MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Kabanata 2
1. University of Perpetual Help System Laguna - Jonelta
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
COLLEGE OF EDUCATION
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral ni Camilla Vizconde, isang mananaliksik sa Center for
Educational Research and Development (CERD) at English Professor ng
College of Education sa Unibersidad ng Sto.Tomas (UST); dumarami ang
gumagamit ng bilingual educational system sa Pilipinas. Mas pinahahalagahan
ng mga student teachers ang paggamit ng English sa pagtuturo ng lectures,
habang ginagamit nila ang Filipino bilang pantulong upang mas madaling
maintidihan ng mga estudyante ang kanilang itinuturo.
Ang mga resulta ay nagpakita na ang 85 na bahagdan ng mga
respondente ay gumagamit ng English at Filipino sa pagtuturo sa kadahilanang
naniniwala sila na ito ang pinakamabisang paraan sa pagkatuto ng mga
estudyante. Samantalang 15 na bahagdan ng mga respondente ay naniniwala
na ang salitang English ay isang wika na para sa tunay na edukado.
2. 7
Kaugnay na Literatura
Ayon sa Teaching 101: Classroom Strategies for Beginning Teacher,
2009; ni Jeffrey Glanz, ang mga estudyante sa buong mundo ay kalimitang
gumagamit ng bilingual di lamang sa edukasyon, maging sa sarili nilang tahanan.
Tinuturuan na sila ng salitang English bago pa man sila ipasok sa mga
eskwelahan.
Mula naman sa Learning Through Language ni Fred Genesse, mas
epektibo ang paggamit ng bilingual system sa pagtuturo sapagkat may mga
estudyante na nahihirapan sa pag-intindi ng kanilang lectures sa salitang English
at may mga mag-aaral naman na nagiging proficient kapag gumagamit ng
nabanggit na wika.
Natuklasan naman sa Akademikong Filipino tungo sa Epektibong
Komunikasyon; 2011, ni Rolando Bernales, na dito sa bansa, may mga taong
naniniwala na mas mababa ang tingin nila sa wikang Filipino at mas superyor
3. 8
ang English bilang wikang akademiko. Ito ang pangunahing problema ng ating
bansa sa paggamit ng bilingual system, sapagkat natatabunan ng wikang
English ang Filipino na dapat pantay laman ang turing dito. Subalit sinabi rin ni
Bernales na hindi naman kailangan itakwil ang salitang English at dayuhang
wika. Wala namang dapat ikumpetensya sa pag-aaral ng wika. Mainam pa ang
paggamit nito, hindi nga lamang ituring na superyor ang isa sa isa.