SlideShare a Scribd company logo
1 of 27
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Ekonomiks
9
ARALING PANLIPUNAN – IKA-9 NA BAITANG
ALTERNATIVE DELIVERY MODE
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VII, Central Visayas
DIVISION OF GUIHULNGAN CITY
Office Address: Osmeña Avenue, Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental
Contact Number: (035)410–4069; (035)410-4066
E-mail Address: guihulngan.city@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rodgie L. Velara
Editor: Vivian D. Tam
Tagaguhit: Leo Bill Y. Paglinawan at Lindy A. Blanco
Tagalapat: Rodgie L. Velara at Leo Bill Y. Paglinawan
Tagapamahala: Arden D. Monisit, Nonale G. Resoor, Susan T. Balbuena,
Romel Victor A. Villahermosa
9
EKONOMIKS
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Kahulugan ng Ekonomiks
PAUNANG SALITA
ii
I. PARA SA TAGAPAGDALOY:
Mabuhay po kayo! Maraming salamat po sa malugod na pagtangkilik sa modyul
para sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM). Ito
po ang Modyul 1 para sa aralin 1 Kahulugan ng Ekonomiks.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo (21st century skills) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayang pankalusugan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
II. PARA SA MAG-AARAL:
Maraming salamat po sa malugod na pagtanggap sa modyul para sa
asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM). Ito po ang
Modyul 1 para sa aralin 1 Kahulugan ng Ekonomiks.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
iii
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
ang iyong kaalaman (prior knowledge) tungkol
sa aralin ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon o
aralin.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
iv
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
III. Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.
v
IV. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin po ang modyul nang may pag-iingat. Huwag pong lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag pong kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing pong mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan po ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin po ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik po ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw po ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag pong mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa mga nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipan na hindi po kayo nag-iisa.
Umaasa kami, na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Ano man ang gawain kaya po natin ito.
Mabuhay tayong lahat!
1
ARALIN 1
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Maligayang araw mga butihing mag-aaral!
Mabuhay po kayo at maligayang pagtuntong sa Baitang 9 sa sekondarya.
Naway nasa mabuti kayong kalagayan. Manatili pong ligtas sa gitna ng banta ng
novelcorona virus (COVID19).
Sa asignaturang ito ay inyong malalaman ang iba’t-ibang konsepto ng
Ekonomiks at kung paano ito nakaaapekto sa ating buhay. Ano nga ba ang
kahulugan Ekonomiks?
Ikaw, ako, bawat isa sa atin ay humaharap sa iba’t-ibang sitwasyon sa araw-
araw nating pamumuhay. Kadalasan, magkakaiba ang ating karanasan ayon sa ating
kagustuhan at pangangailangan. Ang ating pagtugon ay batay sa ating mga interes
at preperensiya o pinipili. Minsan naman, gumagawa tayo ng desisyon sa buhay batay
sa ating mga kaalaman sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Sa ganitong kalagayan,
kailangan nating maging mapanuri bago magdesisyon dahil maaaring ang kaalaman
natin sa mga bagay ay hindi sapat. Ika nga ang kaalaman ay kapangyarihan.
Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng pagtugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao ay nahaharap tayo sa mga suliranin dahil
limitado lamang ang ating kita o mga pinagkukunang-yaman.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
a. Makapaglalapat ng kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng iyong pamilya at sa lipunan na
iyong kinabibilangan.
b. mataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.
ALAMIN
2
Gawain 1: Panimulang Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ang pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.
b. Ito ang pag-aaral sa mga likas na yaman ng isang bansa at kung paano ito
magagamit sa paggawa ng mga armas militar.
c. Ito ang pag-aaral sa kasaysayan ng mundo at kung paano maipaliliwanag
ang mga kaganapan sa kasulukuyan gamit ang nakaraan.
d. Ito ang pag-aaral kung paano mag-isip ang mga tao at paano nila nabubuo
ang lipunan.
