2. Ang pagpapalawak ng pangungusap ay
nakatutulong sa pagsulat ng talumpati.
•Maaaring mapalawak ang
pangungusap sa pamamagitan ng
pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng
ingklitik (katagang paningit),
komplemento, pang-abay, at iba pa.
3. Napalalawak din ang pangungusap
sa pamamagitan ng paksa sa
tulong ng atribusyon o
modipikasyon, pariralang lokatibo
o panlunan, at pariralang
nagpapahayag ng pagmamay-ari.
4. •Ingklitik. Ito ay tawag sa mga
katagang paningit. Ito ay walang
kahulugan.
Ilan sa mga halimbawa nito
ay: pa, ba, na, nga, man, daw,
yata, pala, kaya, kasi, naman.
5. •Marami ba ang
nawalan ng trabaho
dulot ng pandemya?
•Marami pala ang
nawalan ng trabaho
dulot ng pandemya.
6. Pariralang Lokatibo/Panlunan.
•Ito ang pangungusap na nagpapahayag ng lugar.
•Halimbawa:
•Marami ang nagtungo sa harap ng tanggapan ng
DSWD upang kumuha ng ayuda.
•Marami ang nagtungo sa harapan ng tindahan
ni Aling Liway upang makiusyoso sa balita ng
kanilang barangay.
7. Kaganapang Tagaganap
•Ito ay bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na
isinasaad ng pandiwa. Ginagamit ang mga pananda
na ni at ng. Halimbawa:
•Pinakinggan ng kapitan ang karaingan ng
kanyang nasasakupang barangay.
•Isinaulo ng 10- Rizal ang lekturang popular
na anyo ng panitikan sa social media.
8. Kaganapang Tagatanggap
•Ito ay nagpapahayag kung sino ang
makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
May mga panandang para sa at para kay.
•Naglaan ng pondo ang paaralan
para sa programa ng sports festival.
•Nagluto ang inay para kay Daniella.
9. Pang-abay. Ito ay nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
•Halimbawa: Batayang Pangungusap:
Nagtalumpati ang pangulo;
•Pagpapalawak: Nagtalumpati ang pangulo
noong kaniyang inagurasyon at talagang
marami ang humanga.
10. Mabilis magsalita ang aming guro.
Nagplano ang ina kung paano
dahan-dahang patulugin ang
kanyang anak.
13. Tukuyin kung anong uri ng pagpapalawak ng
pangungusap ang ipinapahayag sa bawat
pangungusap. Titik lamang ang isulat sa papel.
• 1. Tunay na magaling ang mga Pilipino sa
larangan ng awit at musika.
•A. Kaganapan C. Pang-abay
•B. Atribusyon D. Lokatibo
14. •2. Patuloy ang mga paalala para sa
mga Pilipinong mahina ang
kalusugan na magsuot ng mask.
•A. Tagatanggap C.Pang-abay
•B. Modipikasyon D.Ingklitik
15. 3. Pinakinggan ng gurong tagapayo
ang suliranin ng kanyang klase.
•A. Tagaganap C. Panlunan
•B. Kaganapan D. Atribusyon
16. •4. Kaunti lamang ang nagpunta sa
loob ng sinehan ng pelikulang
GOMBURZA na dapat sanang mas
tangkilikin ng mga Pilipino.
•A.Panlunan C.Pang-abay
•B. Ingklitik D. Panaguri
17. •5. Ano pa ba ang suliranin mo kung lahat
ng tagubilin ng guro ay nasabi na lahat
sayo? Anong mga Ingklitik ang
nakapagpalawak ng pangungusap na kahit
mawala ay hindi maapektuhan ang
kahulugan ng pangungusap?
•A. ay C. pa at ba
•B. mo D. lahat at sayo
19. Pointers to review
• Pagpapalawak ng pangungusap
• Kultura ng Inglatera at Pilipinas (paghahambing at pagkukumpara)
• Pagsusuri sa elemento ng Tula
• Pahayag na Pagsang-ayon at Pagsalungat
• Pagbibigay ng sariling pananaw at opinyon (pag-unawa sa binasa)
• Kasingkahulugan ng mga salitang napaloob sa mga textong binasa
• Popular na Anyo ng Panitikan sa Social Media
• Paghahambing ng mga akdang Pampanitikan
• Nobela, Maikling Kuwento, Dagli, Mitolohiya, Talumpati at
Editoryal