SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
PAG-UGNAWA SA
SEKSWALIDAD NG
TAO
Ang opinyon ng isang tinedyer sa usapin tungkol sa sekswalidad sa
panahon ngayon ay mas kadalasang naihahayag niya sa kaniyang mga
kabarkada kaysa sa kaniyang pamilya. Ito ay maaring sa kadahilanang iniisip
niya na mas maiintindihan siya ng mga ito dahil halos magkapareho sila ng
pinagdadaanan. Dito siya nagkakamali sapagkat tanging mga nakatatanda
lamang, lalo na ang kaniyang sariling mga magulang at pamilya, ang
makapagbibigay sa kaniya ng tamang gabay at patnubay ukol sa mga usaping
may kinalaman sa sekswalidad ng tao.
Ang sekswalidad au hindi isang bagay na taglay ng tao. Bagkus, ito ay
tumutukoy sa kabuuan ng mga aspektong sikolohikal, pangdamdamin, pisikal,
at espiritwal ng kaniyang pagkatao. Sa ganitong pag-unawa lamang sa
sekswalidad maaari siyang makaiwas sa mapanirang gamit dito. Hindi
imposibleng magkaroon ng maayos na relasyong sekswal kung may
negatibong damdamin at pag-iisp hinggil sa mga nasabing apekto na
bumubuo sa pagkatao. Mahalagang tandaan na ang sekswalidad ay hindi
tumutukoy sa katawan kundi sa katauhan.
Suriin ang larawan. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol dito.
1. Anong una mong naisip kapag nakakita ka
ng ganitong sitwasyon?
2. Sa iyong palagay, paano mapapatibay ang
ganitong relasyon?
3. Ano ang palagay mo ang pamantayan ng
pakikipagrelasyon?
4. Kung ikaw ay tinutukso at hinihikayat ng
iyong karelasyon na patunayan ang iyong
pagmamahal sa pamamagitan ng
pagkaloob ng iyong sarili sa kaniya, ano
ang gagawin mo?
5. Sa iyong edad, sa tingin mo ba ay handa
ka nang pumasok sa isang relasyon? Bakit
o bakit hindi?
Basahin ang kuwento sa ibaba.
1. Paano nabuo ang pag-
ibig ni Liz kay Bert?
2. Sa palagay mo, tama ba
ang ginawang pagtatapat
ni Liza?
3. Ano kaya ang
kahihinatnan ngpag-ibig
ni Liza para kay Bart kung
inilihim niya lamang ito?
4. Kung ikaw si Liza,
gagawin mo rin ba ang
ginawa niya?
5. Kung ikaw si Bart, ano
ang magiging reaksiyon
mo?
Kasabay ng iyong pagdadalaga o pagbibinata ang mga pagbabago hindi lamang sa
iyong pisikal na kaanyuan at kakanyahan bilang babae o lalaki, kundi maging ang mga
pagbabago sa iyong mga interes at kinahihiligan. Marahil ay napapansin mo na
kaakibat din nito ang pagkapukaw ng iyong sekswal na interes. Ito ay isang natural na
bahagi ng prosesong iyong pinagdadaanan tungo sa iyong kaganapan bilang babae o
lalaki. Kung kaya’t hindi mo ito nararapat na ikababahala o ikahiya.
Bagama’t mahaba at hindi madali ang prosesong ito ng iyong paglago bilang isang
babae o lalaki, makatutulong ito upang mapaghandaan mo ang tamang panahon sa
paghanap ng iyong magiging kabiyak o kapares sa katapat na kasarian (kung iyong
mapagtatanto sa hinaharap na ang iyong bokasyon ay pag-aasawa). Kapag dumating
na ang panahong ito kung kalian handa ka na at kaya mo nang magmahal nang lubos
at wagas, saka mo lamang matatagpuan ang tamang lalaki o babae para sa iyo. Kaya
naman hindi mo kailangang madaliin ang pakikipagrelasyon dahil nararapat mo
