1. Ebolusyon ng Komisyon ng Wikang Pilipino
Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
Saligang Batas ng 1935
Artikulo XIV, Seksyon 3
Batas Komonwelt Blg. 184
Nobyembre 13, 1936
Manuel L. Quezon
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
Enero 1987
Corazon C. Aquino
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Batas Republika Blg. 7104
Agosto 14, 1991
Corazon C. Aquino
Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt
Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong
Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong
wika na gagamiting batayanng pagpapalaganap at pagpapatibayng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang
Kongreso aygagawa ng hakbang upang linangin at palaganapinang wikang
pambansa sa isang wikang katutubo.”
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C.
de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surianay ang
isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-
lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang,
nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa
Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging
College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na
Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago
napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa
isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
2. Nang itadhana ang Kautusang TagapagpaganapBlg. 94 at ang Batas ng
Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng
Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito
roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang
noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio
del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI
sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga
Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa
ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang
Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaun lad, pagpapalagana p at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga
wika ng Pilipinas.
Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng
pagbabalan gkas ng mga patakara n, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa
iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek.
14-g).
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo ng Pilipinas at nakabaha y sa ikalawang palapag (second floor) ng
Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.
BALANGKAS ORGANISASYON (SWP)
Patnugot: Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte)
Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)
Mga Kagawad:
Santiago Fonacier (Ilokano)
Filemon Sotto (Cebuano)
Casimiro Perfecto (Bicol)
Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon)
Hadji Butu (Tausug)
Hinirang ni Pangulong Manuel Quezon si Jaime C. de Veyra bilang Patnugot ng Surian
ng Wikang Pambansa noong Enero 12, 1937. Ang Batas Komonwelt Bilang 184, serye
1936 ang naging dahilan sa paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa. Nagtatakda ito
ng kapangyarihan at tungkulin sa mga bumubuo ng SWP. Sa kasamaang-palad, may
dalawang kagawad ng SWP ang hindi nakapagpatuloy ng kanilang tungkulin. Namatay
si Hadji Butu at nagdimite sa Filemon Sotto dahil sa kanyang kapansanan.
3. Pinag-ugatan
Bahagi ng pagpapatupad ng Saligang Batas ng 1935 ang pagkakaroon ng isang
pambansa wika. Ito ang simula ng malawakang pag-aaral sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas. Kasunod nito ang pagkakapasá ng Batas Komonwelt Blg. 184 na isinulat ni
Norberto L Romualdez, isang dakilang Waray at kilalang batikang mahistrado, kung
saan naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
Ang SWP ay inatasan na pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas upang magkaroon ng
isang pambansang wika, na batay sa isang umiiral na wika sa bansa. Ang mga unang
delegado ng SWP upang katawanin ang kani-kanilang wika ay sina Jaime C. de Veyra
(Waray), Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F.
Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Ilonggo), Hadji Butu (Tausug), at Cecilio
Lopez (Tagalog). At sa ilalim ng pamumuno ni de Veyra, napili ang Tagalog bilang
batayan ng pambansang wika.
Sa aklat na Language of Education of the Philippine Island (1926), naitala ng banyaga
at ekspertong si Najeeb Mitry Saleeby ang mga naging pag-aaral niya sa mga wika sa
Pilipinas. Isa sa mga naging kongklusyon niya ay: “Ang Tagalog ang pinakamahusay na
bernakular ng Filipinas.” (salin ni Rogelio G. Mangahas)
Huling Taon ng SWP
Sa bisà ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos noong 16 Marso 1971, nagkaroon ng rekonstitusyon ang SWP at naging huling
delegado nito sina Ponciano B.P. Pineda (Tagalog, tagapangulo), Lino Q. Arquiza
(Sebwano), Nelia G. Casambre (Hiligaynon), Lorenzo Ga. Cesar (Samar-Leyte),
Ernesto Constantino (Ilokano), Clodoaldo H. Leocadio (Bikol), Juan Manuel
(Pangasinan), Alejandrino Q. Perez (Pampanggo), Mauyag M. Tamano (Tausug), at Fe
Aldave Yap (kalihim at pinunòng tagapamahala).
