Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa India. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa India.
1. Lesson 23-A: Kababaihan sa India
Ang estado ng kalagayan ng kababaihan sa India ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
Noong Panahon ng British Raj, maraming babae ang nanguna sa pagrereporma ng mga nagawa ng mga
Briton
Child Marriage – ito ay sinumulang gawin noong ikaanim na siglo. Ito ay ang pagpapakasal ng lalaki at
babae na wala pa sa hustong edad. Ang kadalasang sanhi ng Child Marriage ay ang kahirapan, pang-
aalipin, dowry at ang bride price
Widows’ Remarriage Act of 1856 – Ito ay ang naglelegalisado ng pagpapakasal muli ng mga biyudang
Hindu
Pandita Ramabai – Siya ang nagtatag ng “Noble Women’s Society” na ang layunin ay mai-promote ang
edukasyon ng mga kababaihan at mapawalang-bisa o matanggal ang praktis ng Child Marriage.
Chandramukhi Basu – Isa sa dalawang nakatapos ng kolehiyo ng Imperyong British.
All-India Women’s Conference – Ito ay itinatag noong 1927 sa pangunguna ni Margaret Cousins. Ang
layunin ng kumperensiyang ito ay mabigyan ng pantay-pantay na Karapatan ang bawat isa at
masuportahan ang bawat Mamamayan na makamtan ang basic civil liberties
Child Marriage Restraint Act of 1929 – Ito ang batas na nag-aamyenda ng praktis ng Child Marriage.
Ginawang 14 yrs. old ang minimum na edad para sa pagpapakasal ng mga babae
Malaki ang napundar ng mga babae sa India para matamo ang kanilang kalayaan
Sarojini Naidu – Siya ay ang unang babaeng Indian na naging presidente ng Indian National Congress
at unang gobernador ng United Provinces ofAgra and Oudh mula 1947 hanggang 1949.
Noong malaya na ang India sa mga kamay ng Imperyong British, nabigyan na ng kalayaan ang mga
babae na lumahok sa Kahit anumang aktibidades, o anumang larangan na nais nilang salihan.
Indira Gandhi – isang babaeng politiko atkasapi ng Indian National Congress. Siya ay ang unang
babaeng punong ministro ng India. Nanungkulan siya bilang punong minstro noong 1966 hanggang
1977, at 1980 hanggang sa kanyang asasinasyon noong 1984.
Mas Maliit ang bahagdan ng mga kababaihan na nakakapasok sa paaralan kaysa sa mga lalaki.
Ang mga babae ay hindi Nabibigyan ng mga shares sa mga parental property
Dowry – ito ang paglipatng mga ari-arian noong oras ng pagpapakasal ng isang babae. Ito ay isang
kabayaran ng pera o mga regalo na binibigay sa pamilya ng lalaki.
Dowry Prohibition Act of 1961 – Ito ay isang batas na nagwawaksi o tumatanggi sa praktis ng Dowry.
Maternity Benefits Act of 1961 – Ito ay isang batas na nagsasaad na bigyan ang mga buntis ng mga
benepisyo bago atpagkatapos manganak ang mga buntis
Foreign Marriage Act of 1969 – Ito ay isang akto o batas na nagbibigay ng probisyon sa pagpapakasal
ng mga Indian sa mga taga ibang bansa o lugar.
Karamihan sa mga babae sa India ay nakakaranas ng Domestic Violence o pang-aabuso