munang pagtuunan ng pansin at pag-aralang mabuti ang pagkakaroon ng tamang
pananaw sa sekswalidad at ang paglinang sa birtud ng pagmamahal.
Ang sekswalidad ay isang behikulo na nagbibigay-daan sa pagiging ganap na tao,
bilang babae o lalaki. Higit pa ito sa pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng bawat isa
dahil ang pagpapakababae at pagpapakalalaki ay isang tungkulin na personal at
Malaya mogn piniling gampanan sa iyong buhay. Kung kaya’t nagsisilbing isang moral
na hamon sa ating lahat ang pagbubuo o pag-iisa ng ating sekswalidad at ng sarili
nating pagkatao tungo sa ating pagiging ganap na babae o lalaki. Sa pamamagitan ng
pag-iisang ito, maiiwasan ng sino man ang pagkakaroon ng kakulangan sa sariling
pagkatao na maari pang magdulot ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mga
karamdamang sikolohikal o karamdaman sa pag-iisip, at mga suliraning sekswal. Sa
yugtong ito ng iyong pagdadalaga o pagbibinata, nakasalalay sa iyong masusing
pagkilala sa iyong sariling pagkatao, maingat sa pagpapasiya, at angkop na pagpili ang
matagumpay na pagtugon sa hamon ng pag-iisa ng iyong sekswalidad at sariling
pagkatao.
Dahil ang pagmamahal ay ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao, at tao lang
din lamang ang may kakayahang magmahal ayon kay San Juan Pablo II,higit na
maging katangi-tangi, buo, at ganap ito kung mailalakip dito ang bawat element ng
tunay na pagmamahal ayon sa kung alin ang dapat mauna o mangibabaw. Kanilang sa
mga ito ang sex drive o sekswal na pagnanasa, ang will o kilos-loob, mga pandama at
emosyon, pakikipagkaibigan, at kalinisang puri.
Ngayong ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging sanhi ng pagpukaw ng iyong interes
sa katapat na kasarian. Ilan sa mga halimbawa nito ay:
• pamumula ng iyong mga pisngi tuwing kinakausap ka ng taong iyong
hinahangaan
• ang pagiging conscious mo sa iyong hitsura at pananamit kapaga magkasama
kayo ng iyong mga kasing-edad, at
• maging ang kakaibang pakiramdam na iyong nadarama kapag may nakita kang
lalaking matipuno o babaeng balingkinitan.
Ang iyong pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na mga damdaming ito at ang iyong
pagkaakit sa katapat na kasarian ay hindi nararapat na maging sanhi ng iyong
pagkalito, pagtataka o pagkahiya. Ang mga ito ay natural lamang na kaakibat ng iba
pang mga pagbabagong iyong pinagdadaanan, bagama’t hindi mo pa lubos na
mauunawaan ang mga ito. Makatutulong din ang mga ito sa iyong paghahanda
tungo sa iyong kaganapan bilang babae o lalaki kung mapamamahalaan mo ang
mga ito nang wasto.
Ang pagpukaw ng interes sa katapat na kasarian ay maaring iugnay sa sex drive o
simbuyong sekswal ng tao na higit ang pagkakaiba s asimbuyong sekswal ng hayop. Ang
simbuyong sekswal ng mga hayop ay naayon sa kanilang instinct, isang refelex mode o
awtomatikong kilos na hindi na nangangailangan ng kamalayan. Ito ang dahilan kung
bakit ginagawa nila kahit saan kung ano ang likas sa kanila gaya ng sekswal na pagsasama
