3. MGA SALIK NG DIGMAAN
Umigting ang kompetisyon at tunggalian sa pagitan ng mga bansang
Kanluranin. May mga bansang Europeo, particular ang Germany, na nais higitan
ang kaunlaran at kapangyarihan ng mga nangungunang bansang Europeo bago
ang ika-20 siglo tulad ng Great Britain.
Umigting ang damdaming nasyonalismo ng mga bansang Europeo na
naglayong iangat ang karangalan ng kani-kanilang bansa sa aspektong
ekonomiko, political, at military.
Sa paniniwalang mahalagang sukatan ng kapangyarihan ang lakas-militar,
nagparamihan nh armas ang mga bansa at pinalakas ang kanilang mga hukbong
sandatahan para sa posibilidad ng isang digmaang. Militarismo ang tawag sa
hakbang na ito ng mga bansang Europeo.
4. PAGBUO NG MGA ALYANSA
Dulot ng hangaring nasyonalistiko at imperyalistiko ng mga bansang
Europeo, nabuo ang mga alyansa. Dalawang makapangyarihang alyansa ang
nabuo noong panahon ito: ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
Noong 1882, itinatag ng Germany ang Triple Alliance kasama ang Austria-
Hungary at Italy. Noong 1887, naging kasapi rin ng alyansa ang Russia. Sa pagbuo
ng Triple Alliance, nilayon ng Germany, sa ilalim ng pamumuno ni Otto von
Bismarck, na patatagin ang Germany at bukurin ang katunggaling France upang
maiwasan ang sagupaan sa pagitan nila.
Nang maging Kaiser si Wilhelm II, hinayaan niyang maswakasan ang
kasunduan sa Russia, at nagsimulang palakasin ang hukbo ng Germany upang
makamit ang ambisyong maging higit na malakas na bansa kaysa sa Great Britain.
5. Ikinabahala ng Great Britain ang hakbang na ito ng Germany,
dahilan upang noong 1904 ay itatag nito ang Triple Entente
kasama ang France at Russia.
Kalaunan,ang Triple Entente ang magiging Allied Forces, at
ang Triple Alliance ang magiging Central Powers.
6. PAGSIKLAB NG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
Noong ika-28 ng Hunyo 1914 sa
Sarajevo, capital ng Bosnia-
Herzegovina, pinaslang ang
tagapagmana ng trono ng Austria-
Hungary na si Archduke Franz
Ferdinand at kaniyang asawang si
Sophie. Ang salarin ay si Gavrilo Princip,
isang Serbian at kasapi ng Black Hand,
isang samahang naglayong palayain
ang Bosnia-Herzegovina mula sa
Austria. Ang pangyayaring ito ang
nagsilbing mitsa sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
7. DEKLARASYON NG DIGMAAN
Sa udyok ng Germany, pinanagot ng Austria ang Serbia. Nagbigay ito
ng ultimatum na nabigong tuparin ng Serbia. Dahilan ito upang magdeklara
ang Austria ng digmaang laban sa Serbia. Bilang paghahanda, nagpadala ang
kaalyadong Russia ng Serbia ng hukbo sa Austria at Germany. Itinuturing ng
Germany ang hakbang na ito bilang isang deklarasyo ng digmaang, dahilan
upang magdeklara ito ng pakikidigma sa Russia. Hindi na rin hinintay ng
Germany na kumilos ang kaalyadong France ng Russia, nagdeklaradin ito ng
digmaan sa France.
8. Sa deklarasyonng Germany ng digmaang laban sa France at Russia,
naganap ang iniwasang sitwasyon ni Bismarck – naharap ang Germany sa isang
digmaang sa pagitan ng magkabilang panig nito: France sa kanluran at Russia
sa silangan.
