SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Download to read offline
Zahhak: Mitolohiyang Persian
Isinulat ni: Ferdowsi (Aklat ng Shanahmeh/Book of Kings)
Muling ikinuwento ni: Rebecca Cann
Isinalin ni: Reina Antonette P. Franco
Maraming taon na ang nakararaan, isang pinunong Arabo na nagngangalang Mardash ang may
isang anak na nagngangalang Zahhak.
Si Zahhak ay isang mabait na tao hanggang sa mapilitan siyang patayin ang kanyang amang
si Mardash dahil sa pangungumbinsi ni Ahriman, isang masamang espiritu.
Pagkatapos mamatay ni Mardash, naging pinuno si Zahhak. Muling lumitaw si Ahriman sa anyo
bilang isang kusinero at nagluto ng napakasarap na pagkain para sa kanya. Tinanong ni Zahhak si
Ahriman kung ano ang nais nito bilang gantimpala sa mga kahanga-hangang mga putaheng niluto
nito. Ang tanging hiling ni Ahriman ay mahalikan niya si Zahhak sa kanyang balikat. Pagkatapos
mahalikan ni Ahriman ang balikat ni Zahhak, bigla itong nawala. Sa pagkawala ni Ahriman, may biglang
tumubong dalawang mabagsik na ahas sa balikat ni Zahhak.
Si Zahhak ay natakot at hindi alam kung ano ang gagawin sa mga ahas. Muling lumitaw si
Ahriman sa anya bilang isang manggagamot. Sinabi niya kay Zahhak na ang tanging paraan upang
kontrolin ang mga ahas ay pakainin ang mga ito ng utak ng tao araw-araw, kundi si Zahhak mismo ang
kakainin ng mga ito.
Di naglaon, nagsimula si Zahhak na pumatay ng mga binata at ipakain ang kanilang mga utak
sa mga ahas. Sa paglipas ng panahon, nagpasya siyang magsimula ng digmaan laban kay Jamshid,
ang pinuno ng daigdig. Bumuo si Zahhak ng malaking hukbo at nagtagumpay siya laban kay Jamshid
sa isang matinding laban. Pagkatapos patayin si Jamshid, si Zahhak ay naging pinuno ng daigdig at
kinuha ang dalawang anak na babae ni Jamshid na sina Arnavaz at Shahrnavaz upang gawing mga
alipin.
Ang pamumuno ni Zahhak ay nagtagal ng maraming taon hanggang sa isang araw ay nakakita
siya ng isang nakakatakot na panaginip. Tinawag niya ang mga manghuhula na nagsabi sa kanya na
may isang taong nagngangalang Feryadoun ang siyang susugpo sa kanya. Natakot si Zahhak at
naghanap ng Feryadoun sa kung saan- saan hanggang sa sinabi sa kanya na si Feryadoun ay isang
batang nabubuhay lamang sa Bundok Alborz. Sinubukan ni Zahhak na hanapin si Feryadoun ngunit
hindi niya ito mahanap- hanap.
Pagkatapos ng maraming taon, isang araw ay dumating ang isang panday na nagngangalang
Kaveh sa korte ni Zahhak. Sinabi ni Kaveh kay Zahhak na may labing-walong anak siya at lahat ay
ipinakain na niya sa mga ahas maliban sa isa. Pinagbigyan ni Zahhak si Kaveh na hindi na ipapakain
ang huling anak nito sa isang kondisyon-- pumirma ito ng isang petisyong liham na nagsasabi kung
gaano siya kabuti at mapagpatawad.
Alam ni Kaveh na nagsisinungaling si Zahhak kaya't tumanggi siyang pirmahan ang liham. Sa
halip, pinunit niya ito sa maliliit na piraso at itinapon. Tumakbo siya palabas ng royal court, at itinaas
ang espada ng panday bilang isang tanda ng rebelyon. Bumuo si Kaveh ng isang grupo at tinawag
itong “Darafsh e Kaviani” na nangangahulugang watawat ni Kaveh.
Maraming tao ang sumunod kay Kaveh patungo sa Bundok Alborz upang tulungan siyang
hanapin si Feryadoun. Matapos ang matagal na paghahanap, natagpuan nila si Feryadoun at
kinumbinsing labanan at wasakin si Zahhak.