upang panatilihin ang kanilang uri. Samantala, ang simbuyong sekswal o sekswal na
pagnanasa ng tao, na mas angkop tawagin bilang udyok o simbuyo ng damdamin, ay
bunga ng pagpili at nag-uugat sa pagmamahal.Ang tao ay may kamalayan, kalayaan, at
tuon sa pagsisikilos nito. Ito ay maaari niyang supilin, pamahalaan, at bigyan ng tamang
tugon. Sa ganitong paraan, maaari itong makatulong sa kaniyang paglago bilang tao at
magbigay ng kaganapan sa kaniya bilang babae o lalaki. Sa kabilang banda, ito ay maaari
din niyang hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao. Kung magkagayon man, maaari
naman itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o sa halip ay magiging sanhi
pa ng abnormalidad sa kaniyang sekswal na oryentasyon.
Kaya naman tunay ngang isang hamon ang wastong pamamahala at paggamit sa
udyok o sekswal na pagnanasa ng tao sa mabuting paraan gaya ng paglilingkod sa tunay
at tapat na pagmamahal o kaya naman ay pagtutuon nito sa isports, sa pagpapaunlad nf
sariling talent, hilig, o interes, at maging sa pag-aarala. Upang maisagawa ito, kailangan
nating kilalanin at tanggapin ang udyok o pagnanasang sekswal bilang bukal ng likas na
enerhiya, ayon kay Santo Juan Pablo II.
Puppy love o unang paghanga sa katapat na kasarian ay karaniwang bunga ng
senswalidad, na pinupukaw ng mga senses o pandama, at sentiment o damdamin,
na bunsod naman ng emosyon. Ito ay nadarama ng isang tao na naakit o napukaw
ang interes dulot ng kagandahan ng mukha, katawan, kilos, pananamit, o talent ng
isang tao. Ito ay maaaring mabuo, mawal, o lumalim at maging mas masidhi
paglipas ng panahon at pagkatapos ng lubusang pagkakakilala sa toang
hinahangaan.
Dahil ito ay lumilipas at maari pang mabago, hindi ito maituturing na tunay na
pagmamahal. Gayunpaman, maaari itong magsilbing pundasyon na maghahanda sa
isang tao para sa tunay na pagmamahal sa tamang panahon. Ang taong
hinahangaan ay maaari ding ituring bilang inspirasyon at motibasyon upang lalong
pagbutihin ng isang tao ang kaniyang Gawain at pag-aaral, at paunlarin ang
kaniyang sarili.
Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng taong
minamahal. Ito ay kusang ibinabahagi at ipinagkaloob at hindi idinidikta o
ipinagpipilitan. Ito ay pagtanggap sa kniyang buong pagkatao hindi lamang sa mga
bagay o katangiang kaibig-ibig sa kaniya. Ito rin ay pagbibigay-halaga at pagturing sa
kaniya bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan lamang na maaaring gamiting
upang mapunan ang ano mang pansariling pangangailanga. Ito ay bunga ng
pagpapasiyang magmahal, at isinaalang-alang nito ang pagtingin sa taong minamahal
bilang kapares at kapantay, paggalang sa dignidad at kalayaan ng isa’t isa, at
pagpapahalaga sa kani-kaniyang kapakanan at kabutihan.
Ayon kay Santo Juan Pablo II, tanging ang taong may kalinisang puri ang may
kakayahang magmahal ng tunay. Ito ay dahi kaakibat ng tunay na pagmamahal ang
pagbibigay-halaga sa kalinisang puri ng taong minamahal. Ang kalinisang puri ay isang
birtud na kumikilala sa tao bilang tao at hindi isang bagay. Sa panliligaw ng isang
