Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

Isip at kilos-loob

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 16 Ad

More Related Content

Slideshows for you (20)

Similar to Isip at kilos-loob (20)

Advertisement

Recently uploaded (20)

Isip at kilos-loob

  1. 1. PANUTO: MASDAN MO ANG MGA SUMUSUNOD NA LARAWAN. SAGUTIN ANG MGA TANONG AT NAKATAKDANG GAWAIN PAGKATAPOS NITO. •1. ANO ANG PAGKAKATULAD NG TATLONG NASA LARAWAN? •2. ANO ANG PAGKAKAIBA NG TATLONG ITO? •3. ALIN SA TATLONG ITO ANG NAKAHIHIGIT SA LAHAT? IPALIWANAG.
  2. 2. GAWAIN: • ANO ANG KAKAYAHAN NG TATLONG ITO? TUKLASIN MO SA PAMAMAGITAN NG PAGGAWA NG SUMUSUNOD: ISA-ISAHIN ANG KAKAYAHAN O KATANGIANG TAGLAY NG BAWAT NILIKHA. ILISTA ITO SA HANAY NG BAWAT NILIKHA. GAMITIN ANG TSART SA IBABA PARA RITO. GAWIN ITO SA IYONG KUWADERNO. MGA KAKAYAHAN Halaman Hayop Tao
  3. 3. MGA KATANUNGAN: •1. ALIN ANG MAY PINAKAMARAMING KAKAYAHAN NA NAITALA MO? •2. ANO ANG SINASABI NITO TUNGKOL SA HALAMAN, HAYOP AT TAO BILANG NILIKHA? •3. PAANO NAKAHIHIGIT ANG TAO SA HALAMAN AT HAYOP?
  4. 4. MGA KATANUNGAN •1. ANO ANG PAGKAKAIBA NG PAGTUGON NG LALAKI AT NG ASO SA PAALALA? BAKIT? •2. ANO ANG TAGLAY NG TAO UPANG MAUNAWAAN AT SUNDIN NIYA ANG PAALALANG ITO? •3. ANO ANG PALATANDAAN NA ANG TAO AY MAY ISIP? •4. ANO ANG PALATANDAAN NA ANG TAO AY MAY KILOS-LOOB? •5. KUNG SUSUWAYIN NG TAO ANG PAALALANG ITO NATATANGI PA RIN BA SIYA? PATUNAYAN.
  5. 5. • MAYROONG TATLONG URI NG NILIKHANG MAY BUHAY SA MUNDO: • ANG HALAMAN, • ANG HAYOP AT • ANG TAO. • KATULAD SA HALAMAN, ANG TAO AY NANGANGAILANGANG ALAGAAN UPANG LUMAKI, KUMILOS AT DUMAMI. KUMUKUHA SIYA NG SAPAT NA SUSTANSYA UPANG MAKAYA NIYANG SUPORTAHAN ANG SARILI. • KATULAD SA HAYOP ANG TAO AY MAY DAMDAMIN KAYA’T SIYA’Y NASASAKTAN, MARAHIL DAHIL SA KAPABAYAAN O PAGPAPAHIRAP. • NATATAKOT SIYA SA KALAMIDAD O SA EPEKTO NG PANGYAYARI NA HINDI INAASAHAN. NAGAGALIT SIYA KAPAG PINAKITUNGUHAN NANG HINDI TAMA SUBALIT KUMAKALMA SA TUWING PINAKITAAN NG PAGKALINGA. • SUBALIT HIGIT PA SA MGA ITO ANG KAYANG GAWIN NG TAO SAPAGKAT ANG TAO AY NILIKHA AYON SA “WANGIS NG DIYOS”, KAYA NGA ANG TAO AY TINATAWAG NA KANYANG OBRA MAESTRA.
  6. 6. TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NA NAGPAPATINGKAD SA ISANG TAO
  7. 7. ISIP •ANG ISIP AY ANG KAKAYAHANG MAG-ISIP, ALAMIN ANG DIWA AT BUOD NG ISANG BAGAY. ITO AY MAY KAPANGYARIHANG MAGHUSGA, MANGATWIRAN, MAGSURI, MAGALAALA AT UMUNAWA NG KAHULUGAN NG MGA BAGAY. KAYA’T ANG ISIP AY TINATAWAG NA KATALINUHAN (INTELLECT), KATWIRAN (REASON), INTELEKTUWAL NA KAMALAYAN (INTELLECTUAL CONSCIOUSNESS), KONSENSYA (CONSCIENCE) AT INTELEKTUWAL NA MEMORYA (INTELLECTUAL MEMORY) BATAY SA GAMIT NITO SA BAWAT PAGKAKATAON.
  8. 8. PUSO • ITO AY MALIIT NA BAHAGI NG KATAWAN NA BUMABALOT SA BUONG PAGKATAO NG TAO. NAKARARAMDAM ITO NG LAHAT NG BAGAY NA NANGYAYARI SA ATING BUHAY. DITO NANGGAGALING ANG PASYA AT EMOSYON. SA PUSO HINUHUBOG ANG PERSONALIDAD NG TAO. LAHAT NG KASAMAAN AT KABUTIHAN NG TAO AY DITO NATATAGO.