June 28 1914 – Pagpaslang kay Franz Ferdinand
July 28 1914 – Pagdeklara ng Austria ng digmaan sa Serbia
August 01 1914 – Pagdeklara ng Germany ng digmaang sa Russia
August 03 1914 – Pagdeklara ng Germany ng digmaang sa France
August 04 1914 – Pagdeklara ng Great Britain ng digmaan sa Germany
9. SCHLIEFFEN PLAN
Isinagawa ng Germany ang
paglusob nito gamit ang Schlieffen
Plan na inihanda ni Heneral Alfred
Grag von Schlieffen. Sa planong ito,
unang sasalakayin ng hukbong
German ang France sa kanlurang
panig ng Germany. Pagkatapos
magapi ang France, mabilis na
sasalakayin naman ng hukbong
German ang Russia.
Alfred Schlieffen
10. LABANAN SA KANLURANG PRONTERA
Sa pananalakay sa France, Pinlano ng Germany na dumaan
sa hilaga nito, sa Belgium. Nang bigong matanggap ang pahintulot
ng Belgium, sinalakay ito ng Germany. Ikinagalit ng Great Britain
ang pananalakay sa bansang neutral at kaalyadong Belgium. Sa
puntong iyon, lumahok na rin ang Great Britain sa digmaan.
11. September 05 1914 Battle of the Marne. Sinalubong ng Allied Forces ang hukbong German sa
lambak ng Ilog Marne, malapit sa Paris, France.
September 13 1914 Napaatras ng Allied Forcesang hukbong German nang may 97 kilometro. Ito
ang nagtakda sa pagkabigo ng Schlieffen Plan.
Unang bahagi ng 1915 Trench Warfare. Naghukay ang magkabilang kampo ng trenches, biang
proteksiyon sa katunggaling hukbo. Mula sa trenches, sumugod ang mga
sundalo.
February 1916 Battle of Verdun. Naglaban ang pinagsamang puwersa ng mga British at
French laban sa mga German malapit sa Verdun. Napaatras ng mga German
ang Allied Forces nang may pitong kilometro.
July 1916 Battle of the Somme. Naglaban ang pinagsamang puwersa ng British at
French laban sa mga German sa lambak ng Ilog Somme. Napaatras ng Allied
Forces ang mga German nang may walong kilometro.
12. LABANAN SA SILANGANG PRONTERA
• Sa silangang prontera, sa hangganan ng Germany at Russia, patuloy din ang naging
sagupaan sa pagitan ng Allies at Central Powers.
• Noong Agosto 1914, napaatras ng hukbong German ang mga Russian sa Battle of
Tannenberg. Sa labanang ito, nabawi ng Germany ang silangang Prussia at
nagkamit ng baril at mga kabayo mula sa mga nagaping Russian. Nagkamit naman
ng dalawang tagumpay ang mga Russian laban sa mga Austrian noong Setyembre
1914. Ito ay bago sila tuluyang nagapi ng mga Austrian noong Disyembre 1914.
• Sa taong 1916, humina na ang pwersa ng Russia. Sa kahabaan ng digmaang, lumiit
ang suplay ng kagamitang pandigma at pagkain ng bansa. Sapagkat kontrolado ng
Central Powers ang Mediterranean Sea, hindi makapagpadala ang Allied Forces ng
tulong sa Russia.
13. PAGLAGANAP NG DIGMAAN
• Lumaganap maging sa Asya-Pcific ang digmann. Sa pagkakataong ito,
tuluyan nang naging isang pandaigdigang digmaang ang tunggalian sa
pagitan ng Allied Forces at Central Powers.
• Nagsimulang salakayin ng Allied Forces, pangunahin ng Jaan, ang mga
kolonya ngGermany sa Africa at Asya. Sa panahong ito, napasabak na rin sa
digmaang ang mga kolonyang Asyano ng mga French at Bristish.
