahong ito? Malaki ang impluwensyang naidulot ng sensura o sensor na ipinatupad ng mga hapones sa mga akdang pamanitikan sa panahong ito.
- ang Manila Shimbun-sha ay nagsilbing sensor ng mga hapones upang maharangan ang mga akdang di nila nais. Ang kadalasang inaapruba nilang mga akda ay ang mga akdang nagbibigay-puri at kumikilala sa mga Hapones. Ipinagbawal din ng mga hapones ang pagbasa o pasgulat tungkol sa demokrasya at lahat ng patungkol sa estados Unidos.
Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan sa panahong iyon. Sa sobrang higpit nito ay maraming mga literary periodicals ang napahinto sa paglalathala.
Dahil sa pagliit ng bilang ng mga peryodiko ay nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdang pampanitikan sa Ingles. Taliwas naman ito sa lubos na pagyabong ng mga akdang pampanitikang Tagalog. Mas lamang ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat suportado ito ng mga Hapon.
Kalagayan Ng Panitikan
Namahingang tuluyan ang Panitikang Filipino at Kastila sa Panahon ng Hapon. Sa kabila nito, nagpatuloy ang pagsulat sa mga wikang Tagalog at ingles na taglay ang diwang makabansa, bagama’t hindi nakararating lahat sa mga mambabasang Pilipino. Masasabing iilang akda lamang sa loob ng mahigit na taltlong taon ang naisulat mula 1945 hanggang 1944.
Kung maituturing na may buting nagawa ang Hapon sa Pilipinas, iyon ay ang pagpapahalaga sa wikang sarili. Nailagay sa mataas na antas ang wikang Filipino na gawin itong wikang opisyal.
---- Ngayon ay dumako naman tayo sa mga akda sa panahon ng Hapon.
Ang ilang kwentong nakilala sa panahon ng pananakop ng Hapon ay isinulat sa wikang Ingles na kababakasan ng kabihasnang pamana ng Amerikano, lalo na ang ilang mahilig sa pagsulat sa wikang Ingles.
-Ang akdang tatalakayin ko ngayon sa panahon ng hapon ay ang maikling kuwento, ang nobela, at ang dula.
---ANG MAIKLING KUWENTO
Ang maikling katha o maikling kuwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.
ANG DULA
Kadalasang mga paksa sa pagtatanghal ang pagmamahal ng ina sa anak, ng kasuyo sa kasintahan, at pag-ibig sa tinubuang lupa.
PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON-Ikalawang bahagi..pptx
1. Inihanda ni:
CYRENE N. SOTERIO
PANITIKAN SA
PANAHON NG
HAPON
President Ramon Magsaysay State University
(Formerly Ramon Magsaysay Technological State University)
Iba, Zambales, Philippines
Panitikang Filipino
2. Maitalakay ang Kasaysayan ng
Panitikan sa Panahon ng Hapon
01
Maibahagi ang Katangian at
Tema ng Panitikan sa Panahon
ng Hapon.
02
MGA LAYUNIN:
4. 01 Kaligirang Kasaysayan
Binomba ang Pilipinas ng mga panahon
noong Disyembre 8, 1941.
Sumuko at napasailalim ang Pilipinas sa
mga hapones .
Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa,
dala nila ang ang kanilang propaganda na ang
mga hapon ang dumating sa Pilipinas bilang
kapatid na magpapalaya sa mga Pilipino.
5. 01 Kasaysayan
Para maprotektahan ang imperyo ng mga hapon
mula sa mga US military bases.
Ang Pilipinas ay nasa tugmang posisyon sa Timog
Silangang Asya na kinakailangan ng mga Hapon
sa kanilang pag-abante sa katimugan
Sa Pilipinas matatagpuan ang mga hilaw na
materyales na kailangan ng bansang hapon para
sa digmaan.
Tatlong Pangunahing Dahilan ng Pananakop ng
mga Hapones sa Pilipinas
6. Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto
nga Pilipino gaya ng respetong binigay ng mga ito sa
mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuha
ang simpatya ng mga Pilipino. Sinasabing gawa ng
mahabang panahon ng pagkababad sa kulturang
kanluranin ang mga Pilipino ay nakalimot na sa
kanyang pagiging Asyano. Gayundin, ang
pagiging highly literate ng mga Pilipino ay
nagsilbing sagabal sa pagsakop ng hindi lamang
bansa gayundin ng kamalayan ng mga Pilipino.
7. 01 Kasaysayan
Cultural Policy sa panahon ng pananakop
ng Hapon.
Nakapaloob sa cultural policy na ito na ang
paglalatag ng mga programa na makakatulong
sa ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-
Hapon.
8. 01 Kasaysayan
Cultural Policy
Pagkakaroon ng sariling gobyerno.
Bagong Pilipinas o New Philippines.
Pagmanipula sa edukasyon.
