3. • Asawa ng alperes si Donya Consolacion na
nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa
pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha
at pagsasalita sa wikang Kastila. Naniniwala siyang
higit ang kanyang kagandahan kaninuman kahit pa
kay Maria Clara at mataas din ang tingin niya sa
kanyang sarili.
4. •Si Donya Consolacion ay dating labandera na
nakapag-asawa ng isang kawal na naging
alperes ngayon. Mababakas din sa kanyang
ugali ang pagiging salat sa edukasyon.
5. • Noong araw na iyon ay iniutos ng Donya na isara
ang kanilang bahay sa kabila ng alam nitong
tatapat ang prusisyon sa kanila. Buong araw siyang
nagngitngit sa asawa dahil sa hindi nito pagpayag
na sila ay magsimba. Di rin lingid sa kanyang
kaalaman na ikinahihiya siya ng asawa bukod pa
ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa
kanya.
6. •Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang
pag-awit ni Sisa mula sa kulungan. Siya ay
dalawang araw ng nakakulong doon. Sa
wikang Kastila ay inutusan niya si Sisa na
umakyat ngunit dahil sa hindi niya ito
naintindihan ay di niya sinunod ang utos ng
Donya.
7. •Nagalit si Donya Consolacion at ibinuhos kay
Sisa ang lahat ng galit nito sa asawa. Nilatigo
niya ito at inutusang kumanta ang kawawang
baliw. Napasigaw man sa sakit ay di pa rin
sinunod ni Sisa ang utos ng Donya.
8. • Sa yamot ng Donya ay inutusan niya ang gwardiya
sibil na pakantahin si Sisa. Sinunod naman ito ng
babae at umawit ng Kundiman ng Gabi. Sa
pagkaantig ng damdamin ng Donya ay nawala sa
isip nito na magsalita sa Tagalog na ikinagulat ng
gwardya sibil. Agad naman itong napansin ng
Donya kaya pinaalis niya ang gwardya.
9. •Muli niyang hinarap si Sisa upang pasayawin.
Di na naman ito sinunod ng babae kaya
siya’y nilatigo ng Donya at inutusan namang
kumanta.
10. •Dahil sa pangyayaring ito’y nabuwal si Sisa at
nahubaran ng damit kasabay ng pagdugo ng
kanyang sugat. Ang pangyayaring ito’y
nadatnan ng alperes at nagalit ito sa
nasaksihan.
11. •Dahil dito’y inutusan niya ang isang kawal na
bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at
gamutin din ang mga sugat. Nakatakdang
ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan kaya
naman siya’y inalagaan ng alperes.
12. SAGUTIN!
1. Sino ang asawa ng alperes?
2. Si Donya Consolacion ay dating labandera. Tama o Mali?
3. Sinunod ba ni Sisa ang mga utos ni Donya Consolacion?
Oo o Hindi?
4. Ano ang inawit ni Sisa?
5. Kanino nakatakdang ihatid si Sisa?