Document 2

9,669 views

Published on

Document 2

  1. 1. NEWMARKKahulugan ng Pagsasaling-WikaAyon kay Newmark (1988), "ang pagsasaling-wika ay pagbibigay kahulugan ng isang text saibang wika sa paraang ninanais ng may-akda."Madalas na inaakala natin na ang pagsasaling-wika ay isang payak na pagsasabi ng isang bagaysa ibang wika; ang tutuo ang pagsasaling-wika ay isang masalimuot at mahirap na gawain.Masalimuot ang gawaing ito sapagkat napakaraming bagay o factors ang mga hadlang sapagsasalin; tulad ng kultura, kaugalian, kaayusang panlipunan at marami pang iba. Mahirap angpagsasalin sapagkat nakatali ito sa orihinal; dito ang nagsasalin ay hindi malayang magpasok ngkanyang sariling kaisipan. Ang salin ay kinakailangang nagtataglay ng diwa at kahulugan ngisinalin. Hanggat maaari ito ay dapat magmukhang natural.Ang mga dayuhan ay may sariling istrukturang pangwika, sariling kalinangan, may ibang paraanng pag- iisip at paraan ng pagpapahayag, ang lahat ng ito ay dapat kilalanin ng nagsasalin namga balakid o hadlang na dapat niyang bakahin. Ayon kay Newmark (1988) walang bansa,walang kultura ang lubhang nakababata upang hindi tumanggap sa makabagong kaisipan.Samakatwid, ang pagsasalin ay laging posible. Gayunpaman, dahil sa ibat ibang katwiran, angisinasalin ay maaring magkaroon ng ibang dating kaysa orihinal. Halimbawa maaring ang pakayng isang lathalain ay ipakilala ang isang produkto subalit ang pakay ng nagsasalin makahikayatng mamimili ng nasabing produkto.Teorya ng PagsasalinAng teorya ng pagsasalin ay nauukol sa mga paraan ng pagsasalin na nararapat sa isang text, atnakasalalay sa mga teoryang pangwika. Ang teorya ng pagsasalin ay may kinalaman sapinakamaliit na bantas o tanda (tuldok, kwit, aytaliks atbp.), gayundin sa panlahat na kahuluganna parehong mahalaga sa isang text. Tunghayan ang halimbawa na magpapakita ng kahalagahng bantas.Hindi, puti. (No, its white.)Hindi puti. (Its not white.)Bagaman magkatumbas o pareho ang dalawang leksikal na salita (hindi at puti) na nakapaloobsa dalawang pangungusap, ay nagkaiba naman ng kahulugan ang dalawang pangungusap dahilsa kwit na nakalagay pagkatapos ng hindi. Ang pagwawalang bahala sa isang bantas,intensyonal o di intensyonal ay maaring magdulot ng malaking pagkakamali sa pagsasalin.Ang layon ng pagsasalin ay suriin ang lahat ng paraang posibleng pagpilian at pagkatapos aygumawa ng pagpapasya. Ang unang tungkulin ng nagsasalin ay alamin at tukuyin ang kahuluganng isang suliranin sa pagsasalin; pangalawa ay ilahad ang lahat ng mga factors na dapatisaalang-alang sa paglutas sa suliranin; pangatlo ay itala ang lahat ng posibleng pamamaraan;at huli ay pagpasyahan ang pinakanararapat na paraan. Kaugnay nito, si Newmark (1988) aynaglahad ng mga elemento ng pagsasalin:1. Ang pagbibigay- diin sa mga mambabasa at kaayusan (setting). Dapat maging natural angdating ng salin upang madaling maunawaan at makapag- iwan ng kakintalan sa mambabasa.Halimbawa dito ang pagsaalin ng Noli. Kapansin-pansin na ang mga salitang ginamit ni Pobletena nalathala noong 1907 ay malayo na o malaki ang pagkakaiba sa salin nina Sayo at Marquezsapagkat malaki ang pagkakaiba ng mambabasa ni Poblete at mambabasa nina Sayo atMarquez. Iba na rin ang kaayusang panlipunan na umiiral noon kaysa sa umiiral ngayon.
