SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Balagtasan
Upang Makaahon Sa Hirap, Alin Ang Mas Dapat Unahin: Pagtatrabaho O Pag-Aaral?
Ni: REINA ANTONETTE P. FRANCO
Lakandiwa:
Sa lahat ng nangarito sa aking harapan
Sa mga guro, magulang, estudyante’t kabataan
Isang mapagpalang araw po, mga kaibigan
Ang makita’t makasama kayo’y isang
karangalan
Kaming inyong mga lingcod, dito sa tanghalan
Ay magbibigay linaw sa isyung pagtatalunan
Magiliw na inihahandog ang isang balagtasan
Upang maipamalas ang husay sa
pangangatwiran
Paksa natin ngayo’y ordinaryo’t luma na
Ngunit karaniwang pinagmumulan ng mga
dilemma
Ng ating mga kabataang hitik sa problema
Lalo na yaong mga kapus-palad sa pera
Alin nga ba ang mas dapat pagtuunan ng pansin
Upang makaahon sa kahirapan, alin ang uunahin
Ngayong araw ay ating titimbangin
Dalawang papipilian, ating titimbangin
Sa ating pagsisimula, narito sa aking gawing
kanan
Tagapagtanggol ng edukasyon, binibining
makatwiran
“Pag-aaralmuna” ito ang kanyang ipaglalaban
Ang mas dapat daw unahin higit sa anupaman.
Pag-aaral:
Pagkat ako’y lumaki at nahubog sa paaralan
Naniniwala akong edukasyon ang dapat
pagtuunan
Higit na bigyang pansin bago ang pagkakakitaan
Pagkat sa panahon ngayon, dapat ay may pinag-
aralan
Ako nga po pala ang inyong butihing lingkod
Antonette Franco po, pag- aaralang ikakayod
Samahan ninyo akong itatak ng buong lugod
Ang mga kaisipang sasambitin, sa inyong
diwang pagod
Lakandiwa:
Ayan mga kaibigan, inyo nang nasilayan
Anyo ng unang makata dito sa labanan
Kilalanin naman natin ngayon, pangalawang
makikipagtagisan
“Trabaho Muna” ang sagot niya sa kahirapan
Pagtatrabaho:
Bago ang lahat, nais ko munang magpugay
Sa mga nangarito’y binabati ko ng magandang
buhay
Sa mga ganitong paksa, wala ng dapat pang pag-
usapan
Pagkat maliwanag pa sa sikat ng araw,trabaho
ang kailangan
Upang makaahon sa hirap, Reina Franco nga po
pala
Panig sa pagtatrabaho upang makaipon ng pera
Sa tulad nating mahihirap, di nga ba’t mas
praktikal pa?
Ang makahanap agad ng trabaho para sa
pamilya.
Lakandiwa:
Ngayon nagpakilala na ang magkabilang panig
Inyo nang nasilayan ang kanilang unang tindig
Kaya’t di na natin patatagalin pa, tensyon sa
paligid
Atin nang simulan balitaktakang may himig
Nawa’y kayong lahat ay mataimtim na makinig
Upang maunawaan ipinaglalaban ng bawat
panig
Limiing mabuti ang bigat ng bawat tinig
At mga gintong kaisipa’y iukit na sa dibdib.
Pag-aaral:
Pag-aaralmuna ang dapat pagtuunan
Kapag may pinag-aralan, trabaho’y madali
lamang
Di nga ba’t edukasyon raw ang susi sa
kaunlaran?
At upang magkaroon ng magandang
kinabukasan
Mga pangarap ay madali nang matutupad
Kung bawat isa’y pag-aaralang inaatupag
Sa tulad nating mahirap, di na dapat pang
matulad
Sa mga nagtrabaho agad ngunit di naman
umunlad