Sa isang laban, nahuli at natalo ni Feryadoun si Zahhak. Ipinakulong ito sa isang kuweba sa
Bundok Damavand. Pagkatapos ay pinalaya niya ang dalawang anak na babae ni Jamshid. Ang
pangyayaring ito ay nagdala ng kalayaan at kasiyahan sa Iran.
Sanggunian: https://www.zoroastriankids.com/zahhak.html
Katanungan:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa mitong binasa? Ilarawan ito.
2. Ano- ano ang mga suliranin ni Zahhak? Makatwiran ba ang kanyang pamumuno?
3. Kung ikaw si Kaveh, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?Bakit?
4. Ano- anong kaugalian ng Iran/ Persia ang masasalamin mo sa akdang binasa?
5. Anong aral ang natutunan mom ula sa binasang mitolohiya?
Sagot:
1. Ang pangunahing tauhan sa mito ay si Zahhak. Siya ay unang ipinakilala bilang isang mabait
na tao ngunit naging mapanupil na pinuno matapos siyang maengganyo ni Ahriman na patayin
ang kanyang ama.
2. Ang mga suliranin ni Zahhak ay ang mga sumusunod:
a. Pagtubo ng mga ahas sa kanyang balikat,
b. Pangangailangan na pakainin ang mga ahas ng utak ng tao araw-araw,
c. Paghahanap kay Feryadoun dahil sa takot na mapalitan bilang pinuno balang- araw
Hindi makatarungan ang kanyang pamumuno dahil sa kanyang karahasan at pag-aalipin sa iba.
3. Ang pagtutol at paglaban ni Kaveh kay Zahhak at ang kanyang pag-angat ng watawat ng
rebelyon ay nagpapakita ng tapang sa harap ng pang-aapi.
4. Ang akda ay naglalarawan ng halaga ng katapangan, at pagtutol sa maling pamumuno. Ang
kahandaan ng mga tao na sumunod kay Kaveh upang hanapin si Feryadoun ay nagpapakita
ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan.
5. Ang mitolohiyang ito ay nagtuturo ng mga aral tulad ng kahalagahan ng kahalagahan ng
pagtutol sa maling pamumuno at ang panganib na dala ng kapangyarihan. Ayon nga kay
Spiderman, “Power comes with great responsibility”.
KATANGIAN NG MITOLOHIYANG PERSIANO (Batay sa Mitong Zahhak)
1. Kasaysayan ng Laban sa Kasamaan: Ang mitolohiyang ito ay naglalarawan ng laban sa
kasamaan, kung saan si Zahhak ay naging simbolo ng masamang pamumuno at pag-aapi.
2. Pangalan ng Tauhan: Ang pangalan ng mga tauhan, tulad nina Zahhak, Mardash, Ahriman,
Feryadoun, at Kaveh, ay nagpapakita ng kaugnayan sa kultura at pananampalataya ng mga
Persiano. Ang mga pangalan ay maaaring magkaruon ng symbolic na kahulugan.
3. Elemento ng Mahika: Ang paglitaw ni Ahriman bilang kusinero at manggagamot, at ang mga
pangyayaring supernatural tulad ng paglabas ng mga ahas mula kay Zahhak, ay nagpapakita
ng mga elemento ng mahika na karaniwang matatagpuan sa mitolohiya.
4. Pakikibaka at Pag-angat ng Bayani: Ang kwento ni Feryadoun at ang pag-angat niya bilang
bayani na nakipaglaban at nagtagumpay laban kay Zahhak ay nagbibigay diin sa ideya ng pag-
angat ng mabuti laban sa masama.
5. Kasaysayan ng Paglaya at Katarungan: Ang pagpapalaya ni Feryadoun sa mga alipin ay
naglalarawan ng tema ng katarungan at kalayaan sa kabila ng pag-aapi.
6. Simbolismo ng mga Hayop: Ang paglitaw ng mga ahas sa balikat ni Zahhak at ang
pangangailangan na pakainin ito ng utak ng tao ay may simbolismong kahulugan, tulad ng
pagkakaroon ng masamang impluwensya o kasamaan na lumilitaw sa pamumuno.
Sa pangkalahatan, ang mitolohiyang Persiano ay nagbibigay ng sining na may kultural na aspeto,
nagpapahayag ng aral, at naglalarawan ng pakikipaglaban laban sa kasamaan at pag-angat ng
katarungan.