2. Kung ikaw ay isang rasyonal na tao, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
b. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga sasabihin ng ibang tao at nang iyong kapitbahay
3. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay
maaaring maganap maliban sa _______.
a. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
d. magiging maayos ang pagbabadyet
4. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ______________.
a. Oikonomy b. Okinomia c. Oikonomia d. Oikonomiks
5. Ano ang kahulugan ng trade off?
a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan.
SUBUKIN
3
b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng
produkto o serbisyo.
6. Ano ang kahulugan ng opportunity cost?
a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na
makukuha sa gagawing desisyon.

7. Paano mo ipaliliwanag ang “incintives”?
a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan.
b. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng
produkto o serbisyo.
c. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
d. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
8. Ano ang pinakatamang paliwanag tungkol sa marginal thinking?

9. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang
trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na
trade-off at opportunity cost?
a. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
4
b. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
c. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
d. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
10.Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin
sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito?
a. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang
kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang
panahon ng El Niño at La Niña.
d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
11. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto.
Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang
pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang
produkto o serbisyo?
a. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
b. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
c. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
d. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito.
12.Kailan masasabing matalino kang mamimili?
a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang
pagkakaroon ng sale.
b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na
pasok sa badyet.
c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng
produktong binibili.
d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan
sa pamilihan.
13.Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?
a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon
ng produkto.
b. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang
biniling produkto.
5
c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong
bibilhin.
d. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran
14.Paano nagkakaroon ng kakapusan?
a. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
b. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga bansa na salat o kulang sa mga
hilaw na materyales.
c. Nagkakaroon ng kakapusan dahil hindi mapipigilan ang paglobo ng
pupolasyon.
d. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga tao na hindi nag-iisip at inuuna
ang pansariling interes at kapakanan.
15.Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
6
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks at kung paano ito makaaapekto sa pagiging
matalinong mamamayan lalo na sa pagpapasya sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.
Gawain 2: PICTURE ANALYSIS
Panuto: Suriin ng mabuti ang larawan at bigyan ito ng sariling interpretasyon.
Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong katanungan.
Maligayang pagsisimula sa Baitang 9 sa sekondarya!
Sa nakaraang baitang ay iyong napag-aralan ang tungkol sa Kasaysayan
ng Daigdig. Iyong nalaman ang iba’t-ibang kaganapan sa bawat sulok ng
mundo na iyong ginagalawan mula sa sinaunang panahon hanggang sa
kasalukuyan.
Ngayon naman sa baitang 9 ay pag-aaralan natin ang Ekonomiks. Ano ang
ekonomiks? Paano ito nakaaapekto sa bawat indibidwal? Paano ito
nakaaapekto sa ating bansa? Ano ang kahalagahan ng pag-aaral natin ng
Ekonomiks? Lahat ng ito ay ating malalaman. Sana ay maibigan mo ang
pag-aaral ng Ekonomiks.
BALIKAN
TUKLASIN
7
Mga pamprosesong katanungan:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang makatulog ng sobra at alam mong mahuhuli ka sa
iyong pasok o hindi naman kaya sa iyong lakad o trabaho? Ano ang iyong
gagawin?
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon
at kailangan mong pumili. Ano ang una mong gagawin? Ipaliwanag.
Gawain 3: CHOICE MO, I-EXPLAIN MO
Panuto: Basahin at intindihin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum.
Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang
iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong desisyon.
Option A Option B Desisyon Dahilan
1. Magpatuloy sa SHS
at Kolehiyo
Magtrabaho pagkatapos ng
Grade 10 upang
makatulong sa nanay
2. Paglalaro ng mobile
games
Pag-aaral ng mga aralin
3. Pakikipagkwentohan
sa kapitbahay
Pagtulong sa paggawa ng
mga gawain sa bahay
4. Pagkakaroon ng
jowa
Pagkakaroon ng mataas na
grado sa bawat asignatura
5. Pagsisimba tuwing
linggo
Pamamasyal sa freedom
park
Mga pamprosesong katanungan:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang iyong naging batayan sa ginawa mong pagpili? Sa tingin mo ba,
makatuwiran ang iyong naging desisyon?