Sa panahon ngayon, diploma ay kailangan
Upang makuha ng trabaho, iyon na ang batayan
Pagkat mas lamang, ang may malawak na
karunungan
At yaong nahasa ng husto sa wastong
kasanayan.
Paano ka magtatrabaho kung wala kang
nalalaman?
Makapasok ka man ngunit pawing mga
panandalian lamang.
Trabahong mahihirap at walang kasiguraduhan
At tiyak walang mararating ang iyong
pinaghirapan
Mas mabuti pa kung ika’y nagtiyaga at nagtanim
Pagkat kalaunan iyo ring aanihin
Bunga ng pinaghirapan di ka bibiguin
Kaya’t sa kahirapan ay makakaahon rin.
Pagtatrabaho:
Paano naman yaong kapus-kapalaran?
Ni hindi nga natutustusan ang mga
pangangailangan
Paano pa kaya ang mga gastusin sa paaralan
Mas mabuti pang magtrabaho nang may
pagkakitaan
Ang mga pangarap ay ‘di naman natutunaw
Ang paaralan, hindi ka naman tatakasan
Ngunit ang mga gastusin sa pang-araw araw
Iyan ang problema sa kasalukuyan.
Mga karunungang iyong ipinagmamalaki
Hindi lang naman yan sa paaralan mahuhuli
Maraming paraan upang ika’y maging
intelehente
At samahan na rin ng ibayong pagpupursige.
Nag-aaralka nga ngunit di naman matiyaga
Maalam ka nga ngunit di naman hinahasa
Mas mabuti pa ang magtrabaho nang may
mahita
Inaalam mo pa lang, akin nang ginagawa.
Lakandiwa:
Pahiram muna ng sandali mga kaibigan kong
makata
Hinga-hinga muna ng malalim at baka
magkahika
Pareho naman kayong may katwiran ukol sa
paksa
Kaya’t nasa inyong dalawa ang aking lubos na
paghanga
Paninindigang matatag tila di yata matitibag
Mga puntong magagaling, bubuyog na
mabibihag
Mga tagapakinig na sa katotohana’y di bulag
Maaakit sumang-ayon kahit sa kaloobay labag.
Pag-aaral:
Ngunit paano ka uunlad sa mga pipitsuging
trabaho?
Natanggap ka nga ngunit bilang service crew
Magkano na lang ba ang sasahurin mo?
Kung puro pang- animang buwan lang ang
kontrata mo.
Ang punto ko lang naman ay iyong pag-isipan
Kapag propesyonal ka’y mas maganda ang
kinabukasan
Permanente ang trabaho kung may pinag-aralan
At di ka basta basta masisipa nang among
mayaman.
Kapag di ka nagtapos at nagtrabaho agad
Kahit tumambling ka pa’y di ka uunlad
Kakarampot na kita, yan lang ba ang iyong
hangad?
Mangangarap ka rin lang ba’t di pa isagad?
Kung panustos lang ang iyong katwiran
Problema sa salapi’y medaling solusyunan
Maraming mga tao na yan din ang pinagdaanan
Ngunit nagtapos pagkat diskarte lang ang
kailangan
Pagtatrabaho:
Diskarte! Yan ang narinig kong sinambit mo.
Sa palagaymo ba’y hindi yan ang ginagawa ko?
Kaya nga magtatrabaho upang mabuhay sa
mundo
At nang makapag-impok, ‘trabaho agad’ ang
diskarte ko.
Maraming nakapag- aral na ngayon ay
namomroblema
Walang trabaho at sa bahay ay tambay muna
May diploma nga ngunit di naman nakakapasa
Tinalo pa ng mga walang pinag-aralang
kakompetensiya
Oo, ikaw nga’y armado ng kaalaman
