3. Tumutukoy sa kakayahan ng isang
indibidwal na makapagsalita at
makaunawa ng iba’t ibang wika.
ANO ANG MULTILINGGUWALISMO?
4. Ang Pilipinas ay isang bansang multilinggwal.
Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain.
Karamihan sa mga Pilipino ay nakapagsasalita
at nakauunawa ng wikang Filipino, Ingles at isa
o higit pang wikang katutubo o mga wikang
kinagisnan.
5. Nananatiling laganap sa nakararaming
batang Pilipino ang paggamit ng unang
wika sa halip na Filipino at Ingles.
6. Kasabay ng Dep-Ed K-12
Curiculum, ipinatupad ang
probisyon para sa
magiging wikang panturo
sa kindergarten at sa
Grade 1, 2, at 3. Tinatawag
itong MTB-MLE o Mother
Tongue Based-Multilingual
Education.
8. Ano ang MTB-
MLE?
“Mother Tongue Based –
Multilingual Education”
Isang paraan ng pagtuturo
kung saan unang
binibigyang pansin ang
pagiging bihasa ng mag-
aaral, partikular na sa
kindergarten at unang
tatlong taon ng
Elementarya, sa paggamit
ng kanilang unang wika
(dayalekto).
9. 1. Tungo sa pagpapataas ng
kalidad ng edukasyong
nakabatay sa kaalaman at
karanasan ng mga mag-
aaral at guro.
2. Tungo sa promosyon ng
pagkapantay sa lipunang
iba-iba ang wika.
3. Tungo sa pagpapalakas ng
edukasyong multikultural
at sa pagkakaunawaan at
paggalang sa batayang
karapatan sa pagitan ng
mga grupo sa lipunan.
TALONG (3) RASYONAL NA SUMUSUPORTA SA
MTB-MLE
10. Naaayon ito sa maraming pag-aaral na nagsasabing
mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung
unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Sa
pananaliksik nina Dutcher at Tucker (1977),
napatunayan nila sa bias ng unang wika bilang
wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral.
Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa
pagkatuto ng pangalawang wika.
11. Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang
nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika, lingua
franca at apat na iba pang wika sa bansa upang gamiting
wikang panturo at ituturo di bilang hiwalay na asignatura.
Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod:
Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, at ang apat na iba pang
wikain ay ang Tausug, Maguindanao, Merano, at
Chavacano.
12. Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng
pitong wikain kaya’t nagging labinsiyam na ang wikang
ginagamit sa MTB-MLE.
Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela;
Ivatan para sa mga taga-Batanes;
Sambal sa Zambales;
Aklanon sa Aklan, Capiz;
Kinaray-a sa Antique;
Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao;
Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito.
13. Mother Tongue and other Language Region Geographical Location
1. Ybanaq Region II Tuguegarao City, Cagayan, Isabela
2. Ivatan Region II Batanes Group of Islands
3. Sambal Region III Zambales
4. Akianon Region VI Aklan, Capiz
5. Kinaray-a Region VI Capiz, Aklan
6. Yakan ARMM Basilan Province
7. Suriqaonon Caraga Surigao City and Provinces
DO 28, S. 2013 – ADDITIONAL GUIDELINES TO DEPED ORDER NO. 16, S.
2012 (GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF THE MOTHER TONGUE
BASED-MULTILINGUAL EDUCATION (MTB-MLE)
July 5, 2013
14. Maliban sa mga nasabing unang wika(L1), ang
Filipino (L2) at ang Ingles(L3) ay itinuturo din
bialng hiwalay na asignaturang pangwika sa
mga nasabing antas. Sa mas mataas na antas ng
elementarya, gayundin sa highschool at sa
kolehiyo, mananatiling Filipino at Ingles ang
mga pangunahing wikang panturo.
15. Sabi nga ni dating Pangulong Benigno
Aquino III “We should become tri-lingual as
a country. Learn English well and connect
to the World. Learn Filipino well and
connect to our country. Retain your dialect
and connect to your heritage.”
16. Ayon sa pag-aaral ang mga mag-aaral na naturuan sa wikang di nila unang
wika ay nakararanas nang mas maraming bilang ng dropout o pagkahinto sa
pag-aaral o kaya’y paguulit naman sa antas
Sa taya ng world bank (2005), may 50%ng mga batang nahinto na sa pag-
aaral o ang tinatawag na out-of-school-youth ang nakatira sa mga
pamayanang ang wikang panturo ay hindi ang wikang ginagamit nila sa
tahanan.
Si Pinnock (2009) naman ay naglabas ng isang nakagugulat napuntos, 72%
dawn g mga out-of-school-youth sa buong mundo ay nagmula sa mga
bansang maituturing na “highly linguistically fractionalised” o may mataas
na pagkakahati-hating panlingguwistika.
KARAGDAGANG IMPORMASYON