  2. 2. 2. Pagpapalawak ng paksa nang higit pa sa panrelihyon, panpanitikan, pang- agham at teknikal,kasalukuyang kaganapan, publisidad, propagando o anumang paksa ng panitikan.3. Pagdaragdag sa mga text na sinasalin mula sa mga libro (kasama ang mga dula at tula)hanggang sa mga artikulo, kasulatan, kontrata, tratado, batas, panuto, patalastas, liham, ulat,mga form sa kalakalan, atbp.4. Istandardisasyon mg mga katawagan.5. Pagbuo ng mga pangkat ng tagasalin at tagarebisa. Ang pagsasalin ay dapat gawin ng grupohindi lamng ng isang tao upang makuha ang pananaw ng nakararami at hanggat maari aymagtalaga ng ibang tao na magrerebisa sa mga sinalin.6. Magiging malinaw lamang ang dating (impact) lingwistika, sosyolingwistika, at teorya ngpagsasalin kung ang mga tagapagsalin ay sasanayin sa mga politeknik at unibersidad.7. Ang pagsasalin ngayon ay ginagamit upang makapagpalaganap ng kaalaman para lumikha ngunawaan sa pagitan grupo at mga bansa, gayundin ang paglaganap ng kultura.Sa kabuuan, sinasabi ni Newmark na ang pagsasalin ay isang bagong disiplina, isang bagongprofesyon, isang lumang pakikihamok na nakatalaga sa ibat ibang layunin. Ang Pagsusuri ng TextPagbasa ng TextSinisimulang ang pagsasalin sa pagbasa sa text sa dalawang kadahilanan: una, upangmaunawaan kung saan ito nauukol; pangalawa, upang suriin ito ayon sa pananaw ng tagasalinna iba kaysa pananaw- dalubwika o kritikong- pampanitikan.Ang pag- unawa sa text ay nangangailangan ng lahatan at malalimang pagbasa. Lahatan upangmakuha ang buod para matukoy kung ano ang mga bagay na kailangan sa pagsasalin namaaring gamiting sangunian tulad ng ensayklopidya, texbuk, thesis, atbp.Ang malalimang pagbasa ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salita nanakapaloob sa text para matukoy ang tiyak na kahulugan nito, matukoy ang mga talinhaga,kolokyalismo, at neologism. Dapat malaman ang layunin at paraan kung paano ito nasulat paramatukoy ang karapat-dapat na paraan ng pagsasalin at para matukoy ang tiyak at paulit-ulit namga suliranin na kakaharapin sa pagsasalin.Ang Layunin ng TextSa pagbasa, hindi natin maihihiwalay ang pag- unawa sa paghahanap ng layunin ng nilalaman.Ang pamagat ay maaring malayo kaysa nilalaman o layunin nito. Maaring ang layunin ngnagsulat ay ipaliwanag kung paano ginagamit ang isang makina ay maisalin sa paraangnagpapaliwanag sa kagandahan ng makina. Dapat matukoy ng nagsasalin kung ano ang layuninng text.
  3. 3. Ang Layunin ng TagasalinKadalasan, ang layunin ng tagasalin ay katulad nang may- akda ng isinasalin. Maaring anglayunin ng may-akda ng orihinal ay magbigay ng isang patalastas o instruksyon upang ipakita sakliyente kung paanong ang isang bagay ay ginagawa. Sa pagsasalin, maaring lumabas angsaling text na nagtuturo sa kliyente kung paano ang aplikasyon nito.May mga pagkakataon din na isang manwal halimbawa ang sinasalin at ang layunin ngnagsasalin makapagturo sa mga taong hindi gaanong nakapag-aral, samaktwid sa ganitongpagkakataon kinakailangang ang salin ay mas malawak ngunit payak kaysa sa orihinal.Mga Istilo ng TextAyon kay Newmark (1988) may apat na istilo ng text. Ito ay ang mga sumusunod:1. Pasalaysay - paglalahad ng mga kawing (series) ng pangyayari kung saan angbinibigyan diin ay ang mga pandiwa.2. Palarawan - hindi naglalahad ng mga kilos at nagbibigay diin sa mga pang-uri atpanuring.3. Patalakay - isang pangangatwiran o pag- uugnay, nagbibigay diin sa mga abstrakna pangngalan. Ito ay tinawag din ni Newmark na pakikitungo sa kaisipan.4. Padayalogo - nagbibigay diin sa kolokyalismo at pakikipag-ugnayan.Ang MambabasaDapat sikapin ng nagsasalin na alamin ang katangian ng mambabasa ng orihinal na text atkatangian ng mambabasa ng salin at saka pagpasyahan kung gaanong pansin ang dapat iukolsa pakay na mambabasa. Dapat alamin ang antas ng edukasyon, katayuang panlipunan, sex,edad ng pakay na mambabasa. Ang palasak o pinakakaraniwang nilalaman ng salin ay para sanakapag- aral o gitnang uring mambabasa kung saan ang text ay nasa impormal ngunit dikolokyal na anyo. Madalas na pagkakamali ng mga mag-aaral na nagsasalin ay ang kanilangtendensi na paggamit ng mga kolokyal na salita. Sa halip na magsalin sila para sa pakay namambabasa ay nagsasalin sila para a kanilang sarili.SettingAng setting ay isa pang bagay na dapat pag- ukulan ng pansin. Kaylan ba nalimbag ang orihinal?Sino ang humihingi ng pagasalin at ano ang kanilang kahingian o rekwayrments?Ang orihinal ay maaring nasulat maraming taon na ang nakalilipas na iba ang mgapagpapahalagang sosyal at moral. Ang pakay ng pagsasalin ay makabagong panahon na mayibang pagpapahalagang sosyal at moral, sa ganitong pagkakataon dapat tingnan ang mgakaibhan ng mga pagpapahalagang ito. Samakatwid ang setting o kaayusang panlipunan ay hindidapat ipagwalang bahala. Isang mainam na halimbawa ay ang mga salin ng walang kamatangakda ni Rizal. Kung titingnan natin ang unang salin sa Tagalog ng Noli ni Pascual Poblete atihahambing natin sa salin nina Teresita Sayo at Cresenciano Marquez Jr., mapapansin natingang malaking pagkakaiba lalung- lalo na sa wika. May mga pagkakaiba rin sa ispeling ng mgasalita. Malalim ang mga salitang ginamit ni Poblete at kahit ako ay nahihirapang unawain angmga ito. Samantala ang salin nina Sayo ay may mga Taglis na salita na kaya mas nauunawan ngkabataan ng kasalukuyang henerasyon.