binata sa dalagang kaniyang iniibig, naipapahayag niya ang kaniyang paggalang sa
kalinisang puri nito sa pamamagitan ng pagsasabing, “Malinis po ang hangarin ko sa
inyong anak”, sa harap ng mga magulang nito. Ito ay nagpapatunay na ang panlilugaw
ng binate bunga ng kaniyang pagmamahal sa dalaga at sa buong pagkatao nito hindi
lamang dahil sa taglay nitong ganda at halina.
Sa pagitan naman ng mga mag-asawa, naipamamalas ang tunay na pagmamahal
at paggalang sa kalinisang puri ng isa’t isa kung Malaya at buong pagtitiwala nilang
ibinibigay ang kanilang sarili at buong pagkatao sa isa’t isa. Ang kanilang pagsasama
ay hindi lamang dulot ng sekswal na pagnananasa. Bagkus, pinahahalagahan nila nag
pagkatao ng isa’t isa.
Dahil mapagbuklod ang tunay na pagmamahal, ipinaglalapit nito ang mga puso ng
dalawang taong nagmamahalan. Sa ganitong paraan, pinagsasaluhan ng mga
nagmamahalan ang iisang pagmamahal. Katumbas ng pagmamahal ba ito ang
paghahandog ng buogn pagkatao sa isa’t isa na lubos na naipamamalas sa
pamamagitang ng pagpapakasal. Sa pagpapakasala, ipinagkaloob ng bawat isa ang
kani-kanilang sarili at kalayaan sa isa’t isa habambuhay. Kasabay nito ang pagbibitiw
ng pangako ng pagmamahalan sa hirap man o ginhawa, sa sakit man o kalusugan,
maging hanggang sa kamatayan. Sa sumpaang ito, ipinahahayag ang pagtanggap sa
buong pagkatao ng isa’t isa, kasama na ang mga katangiang kanais-nais at hindi
kanais-nais.
Ang tunay na pagmamahal ay maipamamalas lamang ng isang taong ganap ang
pagkatao bilang babae o lalaki at mayroong kakayahang pangalagaan ang kaniyang
sarili. Sa panahong siya ay handa na at nakatagpo na ng kaniyang magiging kabiyak,
malugod niyang tatanggapin at gagampanan ang responsibilidad niya rito dahil sa
pagmamahal na kanilang pinagsasaluhan.
Gaya ng isang birtud, ang tunay na pagmamahal ay nangangailangan ng
paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito. Ito ay lagging nakatuon sa kabutihan ng
taong minamahal at maging ng dalawang taong pinag-isa ng pagmamahalang ito.
Lumipas mang ang paghanga bunsod ng mga pandama at ng matinding emosyon,
mananatiling nag-aalab ang tunay na pagmamamahal dahil ito ay nakabatay sa
pagtanggap sa buong pagkatao ng minamahal. Higit ding napabubuti nito ang mga
taong nagmamahalan.
Ang tunay na pagmamahal ay mapanlikha rin dahil ito ay nagbibigay-buhay sa
pamamagitan ng pisikal o sekswal na paraan (pagsisilang ng sanggol) at ispiritwal
na paraan (pamumuhay bilang biyaya sa kapwa). Alin man sa mga paraang ito ang
isabuhay ng tao, mabibigyang-katuparan pa rin ang kaniyang bokasyon sa
pagmamahal bilang tao dahil mabunga at makabuluhan ang kaniyang buhay sa
mundo.
Upang masumpungan naman ang tunay na pagmamahal, kailangang matuto ang
bawat isa sa mga naging karanasan ng mga taong dumanas nito. Dapat ding
paglabanan ang labis na materyalismo at pagiging makasarili. Higit sa lahat,
nararapat na pakatandaan na ang pagmamahal ay patuloy na bumubukal mula sa
Diyos sa tulong ng kaniyang biyaya.

