Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga kababaihan sa Pakistan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang kalagayang panlipunan ng mga babae sa Pakistan.
1. Lesson 23-B: Kababaihan sa Pakistan
Ang estado ng kababaihan sa Pakistan ay nagbabago depende sa uri, rehiyon at dibisyon.
Fatima Jinnah – Siya ay ang mas batang Kapatid ni Muhammad Ali Jinnah. Siya ay tinaguriang “Ina ng
Pakistan”
All Pakistan Women’s Association – Ito ay isang organisasyon na itinatag noong 1949 at ang
pangunahing layunin ng organisasyong ito ay ang pagpapahalaga sa mga Karapatan ng mga
kababaihan sa Pakistan
Noong panahon ng pamumuno ni Zulfikar Ali Bhutto, nagkaroon ng kalayaan ang mga babae at
nagkaroon sila ng puwesto sa pamahalaan.
Women’s Action Forum – Ito ay isang women right’s organization sa bansang Pakistan. Ito ay itinatag
noong 1981.
Benazir Bhutto – Siya ay ang pinakamatandang anak na babae ni Zulfikar Ali Bhutto. Siya ang unang
babaeng pinuno na demokratikong inihalal. Siya ay ang ika-11 na punong ministro ng Pakistan. Siya ay
pinatay noong Disyembre 27, 2007.
Fahmida Mirza – Siya ay ang 18th speaker ng National Assembly ng India. Siya din ang unang babaeng
speaker sa Timog Asya.
Purdah – ito ay ginagamitbilang pantakip sa mga babae sa kanilang katawan upang maitago ang
kanilang balat at porma. Ito ang sumusimbolo sa restriksyon sa paggalaw ng mga babae atnililimitahan
ang kanilang pakikisalamuha
Pardanashin o Purdahnishan – ito ay ang babaeng nagsasagawa ng praktis ng purdah
Watta-Satta – Ito ay isang tribal custom kung saan ang mga brides ay ipinagpapalitsa pagitan ng
dalawang angkan.
Shari o Sari – ito ay isang kasuotang pambabae na may haba ng 4.5-8 metro. Ito ay sumusimbolo ng
grace para sa mga komunidad ng Timog Asya
Ang estado ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan ay isa sa mga pinakamababa sa buong mundo