  4. 4. Steiner Ang pagsasalin sa mga pagbabago ng panahon Ayon sa librong After Babelni George Steiner,"To understand is to decipher. To hear significance is totranslate. Hinahamonni Steiner ang kumbensyunal na teorya ng pagsasalin sa kanyang matibay na paniniwal na angang lahat ng komuniksayong pantao at sa loob at sa pagitan ng mga wika aypagsasalin.Inilalaban ni Steiner na ang dahilan ng pagyabon ng mga wika ay nasa pandaraya.Ang pangangailanganng taong maging pribado at pangalagaan ang kanyang teritoryo angnagbunsod ng libo-libong wika nanakadisenyo upang panatilihin ang pagiging lihim ng bukod ngisang kultura. Ang totoong pagsasalin sa pagitan ng mga wika kung gayon ay imposible dahilang orihinal na kabuluhan ay laging nawawala sa pagpapalit ng wika: ang isinaling teksto aykonstruksyon ng kultural na paniniwala, kaalaman at ugali.Kung pamantayan ng malikhaingproduksyon ang pagkaksalin Barlaan at Josaphat mahigit apatnaraangtaon na ang nakaraanang pagsasalin sa kontemporanyong panahon ay masasabing pamantayan din ngkaganapan salipunan sa kasulukuyan at sa hinaharap. Kung indikasyon ng kultural na pagpapahalagaang pagsasalin, masasabing ang kakaunting mga titulong nailalabas taun-taon ay indikasyon ngkawalan nginteres ng ating lipunan sa kaalamang banyaga o di kaya ng kawalanng pagpapahalaga sa pag-alam nitogamit ang sariling wika. Ang pagsasalin ay naging mabisangdokumentasyon ng nagbabagong kaisipan sa panahon ng propaganda at himagsikan dahilnakita ni Rizal at ng iba pang illustrado ang kahalagahan ng paglilipat ng kaalaman. Nagingkatumbas nito ang paglilipat ng kapangyarihan para sa kanila. Saganitong agos ng pag-iisip dinpinapaanod ang pag-aangkin ng Filipino sa wikang Ingles hindi lamang sa5 paggamit nito kundi sa pagsasalin ng mga dula ni Shakespeare at mga nobela ni Hemingway.Ang pagsasalin ng nobela ay pruweba pag-iral ng wikang Filipino sa global na eksena ngpanitikan at sa pag-iral mismo ng kultura natin.Ganunman nakakalimutan natin na sa likod ngkalikasan ng pagsasalin na ilipat ang kaalaman, nakaipitang aspirasyon kunin ang kahulugan ngakda at ng kulturang kanyang pinagmulan para makapaglikha sakultura at wika ng nagsasalin.Ito ay nasa hangad na makakuha ng kakilanlan at pagkilala o di kaya‘ymaipahayag ang mgaimbisibol na konsepto gaya ng nasyunalismo, pambansang panitikan at ng pagiging panitikanmismo.Malinaw na maiintindihan ang hangaring ito kung maalala natin ang mahabangkasaysayan—kasinghabamarahil ng kasaysayan ng pagsasalin sa katutubong wika—ngpagtuklas at pagbuo ng nasyon. Sa umpisa pa lang, ginamit na ang pagsasalin ng nobelaupang matugunan ang kagustuhan ng taong madama ang buhay sa ibang kultura atsa kabaliktaran upang madama ang buhay ng iba sa sariling kultura. Kakabit dinng pagnanasang sambayanan ang matrabahong pagsasalin ng mga akda na itinuturing na mahalaga saatingkultura na isinala ng mga institusyon, sa partikular ng ating Sentro ng Wikang Filipino (tingnananglistahan ng mga nobelang isinalin).Bagama‘t hindi naging madaling tanggapin angpagsasalin bilang isang uri ng malikhaing pagsulat, saaking pananaw, natural na ito ay isang uring malikhaing pagsulat—at bukod sa pagiging agham ng pagtutumbas, isang mahalagangsining. Mahalagang idiin na ang kalakhan ng ating teorya ng pagsasalinay minana natin sakanluran at sanhi ng banyagang hangaring maging moderno, kasabay ito ng mga pangyayari sanakaraang siglo at kaugnay ng pagpapalaganap ng panitikan sa mundo. Bagama‘t hindi pa buoang aking teorya, naniniwala ako na mas subok ang katutubong nagsasalin sa larangan ngpagsasaling produktibo, na katulad niya ang mga ninuno na nagsalin noon sa panahon ngpananakop na hinditumingin sa source text bilang kakaiba sa kanyang salin bagkus ay sangkapng isang orihinal na akda— pinaghanguan sa halip na tinumbasan.Hindi maisasantabi angpagsasalin kung gayon dahil katutubo ito sa ating konsepto ng paghahayag ngisang kultura; anganumang bago ay kailangang isalin upang maintindihan at sa pagsasalin kailanganitongumangkop sa hugis at panlasa ng ating kultura.Walang duda na ang dahilan ng pagsasalin niRizal halimbawa sa mga dula, maiikling kuwento, kanta atsa isang antas ng mga nobela niDumas (sa kanyang Noli at Fili) ay bunsod ng kanyang paghahanap at pagtuklas sa loob ng
