2. Ano nga ba ang Deklamasyon?
Ito ay pagsasalaysay ng isang
kabisadong tulang pasalaysay.
Ang taguring deklamasyon ay
nagmula sa salitang Griyego
na melete na
nangangahulugan na payak na
pagsasanay na may masidhing
damdaming makulay.
4. Layunin ng
Deklamasyon
1. Layunin ng deklamasyon na
humikayat, tumugon,
mangatwiran o maglahad ng
isang paniniwala.
2. Dapat magpakita ng
pananabik na magsalita ang
bumibigkas.
5. Layunin ng
Deklamasyon
3. Kailangan kumilos ng tama
ngunit mahinahon. Ang tinig
ay dapat lumikha ng
kawilihan.
4. Simulan sa kawi-wiling tinig
ang pagsasalita upang
makaakit ng tagapakinig.
6. Layunin ng
Deklamasyon
5. Ipadama sa mga tagapakinig
na sila ay kasama o kabahagi
sa pagsasalita o pagtitipon.
6. Huwag tumingin sa isang
dako lamang, pagalain ang
mga paningin.
7. Layunin ng
Deklamasyon
7. Umisip ng mga salita na
makapagbibigay ningning sa
deklamasyon.
8. Maging maingat sa
pagsasalita. Dapat tumpak
ang mga pananalita at ayon sa
tuntuning pambalarila.
8. Layunin ng
Deklamasyon
9. Huminto sandali sa wakas ng
deklamasyon bago bumalik sa
upuan subalit taglay ang
katauhang binibigyang buhay.
13. Ang tamang
Pagdeklamasyon
g. Maging makatotohanan sa
gagawin interpretasyon.
h. Ang pagtingin sa madla (eye
contact), ekspresyon ng
mukha, kumpas at galaw ay
kinakailangang
magkakaugnay sa isa’t – isa.
14. Ang tamang
Pagdeklamasyon
i. Magsuot ng angkop na
kasuotan ayon sa isasabuhay
sa katauhan.
j. Iwasan ang kalabisan sa pag
– arte, magkaroon ng control
sa iyong emahinasyon.
15. Pamantayan para sa
Deklamasyon
• Pamantayan para sa Paghuhusga:
Delivery of Speech ---------------- 30%
Enunciation ---------------- -------- 20%
Voice quality ----------------------- 20%
Gestures/deportment/stage
presence ---------------------------- 20%
Memory ---------------- ------------ 5%
Costume/Props ------------------- 5%
Kabuuan----------------------------100%
17. Ang Tula at ang Makata
Bawat makata o kritiko
ng panulaang Filipino ay
may iba’t ibang pagpapa-
kahulugan sa tula gaya
ng mga sumusunod:
18. Ayon kay Alip
“ Ang tula ay napagmamasdan
mula sa kulay at galaw ng lalong
kaaya-ayang likha ng kamay ni
Bathala; nakikita at pinapanood
natin sa mga likha ng sining ng
tao; nararamdaman natin sa
mga malalalim na simbuyo ng
damdamin at isip; sa kasayahan
at kalungkutan, sa kaginhawaan
19. Ayon kay Alip
at sa karalitaan; sa pag-ibig, sa
pagmamahal, sa duyan ng isang
sanggol at sa sapot ng isang
libingan. Maaring di-
mapagmamasdan sa
pamamagitan ng ilaw ng mga
mata, ngunit nakikita sa ilaw ng
pag-iisip. Kaya tumpak na
sabihing ang tula ay kagandahan.
20. Alejandro at Pineda
“Ang tula ay isang pagbabagong
hugis ng buhay na hinango sa
guniguni, na ipinararating sa
ating damdamin at
ipinapahayag sa pananalitang
nag-aangkin ng tumpak na
aliw-iw at lalong mainam kung
sa mga sukat at taludtod.
21. Monleon
“ Ang tula ang siyang
lumalagom sa kabilang
daigdig at iniuugnay ito sa
ibang mga sining”
22. Del Mundo
“ Ang tunay na tula ay
kailangan managano sa “
masidhing damdamin”.
23. Samantala, ang makata ay
manlilikha. Ang kanyang
nililikha ay salamisim na
hininog ng kanyang talas ng
isip, tayog ng talino, kislap ng
diwa, at pusok ng damdamin.
24. Monleon
Ang diwa ng isang makata ay isang
batis na kadluan ng tubig na
tulain. Walang pagkatuyo! Iyan
ay isang dinsulang kailanma’y di
mauubusan ng laman. Anumang
oras na naibibigay isawak ang
panulat ay maaari. Sa lahat ng
sandali ay maaaring kumadlo ng
tubig… umiinom… at
magpalamig ng puso at dibdib.
25. Monleon
Datapwat kailangan ang
mauhaw. Kailangan ang
sibulan ng maidhing
pagnanasang magamit sa may
kapaparakang bagay ang
diwang manunula. Kailangang
magkaroon ng tinatawag na
sagimsim.
26. Ricarte
“Bagamat ang makata ay
manlilikha, ang kanyang
paglikha ay hindi katulad ng
sa Diyos. Ang tula ay hindi
nilikha buhay sa wala o sa
isang vacuum. Alinmang, tula
ay hindi nawawalan ng
kasasaligan o pinagsisimulang
tunay na bagay o aktwal na
pangyayari.
29. Ricarte (1970)
sa simula, ang makata ay kaisa
ng daigdig.
Tagapagsalaysay ng maaalat na
kapaniwalaan
Tagapagsalita ng relihiyon at
kagandahang-asal
Tagapamansag ng pambansang
kaisipan
30. Ricarte (1970)
Ngunit ang sining ay isang
patuloy na paghahanap. Ang
makata, sa kanyang laging
uhaw na kaluluwa, ay hindi
habang panahong masisiyahan
sa piling ng daigdig.
Maghahanap siya sa mga
kakulangan nito; makadarama
ng kabiguan at kawalang-
katapatan nito
31. Ricarte (1970)
ng pagkawala sa masalimuot
na kalagayang hatid ng
mekanisasyon at kaunlaran;
maghihimgsik sa nakatatag na
mga kapaniwalaan at
alituntunin.
32. Ang makata ay manlilikhang
sining. Dahil dito, kailangang
hindi lamang damdamin ang
pumupukaw sa kanyang
kabuun. Kailangan niyang
makasulat ng tulang
nagtataglay ng tinatawag ni
Ricarte na mga
arkitektonikong sangkap.
34. Ngunit hindi sa pagbabasa,
hindi sa pagkilala sa mga
arkitekonikong sangkap at
lalaong hindi sa pagtuklas sa
kaisipang hatid ng tula lamang
nagwawakas ang pagkilala sa
tula. Higit na mahalaga ang
pagsasabihauy noto o ang
pagbibigay-kulay sa bawat
tunog, titik, salita, pahayag,
pangungusap, taludtud, at
saknong ng tula.