Ngunit mas pinipili pa rin ang may karanasan
Pagkat tayong mga tao, natututo di lamang sa
paaralan
Maging sa labas, maraming matututunan
Sinabi mong di uunlad yaong di nakapag-aral?
Buksan mo iyong mga mata at magmasid sa
kapaligiran
Hindi mo ba nakikita na ngayo’y mas nakaka-
angat pa sa buhay
Mga taong nagsimula sa mababa ngunit
kalauna’y nagtagumpay
Maraming nakapagtapo na di sapat ang
kaalaman
Ni hindi alam kung aling deriksyon ang
pupuntahan
Diplomang papel tangi lamang
pinanghahawakan
Na wala ring halaga sa gunting ng kaalaman.
Lakandiwa:
Bakit ganun? Ako yata’y mas lalong nalito
Tila gusto kong lagnatin sa init ng pagtatalo.
Ramdam na ramdam ko bigat ng bawat punto
Magkaibang katwiran, hugot mula sa puso
Pag-aaral:
Kaalamang natutunan mula sa pag-aaral
Maaaripang ipagsanggalang sa lupit ng buhay
Sa mga pang-aapi’y di basta basta bibigay
Pagkat alam ng mabuti kung saan lulugar
Mga di nakapag-aralat nagtrabaho agad
Inaapi- api at yuko ulo kung maglakad
Sa utos ng iba ay agad agad pumapayag
Pagkat kalakaran sa mundo sila ay bulag.
Pagtatrabaho:
Ngunit pakatandaan, hindi lahat ay mangmang
May mga taong di nakapagtapos ngunit patuloy
ang laban
Sa buhay ay nanagana at kahit walang pinag-
aralan
Pagkat sipag at tiyaga ang ipinuhunan
Kaya ka rin lang nag-aaralay upang
makapagtrabaho
At mabilis na makaahon sa hirap ng buhay sa
mundo
Ki mag-aral ki magtrabaho, ang hahantunga’y
pareho
Kaya’y bakit pa mag-aaral kung yun lang din
ang dulo?
Pag-aaral:
Ngunit aking katunggali, nais ko lamang ipaalala
Na kapag nakapagtapos ka’y pag-asenso’y
sigurado na
Mas mataas na posisyon, mas malakas ang kita
Na ibig sabihin, magandang kinabukasa’y abot
kamay na.
Sa konting panahon lamang na gugugulin
Magastos man sa turing kahit pa balibaliktarin
Maliit na ipinuhunan, triple ang balik sa atin
Sakripisyo ng pamilya’y masusuklian din.
Pagtatrabaho:
Di nga ba’t sakripisyo rin ang pagtatrabaho
muna?
Isinakripisyo ang pag-aaralpara din sa pamilya
Ngunit mas nakapag-impok at sa buhay ay
nanagana
Umahon sa kahirapan at buhay ay nag-iba
Kung uunahin ang pag-aaral, wala namang
mahihita
Pagkat araw araw ay sa gastusin
mamomroblema
Ni walang panlaman sa tiyan pagkat walang
kuwalta
Maapektuhan ang lahat pati pokus sa ginagawa
Lakandiwa:
Matapos ninyong mapakinggan ang dalawang
makata
Nasa inyong mga kamay ang paghatol ng pasya
Tayog ng katwiran ay hindi maisasansala
Parehong may punto na makaahon sa dalita
Mga binitiwang salita nawa’y maging inyong
gabay
Lalo na ng mga kabataan sa pagdedesisyon sa
buhay
Pagkat iyon ang inyong susi sa pagkamit ng
tagumpay
At sa patuloy na pagkapit sa baging na matibay
Hanggang ditto na lamang mga kaibigan
Pansamantala’y kami muna’y magpapaalam
Nawa’y nagustuhan munti naming balagtasan
Magandang araw po’t sumainyo ang buhay ng
kasaganaan.