  5. 5. kanyang daigdig. Hindi magiging posible ang Noli at Fili kundi naniniwala si Rizalna may sarilingkatangian at iba pang dimensyon ang kanyang mundong ginagalawan, na sa paglaonaymagiging konsepto niya ng bansang Pilipinas.Sa pagpapalit ng panibagong siglo, ang nobelana dating matabang lupa ng paghahayag ng ating kulturaay nabubulagan. Nasira ang paniniwalaat pagpapahalaga sa panloob na mundo at naging higit naindibidwalisado at watak-watak. Angnobelang binabasa halimbawa ng isang propesyunal nanakapagtapos ng kolehiyo ay kakaiba sanobelang binabasa ng isang katulong. Dahil dito lalong sumikipang pasilyo ng pagsasalin atumibis ang pangkat ng mga taong kanyang pinagsisilbihan. Naging mahinaang rationale atlayunin ng pagsasalin ng isang akdang maaring hindi na kailangan pang isalin sa sarilingwika(dahil naiintindihan na sa sekundaryang wikang Ingles o di kaya‘y hindi rinnaman pipiliing basahing higit ng mga tao kaysa sa orihinal na wika.)6Kung kaya naging mahalaga ang pagsasaling nagpagpapakahulugan dahil sa dokumentasyonnito sa pagunlad ng kaalaman, pagbuo ng pambansang panitikan at pagpapalaganap ng wikangFilipino.Hindi ko idinidiin ang paghahati sa pananaw ng pagsasalin higit sa dinamikongpagtatawid ng laranganng paglikha (produksyon) ng panitikan at reproduksyon nito. Marahilmalapit na rin nating makita ang pagwawakas ng paghahating ito bunsod ng intertextual napagtanaw sa panitikan at lalo‘t higit sarebolusyonaryong pagtanaw ng mga historyador sapagsasalin gaya nina Lawrence Venuti at Mary HelenMcMurran.Halata sa genre ng nobelangFilipino ang bahid ng pagsasalin o di kaya‘y tangkang isalin, malay man ohindi, ng mga akdangnaisulat sa ibang bansa. Hindi na lamang dahil sa simpleng panggagaya kundi bunsod ngkulturang kosmopolitan ang nobelang Filipino. Maari na nating isalin ang mga akdang banyagabatay sa panibagong pananaw na ang mundong ating tinuklas ay walang batayang matibay,atang bawat akdang pampanitikang ating isinasalin ay hindi na lamang natin isinasalin bilangpanitikan ngisang wika o ng isang kultura, kundi bilang piraso ng pagkatao sa kasulukuyangpanahon. Narating na natin ang panahon na hindi na kailangan pang usisain ang kahulugan ngisang akda malibansa mga salitang kanyang tinataglay, sa huli ang nagiging mahalaganglaman na lamang ay ‗yung laman nainihain ng tagapagsalin mismo—kung paano niya nakikitaang mundo, kung paano niya dinanas angteksto at kung paano niya ito ginustong ipakita sakanyang mambabasa. LarsonItinuturing naman ni Mildred Larson (1984) ang pagsasalaian bilang mabisang paglaaahad satumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensaheng katulad ng simulaaang wika ngunitgumagamit ng piling mga tuntuning panggramatika at mga salita sa tumatanggap na wika.Ipinahayag naman ni B. Hatim at I. Mason (1990) na ang pagsasalin ay isang prosesongkomunikatibo na nagaga nap sa lob ng isan g kontekstong panlipunan.Kung lalagu min natin ang lahat ng nailahad na pagpapakahulugan ay mapapansin angmagkakatulad na component ng pagsasalin tulad ng:Pinagmulang Wika Mensahe Tunguhang Wika(Source Language) (Target Language)Para sa Mildred Larson, ang pagsasalin ay binubuo ng paglilipat ng walang pagbaluktot angkahulugan ng pinagmulan ng wika sa wika ng target, ibig sabihin na dapat pinananatiling pare-pareho, kahit na kapag ang form ng pinagmulang wika ang mga pagbabago na ito ay nakabukassa anyo ng mga target ng wika. Ang form dito kumakatawan sa pambalarila ibabaw ng istrakturang wika, habang ang kahulugan ay tumutukoy sa semantiko malalim kaayusan. Isang pagsasalin
  6. 6. batay sa semantiko istraktura ng wika tumatagal din-alang ang sitwasyon ng komunikasyon:makasaysayang setting, kultura setting, intensyon ng mga may-akda, pati na rin ang ibat ibanguri ng mga kahulugan na nakapaloob sa ang tahasang at implicit impormasyon ng teksto. Bukodsa referential at istruktura na kahulugan, kahulugan sitwasyon ay itinanghal bilang isangmahalagang sangkap na nais makatulong sa tagasalin ng kahulugan ang kultura ng may-akda oang kultural na impormasyon na ibinigay sa text. Siya gumagawa ang pagkakaiba sa pagitan ngliteral at pangwikain pagsasalin, na nagsasabi na ang isang mahusay na tagasalin ay dapat nasubukan upang isalin idiomatically, na