9. Sumisentro sa buhay sa lalawigan o
pagsasaka o pangingisda.
Sumisentro sa Pagka-makabayan,
Pag-ibig, Kalikasan.
Pananampalataya at sining.
Ugali ng mga hapon sa pagiging tapat
sa kanilang bansa at pagkakaroon ng
dangal sa sarili at bansa.
02
Tema ng Panitikan sa
Panahon ng Hapon
11. Tahasang ipinagamit ang Filipino sa
mga paaralan bilang wikang Pambansa
at ang Ingles bilang wikang panturo sa
mga bata.
Nagkaroon ng kautusan na bawal ang
pagturo ng mga bagay na may
kinalaman sa demokrasya at Estados
Unidos.
02
Kalagayan ng
Panitikan
12. Naging malaya ang lahat ng manunulat
sa punto ng porma. (Free Verse)
Pinagbawal ang mga sulating Ingles.
Naglathala ng mga tula, kuwento at
mga unang lathalain sa Niponggo. Ang
mga paksain ay pawang pumupuri sa
kadakilaan ng mga hapones.
02
Kalagayan ng
Panitikan
16. Ang maikling katha o maikling kuwento ay isa sa mga anyo
ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng
isang kwentong may mahalagang pangyayari.
Maikling Kuwento
17. 1. Matimpi ang pagpapahayag ng paksa.
2. Nagsasalaysay ng madulang pangyayari.
3. Ang paksa ay nauukol sa iba’t-ibang
karanasan sa buhay ng tao.
4. Gumagamit ng mga payak na pangungusap
kaya madaling maunawaan.
Mga Katangian ng Maikling
Katha
18. Sa kabila ng mahigpit na sensor noong
panahon ng mga hapon..
Maraming nalathalang tula, kuwento at mga unang
lathalain sa Niponggo nang mabuksan ang Sunday
ng Tribune Magazine noong 1943. Kahit gaano’y
maituturing na Gintong Panahon ng Maikling
Kuwentoang panahong ito dahil maraming
nagsisulat ng mga maiikling kuwento. Ang ilang
mga manunulat na nasanay sa pagsulat sa wikang
Ingles noong Panahon ng mga Amerikano ay
sumubok na sumulat at gumawa ng mga akda na
nasa wikang Filipino
19. 1. Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
2. Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway
Arceo
3. Lunsod, Nayon, at Dagat-dagatan ni
Nestor Vicente Madali Gonzalez
Tatlong Pinakamahusay na Kuwento sa
Panahon ng Hapon
21. Sa kabuuan…
Ang mahigpit na pagbabantay ng
panitikan sa Panahon ng Hapon ay
naging isang epektibong panahon para
mapaunlad ang panitikang Pilipino
sapagkat bukod sa paghihigpit ng mga
hapones sa mga nailathalang mga akda
ay mahigpit din nilang ipinatupad na ang
wikang gagamitin sa lahat ng nailalathala
sa Pilipinas ay ang wikang kinagisnan ng
mga Pilipino.
23. 1. Pagmamahal ng ina sa anak,
2. Pagmamahal ng kasuyo sa kasintahan,
at
3. Pag-ibig sa tinubuang lupa.
Kadalasang Tema ng Dula
24.
25. Mga dahilan sa pamamayagpag ng mga stageshows
Una sapagkat walang ibang kahati ito sa pagbibigay
ng aliw sa mga manonood sa panahong iyon.
Ikalawa, naghahanap ng paraan para makapaglibang
at makapagsaya ng kahit papaano ang mga tao sa
kabila ng digamaan at pananakop ng mga Hapon sa
bansa.
Ikatlo, maaaring ipagpalagay na ang mga Pilipibno
noon ay binalingan ang stageshow bilang paraan ng
pagtakas sa realidad ng buhay- ang kawalan ng
trabaho at pagdarahop sa buhay.
Ikaapat, nakahatak din ng husto ng mga manonood
ang stageshow sapagkat ang mga nagsisiganap ay
26. Mga dulang nasa Wikang Pilipino
(Karamihan ay mula sa orihinal sa ingles at isinalin sa Pilipino
at iba naman ay orihinal na akda)
•Paa ng Kuwago (The Owl’s Claw)– adaptasyon ni Francisco
Soc Rodrigo mula sa The Monkey’s Paw ni W.W. Jacobs.
•Sino ba kayo? (Who are you?)– isang yugtong dula sa
panulat ni Julian Balmaseda sa Ingles at isinalin sa Tagalog
ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso Pimentel
Jr..
•Ang Asawa ng Abogado – isang adaptasyon ng orihinal na
dula ni F. Liongson sa Espanyol at isinalin sa Tagalog.
27. •Sa Pula, Sa Puti – isang yugtong dula sa panulat ni
Francisco Soc Rodrigo sa Tagalog na orihinal sa Ingles.