More Related Content

What's hot

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)eliasjoy
 
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKateDionzon
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2yette0102
 
Mga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnanMga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnanApril Mae Carvajal
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaSCPS
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoeliasjoy
 
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO        PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO Lyka Zulueta
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Reinaliza Perido
 
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninIkalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninMary Grace Ambrocio
 
Unang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigUnang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigJoab Duque
 

What's hot (20)

Eupemistikong Pahayag
Eupemistikong PahayagEupemistikong Pahayag
Eupemistikong Pahayag
 
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)
 
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
 
merkantilismo
merkantilismomerkantilismo
merkantilismo
 
Mga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnanMga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnan
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
 
pang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahonpang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahon
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikano
 
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO        PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
 
Ang pyudalismo
Ang pyudalismoAng pyudalismo
Ang pyudalismo
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon
 
Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
 
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninIkalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
 
Unang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigUnang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdig
 

Similar to ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL

Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
KasipaganpagpupunyagipagtitipidKasipaganpagpupunyagipagtitipid
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidtemarieshinobi
 
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.Erniel Ecle
 
Personal reflections on work
Personal reflections on workPersonal reflections on work
Personal reflections on workGlenn Rivera
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfMaCristinaPazcoguinP
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfJoanBayangan1
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEdna Azarcon
 
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-Mycz Doña
 
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpok
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpokKasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpok
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpokjenelyn calzado
 
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3alys74087
 
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuriAng saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuriAnnex
 

Similar to ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL (20)

Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
MODULE 1.pptx
MODULE 1.pptxMODULE 1.pptx
MODULE 1.pptx
 
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
KasipaganpagpupunyagipagtitipidKasipaganpagpupunyagipagtitipid
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
 
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
 
Activity 3
Activity 3Activity 3
Activity 3
 
Personal reflections on work
Personal reflections on workPersonal reflections on work
Personal reflections on work
 
Dahil bata ka pa
Dahil bata ka paDahil bata ka pa
Dahil bata ka pa
 
COT 1.pptx
COT 1.pptxCOT 1.pptx
COT 1.pptx
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
 
Istorya ng agila
Istorya ng agilaIstorya ng agila
Istorya ng agila
 
Speech - as a Scholar of Baclaran Church
Speech - as a Scholar of Baclaran ChurchSpeech - as a Scholar of Baclaran Church
Speech - as a Scholar of Baclaran Church
 
Misyon ng pamilya
Misyon ng pamilyaMisyon ng pamilya
Misyon ng pamilya
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
speech.pptx
speech.pptxspeech.pptx
speech.pptx
 
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-
Kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahalasapag iimpok-
 
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpok
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpokKasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpok
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpok
 
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
 
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuriAng saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
Ang saranggola ni Efren Abueg buod isang pagsusuri
 

More from Reina Antonette

Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)
Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)
Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)Reina Antonette
 
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at LauraKaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at LauraReina Antonette
 
Talambuhay ni Francisco Baltazar
Talambuhay ni Francisco BaltazarTalambuhay ni Francisco Baltazar
Talambuhay ni Francisco BaltazarReina Antonette
 
Information and Communication Technology in Education
Information and Communication Technology in EducationInformation and Communication Technology in Education
Information and Communication Technology in EducationReina Antonette
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaReina Antonette
 
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonReina Antonette
 
Stages and Approaches to educational planning
Stages and Approaches to educational planningStages and Approaches to educational planning
Stages and Approaches to educational planningReina Antonette
 
Content analysis research
Content analysis researchContent analysis research
Content analysis researchReina Antonette
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoReina Antonette
 

More from Reina Antonette (16)

Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)
Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)
Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)
 
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at LauraKaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
 
Talambuhay ni Francisco Baltazar
Talambuhay ni Francisco BaltazarTalambuhay ni Francisco Baltazar
Talambuhay ni Francisco Baltazar
 
Information and Communication Technology in Education
Information and Communication Technology in EducationInformation and Communication Technology in Education
Information and Communication Technology in Education
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
 