sa kanyang pagsasalin ay hindi tunog tulad ng isangpagsasalin, ay ito tunog natural sa wika ng target, sinisigurado na hindi mahulog sa "sobralibreng pagsasalin ". Ang teksto na isasalin ay bahagi ng isang proyekto ng pagsasaling-wika nanagsasangkot ng teksto, ang target, ang koponan at ang mga tool, ano Larson tawag sa apat naT ng. Kapag na ay husay ng mga ibat-ibang mga hakbang na sundin: ang unang draft, pagsusuring ang unang draft, konsultasyon at huling draft. Lahat ng mga hakbang na kasangkot angpagsusuri ng teksto, ang paghahambing sa pinagmulan ng teksto, pagsusuri ng pagsasalin.Sa unang bahagi ng teksto na siya ay nagpapakita ng mga paraan ng pagkilala ang mga ibigsabihin ng mga bahagi ng ng leksiko item ng isang wika. (Kahulugan bahagi konsepto form,konsepto na bumubuo ng mga kumpol ng konsepto at konsepto mga kumpol ng form mgapropositions). Sa ikalawang bahagi, siya concentrates sa pambalarila kaayusan at mapupuntasa sa pag-aaral ng mga propositions na kasama ang mga simpleng konsepto at mga iba nakasama ang mga mas kumplikadong konsepto. Mga konsepto, sa maraming mga kaso, tumawagang tagasalin para sa rewording upang mahanap ang pinakamahusay na pagsasalin ngkatumbas na kumakatawan sa mga relasyon sa pagitan ng mga ibat ibang bahagi ng buongpanukala. Tagasalin sa nararapat na makilala ang mga konsepto at din ang kahalagahan ngang illocutionary lakas ng isang panukala. Mula propositional kumpol sa mga semantiko talata sakumpol ng episode na dumating kami sa isang panayam, kaya kahit anong pinag-aaralan siyanagmumungkahi para sa isang pangungusap o talata ay din-bisa para sa isang episode at parasa isang buong teksto. Sa isang tiyak na paraan, ang kanyang trabaho ay may kaugnayansa discoursive diskarte .Mahalaga para sa isang tagasalin sa malaman tungkol sa mga generic at tiyak na mga relasyonng mga salita upang mahanap ang tumpak na katumbas, lalo na, kapag pagharap sa isang targetna wika na ang kultural na konteksto ay masyadong malayo mula sa pinagmulan ng wika at siyaay may sa makitungo sa mga konsepto na representasyon ay hindi madaling malutas dahil saang nahihirapan sa paghahanap ng wastong katumbas. Ang tagasalin may upang maitaguyodang isang sistema na kaibahan sa pagitan ng mga konsepto na kasangkot sa parehong kulturaat may upang magpasya ang kahalagahan ng kahulugan upang ilipat. Sa kahulugan na iyon,Larson ng teorya sumali na ng Newmark , na nagtatalaga ng ibat ibang mga hierarchies ngkahulugan sa loob ng isang teksto, mula sa mga pinakamahalagang ang hindi bababa samahalaga. At bilang siya nga, siya discusses rin ang kasalimuotan ng pagsasalin mga mgamatalinghaga pandama at connotative kahulugan. Larson napupunta kahit karagdagangpapunta sa pagsasalin ng mga matalinghaga paggamit ng mga tao at mga pronouns, symbolicna aksyon, mga huwad na kaibigan atcollocations . Siya ay naglalarawan sa bawat panteoryapoint na may halimbawa-marami sa kanila mula sa isang Bibliya na konteksto mula sa ibat ibangmga wika, na nagpapakita ng ibat ibang mga paraan na kung saan ang wika ay nakaayos.Tulad ng ang leksiko katumbas ay nababahala, ang tagasalin ang mga dapat tumagal sa accountang mga sumusunod na sitwasyon: ay may konsepto na kilala sa pinagmulan ng wika at sa targetna wika, magkakaroon din ang mga konsepto mula sa mga wika ng source na hindi kilala satarget ang wika; may ang leksiko item sa pinagmulan ng teksto na ang mga key tuntunin atminsan ay may isang symbolic kahulugan. Lahat ng mga sitwasyong ito ay dapat na malinaw nakinilala sa pamamagitan ng tagasalin upang malutas ang problema ng leksiko katumbas.Kahulugan-based na pagsasalin