  9. 9. KAMAY O KATAWAN • ANG KAMAY O ANG KATAWAN AY SUMASAGISAG SA PANDAMA, PANGHAWAK, PAGGALAW, PAGGAWA AT PAGSASALITA (SA BIBIG O PAGSUSULAT). ITO ANG KARANIWANG GINAGAMIT SA PAGSASAKATUPARAN NG ISANG KILOS O GAWA. HINDI SAPAT NA NAIISA-ISA NG TAO ANG IBA’T IBANG BAHAGI NG KANYANG KATAWAN, ANG MAHALAGA AY MAUNAWAAN NIYA KUNG ANU-ANO ANG GAMIT NG MGA ITO. MAHALAGANG BAHAGI NG PAGKATAO ANG KATAWAN, DAHIL ITO ANG GINAGAMIT UPANG IPAHAYAG ANG NILALAMAN NG ISIP AT PUSO SA KONGKRETONG PARAAN. SA PAMAMAGITAN NG KATAWAN, NAIPAKIKITA NG TAO ANG NAGAGANAP SA KANYANG KALOOBAN. ITO RIN ANG INSTRUMENTO SA PAKIKIPAG- UGANAYAN SA ATING KAPWA.
  10. 10. ISIP AT KILOS-LOOB Isip Kilos-loob Gamit Pag-unawa Kumilos/gumaw a Tunguhin Katotohanan Kabutihan
  11. 11. ISIP •SA PAMAMAGITAN NG ISIP, ANG TAO AY NAGHAHANAP NG KATOTOHANAN; KAYA’T PATULOY SIYANG NAGSASALIKSIK UPANG MAKAUNAWA AT GUMAWA NANG NAAAYON SA KATOTOHANANG NATUKLASAN. ANG PANDAMDAM NG TAO AY NAKATUTULONG UPANG MAKAMIT ANG KATOTOHANANG ITO. SA PAMAMAGITAN NG KAALAMANG NATUKLASAN, MAAARI SIYANG GUMAWA PARA SA IKABUBUTI NG KANYANG KAPWA. DAHIL ANG ISIP NG TAO AY MAY LIMITASYON AT HINDI ITO KASING PERPEKTO NG MAYLIKHA, SIYA AY NAKADARAMA NG KAKULANGAN. KAYA’T ANG PAGHAHANAP NG ISIP SA KATOTOHANAN AY HINDI NAGTATAPOS; ANG KATOTOHANAN ANG TUNGUHIN NG ISIP.
  12. 12. KILOS-LOOB • SA KABILANG DAKO, ANG KILOS-LOOB AYON SA PAGLALARAWAN NI SANTO TOMAS DE AQUINO AY ISANG MAKATWIRANG PAGKAGUSTO (RATIONAL APPETENCY), SAPAGKAT ITO AY PAKULTAD (FACULTY) NA NAAAKIT SA MABUTI AT LUMALAYO SA MASAMA. KUNG KAYA’T ANG TUNGUHIN NG KILOS-LOOB AY ANG KABUTIHAN. ANG KILOS-LOOB AY HINDI NAAAKIT SA KASAMAAN; HINDI NITO KAILANMAN MAGUGUSTUHAN ANG MISMONG MASAMA. NAGAGANAP LAMANG ANG PAGPILI SA MASAMA KUNG ITO AY NABABALOT NG KABUTIHAN AT NAGMUMUKHANG MABUTI AT KAAKIT-AKIT. ANG KILOS-LOOB AY UMAASA SA IBINIBIGAY NA IMPORMASYON NG ISIP. NAIIMPLUWENSYAHAN NG ISIP ANG KILOS-LOOB, DAHIL HINDI NITO NANAISIN O GUGUSTUHIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NIYA ALAM O NAUUNAWAAN. ITO RIN ANG NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA TAO NA GUMAWA AT PUMILI, KUNG KAYA’T ANG KILOS-LOOB ANG SIYANG UGAT NG MAPANAGUTANG KILOS.
  13. 13. TAMA O MALI 1. MAYROONG DALAWANG URI NG NILIKHANG MAY BUHAY SA MUNDO. 2. HINDI KATULAD SA HALAMAN, ANG TAO AY HINDI NANGANGAILANGANG ALAGAAN UPANG LUMAKI, KUMILOS AT DUMAMI. 3. KATULAD SA HAYOP ANG TAO AY MAY DAMDAMIN KAYA’T SIYA’Y NASASAKTAN, MARAHIL DAHIL SA KAPABAYAAN O PAGPAPAHIRAP. 4. ANG HAYOP ANG TINAGURIANG “WANGIS NG DIYOS”. 5. ANG TAO ANG TINAGURIANG “OBRA MAESTRA NG DIYOS”.
  14. 14. TAMA O MALI 6. ANG KILOS-LOOB AY ANG KAKAYAHANG MAG-ISIP, ALAMIN ANG DIWA AT BUOD NG ISANG BAGAY. 7. ANG ISIP NG TAO AY WALANG LIMITASYON. 8. ANG KILOS-LOOB AY ISANG MAKATWIRANG PAGKAGUSTO. 9. ANG KILOS-LOOB AY MADALING NAAAKIT NG KASAMAAN. 10. NAIIMPLUWENSYAHAN NG ISIP ANG KILOS-LOOB.

×