More Related Content

More from Reina Antonette (14)

Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
 
Mga bantas
Mga bantasMga bantas
Mga bantas
 
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong Pantelebisyon
 
Stages and Approaches to educational planning
Stages and Approaches to educational planningStages and Approaches to educational planning
Stages and Approaches to educational planning
 
Content analysis research
Content analysis researchContent analysis research
Content analysis research
 
Chebyshev's Theorem
Chebyshev's Theorem Chebyshev's Theorem
Chebyshev's Theorem
 
KARUNUNGAN
KARUNUNGANKARUNUNGAN
KARUNUNGAN
 
Minsan sa Buhay
Minsan sa BuhayMinsan sa Buhay
Minsan sa Buhay
 
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARALALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
 
SINO ANG DAPAT MAGTURO NG VALUES SA MGA BATA: PAMILYA O PAARALAN
SINO ANG DAPAT MAGTURO NG VALUES SA MGA BATA: PAMILYA O PAARALANSINO ANG DAPAT MAGTURO NG VALUES SA MGA BATA: PAMILYA O PAARALAN
SINO ANG DAPAT MAGTURO NG VALUES SA MGA BATA: PAMILYA O PAARALAN
 
ARCS MODEL
ARCS MODELARCS MODEL
ARCS MODEL
 
Sa Babasa Nito
Sa Babasa NitoSa Babasa Nito
Sa Babasa Nito
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
 
Improving test items
Improving test itemsImproving test items
Improving test items
 

Recently uploaded

Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
ssuser181c5c
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
AlyszaAbecillaPinion
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
RuvyAnnClaus
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 

Recently uploaded (20)

Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 

Zahhak: Mitolohiyang Persiano (Filipino 10: Ikatlong Markahan)