Mga bantas
Mga bantasMga bantas
Mga bantas
 
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong Pantelebisyon
 
Stages and Approaches to educational planning
Stages and Approaches to educational planningStages and Approaches to educational planning
Stages and Approaches to educational planning
 
Content analysis research
Content analysis researchContent analysis research
Content analysis research
 
Chebyshev's Theorem
Chebyshev's Theorem Chebyshev's Theorem
Chebyshev's Theorem
 
KARUNUNGAN
KARUNUNGANKARUNUNGAN
KARUNUNGAN
 
Minsan sa Buhay
Minsan sa BuhayMinsan sa Buhay
Minsan sa Buhay
 
ARCS MODEL
ARCS MODELARCS MODEL
ARCS MODEL
 
Sa Babasa Nito
Sa Babasa NitoSa Babasa Nito
Sa Babasa Nito
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
 
Improving test items
Improving test itemsImproving test items
Improving test items
 

Recently uploaded

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 

Recently uploaded (20)

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 

ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL

  • 1. Balagtasan Upang Makaahon Sa Hirap, Alin Ang Mas Dapat Unahin: Pagtatrabaho O Pag-Aaral? Ni: REINA ANTONETTE P. FRANCO Lakandiwa: Sa lahat ng nangarito sa aking harapan Sa mga guro, magulang, estudyante’t kabataan Isang mapagpalang araw po, mga kaibigan Ang makita’t makasama kayo’y isang karangalan Kaming inyong mga lingcod, dito sa tanghalan Ay magbibigay linaw sa isyung pagtatalunan Magiliw na inihahandog ang isang balagtasan Upang maipamalas ang husay sa pangangatwiran Paksa natin ngayo’y ordinaryo’t luma na Ngunit karaniwang pinagmumulan ng mga dilemma Ng ating mga kabataang hitik sa problema Lalo na yaong mga kapus-palad sa pera Alin nga ba ang mas dapat pagtuunan ng pansin Upang makaahon sa kahirapan, alin ang uunahin Ngayong araw ay ating titimbangin Dalawang papipilian, ating titimbangin Sa ating pagsisimula, narito sa aking gawing kanan Tagapagtanggol ng edukasyon, binibining makatwiran “Pag-aaralmuna” ito ang kanyang ipaglalaban Ang mas dapat daw unahin higit sa anupaman. Pag-aaral: Pagkat ako’y lumaki at nahubog sa paaralan Naniniwala akong edukasyon ang dapat pagtuunan Higit na bigyang pansin bago ang pagkakakitaan Pagkat sa panahon ngayon, dapat ay may pinag- aralan Ako nga po pala ang inyong butihing lingkod Antonette Franco po, pag- aaralang ikakayod Samahan ninyo akong itatak ng buong lugod Ang mga kaisipang sasambitin, sa inyong diwang pagod Lakandiwa: Ayan mga kaibigan, inyo nang nasilayan Anyo ng unang makata dito sa labanan Kilalanin naman natin ngayon, pangalawang makikipagtagisan “Trabaho Muna” ang sagot niya sa kahirapan Pagtatrabaho: Bago ang lahat, nais ko munang magpugay Sa mga nangarito’y binabati ko ng magandang buhay Sa mga ganitong paksa, wala ng dapat pang pag- usapan Pagkat maliwanag pa sa sikat ng araw,trabaho ang kailangan Upang makaahon sa hirap, Reina Franco nga po pala Panig sa pagtatrabaho upang makaipon ng pera Sa tulad nating mahihirap, di nga ba’t mas praktikal pa? Ang makahanap agad ng trabaho para sa pamilya. Lakandiwa: Ngayon nagpakilala na ang magkabilang panig Inyo