8
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan. Pinag-aaralan dito
kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao sa harap ng limitadong pinagkukunang-yaman. Nagmula ito sa salitang Griyego
na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala
(Viloria, 2000).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad. Ang sambahayan,
tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon.
Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung
paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga
bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya (Mankiw, 1997).
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng
iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-
anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan
sa suliranin sa kakapusan.
May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at
walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan,
kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman. Ang
kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at
Kahulugan ng Ekonomiks
Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito
sa iyo upang masagot kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Halina at simulan na natin ang
pagbabasa ng teksto.
SURIIN
9
may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at
kapital.
Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng
panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali,
at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring
malikha. Dahil dito, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso
ng pagpili mula sa mga choice, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang
pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang
tradeoff, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro? Sa
ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost.
Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative
na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang
opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na
ipinagpalibang gawin.
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong
pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang
magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga incentives na iniaalok ng mga
lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura at magandang
serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng
produkto o serbisyo.
Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong
produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin upang matugunan ang kakapusan.
10
Maaari ding mailarawan ang incentives sa kung magbibigay ng karagdagang
allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang
makamit ng mag-aaral.
May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig
sabihin ng marginal thinking ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
Sa gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance
at mataas na grade, ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng
desisyon ang isang tao.
Gawain 4: MIND MAPPING
Panuto: Punan ang mga kahon at bilog upang makabuo ng CONCEPT MAP. Hanguin
ang sagot mula sa tekstong binasa.
A.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng
desisyon.
Mga konsepto sa ekonomiks
na magagamit sa matalinong
pagdedesisyon
PAGYAMANIN
11
B.
Gawain 5: EKONOMIKS SA BUHAY KO!
Panuto: Bumuo ng isang islogan na may temang “Ekonomiks sa Buhay ko” at ipakita
ang “impact” ng Ekonomiks sa buhay mo. Ilagay ito sa isang buong kartolina ng kahit
anong kulay.
Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman Mayaman sa katututran ukol sa paksa o
tema at mapanghikayat sa mambabasa
ang islogan na ginawa.
10
Malikhaing
Pagsulat
Gumamit ng mga angkop na salita at
estratehiya sa pagsulat ng tugma,
metapora, at patudyong salita upang
maging kaaya-aya ang islogan.
10
Tema Angkop ang islogan sa tema na
“Ekonomiks sa buhay ko.”
10
Kabuuang Puntos 30
Apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya upang matugunan ang
kakapusan.
ISAISIP
12
Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSIYON
Panuto: Sumulat ng isang maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at
realisayon tungkol sa ugnayan ng ekonomiks sa paggawa ng matalinong
pagdedesisyon sa buhay lalo na sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at bilang
kasapi ng pamilya at lipunan.
RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON
KRITERYA
NAPAKAHUSAY
20
MAHUSAY
15
KATAMTAMAN
10
Buod at Kaalaman sa
Paksa
Maliwanag at
kompletong
nailahad ang
pangunahing
kaalaman sa
araling tinalakay.
Maliwanag
subalit may
kulang sa
detalye sa
araling
tinalakay.
Hindi gaanong
maliwanag at
kulang sa ilang
detalye sa araling
tinalakay.
Presentasyon at
Organisasyon ng
pagkakasulat
a. Maayos ang
pagkakasunod-
sunod ng mga
ideya
b. Hindi paligoy-
ligoy ang
pagkakasulat
c. Angkop ang
mga salitang
ginamit
d. Malinis ang
pagkakasulat
Organisado ang
mga paksa at
maayos ang
presentasyon.
Lahat ng mga
pamantayan ay
matatagpuan sa
kabuuang
repleksiyon.
Hindi maayos
ang
presentasyon.
