Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

GRADE 10 GLOBALISASYON

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
Globalisasyon g10
Globalisasyon g10
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 28 Ad

More Related Content

Slideshows for you (20)

Viewers also liked (20)

Advertisement

Similar to GRADE 10 GLOBALISASYON (20)

More from Lavinia Lyle Bautista (20)

Advertisement

GRADE 10 GLOBALISASYON

  1. 1. GLOBALISASYON Inihanda ni: JESSABEL CARLA L. BAUTISTA, LPT
  2. 2. Suriin ang mga sumusunod na simbolo
  3. 3. Suriin ang mga sumusunod na simbolo
  4. 4. Suriin ang mga sumusunod na simbolo
  5. 5. Suriin ang mga sumusunod na simbolo
  6. 6. GLOBALISASYON Dalawang depenisyon: 1. Pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international organization sa aspekto ng ekonomiya, politika, kultura at kapalaigiran
  7. 7. GLOBALISASYON Dalawang depenisyon: 2. Pagsusulong ng pandaigdigang kalakalan o nternational trade sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pambansang hangganan at pagbabawas sa paghihigpit sa pag-angkat ng mga produkto
  8. 8. Pinagmulan ng Globalisasyon SUEZ CANAL • Nagbukas noong 1869 • Nagsilbing short cut ng mga barko mula Europa at Asia. • Transportation Revolution (Steam Engine, Steam Ships
  9. 9. Pinagmulan ng Globalisasyon SUEZ CANAL • Dahil sa TR bumaba rin ang halaga ng pag- aangkat ng mga produkto.
  10. 10. Pinagmulan ng Globalisasyon SUEZ CANAL • Dahil sa TR bumaba rin ang halaga ng pag- aangkat ng mga produkto.
  11. 11. Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon • Nagkakaroon ng globalisasyon dahil kinikilala ng mga bansa na hindi sila mabubuhay nang walang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. • Ayon sa WORLD BANK at INTERNATIONAL MONETARY FUND, lubos na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa upang umunlad. Ito raw ang pangunahing layunin ng globalisasyon.
  12. 12. Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon • Ayon naman kay IMMANUEL WALLERSTEIN, ang globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa mundo. Ito raw ang pagkakahati-hati ng mga trabaho sa mundo.
  13. 13. Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon Ayon kay ANTHONY GIDDENS, isang sosyolohista, ang globalisasyon ay hindi lamang penomenong pang-ekonomiya kundi isang panlipunang ugnayan ng mga pamayanan sa iba pang pamayamanan sa daigdig.
  14. 14. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • INTEGRATION • Tumutukoy sa pagsasam-sama ng iba’t-ibang elemento upang maging isang bagay. Ito ay pagsasama ng mga bansang may nagkakaisang hangarin upang bumuo ng iisang pangkat ng mga bansa na magsusulong makamit ang hangaring ito • Halimbawa nito ay ang EUROPEAN UNION at ASEAN
  15. 15. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • DE-LOCALIZATION • Ay ang pagbabawas ng mga gawaing lokal at pag-usbong ng mga gawaing pandaigdigan bilang kapalit nito. Maraming mga gawain ang dati’y kailangan makaharap ng isang tao upang maisagawa ang kailangan gawin, ngunit ngayon, higit na nabago ito habang lumalawak at dumarami ang mga ugnayang pandaigdigan. • Halimbawa nito ay ang mga BPO at pamimili ng mga produkto
  16. 16. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • PAGSULONG NG TEKNOLOHIYA • Ang mga pagsulong sa teknolohiya sa larangan ng life science at digital technology ay nagbubukas ng daan sa mas maraming posibilidad ng kalakan at paggawa. • Mas napapadali ang globalisasyon sa pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya ng komunikasyon sa mga malalayo at liblib na lugar. • Sa tulong na rin ng teknolohiya, lumaganap ang mga trabahong may kinalaman sa kaalaman o knowledge. Umususbong ang “knowledge economy”.
  17. 17. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • PAG-USBONG NG MGA MULTINATIONAL CORPORATION • Ito ay isang kompanyang nagmamamay-ari ng mga assets o capital sa mga bansa maliban pa sa bansang pinagmulan nito. • OUTSOURCING - sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
  18. 18. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • URI NG OUTSOURCING: • Business Process Outsourcing (BPO) - na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya • Knowledge Process Outsourcing (KPO) - na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
  19. 19. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod: • Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. • Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. • Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
  20. 20. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA PRODUKTO AT SERBISYO • Isang katangian ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng mabilils na paghahatid ng mga produkto at serbsyo sa mga tao.
  21. 21. Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon • MAS MALAWAK NA MOBILITY • MOBILITY - ay tumutukoy sa paraan ng paggalaw ng mga serbisyo, produkto, tao, komunikasyon at transportasyon upang mas maging maginhawa at mabilis ang paggamit ng mga ito. • Natutulungan ng mga ito ang pagpapabilis sa daloy ng komersyo sa isang pook.
  22. 22. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
  23. 23. • Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan • Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
  24. 24. Guarded Globalization • Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. HALIMBAWA: 1. pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. 2. pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulongpinansyal ng pamahalaan.
  25. 25. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) • Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan
  26. 26. Pang isahang gawain • GAMIT ANG CONCEPT MAP, IPAKITA ANG MAARING MGA EPEKTO NG GLOBALISASYON SA KULTURA, EKONOMIYA, LIPUNAN AT POLITIKA. Isulat sa patlang ang iyong paliwanag tungkol sa ginawang concept map.
  27. 27. PAMPOLITIKA PANG-EKONOMIYA PANGKULTURA PANLIPUNAN GLOBALISASYON
  28. 28. Sanggunian FRANCISCO,PAUL MICAH, ET. AL., MGA KONTEMPORARYONG ISYU, THE LIBRARY PUBLISHING HOUSE ARALING PANLIPUNAN 10, LEARNER’S MODULE

×