  • 1. Zahhak: Mitolohiyang Persian Isinulat ni: Ferdowsi (Aklat ng Shanahmeh/Book of Kings) Muling ikinuwento ni: Rebecca Cann Isinalin ni: Reina Antonette P. Franco Maraming taon na ang nakararaan, isang pinunong Arabo na nagngangalang Mardash ang may isang anak na nagngangalang Zahhak. Si Zahhak ay isang mabait na tao hanggang sa mapilitan siyang patayin ang kanyang amang si Mardash dahil sa pangungumbinsi ni Ahriman, isang masamang espiritu. Pagkatapos mamatay ni Mardash, naging pinuno si Zahhak. Muling lumitaw si Ahriman sa anyo bilang isang kusinero at nagluto ng napakasarap na pagkain para sa kanya. Tinanong ni Zahhak si Ahriman kung ano ang nais nito bilang gantimpala sa mga kahanga-hangang mga putaheng niluto nito. Ang tanging hiling ni Ahriman ay mahalikan niya si Zahhak sa kanyang balikat. Pagkatapos mahalikan ni Ahriman ang balikat ni Zahhak, bigla itong nawala. Sa pagkawala ni Ahriman, may biglang tumubong dalawang mabagsik na ahas sa balikat ni Zahhak. Si Zahhak ay natakot at hindi alam kung ano ang gagawin sa mga ahas. Muling lumitaw si Ahriman sa anya bilang isang manggagamot. Sinabi niya kay Zahhak na ang tanging paraan upang kontrolin ang mga ahas ay pakainin ang mga ito ng utak ng tao araw-araw, kundi si Zahhak mismo ang kakainin ng mga ito. Di naglaon, nagsimula si Zahhak na pumatay ng mga binata at ipakain ang kanilang mga utak sa mga ahas. Sa paglipas ng panahon, nagpasya siyang magsimula ng digmaan laban kay Jamshid, ang pinuno ng daigdig. Bumuo si Zahhak ng malaking hukbo at nagtagumpay siya laban kay Jamshid sa isang matinding laban. Pagkatapos patayin si Jamshid, si Zahhak ay naging pinuno ng daigdig at kinuha ang dalawang anak na babae ni Jamshid na sina Arnavaz at Shahrnavaz upang gawing mga alipin. Ang pamumuno ni Zahhak ay nagtagal ng maraming taon hanggang sa isang araw ay nakakita siya ng isang nakakatakot na panaginip. Tinawag niya ang mga manghuhula na nagsabi sa kanya na may isang taong nagngangalang Feryadoun ang siyang susugpo sa kanya. Natakot si Zahhak at naghanap ng Feryadoun sa kung saan- saan hanggang sa sinabi sa kanya na si Feryadoun ay isang batang nabubuhay lamang sa Bundok Alborz. Sinubukan ni Zahhak na hanapin si Feryadoun ngunit hindi niya ito mahanap- hanap. Pagkatapos ng maraming taon, isang araw ay dumating ang isang panday na nagngangalang Kaveh sa korte ni Zahhak. Sinabi ni Kaveh kay Zahhak na may labing-walong anak siya at lahat ay ipinakain na niya sa mga ahas maliban sa isa. Pinagbigyan ni Zahhak si Kaveh na hindi na ipapakain ang huling anak nito sa isang kondisyon-- pumirma ito ng isang petisyong liham na nagsasabi kung gaano siya kabuti at mapagpatawad. Alam ni Kaveh na nagsisinungaling si Zahhak kaya't tumanggi siyang pirmahan ang liham. Sa halip, pinunit niya ito sa maliliit na piraso at itinapon. Tumakbo siya palabas ng royal court, at itinaas ang espada ng panday bilang isang tanda ng rebelyon. Bumuo si Kaveh ng isang grupo at tinawag itong “Darafsh e Kaviani” na nangangahulugang watawat ni Kaveh. Maraming tao ang sumunod kay Kaveh patungo sa Bundok Alborz upang tulungan siyang hanapin si Feryadoun. Matapos ang matagal na paghahanap, natagpuan nila si Feryadoun at kinumbinsing labanan at wasakin si Zahhak. Sa isang laban, nahuli at natalo ni Feryadoun si Zahhak. Ipinakulong ito sa isang kuweba sa Bundok Damavand. Pagkatapos ay pinalaya niya ang dalawang anak na babae ni Jamshid. Ang pangyayaring ito ay nagdala ng kalayaan at kasiyahan sa Iran. Sanggunian: https://www.zoroastriankids.com/zahhak.html
  • 2. Katanungan: 1. Sino ang pangunahing tauhan sa mitong binasa? Ilarawan ito. 2. Ano- ano ang mga suliranin ni Zahhak? Makatwiran ba ang kanyang pamumuno? 3. Kung ikaw si Kaveh, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?Bakit? 4. Ano- anong kaugalian ng Iran/ Persia ang masasalamin mo sa akdang binasa? 5. Anong aral ang natutunan mom ula sa binasang mitolohiya? Sagot: 1. Ang pangunahing tauhan sa mito ay si Zahhak. Siya ay unang ipinakilala bilang isang mabait na tao ngunit naging mapanupil na pinuno matapos siyang maengganyo ni Ahriman na patayin ang kanyang ama. 2. Ang mga suliranin ni Zahhak ay ang mga sumusunod: a. Pagtubo ng mga ahas sa kanyang balikat, b. Pangangailangan na pakainin ang mga ahas ng utak ng tao araw-araw, c. Paghahanap kay Feryadoun dahil sa takot na mapalitan bilang pinuno balang- araw Hindi makatarungan ang kanyang pamumuno dahil sa kanyang karahasan at pag-aalipin sa iba. 3. Ang pagtutol at paglaban ni Kaveh kay Zahhak at ang kanyang pag-angat ng watawat ng rebelyon ay nagpapakita ng tapang sa harap ng pang-aapi. 4. Ang akda ay naglalarawan ng halaga ng katapangan, at pagtutol sa maling pamumuno. Ang kahandaan ng mga tao na sumunod kay Kaveh upang hanapin si Feryadoun ay nagpapakita ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan. 5. Ang mitolohiyang ito ay nagtuturo ng mga aral tulad ng kahalagahan ng kahalagahan ng pagtutol sa maling pamumuno at ang panganib na dala ng kapangyarihan. Ayon nga kay Spiderman, “Power comes with great responsibility”. KATANGIAN NG MITOLOHIYANG PERSIANO (Batay sa Mitong Zahhak) 1. Kasaysayan ng Laban sa Kasamaan: Ang mitolohiyang ito ay naglalarawan ng laban sa kasamaan, kung saan si Zahhak ay naging simbolo ng masamang pamumuno at pag-aapi. 2. Pangalan ng Tauhan: Ang pangalan ng mga tauhan, tulad nina Zahhak, Mardash, Ahriman, Feryadoun, at Kaveh, ay nagpapakita ng kaugnayan sa kultura at pananampalataya ng mga Persiano. Ang mga pangalan ay maaaring magkaruon ng symbolic na kahulugan. 3. Elemento ng Mahika: Ang paglitaw ni Ahriman bilang kusinero at manggagamot, at ang mga pangyayaring supernatural tulad ng paglabas ng mga ahas mula kay Zahhak, ay nagpapakita ng mga elemento ng mahika na karaniwang matatagpuan sa mitolohiya. 4. Pakikibaka at Pag-angat ng Bayani: Ang kwento ni Feryadoun at ang pag-angat niya bilang bayani na nakipaglaban at nagtagumpay laban kay Zahhak ay nagbibigay diin sa ideya ng pag- angat ng mabuti laban sa masama. 5. Kasaysayan ng Paglaya at Katarungan: Ang pagpapalaya ni Feryadoun sa mga alipin ay naglalarawan ng tema ng katarungan at kalayaan sa kabila ng pag-aapi. 6. Simbolismo ng mga Hayop: Ang paglitaw ng mga ahas sa balikat ni Zahhak at ang pangangailangan na pakainin ito ng utak ng tao ay may simbolismong kahulugan, tulad ng pagkakaroon ng masamang impluwensya o kasamaan na lumilitaw sa pamumuno. Sa pangkalahatan, ang mitolohiyang Persiano ay nagbibigay ng sining na may kultural na aspeto, nagpapahayag ng aral, at naglalarawan ng pakikipaglaban laban sa kasamaan at pag-angat ng katarungan.