nang nasilayan ang kanilang unang tindig Kaya’t di na natin patatagalin pa, tensyon sa paligid Atin nang simulan balitaktakang may himig Nawa’y kayong lahat ay mataimtim na makinig Upang maunawaan ipinaglalaban ng bawat panig Limiing mabuti ang bigat ng bawat tinig At mga gintong kaisipa’y iukit na sa dibdib. Pag-aaral: Pag-aaralmuna ang dapat pagtuunan Kapag may pinag-aralan, trabaho’y madali lamang Di nga ba’t edukasyon raw ang susi sa kaunlaran? At upang magkaroon ng magandang kinabukasan Mga pangarap ay madali nang matutupad Kung bawat isa’y pag-aaralang inaatupag Sa tulad nating mahirap, di na dapat pang matulad
  • 2. Sa mga nagtrabaho agad ngunit di naman umunlad Sa panahon ngayon, diploma ay kailangan Upang makuha ng trabaho, iyon na ang batayan Pagkat mas lamang, ang may malawak na karunungan At yaong nahasa ng husto sa wastong kasanayan. Paano ka magtatrabaho kung wala kang nalalaman? Makapasok ka man ngunit pawing mga panandalian lamang. Trabahong mahihirap at walang kasiguraduhan At tiyak walang mararating ang iyong pinaghirapan Mas mabuti pa kung ika’y nagtiyaga at nagtanim Pagkat kalaunan iyo ring aanihin Bunga ng pinaghirapan di ka bibiguin Kaya’t sa kahirapan ay makakaahon rin. Pagtatrabaho: Paano naman yaong kapus-kapalaran? Ni hindi nga natutustusan ang mga pangangailangan Paano pa kaya ang mga gastusin sa paaralan Mas mabuti pang magtrabaho nang may pagkakitaan Ang mga pangarap ay ‘di naman natutunaw Ang paaralan, hindi ka naman tatakasan Ngunit ang mga gastusin sa pang-araw araw Iyan ang problema sa kasalukuyan. Mga karunungang iyong ipinagmamalaki Hindi lang naman yan sa paaralan mahuhuli Maraming paraan upang ika’y maging intelehente At samahan na rin ng ibayong pagpupursige. Nag-aaralka nga ngunit di naman matiyaga Maalam ka nga ngunit di naman hinahasa Mas mabuti pa ang magtrabaho nang may mahita Inaalam mo pa lang, akin nang ginagawa. Lakandiwa: Pahiram muna ng sandali mga kaibigan kong makata Hinga-hinga muna ng malalim at baka magkahika Pareho naman kayong may katwiran ukol sa paksa Kaya’t nasa inyong dalawa ang aking lubos na paghanga Paninindigang matatag tila di yata matitibag Mga puntong magagaling, bubuyog na mabibihag Mga tagapakinig na sa katotohana’y di bulag Maaakit sumang-ayon kahit sa kaloobay labag. Pag-aaral: Ngunit paano ka uunlad sa mga pipitsuging trabaho? Natanggap ka nga ngunit bilang service crew Magkano na lang ba ang sasahurin mo? Kung puro pang- animang buwan lang ang kontrata mo. Ang punto ko lang naman ay iyong pag-isipan Kapag propesyonal ka’y mas maganda ang kinabukasan Permanente ang trabaho kung may pinag-aralan At di ka basta basta masisipa nang among mayaman. Kapag di ka nagtapos at nagtrabaho agad Kahit tumambling ka pa’y di ka uunlad Kakarampot na kita, yan lang ba ang iyong hangad? Mangangarap ka rin lang ba’t di pa isagad? Kung panustos lang ang iyong katwiran Problema sa salapi’y medaling solusyunan Maraming mga tao na yan din ang pinagdaanan Ngunit nagtapos pagkat diskarte lang ang kailangan Pagtatrabaho: Diskarte! Yan ang narinig kong sinambit mo. Sa palagaymo ba’y hindi yan ang ginagawa ko? Kaya nga magtatrabaho upang mabuhay sa mundo At nang makapag-impok, ‘trabaho agad’ ang diskarte ko. Maraming nakapag- aral na ngayon ay namomroblema Walang trabaho at sa bahay ay tambay muna May diploma nga ngunit di naman nakakapasa Tinalo pa ng mga walang pinag-aralang kakompetensiya Oo, ikaw nga’y armado ng kaalaman Ngunit mas pinipili pa rin ang may karanasan