Tatlo lamang
sa mga
pamantayan
ang
matatagpuan
sa kabuuan ng
repleksiyon.
Hindi maayos ang
presentasyon.
Dalawa lamang sa
mga pamantayan
ang matatagpuan
sa kabuuang
repleksiyon.
ISAGAWA
13
Gawain 7: PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ang pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.
b. Ito ang pag-aaral sa mga likas na yaman ng isang bansa at kung paano ito
magagamit sa paggawa ng mga armas militar.
c. Ito ang pag-aaral sa kasaysayan ng mundo at kung paano maipaliliwanag
ang mga kaganapan sa kasulukuyan gamit ang nakaraan.
d. Ito ang pag-aaral kung paano mag-isip ang mga tao at paano nila nabubuo
ang lipunan.
2. Kung ikaw ay isang rasyonal na tao, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
b. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga sasabihin ng ibang tao at nang iyong kapitbahay
3. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay
maaaring maganap maliban sa _______.
a. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
d. magiging maayos ang pagbabadyet
4. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ______________.
a. Oikonomy b. Okinomia c. Oikonomia d. Oikonomiks
5. Ano ang kahulugan ng trade off?
a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan.
TAYAHIN
14
b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng
produkto o serbisyo.
6. Ano ang kahulugan ng opportunity cost?
a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na
makukuha sa gagawing desisyon.
b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng
produkto o serbisyo.
7. Paano mo ipaliliwanag ang “incintives”?
a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan.
b. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng
produkto o serbisyo.
c. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
d. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
8. Ano ang pinakatamang paliwanag tungkol sa marginal thinking?
a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na
makukuha sa gagawing desisyon.
b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng
produkto o serbisyo.
9. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang
trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na
trade-off at opportunity cost?
a. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
15
b. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
c. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
d. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
10.Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin
sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng suliraning ito?
a. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang
kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang
panahon ng El Niño at La Niña.
d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
11.Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto.
Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang
pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang
produkto o serbisyo?
a. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
b. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
c. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
d. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito.
12.Kailan masasabing matalino kang mamimili?
a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang
pagkakaroon ng sale.
b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na
pasok sa badyet.
c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng
produktong binibili.
d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan
sa pamilihan.
13.Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?
a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon
ng produkto.
b. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang
biniling produkto.
16
c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong
bibilhin.
d. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran
14.Paano nagkakaroon ng kakapusan?
a. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
b. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga bansa na salat o kulang sa mga
hilaw na materyales.
c. Nagkakaroon ng kakapusan dahil hindi mapipigilan ang paglobo ng
pupolasyon.
d. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga tao na hindi nag-iisip at inuuna
ang pansariling interes at kapakanan.
15.Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
17
Gawain 8. I-KONEK MO
Panuto: Ibigay ang mga kahulugan at ugnayan ng mga salita sa loob ng kahon.
EKONOMIKS
Opportunity
Cost
Trade-off
KARAGDAGANG GAWAIN
18
PAALALA:
Para sa Tagapagdaloy: Isaisip po na maaaring iba’t-iba ang mga sagot sa iba pang
mga gawain sa modyul na ito. Bigyang panahon po na basahin ang iba’t-ibang mga
sagot ng ating mag-aaral. Maraming salamat.
SUSI SA PAGWAWASTO
I.
Mga
sagot
sa
paunang
pagtataya
at
pangwakas
na
pagtataya.
1.
A
6.
C
11.
C
2.
C
7.
B
12.
C
3.
D
8.
A
13.
A
4.
C
9.
A
14.
A
5.
B
10.
C
15.
D
II.
Mga
sagot
sa
mga
gawain
sa
pagyamanin.
A.
Trade-off,
Opportunity
Cost,
Marginal
Thinking,
Incentives
B.
Anong
produkto
ang
gagawin?
Paano
ito
gagawin?
Para
kanino
ang
produkto?
Gaano
karami
ang
gagawing
produkto?
