2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
hindi makararating sa paroroonan
Walang sumisira sa bakal kundi sarili
niyang kalawang
Kaibigan sa harapan, kaaway sa
talikuran
3. Ang pag-aasawa’y hindi biro
Hindi pagkaing mailuluwa kung
mapaso
Ang bayaning nasugatan
nag-iibayo ang tapang
Pili nang pili sa bungi nauwi
4. Hindi lahat ng kumikinang ay
tunay na gintong lantay
Mahal ang tubo sa
puhunan
Tuso man ang matsing
napaglalangan din
Ako ang nagbayo, ako ang
nagsaing saka nang maluto, iba
ang kumain
5. Hindi hayop, hindi tao, hindi natin
kaanu-ano, ate nating pareho
Isang hukbong sundalo dikit-dikit
ang ulo
May langit, may dagat, ngunit wala
namang lupa
Matangkad kung nakaupo, pandak
kung nakatayo
Wala sa langit, wala sa lupa, kung
lumalakad ay patihaya
6. C. Bigyang paliwanag ang sumusunod na salita
1.Salawikain
2.Bugtong
3.Kasabihan
D. 1. Bakit kailangang pag-aralan ang karunungang –bayan?
7. Balik-aral:
1. Bakit kailangang pag-aaralan ang mga karunungang-bayan?
2.Pabibigyang sagot ang mga halimbawa ng karunungang-
bayang ibibigay ng guro.
8. Sinasabi ng marami na ang anak na marunong
makinig sa magulang ay magkakaroon ng
magandang kinabukasan, totoo ba? Ipaliwanag.
9. 1. Nakabubuti kaya ang computer games sa
kabataan?Bakit?
2. Magmungkahi ng libangan na makabubuti at
makapagpatalas ng isipan ng mga kabataan.
10. Pagpapangkat sa lima ng klase at pag-uusapan
kung anong karunungang-bayan ang iuugnay sa
tunay na pangyayari sa buhay. (P-11) Maaaring sa
role play, monologue,pantomine o sa kahit na
anong kaparaanan maibabahagi ng grupo ang
kaalaman sa klase.
12. Karagdagang pagsasanay:
Bumuo ng sariling kongklusyon o sariling
obserbasyon kung ang bawat pangyayari sa
buhay ng tao ay may maitutumbas o mailalapat
na salawikain o kasabihan. Isulat sa sanayang
kwaderno.
13. Alamin ang tinutukoy na mga salitang
kaagaw-diwa sa pagpapakahulugan ng mga
karunungang - bayan.Isulat sa inyong kwaderno
ang sagot . At idagdag sa pagsagot ang mga
katanungan sa pahina 15. Isulat ito sa 1/2 SOP.
14. Ano ang Salawikain?
Ito ang salitang nakaugalian na at lalong angkop
namang ipamagat sa mga kasabihang mana-manahang
hiyas ng wika, simula’t batas ng mga kaugalian, at
patnubay ng kabutihang-asal, na pasalin-salin sa bibig
ng madla.
15. Ito ay kasintanda ng kabihasnan ng mga bayan, at
mabisang panunutunan sa pakikipagkapwa-tao, lalong-
lalo na ng mga lahing silanganin.
Kung ang agham ay tinatawag na katipunan ng
mga simulating-isip na nagtutugunan at nagpupunuan
sa pagbuo ng iba’t ibang uri ng karunungan, ang
salawikain ay mabibilang na isa sa mga sanga ng
kaaghaman.
16. Ang salawikain ay anak ng mataos na pagkilala sa
mga likha ng kalikasan, at tinig ng mahabang karanasan
sa buhay. Sa alaga at talino ng pag-iisip at sa tulong ng
kayamana ng wika ay nagiging matimyas na binhi ng
kabaitan at karangalan, gayon din ng kabayanihan at
kabihasnan ng mga tao at mga bayan.
17. Sa ganang Pilipino, ang katipunan ng salawikain ay
halos maituturing na pinakakatutubong “Bible”, kung hindi man
siyang pinaka-”Moral Code” sa mula’t mula pa. Hindi man
nakasulat o nakalimbag sa papel, datapwa’y nababasa nga,
alalaong baga’y naririnig sa bibig ng kamatandaan, natatanim
sa diwa ng kabataan at nakikintal sa alaala ng madla. At siyang
makapangyarihang Diwang nagbabatas sa pakikipagkapwa-tao
sa pagtuturing kay Bathala at mga magulang, at pati na sa
pakikitalamitam sa mga tag-ibang lupain
18. Dahil nga sa ang pangalawang salawikain ay hindi pa
siyang lagging naitatawag ng lahat ng bagay na tinatalakay
natin dito, kaya muli’t muli naming naimumungkahi ang
salitang iyan upang siya nang sadyang gamitin ng madla,
alang-alang sa ikapagkakaisa ng pag-uunawaan ng mga
nag-uusap o ng mga sumusulat at bumabasa.