  • 3. Pagkat tayong mga tao, natututo di lamang sa paaralan Maging sa labas, maraming matututunan Sinabi mong di uunlad yaong di nakapag-aral? Buksan mo iyong mga mata at magmasid sa kapaligiran Hindi mo ba nakikita na ngayo’y mas nakaka- angat pa sa buhay Mga taong nagsimula sa mababa ngunit kalauna’y nagtagumpay Maraming nakapagtapo na di sapat ang kaalaman Ni hindi alam kung aling deriksyon ang pupuntahan Diplomang papel tangi lamang pinanghahawakan Na wala ring halaga sa gunting ng kaalaman. Lakandiwa: Bakit ganun? Ako yata’y mas lalong nalito Tila gusto kong lagnatin sa init ng pagtatalo. Ramdam na ramdam ko bigat ng bawat punto Magkaibang katwiran, hugot mula sa puso Pag-aaral: Kaalamang natutunan mula sa pag-aaral Maaaripang ipagsanggalang sa lupit ng buhay Sa mga pang-aapi’y di basta basta bibigay Pagkat alam ng mabuti kung saan lulugar Mga di nakapag-aralat nagtrabaho agad Inaapi- api at yuko ulo kung maglakad Sa utos ng iba ay agad agad pumapayag Pagkat kalakaran sa mundo sila ay bulag. Pagtatrabaho: Ngunit pakatandaan, hindi lahat ay mangmang May mga taong di nakapagtapos ngunit patuloy ang laban Sa buhay ay nanagana at kahit walang pinag- aralan Pagkat sipag at tiyaga ang ipinuhunan Kaya ka rin lang nag-aaralay upang makapagtrabaho At mabilis na makaahon sa hirap ng buhay sa mundo Ki mag-aral ki magtrabaho, ang hahantunga’y pareho Kaya’y bakit pa mag-aaral kung yun lang din ang dulo? Pag-aaral: Ngunit aking katunggali, nais ko lamang ipaalala Na kapag nakapagtapos ka’y pag-asenso’y sigurado na Mas mataas na posisyon, mas malakas ang kita Na ibig sabihin, magandang kinabukasa’y abot kamay na. Sa konting panahon lamang na gugugulin Magastos man sa turing kahit pa balibaliktarin Maliit na ipinuhunan, triple ang balik sa atin Sakripisyo ng pamilya’y masusuklian din. Pagtatrabaho: Di nga ba’t sakripisyo rin ang pagtatrabaho muna? Isinakripisyo ang pag-aaralpara din sa pamilya Ngunit mas nakapag-impok at sa buhay ay nanagana Umahon sa kahirapan at buhay ay nag-iba Kung uunahin ang pag-aaral, wala namang mahihita Pagkat araw araw ay sa gastusin mamomroblema Ni walang panlaman sa tiyan pagkat walang kuwalta Maapektuhan ang lahat pati pokus sa ginagawa Lakandiwa: Matapos ninyong mapakinggan ang dalawang makata Nasa inyong mga kamay ang paghatol ng pasya Tayog ng katwiran ay hindi maisasansala Parehong may punto na makaahon sa dalita Mga binitiwang salita nawa’y maging inyong gabay Lalo na ng mga kabataan sa pagdedesisyon sa buhay Pagkat iyon ang inyong susi sa pagkamit ng tagumpay At sa patuloy na pagkapit sa baging na matibay Hanggang ditto na lamang mga kaibigan Pansamantala’y kami muna’y magpapaalam Nawa’y nagustuhan munti naming balagtasan Magandang araw po’t sumainyo ang buhay ng kasaganaan.