Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Israel. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Israel.
1. Lesson 23-G: Kababaihan sa Israel
Ito ay ang mga kababaihan sa bansang Israel na namumuhay sa Israel simula noong naitatag ang Republika
ng Israel noong 1948.
Bago pa maging malayang bansa ang Israel noong 1948, may mga babaeng nakikipag-laban na sa mga
Karapatan ng mga tao
Noong 1927, nagkaroon ng deklarasyon para sa pantay-pantay na Karapatan ng mga babae at lalaki
Jewish Religious Courts – ito ay ang naghuhusga patungkol sa mga isyung pangkasal ng mga Hudyo
Ayon sa Halakha, ito ay ang kalipunan ng mga Jewish religious laws na galing sa Written at Oral Torah,
ang isang babaeng Hudyo ay pwedeng magdiborsyo sa kanyang asawa, kung bibigyan ng consent ng
kanyang asawa.
Ang mga Arab-Israeli na mga babae ay pwedeng sumali sa pamahalaan at sa mga gawaing Panlipunan
Golda Meir – Isa siyang babaing guro, pulitiko atnagsilbing bilang Punong Ministro ng Israel noong 1969
hanggang 1974.
Ang Israel ay isa sa mga bansang obligadong sumali ang mga babae sa Israeli Armed Forces
Roni Zuckerman – Siya ay ang unang babaeng JetFighter ng Israeli Armed Forces. Ang kanyang lolo at
lola ay ang nanguna sa Warsaw Ghetto Uprising noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong naganap ang Second Lebanon War (2006), nakipag-laban ang mga lalaki at babaeng sundalo
upang madepensahan ang kanilang bansa
Sa larangan ng kalusugan, parehong may pantay na access sa mga serbisyo ang mga lalaki atbabae
Na’amat – Ito ay ang pinakamalaking organisasyon pambabae sa Israel na itinatag noong 1921.
Mayroon itong 800,000 na miyembro