3. • Si Rizal ay nagsasabing, “Ang wika ay
kaisipan ng mamamayan.”
• Sa wika iniluluwal ang iniisip ng tao. Ito’y tulay
sa pagitan ng kanyang iniisip at ng gusto
niyang sabihin. Isa itong pundamental na
pangangailangan ng tao para sa kanyang self-
ekspresyon na di rin malayo sa ipinahayag ni
Prof. Virgilio Almario nang sabihin niyang,
“kung ano ang wika mo ‘yon ang pagkatao
mo.”
4. •Sinabi ni G. Bayani Abadilla (2002)
na, “malaki ang magagawa ng wika
sa paghuhugis ng kamalayan – ng
kaisipang Pilipino at ng karunungang
Pilipino.”
5. •Para kay Carlos P. Romulo,
”kailangan ang wikang sarili
upang manatili ang tatak na
sarili”.
6. •Winika ni Lope K. Santos ang
ganito,” naniniwala akong hindi sa
utak ng paham tumutubo at
umuunlad ang mga salita... Kundi sa
bibig ng madla”.
7. • Iginiit ni Claro M. Recto ang pagsasabing,
“Dapat itanim sa isip tuwina na kung
paanong iisa tayo sa lahi ay nararapat
namang maging isa rin sa wika, at ang
wikang ito’y hindi ang dayuhan kundi
katutubo, ang sariling natin, ang Wikang
Pambansang Filipino.”
8. • Para kay Renato Constantino, “panahon
na upang magpakadalubhaasa sa Filipino,
ang palatandaan ng tunay na kapaki-
pakinabang na edukasyon, dahil ito ay
paraan hindi lamang nang pagtatamo at
paggamit ng mga mahahalagang kaalaman
kungdi pagtangkilik sa pambansang
pagkakaisa.”
9. • Sa pahayag na "ang wika ang nagpaging
sa tao, ni Prof. Mario L. Miclat (2001),
hindi na kailangang muli at muling
magsimula sa simula ang mga sumusunod
na henerasyon. Maaari na lamang nilang
ipagpatuloy ang karanasan ng nakaraan,
isaayos ang pag-iisip at hubugin ang
kaisipan."
10. • Para kay Prof. Randy David (1999) sa
kanyang panayam na Politika ng Wika,
Wika ng Politika, binanggit niya na
"walang matayog, mahirap at abstraktong
kaisipan na hindi maipahahayag sa
sariling wika."
11. • Para kay Dr. Paz Belvez sa isang bahagi ng kanyang talumpati na
may pamagat na "Ako'y Pilipino",
• "Ako'y Pilipino. Wikang Pambansa ko'y ang Wikang Filipino.
Matamis na wikang may sariling letra at alpabeto. Wikang pinatamis
ng pupung wikain ng bayan ko- ng Ilokano, Pampango, Bikol, at
Pangasinan, ng Sebwano, Hiligaynon, Aklanon, Samarnon, ng
Ibanag, Zambal, at maging ng Igorot, Ibaloy, at Mangyan. Wikang
pinagyaman sa pagtatagpo ng Silangan at Kanluran. Isang wikang
may tamis ng mga tulain at kundiman, may talim ng tabak at
sundang, may bango ng mga kamanyang, may tibok ng damdaming
wagas at may sidhi ng panalangin, ng panaghoy at panambitan."
12. •Si Lev Semyonovich Vygotsky
(1978) ay nagsasabing, "wika ang
gamit ng tao sa kanyang pag-iisip,
sapagkat ito ang katulong ng utak sa
pagpoproseso ng kanyang
kaalaman."
13. •"Isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo na gamit ng tao sa
isang kultura," ang sabi ni Henry
Gleason.
15. BINUBUO NG TUNOG
• Ungol at mga tunog na napapakinggan sa kanyang
paligid ang unang ginagad ng tao noong siya’y
magsimulang mangusap at makipag-ugnayan sa kapwa
maraming dantaon na ang nakalipas. Sa unti-unting
pagbabago ng kanyang kapaligiran, nagbago at
naapektuhan din ang kanyang pagsasalita. Bawa’t tunog
na bigkasin ay binigyan ng katumbas na letra/titik o
simbolo.
16. ARBITRARYO ANG WIKA
• Lahat ng wika sa mundo ay may kanya-kanyang
alpabetong ginagamit, may sariling sistema ng
pagsulat at pagbasa, may sariling paraan kung
paano gagamitin, at may napagkasunduang gamit
at kahulugan na ibinibigay ang kanyang
mamamayan sa mga salita.
17. DINAMIKO ANG WIKA
• Sapagkat buhay ang wika, Ito ay dinamiko.
Napaparami, nadaragdagan ito sa pamamagitan
ng paghihiram, pagsasalin at paglilikha. Sa iba’t-
ibang larangan ay lagi nang may lumilitaw na
salita dala ng imbensyon, pangangailangan,
inobasyon, at mga pangyayari.
18. MAY SARILING KAKAYAHAN
• Bawat wika ay may sariling kakayahan- maging ito man ay
Ingles, Latin o Griyego; may sarili itong kakayahan, katangian
na hindi maaring makita sa iba. May sariling kalikasan,
palatunugan, palabuuan, palaugnayan, pabaybayin, at
istruktura. Ang wikang Filipino ay may gitlapi, may mga titik na
(n) enye at (ng). Samantalang ang Ingles ay wala. Mahirap
bigkasin ang mga salitang buhat sa ibang wika na di natin
batid. Lalong mahirap basahin ang mga “Chinese Character”
kapag di tayo bihasa. Samakatwid, walang wikang mababa
(inferior), lahat ay pantay-pantay.