Nagkaroon pa ng mga pagbabago sa SWP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 112 ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong 30 Enero 1987. Binago ang
pangalan nito at naging Institute of Philippine Languages (Linangan ng mga Wika ng
Pilipinas). Sa bisa naman ng Batas Republika Blg. 7104 na nilagdaan din ni Aquino ay
nalikha ang Commission on the Filipino Language o ang Komisyon sa Wikang Filipino.
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas
Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L.
Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay
piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
BALANGKAS ORGANISASYON (KWP)
4. Kalupunan ng Komisyoner
ARTHUR P. CASANOVA
Tagapangulo
Kinatawan ng Wikang Tagalog
CARMELITA C. ABDURAHMAN
Fultaym na Komisyoner
Kinatawan ng Wikang Samar-Leyte
BENJAMIN M. MENDILLO
Fultaym na Komisyoner
Kinatawan ng Wikang Ilokano
ANGELA E. LORENZANA
Kinatawan ng Wikang Bikol
ALAIN RUSS G. DIMZON
Kinatawan ng Wikang Hiligaynon
MA. CRISANTA N. FLORES
Kinatawan ng Wikang Pangasinan
JIMMY B. FONG
Kinatawan ng mga Wika sa Kahilagaang Pamayanang Kultural
HOPE SABANPAN YU
Kinatawan ng Wikang Sebwano
ABRAHAM P. SAKILI
Kinatawan ng mga Wika ng Muslim Mindanao
5. LUCENA P. SAMSON (Kinakatawan ni Dr. Leonora Yambao)
Kinatawan ng Wikang Kapampangan
Direktor Heneral
Mga Puno ng Sangay
John Enrico C. Torralba
Puno, Sangay ng Salin (SS)
Lourdes Z. Hinampas
Puno, Sangay ng Salita at Gramatika (SSG)
Sheilee B. Vega
Puno, Sangay ng Literatura at Araling Kultural (SLAK)
Jomar I. Cañega
OIC-Puno, Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Salvador L. Sagadal
OIC-Puno, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi (SPP)
Mga Yunit Pampangasiwaan
Bernadeth M. Mequila
Yunit ng Akawnting
6. Alvin Nepomuceno
Yunit Pantauhan
Renan Sabido
OIC-Yunit ng Procurement
Salvador L. Sagadal
Yunit ng Badyet
Lorna Lynn L. Wenceslao
Yunit ng Suplay/Yunit ng Cash
Lourdelene N Diaz
Yunit ng Sinupan
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
GABAY NG MAMAMAYAN
FY 2021
(Bilang pagtupad sa Batas Republika Blg. 9485 o Anti-Red Tape Act ng 2007 na
pinagtibay upang mapabuti ang paghahatid ng pamahalaan ng serbisyo sa publiko sa
pamamagitan ng pagkontrol sa red tape sa kawanihan, pagnanakaw at katiwalian, at
paglalaan ng mga kaparusahan para doon.)
Mandato
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang Batas Republika
Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng
mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito
at para sa iba pang mga layunin.
Bisyon
“Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran”
7. Misyon
Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang WIkang Pambansa
hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa
pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino.
Patakaran sa Kalidad
Kami ang mangunguna sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at pagpapayaman ng
wikang Filipino hbang pinangangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas;
Magpapatupad ng mga napapanahong patakaran at programang pangwika na tutugon
sa pangangailangan ng sambayanang Filipino;
Magbibigay ng mataas na antas ng serbisyong pangwika;
Patuloy na magpapauswag sa aming Sistema ng Pamamahala sa Kalidad; at
Susunod sa mga batas at tuntunin ng Republika ng Pilipinas.