19
SANGGUNIAN
 Balitao, Bernard R.,et. al. (2015). Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para
sa Mag – aaral. Vibal Groups, Inc. DepEd – IMCS. Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600.
PARA SA MGA KATANUNGAN O PUNA, SUMULAT O TUMAWAG SA:
Department of Education – Division of Guihulngan City
Office Address: Osmeña Avenue, Poblacion, Guihulngan City,
Negros Oriental
Contact Number: (035)410–4069; (035)410-4066
E-mail Address: guihulngan.city@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to AP 9 Modyul 1.docx

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfMelvieCasar
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfDEALSPAMPIO
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfGerrieIlagan
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfnelietumpap1
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...PrincessJemimaNaingu2
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfnelietumpap1
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfKariue
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfRenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
Similar to AP 9 Modyul 1.docx (20)

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdfap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
ap9_q1_m1_kahuluganngekonomiyasapangarawarawnapamumuhay_v2.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
Recently uploaded

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxLADYALTHEATAHAD
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Recently uploaded (20)

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
AP 9 Modyul 1.docx

  • 1. Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks 9
  • 2. ARALING PANLIPUNAN – IKA-9 NA BAITANG ALTERNATIVE DELIVERY MODE Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Central Visayas DIVISION OF GUIHULNGAN CITY Office Address: Osmeña Avenue, Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental Contact Number: (035)410–4069; (035)410-4066 E-mail Address: guihulngan.city@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rodgie L. Velara Editor: Vivian D. Tam Tagaguhit: Leo Bill Y. Paglinawan at Lindy A. Blanco Tagalapat: Rodgie L. Velara at Leo Bill Y. Paglinawan Tagapamahala: Arden D. Monisit, Nonale G. Resoor, Susan T. Balbuena, Romel Victor A. Villahermosa
  • 3. 9 EKONOMIKS Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Kahulugan ng Ekonomiks PAUNANG SALITA
  • 4. ii I. PARA SA TAGAPAGDALOY: Mabuhay po kayo! Maraming salamat po sa malugod na pagtangkilik sa modyul para sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM). Ito po ang Modyul 1 para sa aralin 1 Kahulugan ng Ekonomiks. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo (21st century skills) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayang pankalusugan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. II. PARA SA MAG-AARAL: Maraming salamat po sa malugod na pagtanggap sa modyul para sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM). Ito po ang Modyul 1 para sa aralin 1 Kahulugan ng Ekonomiks. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
  • 5. iii Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano ang iyong kaalaman (prior knowledge) tungkol sa aralin ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon o aralin. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
  • 6. iv Tayahin Ito ay gawain na naglalayong masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: III. Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. v IV. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin po ang modyul nang may pag-iingat. Huwag pong lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag pong kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing pong mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan po ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin po ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik po ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw po ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag pong mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa mga nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipan na hindi po kayo nag-iisa. Umaasa kami, na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Ano man ang gawain kaya po natin ito. Mabuhay tayong lahat!
