2. Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang kilos, ugali, at
pananaw sa buhay. Ito ay marahil bunsod ng kani-kaniyang
pamilyang pinagmulan at kinalakhan. Dahil dito, hindi
maipagkaila ang laki ng kontribusyon ng ating pamilya sa
paghubog ng ating pagkatao. Sa pamamagitan ng paggabay ng
ating pamilya natutuhan natin ang ibat’t ibang pagpapahalaga sa
buhay na babaunin natin hanggang sa pagtanda. Ang ating
pamilya rin ang nagsilbing takbuhan at sandalan natin sa tuwing
tayo ay nahaharap sa ano mang problema o suliranin. Sila ang
pinakamatibay nating sandigan sa bawat sandali ng ating buhay.
3. Intindihin Natin
Suriin ang larawan. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.
1. Ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa
larawan?
2. Tungkulin ba ng pamilya ang ipinamalas sa
mga larawan?
3. Ginagawa rin ba ng iyong pamilya ang nasa
larawan?
4. Ano ang maidudulot ng pagtulong at
paggabay ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
5. Bilang anak paano mo tutugunan ang
ibinibigay na tulong at gabay ng iyong
pamilya?
4. Dahil Bata Ka Pa
ni: Theresa Baniquid
Ang pagtanda ay hindi minamadali
Dapat may natutuhan habang lumalaki
Tuklasin mo ang iyong sarili
Nang lumaki ka nang tama at mabuti.
Dahil bata ka pa ikaw muna’y pasakop
Sa magulang mong sa iyo’y kumukupkop
Walang sawang sa iyo’y nagtataguyod
Kahit masakit na ang kanilang galugod.
5. Dahil bata ka pa ikaw muna ay makinig
Sa payo at aral na lagi nilang sinasambit
Buksa ang puso at ng ikaw ay maantig
Ginituan nilang aral itatak sa dibdb.
Dahil bata ka pa ‘wag masyadong matapang
Lumaban at sumagot sa magulang
Matabil mong dila at pagsagot ng pabalang.
Ugaling kasumpa-sumpa’t walang paggalang.
Dahil bata ka pa ay malambot pa ang buto
Upang suungin ang hamon ng mundo
Hindi mo kakayanin ang unos at bagyo
Kalasag mo’y hindi sintibay ng bato.
6. ‘Wag munang pasukin ang larangan ng pag-ibig
“Pagkat bubo’t pa ang iyong puso’t isip
‘Wag kang magmadali at ‘wag dig ipilit
‘Pagkat sa huli baka ikaw ay humikbi.
Walang magulang ang maghahangad sa anak
Na sila’y mapariwara’t mapahamak
Ganda ng kinabukasan ang tangi nilang hangad
Nang lumaki kang may dangal at dignidad.