  7. 7. Para sa Mildred Larson, ang pagsasalin ay binubuo ng paglilipat ng walang pagbaluktot angkahulugan ng pinagmulan ng wika sa wika ng target, ibig sabihin na dapat pinananatiling pare-pareho, kahit na kapag ang form ng pinagmulang wika ang mga pagbabago na ito ay nakabukassa anyo ng mga target ng wika. Ang form dito kumakatawan sa pambalarila ibabaw ng istrakturang wika, habang ang kahulugan ay tumutukoy sa semantiko malalim kaayusan.Isang pagsasalinbatay sa semantiko istraktura ng wika tumatagal din-alang ang sitwasyon ng komunikasyon:makasaysayang setting, kultura setting, intensyon ng mga may-akda, pati na rin ang ibat ibanguri ng mga kahulugan na nakapaloob sa ang tahasang at implicit impormasyon ng teksto. Bukodsa referential at istruktura na kahulugan, kahulugan sitwasyon ay itinanghal bilang isangmahalagang sangkap na nais makatulong sa tagasalin ng kahulugan ang kultura ng may-akda oang kultural na impormasyon na ibinigay sa text. Siya gumagawa ang pagkakaiba sa pagitan ngliteral at pangwikain pagsasalin, na nagsasabi na ang isang mahusay na tagasalin ay dapat nasubukan upang isalin idiomatically, na sa kanyang pagsasalin ay hindi tunog tulad ng isangpagsasalin, ay ito tunog natural sa wika ng target, sinisigurado na hindi mahulog sa "sobralibreng pagsasalin ". Ang teksto na isasalin ay bahagi ng isang proyekto ng pagsasaling-wika nanagsasangkot ng teksto, ang target, ang koponan at ang mga tool, ano Larson tawag sa apat naT ng. Kapag na ay husay ng mga ibat-ibang mga hakbang na sundin: ang unang draft, pagsusuring ang unang draft, konsultasyon at huling draft. Lahat ng mga hakbang na kasangkot angpagsusuri ng teksto, ang paghahambing sa pinagmulan ng teksto, pagsusuri ng pagsasalin.Sa unang bahagi ng teksto na siya ay nagpapakita ng mga paraan ng pagkilala ang mga ibigsabihin ng mga bahagi ng ng leksiko item ng isang wika.(Kahulugan bahagi konsepto form,konsepto na bumubuo ng mga kumpol ng konsepto at konsepto mga kumpol ng form mgapropositions). Sa ikalawang bahagi, siya concentrates sa pambalarila kaayusan at mapupuntasa sa pag-aaral ng mga propositions na kasama ang mga simpleng konsepto at mga iba nakasama ang mga mas kumplikadong konsepto. Mga konsepto, sa maraming mga kaso, tumawagang tagasalin para sa rewording upang mahanap ang pinakamahusay na pagsasalin ngkatumbas na kumakatawan sa mga relasyon sa pagitan ng mga ibat ibang bahagi ng buongpanukala. Tagasalin sa nararapat na makilala ang mga konsepto at din ang kahalagahan ngang illocutionary lakas ng isang panukala. Mula propositional kumpol sa mga semantiko talata sakumpol ng episode na dumating kami sa isang panayam, kaya kahit anong pinag-aaralan siyanagmumungkahi para sa isang pangungusap o talata ay din-bisa para sa isang episode at parasa isang buong teksto. Sa isang tiyak na paraan, ang kanyang trabaho ay may kaugnayansa discoursive diskarte .Mahalaga para sa isang tagasalin sa malaman tungkol sa mga generic at tiyak na mga relasyonng mga salita upang mahanap ang tumpak na katumbas, lalo na, kapag pagharap sa isang targetna wika na ang kultural na konteksto ay masyadong malayo mula sa pinagmulan ng wika at siyaay may sa makitungo sa mga konsepto na representasyon ay hindi madaling malutas dahil saang nahihirapan sa paghahanap ng wastong katumbas. Ang tagasalin may upang maitaguyodang isang sistema na kaibahan sa pagitan ng mga konsepto na kasangkot sa parehong kulturaat may upang magpasya ang kahalagahan ng kahulugan upang ilipat. Sa kahulugan na iyon,Larson ng teorya sumali na ng Newmark , na nagtatalaga ng ibat ibang mga hierarchies ngkahulugan sa loob ng isang teksto, mula sa mga pinakamahalagang ang hindi bababa samahalaga. At bilang siya nga, siya discusses rin ang kasalimuotan ng pagsasalin mga mgamatalinghaga pandama at connotative kahulugan. Larson napupunta kahit karagdagangpapunta sa pagsasalin ng mga matalinghaga paggamit ng mga tao at mga pronouns, symbolicna aksyon, mga huwad na kaibigan at collocations . Siya ay naglalarawan sa bawat panteoryapoint na may halimbawa-marami sa kanila mula sa isang Bibliya na konteksto mula sa ibat ibangmga wika, na nagpapakita ng ibat ibang mga paraan na kung saan ang wika ay nakaayos.Tulad ng ang leksiko katumbas ay nababahala, ang tagasalin ang mga dapat tumagal sa accountang mga sumusunod na sitwasyon: ay may konsepto na kilala sa pinagmulan ng wika at sa targetna wika, magkakaroon din ang mga konsepto mula sa mga wika ng source na hindi kilala satarget ang wika; may ang leksiko item sa pinagmulan ng teksto na ang mga key tuntunin at
