Rapidity (gorgotes) at karakter (ethos)

1,223 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
1,223
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
9
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Rapidity (gorgotes) at karakter (ethos)

  1. 1. Rapidity (Gorgotes) at Karakter (Ethos) Presentasyon ni Abigail Alfaro
  2. 2. Rapidity (Gorgotes) Ang batikang tagapagbalita sa telebisyon ay kinikilala sa mabilis nitong pag uulat na siya’y nagiging sanhi o dahilan ng pagkabulol at hindi pagkakaintindi sa sinasabi nito. Habang ang tagapayo naman sa radyo ay nakasanayan na sa tatak ng pagkabagal ng pagpapahayag. Ang rapidity ay tumutukoy sa bilis ng salita na maitutulad sa ritmo ng awit. Ang isang mabuting tagapagpahayag ay hindi dapat nakikipaghabulan sa panahon kapag bumibigkas at nagpapakawala ng maraming salita sa maikling sandali lamang. Ito ay maaaring maging dahilan ng hindi pagkakaunawa ng mga tagapagpakinig sa kanyang diskurso sapagkat pinagninilayan pa lamang nila ang kaisipan, nariyan na naman ang kasunod mula sa tagapagsalita.
  3. 3. Rapidity (Gorgotes) Maaaring matupad ng isang tagapagpahayag ang layunin niyang maipahayag ang kanyang mga kaisipan at damdamin ang ngunit bigo naman siya sa pagpapaintindi nito sa kanyang awdyens, na una sa lahat ay siyang dahilan kung bakit siya nagsasalita. Hindi rin naman dapat maging lubhang mabagal ang pagsasalita upang maiwasan ang pagkabagot ng mga tagapakinig. Ang pagsasalita ay dapat magkaroong ng tamang daloy—angkop na mabilis upang mapanatili ang kawilihan ng mga tagapakinig at tamang bagal upang maunawaan nila ang sinasabi at manamnam ang mga puntong binibigyang diin. Dapat ding pinag uukulan ng sapat na lakas ang pagpahayag upang marinig ito sa lahat ng panig ng ganapan.
  4. 4. Karakter (Ethos) Karakter- ito ay karaniwang naririnig kapag tinutukoy ang papel na ginagampanan sa isang dula. Ang artista ay masasabing “in character” kapag isinasantabi niya ang tunay niyang pagkatao sa sandali ng kanyang pagganap at hinahayaan ang isang tiyak na katauhan na pumapaloob sa kanya upang mapaniwala ang awdyens na siya iyon. Halimbawa: isang binata na hindi pa nakadama ng tunay na pag ibig pero gumaganap siya bilang mangingibig na nagdaan sa maraming relasyon upang mapaniwala niya ang mga tao na eksperto siya sa usaping damdamin Sariling halimbawa: si Clara (Mara Clara)
  5. 5. Karakter (Ethos) Sa pamamahayag, ang katumbas ng nasabing karakter ay ang packaging o ang paglikha ng publikong imahen na nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang broadcast journalist. Ang karakter na nililikha ng isang tagapagsalita o manunulat ang nagsisilbi niyang identidad na nagpapatibay naman ng kanyang kredibilidad sa pagtalakay ng isang partikular na paksa.
  6. 6. Karakter (Ethos) Dapat makalikha ang isang tagapagsalita o manunulat ng impresyon na gaano man kasalimuot ang paksang kanyang tinatalakay, may sapat siyang kahusayan upang itanghal ito sa paraang madaling maunawaan. Ang mga tatlong katangian na ipamalas ng tagapagsalita o manunulat: tamis (sweetness) – makikita sa paggamit ng marikit o matulaing pananalita na kikiliti sa mga tagapakinig o mambabasa; pagkabanayad (subtlety) –magpapakilala ng dunong ng tagapagpahayag at kakayahang makapaglahad ng mga kaisipan at damdamin gamit ang tumpak na pananalita galang (modesty)– magpapaniwala sa awdyens na ang tagapagpahayag ay likas na mabuti at mapagkumbaba na lalong aani ng kanilang simpatya’t paghanga  Wooten, 1983
  7. 7. Sanggunian Kab. 3 –Estilo ; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Batnag, Aurora , Fortunato, Teresita at Reyes, Alvin Ringgo
  8. 8. Salamat sa inyong pakikinig! 

×