14. • Samantala, bagama’t noong una ay nanatiling neutral ang US sa kabila ng pagiging
kaalyansa nito ng Allied Forces, nakilahok na rin ito sa digmaan noong ikalawa ng
Abril 1917, sautos ni Pangulong Woodrow Wilson ng US. Ito ay dahil pangunahin sa
dalawang pangyayari:
• Pagpapatupad ng Germany ng unrestricted submarine warfare, kung saan
pinasabog ang lahat ng sasakyang pandagat malapit sa Great Britain; at
• Pagtuklas ng Zimmerman Note, kung saan nakasaad na tutulungan ng Germany na
mabawi ng Mexio ang teritoryo nito mula sa US kung papanig ito sa kanila.
15. PAGWAWAKAS NG DIGMAAN
• Noong Marso 1918, tuluyan nang sumuko ang Russia sa Germany. Sa pag-atras ng
Russia sa digmaang, ipinadala ng Germany ang lahat ng lakas-militar nito sa
kanlurang prontera.
• Sa France, nagharap ang hukbong German at ukbong French na pinamunuan ni
Marshal Ferdinand Forch sa Ikalawang Batytle of Marne. Sinuportahan ng bagong
pangkat ng mga sundalong Amerikano ang hukbo ni Foch sa paglusob sa Germany.
• Unti-unting nagapi ng Alies ang mga kasapi ng Central Powers: Bulgaria, Imperyong
Ottoman at Austria-Hyngary. Sa Germany, nag-aklas ang mga mamamayan laban sa
pamahalaan. Bumaba sa katungkulan si Wilhelm noong ikasiyam ng Nobyembre
1918. Matapos ang dalawang araw, lumagda anf Allies at kinatawan ng Germany ng
isang kasunduan na tuuyang nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
16. EPEKTO NG DIGMAAN
Malaking pinsala ang dinulot ng unang digmaang pandaigdig. Kabilang
dito ang pagkasawi ng may siyam na milyong sundalo at 13 milyong sibilyan.
Upang maibalik ang kapayapaan ay nagpulong ang 32 bansa noong
Enero 1919 sa tinaguriang Paris Peace Conference kabilang sa mga lumahok
ang tinaguriang Big Four- Great Britain, US, Italy, at France. Ilan sa
mahahalagang napagkasunduan ang pagtatag ng League of Nations,
pagpapatupad ng Mandate System, at ang paglagda ng kasunduan sa
Versailles.
17. LEAGUE OF NATIONS
Itinatag noong1920, layunin nitong magsilbing forum para sa
mga usaping internasyonal at tagapag taguyod ng pandaigdigang
kapayapaan. Bagama’t US ang nagpanukala ng pagtatag ng liga,
hindi ito sumapi sa pangkat.
18. MANDATE SYSTEM
Sa pagpapatupad ng Allies ng mandate system,
ipinagkatiwala ng mga kolonya ng mga German at Turk sa Africa at
kanlurang Asia sa mga Allies hanggang sa magkaroon umano ang
mga ito ng kakayahan sa pagsasarili.
19. KASUNDUAN SA VERSAILLES
Nilagdaan noong ika-28 ng Hunyo 1919 ang kasunduan sa Versailles sa
pagitan ng Germany at Allies. Sa naturang kasunduan, isinisi sa Germany ang
pagsisimula ng digmaan. Mahalagang bahagi ng kasundua ang pagpataw sa
Germany ng sumusunod na parusa;
Pagbabayad sa pinsala ng digmaang at gastusin ng Allies sa digmaang;
Paghahati ng mga teritoryo ng Germany;
Pagkuha ng mga kolonya ng Germany bilang mga mandato ng Allies; at
Paglimita sa bilang ng hukbong German at pagbabawal sa paggawa ng mga
armas pandigma.
Samantala, bunsod din ng Unang Digmaang Pandaigdig ang paghina at
tuluyang pagpbagsak ng Imperyong Ottoman at Imperyong Russia; at ang
paglaya ng ilang kolonya tulad ng Finland, Estonia, Latvia, at Lithuania.