  8. 8. minsan ay may isang symbolic kahulugan. Lahat ng mga sitwasyong ito ay dapat na malinaw nakinilala sa pamamagitan ng tagasalin upang malutas ang problema ng leksiko katumbas.SantiagoPagsasaling-WikaHalaw sa Librong ‗Sining ng Pagsasaling-Wika‘ ni G. Alfonso O. SantiagoKahulugan ng Pagsasaling-WikaTranslation is a process by which a spoken or written utterance takes place in one language,which is intended and presumed to convey the same meaning as a previously existing utterancein another language. ( C. Rabin, 1958 )Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in onelanguage by the same message in another language. ( P. Newmark, 1977 )Ang pagsasaling-wika ay ang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbasna diwa at estilong nasa wikang isinasalin.Sinasabing ang pagsasaling-wika ay isang mahirap na gawaing nangangailangan ng katapatanat kaigihan, bukod pa sa kasanayan sa wikang isinasalin at sinasalinan. Sinasabi ng mgaItalyano na ang nagsasalin ay isang traidor, na ang pagsasalin ay isang pagtataksil. Bawat wikaay mayroong sariling katangiang maaaring walang katumbas sa ibang wika. Ang katangiang itoay maaaring mawala sa proseso ng pagsasalin.Magkagayon man, sinisikap ng nagsasalin na panatilihin ang orihinal na porma, istilo‘tkahulugan ng akda. Kinikilala ng ng tagasalin ang hirap na manunulat sa paghahanap ng angkopna salita sa kanyang akda.Kasaysayan ng Pagsasalin( Unang Yugto )Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas aymasasabing nagsimulang magkaanyonoong panahon ng pananakop ng mga Kastila,kaugnay na pagpapalaganap ng Kristiyanismo.Kinailangan ng mga panahong iyon na isalin saTagalog at iba pang katutubong wika sa kapuluanang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon,mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng
  9. 9. pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana.Kasaysayan ng Pagsasalin( Ikalawang Yugto )Nang pumalit ang America sa Espana bilangmananakop ng Pilipinas, nagbago na rin angpapel na ginagampanan ng pagsasalingwika. Ang naging pangunahingkasangkapan na pananakop noongpanahon ng Kastila ay krus o relihiyon;noong panahon naman ng Americano ay aklat oedukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.Kasaysayan ng Pagsasalin( Ikatlong Yugto )Ang maituturing na ikatlong yugto ngkasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang mgapagsasalin sa Filipino ng mga materyales,pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tuladng mga aklat, patnubay, sanggunian,gramatika at iba pa, kaugnay sapagpapatupad sa patakarang bilinggwal saating sistema ng edukasyon.Kasaysayan ng Pagsasalin( Ikaapat na Yugto )Ang maituturing namang ikaapat na yugtona kasiglahan sa pagsasaling-wika ay angpagsasalin ng mga katutubong panitikang
  10. 10. di-Tagalog. Kailangang-kailangang isagawaang ganito kung talagang hangad natingmakabuo ng panitikang talagang matatawagna ‗pambansa‘.Mga Paraan ng PagsasalinLiteral – kadalasang uang ginagawa sa pagsasalin ng wika. Pinananatili ang lingguwistikangkatangian ng orihinal na wika. Madali lamang ito sapagkat may mga diksyonaryong magagamitupang tingnan ang iba‘t ibang kahulugan ng mga salita.Pampanitikan – may kahirapan ang paraan ng pagsasaling ito dahil maraming bagay natinitingnan. Bukod sa kahulugan, sinusuri rin ng tagasalin ang gamit ng wika. Kailangangpantayan din ang tayutay, indayog, sukat, ritmo, at diksyon ng orihinal na akda. Ang pagsasalin ay hindi lamang pagbibigay-kahulugan. Ang pagganap sa wika ay hindi lamang nakatali sa kahulugan ng mga salita. Dapat dingtinitingnan ang gamit at konteksto. Hindi sapat na malaman ang konotasyon at denotasyon ngmga salita. Kailangan ding unawain ang kultura ng taong gumagamit ng salitang isinasalin atsinasalinan.Samakatuwid, dapat maalala ng isang tagapagsalin ng wikang Filipino ang sumusunod:Ibigay ang salin sa realidad ng kulturang Pilipino.Maging consistent sa gamit ng pagsasalin.Sikaping maging kamukha ng orihinal na akda ang magiging salin.Mungkahi sa Proseso ng Pagsasalin.Basahin at unawain nang husto ang orihinal na akda. Ihiwalay o markahan ang mga salitangmahirap isalin.Gumamit ng tatlo o higit pang uri ng sanggunian. Pangunahin sa mga sanggunian ngnagsasaling-wika ay ang diksyunaryo ng wikang isinasalin; ikalawa ay ang diksyunaryo ngwikang sinasalin; at ang ikatlo ay ang sariling bokabularyo ng tagapagsalin.Isulat na ng unang borador kahit na hindi pa ganap na naisasalin ang mahihirap na salita.Basahin at iwasto ang unang borador para sa paggawa ng ikalawang borador.Dito maaaringbalikan ang mahihirap na salita.