More Related Content

What's hot

Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganJared Ram Juezan
 
EsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 PakikipagkaibiganEsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 PakikipagkaibiganMich Timado
 
EsP 8 Modyul 14 (Part 2)
EsP 8 Modyul 14 (Part 2)EsP 8 Modyul 14 (Part 2)
EsP 8 Modyul 14 (Part 2)Mich Timado
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
Modyul 9 EsP 10- Ang Maingat na Paghuhusga
Modyul 9 EsP 10- Ang Maingat na PaghuhusgaModyul 9 EsP 10- Ang Maingat na Paghuhusga
Modyul 9 EsP 10- Ang Maingat na PaghuhusgaPrivate Tutor
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEdna Azarcon
 
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaPagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaYhanzieCapilitan
 
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang PakikipagkapwaEsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang PakikipagkapwaMich Timado
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Reinaliza Perido
 
Katapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaKatapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaMaricar Valmonte
 
Ang papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunanAng papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunanJames Malicay
 

What's hot (20)

Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
EsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 PakikipagkaibiganEsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
EsP 8 Modyul 6 Pakikipagkaibigan
 
EsP 8 Modyul 14 (Part 2)
EsP 8 Modyul 14 (Part 2)EsP 8 Modyul 14 (Part 2)
EsP 8 Modyul 14 (Part 2)
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
Ang pagkakaibigan
Ang pagkakaibiganAng pagkakaibigan
Ang pagkakaibigan
 
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptxESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
 
Emosyon esp 8
Emosyon esp 8Emosyon esp 8
Emosyon esp 8
 
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGABIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
 
Modyul 9 EsP 10- Ang Maingat na Paghuhusga
Modyul 9 EsP 10- Ang Maingat na PaghuhusgaModyul 9 EsP 10- Ang Maingat na Paghuhusga
Modyul 9 EsP 10- Ang Maingat na Paghuhusga
 
ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
 
EsP-10-Q3-Week 2.pptx
EsP-10-Q3-Week 2.pptxEsP-10-Q3-Week 2.pptx
EsP-10-Q3-Week 2.pptx
 
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaPagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
 
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang PakikipagkapwaEsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon
 
Katapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaKatapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawa
 
EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3
 
ESP 10 Modyul 15
ESP 10 Modyul 15 ESP 10 Modyul 15
ESP 10 Modyul 15
 
Ang papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunanAng papel ng pamilya sa lipunan
Ang papel ng pamilya sa lipunan
 
Karahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralanKarahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralan
 

Similar to Pag ugnawa sa sekswalidad ng tao

pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.pptpag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.pptpastorpantemg
 
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.pptpag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.pptpastorpantemg
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptxynengmead28
 
Isyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na Markahan
Isyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na MarkahanIsyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na Markahan
Isyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na MarkahanJun-Jun Borromeo
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values EducationMayAnnCorpuz2
 
ESP Module 14 - Issues on Sexuality
ESP Module 14 - Issues on SexualityESP Module 14 - Issues on Sexuality
ESP Module 14 - Issues on SexualityFrancis Hernandez
 
ESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdf
ESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdfESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdf
ESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdfJennifer Maico
 
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDADMGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDADjesus abalos
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxSahleeGabiaBaja
 
Lesson 1 MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptx
Lesson 1   MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptxLesson 1   MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptx
Lesson 1 MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptxDanFacunFernandezJr
 
MODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptx
MODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptxMODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptx
MODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptxMaamAraJelene
 
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptx
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptxMga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptx
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptxNhazTee
 

Similar to Pag ugnawa sa sekswalidad ng tao (20)

pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.pptpag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
 
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.pptpag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
pag-unawasaseksuwalidadngtao-220406143349.ppt
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Mdyul 13 sekswalidad.pptx
 
Isyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na Markahan
Isyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na MarkahanIsyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na Markahan
Isyung Moral: seksuwalidan- Ikaapat na Markahan
 
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
4th quarter Modyul 1.Grade 8 Values Education
 
Module 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiyaModule 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiya
 
ESP Module 14 - Issues on Sexuality
ESP Module 14 - Issues on SexualityESP Module 14 - Issues on Sexuality
ESP Module 14 - Issues on Sexuality
 
ESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdf
ESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdfESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdf
ESP 8 _Quarter 3_ARALIN 16 PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSWALIDAD.pdf
 
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
 
Esp 9
Esp 9Esp 9
Esp 9
 
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
 
seksuwalidad.pptx
seksuwalidad.pptxseksuwalidad.pptx
seksuwalidad.pptx
 
Sim EsP 10 Modyul 15
Sim EsP 10 Modyul 15Sim EsP 10 Modyul 15
Sim EsP 10 Modyul 15
 
