Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Saudi Arabia. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Saudi Arabia.
1. Lesson 23-K: Kababaihan sa Saudi Arabia
Ang mga babae sa Saudi Arabia ay may limitadong Karapatan kumpara sa iba pang kababaihan sa
Kanlurang Asya
Ayon sa 2015 Global Gender Gap Rebort ng World Economic Forum, pang-134 na bansa ang Saudi
Arabia sa 145 na bansa sa aspekto ng Gender Parity
Ang Saudi Arabia lamang ang bansa na pinagbabawalan ang mga babae na magmaneho ng anumang
uri ng sasakyan
Ang mga gampanin ng mga kasarian ng tao sa Saudi Arabia ay nagmumula sa Sharia o Islamic Law
Ayon sa batas ng Saudi Arabia, ang bawat babae ay dapatmay kasama na lalaking guardian.
Ipinagbabawal ang mga babae na magbakasyon, magkaroon ng business meeting o Dumaan sa isang
medical na proseso na walang permiso sa mga guardian/s nilang lalaki
Ang mga damit ng mga kababaihan sa Saudi ay dapat na hindi nagpapakita ng anumang bahagi ng
kanilang katawan at hindi dapat ito kaparehos ng itsura ng mga damit ng kalalakihan
Mas Tumaas ang employmentrate ng mga kababaihan sa Saudi Arabia sa paglipas ng mga taon
Ang trabaho ng mga babae ay dapatakma sa kanilang kaugalian at kapasidad
Mataas ang literacy rate ng mga kababaihan sa Saudi Arabia. Ang kalidad ng edukasyon ng mga babae
ay mas mababa kumpara sa mga kalalakihan
Mas obligadong mag-aaral ang mga babae na mag-aral ng service industries o social sciences
Pinapayagang magkaroon ng posisyon ang mga babae sa Chambers ofCommerce
Noong 2005, pinagbawalan ang forced marriage sa Saudi Arabia
Ligal ang praktis ng polygamy sa Saudi Arabia. Ang mga lalaki ay pwedeng mapagkasal hanggang sa 4
na babae, kung saan kaya ng lalaki na suportahan lahat ng kanyang asawa
Madami ang insidente ng Domestic Violation sa Saudi Arabia