  11. 11. Ipabasa sa iba ang ginawang pagsasalin upang makakuha ng opinion at mungkahi. Mainam saisang editor o proofreader ang magbabasa ng ikalawang borador.Isulat ang huling borador. Isama ang mga nagging mungkahi at pagwawasto ng ibang nagbasa.Sanggunian: Linangan 4 Melanian L. Abad pp. 241-243Mga Hakbang sa PanghihiramSa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundinang mga sumusunod na paraan:1.Ang anumang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ngkasalukuyang Filipino, kung mayroon.Halimbawa: Hiram na Salita Filipino rule tuntunin ability kakayahan skill kasanayan2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya anghiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbabaybay sa Filipino.Halimbawa: Ingles Kastila Filipino check cheque tseke fruit fruta prutas education educacion edukasyon
  12. 12. May mga salitang hindi pa natin mabago ang baybay kahit malaganap nang ginagamit sapagkatwala pang kalahatang pagtanggap. Upang hindi mawala ang tunay na nais ipahayag, ang mgasalitang ito ay nilalapian sa Filipino at isinusulat sa italika ang salitang Ingles.Halimbawa:Nag-exam i-na-ambushNa-salvage na-sequester3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi maunawaan ngnakakaraming tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at baybayin itoayon sa mga sumusunod na paraan:A. Kung consistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.Halimbawa: Ingles Filipino reporter reporter editor editor soprano soprano alto altoB. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin nang consistent sapamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada. Halimbawa: Ingles Filipino control kontrol meeting miting leader lider
  13. 13. teacher titser truck trakC. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunitkailangan ang konsistensi sa paggamit. Halimbawa: barangay baranggay kongreso konggreso tango tanggo (sayaw) kongresista konggresista*May mga salita sa Ingles ( o sa banyagang wika) na maaaring pansamantalang hiramin ngwalang pagbabago sa ispeling.Halimbawa: coach rendezvous sandwich pizza pie clutch champagneD.Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong katangiang cultural.Gayunpaman, walang magiging problema kung iayon man kaagad ang ispeling ng mga ito sapalabaybayang Filipino sapagkat kitang- kita naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo ayisinunod lamang sa palaybaybayang Kastila.Halimbawa: cañao = kanyaw hadji = hadyi masjid = masdyidE. Mga simbolong pang-agham. Halimbawa: Fe (iron)
  14. 14. H20 (water) C (carbon) NaCl (salt) ZnO (zinc oxide) Ang mga sumusunod na impormasiyon ay hango sa aklat ni Alfonso Santiago na kanya namanghalaw sa aklat ni Savory na (The Art of Translation, 1968).―Sa pagdaraan ng maraming taon ay dumami nang dumami ang mga tagasalingwika. Naturallamang ang ganito sapagkat parami na rin nang parami ang mga manunulat at paunlad nangpaunlad ang pag-uugnayan ng mga bansa.‖a. pagdami ng mga tagasaling-wikab. pagdami ng mga manunulatc. maunlad at malawak na ugnayan ng mga bansa―Ang ikalabimpitong siglo ay maituturing na tulad din halos ng dalawang nakaraang siglo na angkinawilihan ay ang pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura sa ibang bansa…‖a. kawilihan sa pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura… Nang sumapit ang ikadalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang gawain angpagsasaling-wika, ayon kay Savory. Ang lahat daw halos ay nagtatangkang magsalin….At wariraw na karamihan sa mga nagsasalin ay sahol sa inspirasyon sapagkat ang pangunahing layuninna lamang ay ―dami‖ at hindi na ―uri‖.―…Gayunpaman, sa kabuuan ay masasabing nakabuti ang gayon sapagkat kundi dahil salansakang pagsasaling-wika ay maraming manunulat ang hindi makikilala at dadakilain….‖―Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba‘t ibang wika sa layuning maihatidsa higit na nakararaming bahagi ng mambabasa ang mga makabagong kalakaran sa panitikana. lansakang pagsasaling-wikaSuliranin sa Pagsasalin ng mga Tekstong KlasikoPagsasalin ng BibliyaSa kasaysayan ng pagsasaling-wika, ang Bibliya ay maituturing ng isa sa mga klasikong akdangsumabay sa kalakaran ng pagsasaling-wika sa daigdig. Klasikong akda ito kung ituring,sapagkat laman nito ang kasaysayan ng pinagmulan ng tao, ng daigdig, at ng mga bagay-bagaytungkol sa tao at daigdig mismo. Ito lamang ang akdang sinasabing ―salita ng Diyos‖. Sinasabingklasika rin ito sa dahilang ito ay likha na may kataas-taasang pagkilala at ‗ika nga ay walangkinikilalang panahon.Ang pagsasalin ng mga bagay-bagay na napapaloob sa konteksto nito ay isa na marahil sa hindimaitatatwang kalinangang dumaan at maging sa kasalukuyan ay nasa hilahil pa rin ng pagdaansa napakamasalimot na suliranin sa pagsasaling-wika, na siya namang ugat ng masalimuot nakalakaran ng buhay-relihiyon ng tao sa mundo.Sa dinami-rami ng mga salin ng bibliya, sindami na rin ng mga nag-uumpugang paniniwala angnagsilabasan noon pa man. Subalit kahit na ganito, ang lansakang pagsasaling-wika ng bibliyaay nagsisilbing gabay at mapananaligang tuklas ng tao upang hanapin ang rurok ng pag-unawasa kanyang kalikasan bilang nilalang at ng Diyos na sinasabing gumawa sa kanya.

×