  • 8. 1 ARALIN 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS Maligayang araw mga butihing mag-aaral! Mabuhay po kayo at maligayang pagtuntong sa Baitang 9 sa sekondarya. Naway nasa mabuti kayong kalagayan. Manatili pong ligtas sa gitna ng banta ng novelcorona virus (COVID19). Sa asignaturang ito ay inyong malalaman ang iba’t-ibang konsepto ng Ekonomiks at kung paano ito nakaaapekto sa ating buhay. Ano nga ba ang kahulugan Ekonomiks? Ikaw, ako, bawat isa sa atin ay humaharap sa iba’t-ibang sitwasyon sa araw- araw nating pamumuhay. Kadalasan, magkakaiba ang ating karanasan ayon sa ating kagustuhan at pangangailangan. Ang ating pagtugon ay batay sa ating mga interes at preperensiya o pinipili. Minsan naman, gumagawa tayo ng desisyon sa buhay batay sa ating mga kaalaman sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Sa ganitong kalagayan, kailangan nating maging mapanuri bago magdesisyon dahil maaaring ang kaalaman natin sa mga bagay ay hindi sapat. Ika nga ang kaalaman ay kapangyarihan. Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay nahaharap tayo sa mga suliranin dahil limitado lamang ang ating kita o mga pinagkukunang-yaman. Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay: a. Makapaglalapat ng kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng iyong pamilya at sa lipunan na iyong kinabibilangan. b. mataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay. ALAMIN
  • 9. 2 Gawain 1: Panimulang Pagtataya Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang kahulugan ng Ekonomiks? a. Ito ang pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. b. Ito ang pag-aaral sa mga likas na yaman ng isang bansa at kung paano ito magagamit sa paggawa ng mga armas militar. c. Ito ang pag-aaral sa kasaysayan ng mundo at kung paano maipaliliwanag ang mga kaganapan sa kasulukuyan gamit ang nakaraan. d. Ito ang pag-aaral kung paano mag-isip ang mga tao at paano nila nabubuo ang lipunan. 2. Kung ikaw ay isang rasyonal na tao, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon? a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan b. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon d. Isaalang-alang ang mga sasabihin ng ibang tao at nang iyong kapitbahay 3. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap maliban sa _______. a. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan d. magiging maayos ang pagbabadyet 4. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ______________. a. Oikonomy b. Okinomia c. Oikonomia d. Oikonomiks 5. Ano ang kahulugan ng trade off? a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan. SUBUKIN
  • 10. 3 b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. 6. Ano ang kahulugan ng opportunity cost? a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon. b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. 7. Paano mo ipaliliwanag ang “incintives”? a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan. b. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. c. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. d. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. 8. Ano ang pinakatamang paliwanag tungkol sa marginal thinking? a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon. b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. 9. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost? a. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
  • 11. 4 b. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer c. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo d. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan 10.Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito? a. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito. b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo. c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña. d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante. 11. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto o serbisyo? a. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain. b. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan. c. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito. d. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito. 12.Kailan masasabing matalino kang mamimili? a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale. b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet. c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili. d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan. 13.Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon? a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto. b. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
  • 12. 5 c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin. d. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran 14.Paano nagkakaroon ng kakapusan? a. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang- yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. b. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga bansa na salat o kulang sa mga hilaw na materyales. c. Nagkakaroon ng kakapusan dahil hindi mapipigilan ang paglobo ng pupolasyon. d. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga tao na hindi nag-iisip at inuuna ang pansariling interes at kapakanan. 15.Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap. b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon. c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
  • 13. 6 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks at kung paano ito makaaapekto sa pagiging matalinong mamamayan lalo na sa pagpapasya sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Gawain 2: PICTURE ANALYSIS Panuto: Suriin ng mabuti ang larawan at bigyan ito ng sariling interpretasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong katanungan. Maligayang pagsisimula sa Baitang 9 sa sekondarya! Sa nakaraang baitang ay iyong napag-aralan ang tungkol sa Kasaysayan ng Daigdig. Iyong nalaman ang iba’t-ibang kaganapan sa bawat sulok ng mundo na iyong ginagalawan mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ngayon naman sa baitang 9 ay pag-aaralan natin ang Ekonomiks. Ano ang ekonomiks? Paano ito nakaaapekto sa bawat indibidwal? Paano ito nakaaapekto sa ating bansa? Ano ang kahalagahan ng pag-aaral natin ng Ekonomiks? Lahat ng ito ay ating malalaman. Sana ay maibigan mo ang pag-aaral ng Ekonomiks. BALIKAN TUKLASIN
  • 14. 7 Mga pamprosesong katanungan: 1. Ano ang ipinapakita sa larawan? 2. Naranasan mo na ba ang makatulog ng sobra at alam mong mahuhuli ka sa iyong pasok o hindi naman kaya sa iyong lakad o trabaho? Ano ang iyong gagawin? 3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan mong pumili. Ano ang una mong gagawin? Ipaliwanag. Gawain 3: CHOICE MO, I-EXPLAIN MO Panuto: Basahin at intindihin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong desisyon. Option A Option B Desisyon Dahilan 1. Magpatuloy sa SHS at Kolehiyo Magtrabaho pagkatapos ng Grade 10 upang makatulong sa nanay 2. Paglalaro ng mobile games Pag-aaral ng mga aralin 3. Pakikipagkwentohan sa kapitbahay Pagtulong sa paggawa ng mga gawain sa bahay 4. Pagkakaroon ng jowa Pagkakaroon ng mataas na grado sa bawat asignatura 5. Pagsisimba tuwing linggo Pamamasyal sa freedom park Mga pamprosesong katanungan: 1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon? 2. Ano ang iyong naging batayan sa ginawa mong pagpili? Sa tingin mo ba, makatuwiran ang iyong naging desisyon?
