4. Nakita ni Basili si Simoun sa
gubat malapit sa libingan ng
kanyang ina.
Ang tradisyn sa Europa na
pagsung sa bangkay ng isang
namatay na tao ang inilakip ng
may-akda sa kabanatang ito.
Hindi pinatay ni Simoun si
Basilio nang malaman ng huli
5. ang kanyang lihim dahil ayon sa
una, pareho silang may dapat
ipaghiganti kaya dapat silang
magtulungan.
Nakapangibang-bansa si
Crisostomo Ibarra sa
pamamagitan ng
pagbabalatkayo bilang isang
mangangalakal.
6. Maaaring sagot: Makatotohanan
ang maghiganti, subalit
makatotohanan din ang
ibinubunga nito, ang kapwa
malagim na wakas sa
naghihiganti at sa
pinaghihigantihan.
Ayon kay Simoun, hinihingi ng
mga kabataan ang pagkakaroon
ng pantay
7. na karapatan ng mga Pilipino
at Espanyol at ang pagkakaroon
ng kinatawan sa korte sa
Espanya.
Tutol si Simoun sa layunin ng
mga kabataan na magpatayo ng
Akademya ng Wikang Espanyol.
Para sa kanya hindi kayang
ipahayag sa wikang ito ang pag-
iisip at puso ng mga Pilipino.
8. Ayon pa rin sa kanya, marami
nang wika and bansa. Kung
daragdagan pa ito ng wikang
Espanyol, ipapailalim lamang ng
mga Pilipino ang sariling
kaisipan sa isip ng iba para sa
halip na maging malaya, maging
tunay na alipin.
Ayon naman sa argumento ni
Basilio, makabubuti sa mga
9. estudyante ang kaalaman sa
wikang Espanyol, at kaya siya
pumirma sa proyekto, hangad
niya ang kapakanan ng mga
kabataang estudyante.
Hindi ipinagpatuloy ni Simoun
ang plano niyang lapitan sina
Macaraig at Isagani dahil iba ang
pagkakilala ng mga ito sa kanya,
at maaaring masamain ang
kanyang layunin.
10. Ipinaalala ni Simoun kay Basilio
ang pagkamatay ng kanyang ina
at kapatid para gisingin ang
damdamin nito sa paghihiganti.
11. #Alam Mo…
May layunin ang may-akda sa
pag-uulit ng salita sa loob ng
pangungusap o talata. Sa mga
hinangong pangungusap
mula sa orihinal na nobela,
matutukoy ang layuning
mabigyang-diin ang ideyang
pagtitiis.
13. Ang layunin ni Simoun:
Ang pagsalungat ni Basilio sa
kanyang mga layunin.
Ang kahilingan ng kabataan
para sa pagtatayo ng Akademya
ng Wikang Espanyol.
Ang pagtutol ni Simoun sa
binanggit na proyekto ng
kabataan.
20. Unang pumasok sa isipan ni Juli
pagkagising niya nang umagang
iyon ay ang milagro ng Mahal na
Birhen. Nabigo siya dahil hindi
nagmilagro ang Mahal na Birhen,
na inaasahan niyang padadamihin
nito ang kanyang pera sa altar.
Nag-alala siya na baka mahawa
siya sa ketongin kung saan
nanggaling ang agnos.
21. Natuklasan niya na hindi naman
siya dapat masyadong nag-aalala
sa kanilang problemang
pampamilya dahil makauuwi
naman siya at madadalaw ang
kanyang lolo. At siguradong alam
na ni Basilio ang tungkol sa
kanyang ama.
Pinagaan ni Juli ang kanyang loob
at ang loob ng kanyang
22. lolo nang sabihin niyang kapag
dumating ang kanyang ama,
sabihin ditto na nag-aaral siya sa
kolehiyo dhil matututo siya ng
wikang Espanyol sa kanyang amo.
At iyon ang pinakamurang
edukasyong pwede niyang
makuha.
Hindi nagtagumpay si Juli sa
pagpapalakas ng kanyang loob
dahil umiyak na rin siya
23. pagkababa ng bahay. Umupo
siya sa tabi ng isang buwal na
puno, at buong lungkot na
nanangis.
Ayaw ng mga bata ng araw ng
Pasko ayon sa pahayag ng may-
akda dahil sa maraming dahilan.
#ginigising sila ng maaga at
bibihisan ng mga damit na hindi
naman komportable sa kanila.
24. #Isasama sa simbahan kung saan
nagtatagal ang misa nang isang
oras. Hindi sila pwedeng lumikot
doon, at kung maging malikot sila,
ang kapalit ay isang kurot.
#Isasama sila sa bahay ng mga
kamag-anak kung saan kailangang
kumanta o sumayaw sila para
mabigyan ng pamaskong pera.
25. #At hindi sa bulsa ng mga bata
napupunta ang perang
napamaskuhan nila kundi sa
kanilang magulang.
26. Idinaraos ng mga tao ang
kapaskuhan sa pamamagitan ng
pagdalaw sa mga kamag-anak,
pagmamano, at pagbabatian ng
isang maligayang Pasko.
Nagdadala sila ng mga prutas,
matamis o di kaya ay isang regalo
na hindi kailangang mamahalin.
27. Nalungkot si Tandang Selo nang
dumating ang kanyang mga
kamag-anak dahil wala siyang
nakuhang regalo. Ni hindi rin siya
nabati ng maligayang Pasko ni Juli
nang umalis ito.
Naging pipi si Tandang Selo sa
huling bahagi ng kabanata.
28. #Alam Mo…
• Ang mga salitang Tagalog ng
may-akda sa kanyang nobela ay
ang batalan at salabat. Ang
nauna ay isang bahagi ng
ordinaryong bahay noon na
nagsisilbing banyo dahil ditto
karaniwang inilalagay ang
tapayan ng tubig. Nagsisilbi rin
itong lugar na pinaghuhugasan
ng plato.
29. Karaniwang ang sahig nito ay
kawayan, kaya ang tubig na
ginagamit sa paliligo o sa
paghuhugas ng plato ay
lumalagos sa sahig, at tuluy-
tuloy sa lupa.
30. Samantala ang salabat ay isang
uri ng inuming katutubo na
niluluto sa pamamagitan ng
pagpapakulo ng tubig, kasama
ang isang kapirasong luya at
kaunting asukal. Karaniwang
iniinom ito sa umaga sa pag-
aalmusal.
32. Ang paghahanda ni Juli ng
salabat.
Ang pag-iingat ng dalaga na
makalikha ng ingay sa kanyang
ginagawa nang umagang iyon.
Ang pag-asa ni Juli na may
milagrong mangyayari.
Ang pag-alis ni Juli para
mamasukan bilang katulong
33. Ang pasya ni Juli na hindi
ipagbili ang agnos na bigay sa
kanya ni Basilio.