19. Ang salitang wika ay siyang ginagamit na natin
ngayon sa kahulugang “lengua” o “isioma” sa kastila at
“tongue” o “language” sa ingles; samantalang noong araw
ay malamang pang gamitin ang salita kaysa sa wika sa
ganyang kahulugan.
Halimbawa:
ang salita ni Adan at ni Eba ay galing sa Diyos
Ang salitang Kastila ay maganda
Ang salitang Intsik ay mahirap pag-aralan
20. Maging si Dr. Rizal pa man ay karaniwang mapaggamit
ng salita sa halip ng wika kung tumutukoy ng ginagamit
ng isang lahi sa pag-uusap at pag-uunawaan ng
magkakalahi; gaya ng mapapansin sa kanyang panganay
na tulang Tagalog na:
SA AKING MGA KABABATA
21. Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita,
Mahigit sa hayop at malansang isda;
Kaya ang marapat pagyamaning kusa,
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
22. Ang wikang Tagalog na tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagka ang Poong maalam tumingin,
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
23. 1. Ilang beses ginamit ni Rizal ang “salita”?
2. Maaari kayang maging halimbawa ito ng
salawikain? Ano ba ang naging palasak at
bukambibig ng lahat dito?
24. Noong panahon ng mga Awit at Korido, karaniwan ding
gamitin ang salita sa kahulugang kasaysayan o buhay-buhay, gaya
ng madalas na ipamagat nila sa aklat na: Salita at Buhay na
Pinagdaanan ni…atbp….
Datapwa’t, salamat na lamang sa panahon ng
pagbabagong-diwa ng mga mananagalog, at ang salitang salita ay
ganap nang iniuukol lamang ngayon sa katuturang “palabra”,
“vocaldo” sa Kastila, o “word” sa Ingles, at ang wika naman ang
siyang ganap na ring panumbas sa katuturang “lenguaje” o
“language”.
Ang ganitong pagbibigay sa wika at sa salita ng kani-
kaniyang katuturan at magkaibang tungkulin ay nakapagpapalinaw
at nakapagpapaayos na lalo sa kasalukuyang pananagalog.
25. Ang pag-uunlapi ng sala- at paghuhulapi ng –in sa
ugat na wika, ay nagbibigay rito ng diwa ng pagka-”madalas
wikain”, “kaugaliang sabihin” o”karaniwang iaral” ng madla
o ng balana sa kinakausap o bumabasa.
Ang pangyayaring sa halip ng tawag na salawikain ay
mayroon pa ring tumatawag diyan ng kasabihan, kawikaan,
sawikain lamang, at iba pa, inaakala naming isang magaang
suliranin na magaan ding malulutas kung bibigyan ang
bawat isa sa mga pamagat na ito ng sari-sariling kaukulan
at katuturan sa Talatinigan.
26. Mga Salitang Kaagaw-Diwa
Ang kasabihan ay salita, parirala o pangungusap na
ugaling sabihin o karaniwang sambitin ng mga tagaisang
tiyak na bayan o pook kapag nagsasaysay. Madalas na ito’y
walang ganap at tahas na diwa kundi pahiwatig lamang na
pagpapahayag ng ibig sabihin, o ginagamit kayang
pampatunay sa isang pagmamatuwid. Bagaman,
patalinghaga rin ang karamihan, datapwa’y di gaanong
mahirap liripin at di lagging patugmang gaya ng
ng mga salawikain.
27. Ang kasabihan ay maaaring:
1. kasabihang-bayan-
karaniwang sambitin sa marangalan at
mahinahunang pag-uusap
2. kasabihang-lansangan-
-ay mga salita o parirala o pangungusap na nalikha
sa pana-panahon sa bibig ng balana, at walang abug-abog
nagkakapalipat-lipat sa bibig ng marami, hanggang tuloy-
nang kumalat sa isang pook muna bago kung saan-saan, sa
lahat ng dako kaipala ng buong bayan.
28. Karamihan sa kasabihang ito’y anak lamang ng mga
pagkakataon, o ng mga hamak na pangyayari o mga
pagbibiruan. Hindi likha ng mga pantas-wika o mataas na
pantikan, kundi ng mga balanang mamamayan, minsan pa’y
ng mga bata lamang o ng mga sadyang hangal. Subali’t,
madalas na nagsisilbing tatak ng isang panahon, o ng isang
bahagi ng kasysayan ng isang bayan. Kaya, maaari ring mga
pananalitang banyaga o haluan, ayon sa kung anong wika o
lahing dayuhan ang nakasasalamuha ng mga karaniwang
mamamayan..