  • 15. 8 Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan. Pinag-aaralan dito kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng limitadong pinagkukunang-yaman. Nagmula ito sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala (Viloria, 2000). Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad. Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya (Mankiw, 1997). Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano- anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman. Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at Kahulugan ng Ekonomiks Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang masagot kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag- aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Halina at simulan na natin ang pagbabasa ng teksto. SURIIN
  • 16. 9 may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Dahil dito, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso ng pagpili mula sa mga choice, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang tradeoff, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro? Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang gawin. Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga incentives na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin upang matugunan ang kakapusan.
  • 17. 10 Maaari ding mailarawan ang incentives sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin ng marginal thinking ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at mataas na grade, ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao. Gawain 4: MIND MAPPING Panuto: Punan ang mga kahon at bilog upang makabuo ng CONCEPT MAP. Hanguin ang sagot mula sa tekstong binasa. A. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa matalinong pagdedesisyon PAGYAMANIN
  • 18. 11 B. Gawain 5: EKONOMIKS SA BUHAY KO! Panuto: Bumuo ng isang islogan na may temang “Ekonomiks sa Buhay ko” at ipakita ang “impact” ng Ekonomiks sa buhay mo. Ilagay ito sa isang buong kartolina ng kahit anong kulay. Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Mayaman sa katututran ukol sa paksa o tema at mapanghikayat sa mambabasa ang islogan na ginawa. 10 Malikhaing Pagsulat Gumamit ng mga angkop na salita at estratehiya sa pagsulat ng tugma, metapora, at patudyong salita upang maging kaaya-aya ang islogan. 10 Tema Angkop ang islogan sa tema na “Ekonomiks sa buhay ko.” 10 Kabuuang Puntos 30 Apat na pangunahing katanungang pang- ekonomiya upang matugunan ang kakapusan. ISAISIP
  • 19. 12 Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSIYON Panuto: Sumulat ng isang maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at realisayon tungkol sa ugnayan ng ekonomiks sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon sa buhay lalo na sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at lipunan. RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON KRITERYA NAPAKAHUSAY 20 MAHUSAY 15 KATAMTAMAN 10 Buod at Kaalaman sa Paksa Maliwanag at kompletong nailahad ang pangunahing kaalaman sa araling tinalakay. Maliwanag subalit may kulang sa detalye sa araling tinalakay. Hindi gaanong maliwanag at kulang sa ilang detalye sa araling tinalakay. Presentasyon at Organisasyon ng pagkakasulat a. Maayos ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya b. Hindi paligoy- ligoy ang pagkakasulat c. Angkop ang mga salitang ginamit d. Malinis ang pagkakasulat Organisado ang mga paksa at maayos ang presentasyon. Lahat ng mga pamantayan ay matatagpuan sa kabuuang repleksiyon. Hindi maayos ang presentasyon. Tatlo lamang sa mga pamantayan ang matatagpuan sa kabuuan ng repleksiyon. Hindi maayos ang presentasyon. Dalawa lamang sa mga pamantayan ang matatagpuan sa kabuuang repleksiyon. ISAGAWA
  • 20. 13 Gawain 7: PANGWAKAS NA PAGTATAYA Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang kahulugan ng Ekonomiks? a. Ito ang pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. b. Ito ang pag-aaral sa mga likas na yaman ng isang bansa at kung paano ito magagamit sa paggawa ng mga armas militar. c. Ito ang pag-aaral sa kasaysayan ng mundo at kung paano maipaliliwanag ang mga kaganapan sa kasulukuyan gamit ang nakaraan. d. Ito ang pag-aaral kung paano mag-isip ang mga tao at paano nila nabubuo ang lipunan. 2. Kung ikaw ay isang rasyonal na tao, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon? a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan b. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon d. Isaalang-alang ang mga sasabihin ng ibang tao at nang iyong kapitbahay 3. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap maliban sa _______. a. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan d. magiging maayos ang pagbabadyet 4. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ______________. a. Oikonomy b. Okinomia c. Oikonomia d. Oikonomiks 5. Ano ang kahulugan ng trade off? a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan. TAYAHIN
