Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Edukasyon sa Sri Lanka. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian ng Edukasyon sa Sri Lanka
1. Lesson 24-C: Edukasyon sa Sri Lanka
Ang Edukasyon ng Sri Lanka ay nagsimula noong 2300 taon ang nakakalipas.
Ang konstitusyon ng Sri Lanka ay nagsasaad na ang edukasyon ay isang pundamental na Karapatan
Ministry of Education – ito ay isang ministro ng pamahalaan ng Sri Lanka na namamahala sa paggawa
at pag-iimplementng mga polisiya pang-edukasyon na may kaugnayan sa primary at secondary
education ng Sri Lanka
Ministry of Higher Education – ito ay ang namamahala sa mga tertiary education, katulad ng mga
unibersidad.
Ang Sanskrit language ay nadala ng mga misyonaryong Buddhistna mga monghe galing India na
pinadala ni Emperor Asoka.
Colebrooke-Cameron Commission – Ito ay itinatag noong 1822 ng British Colonial Office. Isa sa mga
rekomendasyon ng komisyong ito ay, magtatag ng mga primary schools na hango sa modelo ng Gran
Britanya
May isang komisyon na itinatag noong 1942 upang obserbahan ang sistemang pang-edukasyon. Ito ay
ilan sa kanilang rekomendasyon:
1. Gawing libre ang edukasyon sa lahat ng kabataan
2. Ang mga nasyonal na wika ng Sri Lanka ang magiging midyum ng pagtuturo sa Sri Lanka
3. I-ensure na ang bawat bata ay binibigyan ng panuto ayon sa relihiyon ng kanilang mga magulang
4. Maprotektahan ang mga guro
Mayroong 9,300 public schools sa buong Sri Lanka
Istraktura ng Edukasyon ng Sri Lanka:
Primary – (Grades 1-5)
Junior Secondary – (Grades 6-9)
Senior Secondary – (Grades 10-11)
Collegiate – (Grades 12-13)
Tertiary
GovernmentSchools – Ito ang mga paaralan na pinapatakbo mismo ng pamahalaan ng Sri Lanka.
Mayroon mga Technical-Vocational courses na pinapamahalaan ng Tertiary and Vocational Education
Commission ofthe Ministry of Vocational & Technical Training. Nakukuha din ito sa mga unibersidad