Sa panahon ng Hapon ito ay itinanghal sa direksyon ni
Narciso Pimentel Jr. ng Dramatic Philippines.
•Martir sa Golgota – isinalin at inadapt ni Francisco Soc
Rodrigo sa Tagalog mula sa Pasyon sa Ingles ng Ateneo
sa panulat ni Rev. Hunter Guthrie at Rev. Joseph A.
Mulrey sa Ingles.
•Ang Kahapong Nagbalik- isinalin at inadapt ni Francisco
Soc Rodrigo mula sa orihinal nito sa Espanyol ang El
Pasada Que Vuelve ni Francisco Liongson.
28. •Tia Upeng – salin mula sa Ingles ang Charley’s
Aunt
•Ulilang Tahanan –orihinal sa Ingles ni Wilfrido
Ma. Guerrero noong 1940 at isinalin sa Pilipino
ni Juan C. Laya. Isinapelikula ng Premiere
Productions sa direksyon ni Gerardo de Leon at
ipinalabas noong Hunyo 1994 sa Capitol
Theater sa pamagat na House For Sale, The
Foresaken House. Itinanghal sa Metropolitan
Theater noong Enero 1944 sa Tagalog
29. Mga Uri ng Dulang Pinahihintulutan
1. Tradisyunal na dula- hinihikayat ng mga awtoridad na hapon ang
mga revue company na bigyang-pokus ang pagpapalabas ng mga
tradisyunal na porma ng dula gaya ng sarsuwela o di kaya ng mga
dulang may mga katutubong mga tagpuan.
2. Historikal na dula- pinahihintulutan din ng sensura ang ganitong
mga dula na nagpapakita ng pagiging makabayan. May mga dulang
nagtatanghal ng buhay ni Rizal at iba pang mga rebolusyunaryo.
3. Dula ng Propaganda- Nais ng mga awtoridad na bigyang-diin ang
pagtatanghal ng mga dulang nagtatampok sa mga buhay ng mga
mahihirap lalo na ng mga magsasaka at mga mangingisda.
30. Mga Uri ng Dulang Pinahihintulutan
4. Dulang nagtatampok ng mga Ordinaryong Tao- Naapakaraming
mga dula na nagtatampok ng iba’t ibang mga buhay ng ordinaryong tao
sa lungsod. Ang mga tema ay ukol sa mga dipagkakaunawaan sa
pamilya at ang pang-araw-araw na pakikipagsaplaran ng isang tao
para lamang mabuhay.
5. Musical Fantasy- itoy mga dulang nagtatapok ng mga tema ng
romansa, makukulay na mga kasuotan at mga kapanapanabik na mg
pakikipagsapalaran kung kaya’t mas naging popular ang uring ito. Mas
epektibo ito sapagkat may pagka-eskapista, na siyang kailangan sa
panahon ng digmaan.
6. Dulang Relihiyoso- isinasaagawa parin sa panahong iyon ang mga
dula tuwing semana santa sa lahat ng mga teatro sa kamaynilaan gaya
32. Ito ay tinatawag din sa wikang Tagalog na
Kathambuhay. Katha sapagkat likha ng
panulat at buhay sapagkat ang mga
kasaysayan ngang isinasalaysay, kung hindi
man lubos na gawa sa isip, ay hinahango sa
mga pangyayaring tunay na naganap sa
buhay na maaaring nasaliksik, nasaksihan o
naobserbahan, napanayam, o kaya’y
naranasan.
Ang Nobela
33. Ang katagang nobela ay buhat sa salitang
Kastila na Novella na binaybay- Tagalog at
pinanatili ayon na rin sa dikta ng
kasaysayan dahil ang mga Kastila ang
nagdala ng sangay na ito ng panitikan sa
kapuluan na lalong nagpatingkad sa
kanilang pananakop.
Ito rin ay isang masining na sangay ng mga
pangyayaring nagaganap sa buhay na
umiikot ayon na rin sa mga karanasan ng
Ang Nobela
34. Hindi naging maunlad ang nobela dahil sa
kakulangan ng materyales.
Halimbawa
• Luha ng Buwaya- Amado V. Hernandez
• Tatlong Mari- Jose Esperanza Cruz
• Sa Lundo ng Pangarap- Gervacio Santiago
• Lumubog ang Bituin- Isidro Castillo
• Ibong Mandaragit- Amado V. Hernandez
• Daluyong- Lazaro Francisco
Ang Nobela
35. Mga nobelang nalathala sa Magasing
Aliwan:
Luha at Luwalhati (Antonio Sempio, 1942)
Igorota sa Baguio (Fausto Galauran, 1945)
Sa Lundo ng Pangarap (Gervacio Santiago)
Ang Nobela
36. Pangwakas na konklusyon ng mga
panitikan sa panahon ng hapon
Maikling Kuwento
Dula
Nobela