ESPQ4M2.pptx
ESPQ4M2.pptxESPQ4M2.pptx
ESPQ4M2.pptx
 
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDADMGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
 
Lesson 1 MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptx
Lesson 1   MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptxLesson 1   MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptx
Lesson 1 MORALIDAD AT SEKSUWALIDAD.pptx
 
MODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptx
MODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptxMODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptx
MODUYL 13 SEKSUWALIDAD.pptx
 
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptx
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptxMga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptx
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad.pptx
 
Aralin ii tama o mali, paano ba
Aralin ii  tama o mali, paano baAralin ii  tama o mali, paano ba
Aralin ii tama o mali, paano ba
 

More from YhanzieCapilitan (20)

Breezes
BreezesBreezes
Breezes
 
Responsible parenthood
Responsible parenthoodResponsible parenthood
Responsible parenthood
 
The atmosphere
The atmosphereThe atmosphere
The atmosphere
 
Gravity
GravityGravity
Gravity
 
Maternal health concerns
Maternal health concernsMaternal health concerns
Maternal health concerns
 
Energy
EnergyEnergy
Energy
 
Heat energy
Heat energyHeat energy
Heat energy
 
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyonPagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
Pagtukoy at pagtugon sa epekto ng migrasyon
 
Friction
FrictionFriction
Friction
 
Dating, courtship, and marriage
Dating, courtship, and marriageDating, courtship, and marriage
Dating, courtship, and marriage
 
Periodic table
Periodic tablePeriodic table
Periodic table
 
Kinematic equations
Kinematic equationsKinematic equations
Kinematic equations
 
Magkasingkahulugan at magkasalungat
Magkasingkahulugan at magkasalungatMagkasingkahulugan at magkasalungat
Magkasingkahulugan at magkasalungat
 
Velocity
VelocityVelocity
Velocity
 
Teenage concerns
Teenage concernsTeenage concerns
Teenage concerns
 
Sound energy
Sound energySound energy
Sound energy
 
Velocity
VelocityVelocity
Velocity
 
Teknolohiya
TeknolohiyaTeknolohiya
Teknolohiya
 
Mangrove swamps
Mangrove swampsMangrove swamps
Mangrove swamps
 
Electron configuration
Electron configurationElectron configuration
Electron configuration
 

