Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Iraq. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Iraq.
1. Lesson 23-F: Kababaihan sa Iraq
Noong sinakop ng mga Turks, nagkaroon ng paghahati sa kasarian at ang edukasyon ng babae ay
limitado lamang
Noong 1958, naging malayang bansa mula sa mandato ng Imperyong British
Organization of Women’s Freedom in Iraq – ito ay ang organisasyon na nangangampanya sa mga
Karapatan ng mga kababaihan sa Iraq. Ang kanilang layunin ay matanggal ang segregasyon ng mga
kasarian sa mga paaralan at magkaroon ng pantay-pantay na Karapatan sa mga babae at lalaki
Lumalaki ang pagitan sa literasy ng mga lalaki at ng mga babae
Kailangan munang 18 anyos ang babae upang siya ay maikasal
May mga sundalong babae na nakabilang sa Iraqi Armed Forces
Female Genital Mutilation – Tinatawag din ito bilang “female circumcision”; ito ay isang ritwal na
nagtatanggal sa genitalia ng mga kababaihan. Ito ay isang praktis na isinagagawa ng iba’t-ibang bansa
sa Kanlurang Asya, at Aprika.
Marami din ang nakakaranas ng pang-aabuso at prostitusyon sa Iraq