1. Speech – Youth Mass
Wendillo J. Cadizal, Jr.
Magandang buhay sa ating Lahat !
Magandang gabi po.
May roon po akong isang kwento na pinagbibidahan ng tatlong character. Ito pong kwento ay mula sa
nadaluhan kong okasyon kamaikailan lamang.
May isang bata na madalas na nasa dalampasigan sa paglubog ng araw, lagi siya naroon kaya napansin
siya ng isang matandang babae na madalas din doon dumaraan satwing sasapit ang taksilim.
Tinanung ng matandang babae ang bata kung ano ang ginagawa niya roon. Ang sabi ng Matandang
babae:
Matandang babae: Iho anu ang ginagawa mo rito parate sa dalamasigan?
Bata: kinukuha ko po ang mga star fish at tinatapon ko po don sa dagat.
Matandang babae: Bakit mo naman ginagawa iyon?
Bata: dahil kapag hindi ko po sila hinagis sa dagat mamamatay po sila. Kapag hindi ko po ito ginagawa
baka wala napo tayo Makita pang starfish dahil lahat sila ay tuyot na.
Matandang babae: Alam mo ba iho na napakarami ng starfish at ito ay hanggang sa dulo ng baybayin?
Nagsasayang ka lamang ng oras bata at umuwi ka na lang.
Hindi sumagot ang bata at muli kumuha ng isang starfish at muli ibinato sa dagat.
Hindi ko po man magawang Ibato lahat sila sa dagat para mabuhay pero naniniwala ako na ang
starfish na huli kong ibinato ay mayroong mission. Hindi po yon nagkataon na siya ang
nadampot ko. Iyon po ay plano ng Diyos, iyon po ay nakatadhana na magpatuloy siya para
mabuhay.
Ano po ang nais ko o ng kwento na iparating sa ating lahat?
Hindi po lahat tayo nabibigyan ng pagkakataon para matulungan ng simbahan, hindi po lahat tayo
napapakinggan lahat ng ating mga kahilingan, hindi po lahat ng dasal natin ay napagbibigyan ngunit
naniniwala ako na dadating ang araw na ibabato rin tayo sa dagat tulad ng munting starfish para
magpatuloy sa buhay, para magpunyagi sa buhay, para umunlad, para maging instrument ng Diyos at
kumunidad at para umusbong ang panibagong pag asa sa ating sarili.
Ako po ay isang starfish na ibinato sa dagat upang patuloy na mangarap at magpunyagi sa buhay. Ako po
ay isa sa mga kabataang natulungan ng Simbahang ito upang makapag aral sa koleheyo at kamakailan
lamang April 30, 2015 sa tanghalan ng Paseguenio sa kursong Information technology sa PUP – Taguig ay
nakapagtapos sa pag aaral at ngayon ay may maayos at maagang trabahong ipinagkaloob.
Ako po rin ay isang starfish na noon ay muntik ng matuyo’t mamatay. Nakatapos ako noon ng HS at hindi
nakapagpatuloy sa kolehiyo sa tamang taon, lahat ata ng alam kong scholarship program nasubukan kong
applyan tulad ng Mayor’s and barangay Scholarship, TIP Scholarship, SM Foundation Scholarship at DOST
Scholarship pero sa REAP Scholarship Program ako napunta dahil sa simpleng balita ng HS classmate ko.
Ang sabi niya noon natatandaan ko, Wendillo mag apply ka sa Baclaran Church may scholarship sila. Ayon
sinubukan ko, Nag apply, interview, nag kompleto ng requirements, Nag exam, Nag antay ng result ayon
sa awa ng Diyos nakatanggap ng Text Msg. Your Application for Scholarship is GRANTED. Boom Panes edi
wow! Natanggap po ako sa Programa at ito nagbabahagi sa inyo matapos ang ilang taon GRADUATED na
ako!
Kadalasan, sinasabi ng lahat sa atin lalo na sa mga nag aaral kapag nakapagtapos na, sa wakas, tapos na
ang mala world war na thesis, feasib. Natapos din ang dahilan ng lumalaylay kong eye bugs, natapos din
ang mga walang humapay na puyatan, natapos din ang tipiran, natapos din ang bumabagyong exam lalo
na ng mga minor subjects na pa-major at di mo na makikita pa ang lulubog lilitaw mong professor na
magbibigay sayo ng palakol at ito na ang panahon upang sa mga magulang natin tayo naman ang mag
abot.
Ngunit itong paniniwala ay aking sasalungatin, ito ay sapagkat, ito ay panibagong kalbaryo ng ating
buhay. Haharapin namin/natin ang buhay sa ibang dimension ng problema ngunit natitiyak ko nakaya ko
itong lagpasan dahil lalabas ako sa munting kumunidand ng Redemptorist na malago at may matibay na
pundasyon sa ating Ina na Lagging Saklolo. Ako ay nahubog ng Redemptorist Educational Assistance
Program at ng Dambana upang salubungin at labanan lahat ng unos na darating. Tulad ng nasabi ko.