29. Dahil dito, kaya maibibilang sa mga salita o pananalitang
pabalbal (slang): walang puno’t dulo, walang kawawaan,
pahidwa-hidwa ang bigkas, bagaman madalas na
nakatutuwang marinig, o kung minsa’y nakamumuhing
unawain. Ang mga kasabihang- lansangan ay karaniwang di-
nagluluwat bagkus lumilipas agad sa loob ng panahong saklaw
ng isang salintao, at napapalitan ng mga iba namang likha rin
at pairal ng bagong kasalukuyan. Lahat nga’y para-parang
nalilikha nang walang-taros, parang kabuteng sumusipot na
lamang at sukat sa mga tabi-tabi, at lumaganap kung saan-
saan. Ito ang sanhi kaya hindi mabibilang sa mga sadyang
talatinigan ng wika upang maging kagamitan
30. Sanang palagian ng madla.
Sa daan-daang kakahapunin at daan-daang
ngangayuning-lansangang naaalala naming ngayon, ay
maihahalimbawa ang ilang sumusunod!
El gente no ta siguro
Sigue Dagupan!
Eswes!
Huli yan!
Awa’an, Adyong!
Kuwarta na’y naging bato pa
Dyinwain
Hanggang piyer lamang
Kanto-boy ebubot
31. Ang pagtawag ng salawikain, kasabihan at kawikaan ay
siyang lalong madalas na nakagagawiang gamitin sa talagang
diwa at kahulugang ibig natin ngayong ipasarili sa tawag na
salawikain lamang; datapwa’t, may mga bagay na higit sa lahat
ay makapagpakilala ng maliwanag na kaibahan ng isa sa isa.
Mapanghahawakan natin sa pagsusuri at pagtiyak ng
mga pamagat na ito, ang simulating “lahat ng salawikain ay
matatawag at magagamit na kasabihan o kawikaan, ngunit hindi
lahat ng kasabihan at kawikaan ay maipalalagay na salawikain.”
32. Isa pa: “dahan-dahan ka at huwag pabigla-bigla ng
hakbang, sapagkat ang lumalakad nang matulin, kung matinik
ay malalim; samantalang ang lumalakad nang marahan, matinik
man ay mababaw.”
Mapapansin sa dalawang salawikaing ito na ang
nangingibabaw na layon ng nagsasalita ay maturuan ng isang
uri ng kagandahang-asal ang ating pinagsasabihan o tinutukoy;
anupa’t may diwa ng pangangaral o pagmamatuwid.
Subali’t kung isang hamak na kasabihan ang ating
gagamitin, karaniwang ganito lamang ang ating pananalita:
“Hindi ko pinaraan ang kaniyang mga salita, sapagkat kasabihan
nga nating di man taga ay iwa.”
33. “Kasabihan nga roon sa aming ang tuyo, gulong man sa
adobo, di rin paniniktan.”
Isa pa: Kung tayo ay magpaparunggit kaninuman at may
magtatanong na kung sino ang ating tinutukoy, ginagamit natin
ang kasabihang: kumamot man ang nakakathan. Gayon pa man,
inaamin naming sa mga karaniwang pag-uusap ay madalas na
mahirap tiyakin kung ang ating sinasabi nang patalinghaga ay
kasabihan lamang o kung tunay ngang salawikain.
Ang tinutukoy lamang naming ditong uri ng kasabihan ay ang
tinatawag nating kasabihang-bayan, at di saklaw ang ikalawang
uri o kasabihang-lansangan na kailanman ay di-sukat
maipagkamali sa mga talagang salawikain.
34. Sa paggamit naman ng tawag na kawikaan, ay ganito ang
karaniwan nating pananalita:
“Kawikaan nga ng matatanda na kapag nag itlug-itlog,
magmamanuk-manok; kaya di-dapat pabayaan ang isang
masamang ugali sa pagsisimula pa lamang.”
Kung minsan, ang kawikaan ay may diwa ng sariling
pagkukuro o katumbas ng sariling palagay; halimbawa’y
“Ang kawikaan ko’y pasasaa ba’t di lilitaw din ang talagang
katotohanan.”
Isa pa: “Ginawa nila ang gayon sa atin, pagkat ang kawikaan
nila, tayo’y kanilang kayang-kaya.”
35. Magagamit din namin ang kawikaan sa pangangatwiran, na sa
ganito’y madalas na salawikain ang nasasambit. Halimbawa’y….
“Hindi ako tumutol sa kaniyang paratang at banta, ang
kawikaan ko’y ugali’t sabi lamang iyon, at pag di ukol, di
bubukol.”