Uswag Filipino: Kaisahan, Kaunlaran, at Karunungan
Tsart ng Organisasyon
8. Listahan ng mga Serbisyo
KWF Sangay ng Salin
Eksternal na Serbisyo
Pagsasalin (Frontline) 6
Balidasyon ng Salin (Frontline)7
KWF Sangay ng Literatura at Araling Kultural
Eksternal na Serbisyo
Aklatang Balmaseda 8
Seminar sa Korespondensiya Opisyal 9
KWF Sangay ng Salita at Gramatika
Eskternal na Serbisyo
Pagkuha ng Imprimatur para sa Ortograpiyang mga Wika ng Filipinas 10
KWF Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi
Eksternal na Serbisyo
Paghiling sa Kopya ng mga dokumento at Rekord 12
KWF Sangay ng Edukasyon at Networking
Internal na Serbisyo
Kahilingan sa Pagkompone ng ICT Kagamitan at Pagpaskil sa Websayt at Social Media
14
KWF Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi
Internal na Serbisyo
Paghiling sa Kopya ng mga Dokumento at Rekord 15
9. Ang KWF ay inatasan na “magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng
iba pang mga wika sa Filipinas.”
Bisyon: “Wikang Filipino, Wika ng Dangal at Kaunlaran” Misyon: “Itaguyod ang
patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang WIkang Pambansa hábang
pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan,
pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino.”
Nakapaloob sa Batas Republika 7104, Seksiyon 6, ang mga kapangyarihan at tungkulin
ng KWF. Ilan sa mga ito ay ang (a) Magbalangkas ng mga patakaran, plano, at
programa upang matiyak ang higit at patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman,
pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Filipinas;(b)
Magtakda ng mga tuntunin, regulasyon, at patnubay upang isakatuparan ang mga
patakaran, mga plano, at mga programa nito; at (c) Magsagawa at makipagkontrata
ukol sa saliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon,
pagpapaunlad, pagpapayaman, at sa dakong huli’y estandarisasyon ng Filipino at iba
pang mga wika ng Filipinas. Sasaklawin nito ang pagsasanib ng mga gawain para sa
posibleng ingkorporasyon tungo sa isang multilingguwal na diksiyonaryo na mga salita,
parirala, idyoma, sipi, kasabihan, at iba pang mga pahayag, kasáma ang mga salita at
parirala mula sa ibang mga wika na ginagamit nang malaganap o bahagi ng lingguwa
prangka.
Ang KWF ang nangunguna sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa (Agosto)
at Buwan ng Panitikan (Pebrero). Naglulunsad din ito ng mga gawad tulad ng Dangal ni
Balagtas, Gawad Julian Cruz Balmaseda, Talaang Ginto: Makata ng Taon, at iba pa.
Ilan pa sa mga programa at proyekto ng KWF ay may kaugnayan sa pagsasalin ng
mahahalagang dokumento o akda na nakasulat sa ibang wika tungo sa Filipino;
taunang paglulunsad ng timpalak sa pagbaybay; pagsuporta sa mga pananaliksik
pangwika at paglalathala ng mga ito; paglulunsad ng mga lektura; at marami pang iba.
Ang kasalukuyang tagapangulo ng KWF ay si Arthur P. Casanova (Kinatawan ng
Wikang Tagalog). Katuwang niya sina Carmelita C. Abdurahman (Kinatawan ng Wikang
Samar-Leyte), Lorna E. Flores Kinatawan ng Mga Wika sa Katimugang Pamayanang
Kultural), Angela E. Lorenzana (Kinatawan ng Wikang Bikol) Alain Russ G. Dimzon
(Kinatawan ng Wikang Hiligaynon), Ma. Crisanta N. Flores (Kinatawan ng Wikang
Pangasinan); Jimmy B. Fong (Kinatawan ng mga Wika sa Kahilagaang Pamayanang
Kultural), Hope Sabanpan Yu (Kinatawan ng Wikang Sebwano), Abraham P. Sakili
(Kinatawan ng mga Wika ng Muslim Mindanao), lucena P. Samson (Kinakatawan ni Dr.
Leonora Yambao/Kinatawan ng Wikang Kapampangan), at Anna Katarina B. Rodruez
bilang Direktor Heneral.