Biyaya kong maituturing ang makapag aral sa koleheyo at makapagtapos pero naniniwala ko na ibinato
ako sa dagat dahil ako ay mayroong mission na dapat kong alamin at hanapin bilang anak ng aking mga
magulang. Bilang isang kapatid, bilang isang kabataan, bilang tagapaglingkod dito sa dambana at bilang
anak ng Diyos. Naniniwala rin ako na ako/tayo ang solusyon sa mga issyung ikinahaharap ng ating bayan.
Nais ko po sana humingi ng pahintulot na balikan ang aking karanasan ditto sa dambana bilang ISKO at
ISKA ng dambana.
Inaanyayahan ko po sana lahat ng kapwa ko ISKO at ISKA ng dambana na makakapagtapos ngayon ay
tumayo. Gayundin ang mga maiiwan naming mga kapatid.
2. Kami po ang mga kabataang naipagtapos ng aming mga magulang at ng dambana. Kami ang mga
kabataang nabigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng maayos na buhay. Kami ang mga kabataang
mayroong misyon at kami ang kabataang nahubog sa aspeto ng Spiritwalidad ng Dambana. Ang tunay na
karunungan ay hindi nasusukat sa Taon o kurso ng napag aralan kundi ito ay nagmumula sa turo ng Diyos
at kung paano natin gagamitin ang nalalaman upang maging instrument sa pagtulong sa ibang
nangangailangan.
Dito sa dambana sa ilalim ng REAP hindi madali ang buhay bilang ISKO at ISKA pero masayang manatili.
Sino sa amin ang makakalimot sa Per Sem na Evaluation? Bilang iskolar hindi tuloy ang mitsa ng aming
buhay. Kailangan naming panatilihin ang maayos na grades at pag uugali tulad ng ibang scholarships
program. Sino ang mamakalimot sa Japanes Exposure na kailangan naming makapagtagisan ng Ingles sa
mga bumibisitang dayuhan ditto sa aming dambana. Sino ang makakalimot sa masayang Mission Possible
1 2 3 4 5, Sino makakalimot sa Pagpupulot ng basura sa freedom Island, Sino ang makaklimot sa
pagsama namin sa Pork Barrel Scam sa Luneta? Sino Makakalimot sa Una naming sayaw sa Pyesta? Sino
ang makakalimot sa mga natutunan naming asal at ugali ditto sa dambana? Bilang ISKO at ISKA ng REAP
sino makakalimot sa Istrikta, Mabait, Maunawain, Mapag mahal na Coordinator namin. Sino ang
makakalimot sa by color na libro, Sino ang makakalimot sa PISO kapag Nag tagalog, Sino ang
makakalimot sa Tindahan ni Aling Noynay at Budac? Ang Combo Packages parang Milk Tea, kapag na take
mo, panigurado TIGOK!
Bilang tagapag lingkod sa dambana, Sino ang makakalimot sa mga kapariang tumutulong at nagging
modelo sa atin? Sino ang makakalimot sa unag Serve namin at Unang pagkakamali.
Ito ang ilan sa mga aktibidadis na nagawa naming sa ilang taon na nagdulot ng napakaraming bagay sa
pag unlad n gaming sarili.
Napakarami naming natutunan at naranasang mabubuti – masasaya sa ilang taon naming paglalaan ng
oras at panahon sa Baclaran Church, masasabi kong nahubog at mahuhubog kami ng maayos. Salamat sa
dambana. Salamat sa lahat ng bumubuo nito. Sa mga ministry, sa Social Mission, Sa Staff – Volunteer, sa
kapariaan, sa REAP Program. Sa aming pinakamamahal na nanay Ate Arlene at sa Ina na lagging saklolo
na tunay na Laging Saklolo. Ang dahilan ng lahat. Higit sa aming mga magulang, sa aking mga magulang
na sina Wendillo Sr. at Cristy.
Salamat din sa mga kapatid kong ISKO at ISKA. Sa aking mga nagging kaibigan na kapwa ko lumago rito.
Nakasama ko sa mga panahon ng paghahanap naming sa aming sarili.
Dumating ako sa puntong ito at natitiyak ko na dadating din kayo at maibabato tulad ng Starfish.
Para sa mga kapatid ko at para sa lahat huwag tayo makalimot at laging lumingon sa ating
pinanggalingan. Laging kumilala ng Mali at huwag parate ang tama.
Gumawa tayo ng tama hindi dahil sa may langit kundi ang tama ay tama. Huwag tayo gumawa ng mali
hindi dahil sa may Impyerno kundi ang mali ay mali ayon ito sa akda na nabasa ko.
Sa pagtatapos sasagutin ko ang kadalasang tanung sa akin, sa inyo mga ISKO at ISKA. Mag se -serve ka
pa rin ba after mo sa REAP?
Bilang kasagutan, 1 2 3 4 5 years at higit pa, makikita ko ang sarili kong naglilingkod sa dambana na ito.
Magiging isang pundasyon ng Simbahang katolika at ng baclaran. Magsisilbing instrument upang ang
simbang ito , ng katolika ay manatiling buhay habang panahon.
Maraming salamat po!