  • 21. 14 b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. 6. Ano ang kahulugan ng opportunity cost? a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon. b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. 7. Paano mo ipaliliwanag ang “incintives”? a. Ito ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga namumuhunan. b. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. c. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. d. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. 8. Ano ang pinakatamang paliwanag tungkol sa marginal thinking? a. Ito ang pagsusuri sa karagdagang halaga, gastos man o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon. b. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. c. Ito ang vaue o halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. d. Ito ang pagbibigay ng dahilan o insentibo sa mga mamimili na bumili ng produkto o serbisyo. 9. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost? a. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
  • 22. 15 b. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer c. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo d. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan 10.Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng suliraning ito? a. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito. b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo. c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña. d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante. 11.Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto o serbisyo? a. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain. b. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan. c. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito. d. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito. 12.Kailan masasabing matalino kang mamimili? a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale. b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet. c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili. d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan. 13.Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon? a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto. b. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
  • 23. 16 c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin. d. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran 14.Paano nagkakaroon ng kakapusan? a. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang- yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. b. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga bansa na salat o kulang sa mga hilaw na materyales. c. Nagkakaroon ng kakapusan dahil hindi mapipigilan ang paglobo ng pupolasyon. d. Nagkakaroon ng kakapusan dahil may mga tao na hindi nag-iisip at inuuna ang pansariling interes at kapakanan. 15.Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap. b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon. c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
  • 24. 17 Gawain 8. I-KONEK MO Panuto: Ibigay ang mga kahulugan at ugnayan ng mga salita sa loob ng kahon. EKONOMIKS Opportunity Cost Trade-off KARAGDAGANG GAWAIN
  • 25. 18 PAALALA: Para sa Tagapagdaloy: Isaisip po na maaaring iba’t-iba ang mga sagot sa iba pang mga gawain sa modyul na ito. Bigyang panahon po na basahin ang iba’t-ibang mga sagot ng ating mag-aaral. Maraming salamat. SUSI SA PAGWAWASTO I. Mga sagot sa paunang pagtataya at pangwakas na pagtataya. 1. A 6. C 11. C 2. C 7. B 12. C 3. D 8. A 13. A 4. C 9. A 14. A 5. B 10. C 15. D II. Mga sagot sa mga gawain sa pagyamanin. A. Trade-off, Opportunity Cost, Marginal Thinking, Incentives B. Anong produkto ang gagawin? Paano ito gagawin? Para kanino ang produkto? Gaano karami ang gagawing produkto?
  • 26. 19 SANGGUNIAN  Balitao, Bernard R.,et. al. (2015). Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag – aaral. Vibal Groups, Inc. DepEd – IMCS. Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600.
  • 27. PARA SA MGA KATANUNGAN O PUNA, SUMULAT O TUMAWAG SA: Department of Education – Division of Guihulngan City Office Address: Osmeña Avenue, Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental Contact Number: (035)410–4069; (035)410-4066 E-mail Address: guihulngan.city@deped.gov.ph