Recently uploaded

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 

Pag ugnawa sa sekswalidad ng tao

  • 2. Ang opinyon ng isang tinedyer sa usapin tungkol sa sekswalidad sa panahon ngayon ay mas kadalasang naihahayag niya sa kaniyang mga kabarkada kaysa sa kaniyang pamilya. Ito ay maaring sa kadahilanang iniisip niya na mas maiintindihan siya ng mga ito dahil halos magkapareho sila ng pinagdadaanan. Dito siya nagkakamali sapagkat tanging mga nakatatanda lamang, lalo na ang kaniyang sariling mga magulang at pamilya, ang makapagbibigay sa kaniya ng tamang gabay at patnubay ukol sa mga usaping may kinalaman sa sekswalidad ng tao. Ang sekswalidad au hindi isang bagay na taglay ng tao. Bagkus, ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga aspektong sikolohikal, pangdamdamin, pisikal, at espiritwal ng kaniyang pagkatao. Sa ganitong pag-unawa lamang sa sekswalidad maaari siyang makaiwas sa mapanirang gamit dito. Hindi imposibleng magkaroon ng maayos na relasyong sekswal kung may negatibong damdamin at pag-iisp hinggil sa mga nasabing apekto na bumubuo sa pagkatao. Mahalagang tandaan na ang sekswalidad ay hindi tumutukoy sa katawan kundi sa katauhan.
  • 3. Suriin ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito. 1. Anong una mong naisip kapag nakakita ka ng ganitong sitwasyon? 2. Sa iyong palagay, paano mapapatibay ang ganitong relasyon? 3. Ano ang palagay mo ang pamantayan ng pakikipagrelasyon? 4. Kung ikaw ay tinutukso at hinihikayat ng iyong karelasyon na patunayan ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagkaloob ng iyong sarili sa kaniya, ano ang gagawin mo? 5. Sa iyong edad, sa tingin mo ba ay handa ka nang pumasok sa isang relasyon? Bakit o bakit hindi?
  • 4. Basahin ang kuwento sa ibaba. 1. Paano nabuo ang pag- ibig ni Liz kay Bert? 2. Sa palagay mo, tama ba ang ginawang pagtatapat ni Liza? 3. Ano kaya ang kahihinatnan ngpag-ibig ni Liza para kay Bart kung inilihim niya lamang ito? 4. Kung ikaw si Liza, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? 5. Kung ikaw si Bart, ano ang magiging reaksiyon mo?
  • 5. Kasabay ng iyong pagdadalaga o pagbibinata ang mga pagbabago hindi lamang sa iyong pisikal na kaanyuan at kakanyahan bilang babae o lalaki, kundi maging ang mga pagbabago sa iyong mga interes at kinahihiligan. Marahil ay napapansin mo na kaakibat din nito ang pagkapukaw ng iyong sekswal na interes. Ito ay isang natural na bahagi ng prosesong iyong pinagdadaanan tungo sa iyong kaganapan bilang babae o lalaki. Kung kaya’t hindi mo ito nararapat na ikababahala o ikahiya. Bagama’t mahaba at hindi madali ang prosesong ito ng iyong paglago bilang isang babae o lalaki, makatutulong ito upang mapaghandaan mo ang tamang panahon sa paghanap ng iyong magiging kabiyak o kapares sa katapat na kasarian (kung iyong mapagtatanto sa hinaharap na ang iyong bokasyon ay pag-aasawa). Kapag dumating na ang panahong ito kung kalian handa ka na at kaya mo nang magmahal nang lubos at wagas, saka mo lamang matatagpuan ang tamang lalaki o babae para sa iyo. Kaya naman hindi mo kailangang madaliin ang pakikipagrelasyon dahil nararapat mo munang pagtuunan ng pansin at pag-aralang mabuti ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad at ang paglinang sa birtud ng pagmamahal.
  • 6. Ang sekswalidad ay isang behikulo na nagbibigay-daan sa pagiging ganap na tao, bilang babae o lalaki. Higit pa ito sa pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng bawat isa dahil ang pagpapakababae at pagpapakalalaki ay isang tungkulin na personal at Malaya mogn piniling gampanan sa iyong buhay. Kung kaya’t nagsisilbing isang moral na hamon sa ating lahat ang pagbubuo o pag-iisa ng ating sekswalidad at ng sarili nating pagkatao tungo sa ating pagiging ganap na babae o lalaki. Sa pamamagitan ng pag-iisang ito, maiiwasan ng sino man ang pagkakaroon ng kakulangan sa sariling pagkatao na maari pang magdulot ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mga karamdamang sikolohikal o karamdaman sa pag-iisip, at mga suliraning sekswal. Sa yugtong ito ng iyong pagdadalaga o pagbibinata, nakasalalay sa iyong masusing pagkilala sa iyong sariling pagkatao, maingat sa pagpapasiya, at angkop na pagpili ang matagumpay na pagtugon sa hamon ng pag-iisa ng iyong sekswalidad at sariling pagkatao.
  • 7. Dahil ang pagmamahal ay ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao, at tao lang din lamang ang may kakayahang magmahal ayon kay San Juan Pablo II,higit na maging katangi-tangi, buo, at ganap ito kung mailalakip dito ang bawat element ng tunay na pagmamahal ayon sa kung alin ang dapat mauna o mangibabaw. Kanilang sa mga ito ang sex drive o sekswal na pagnanasa, ang will o kilos-loob, mga pandama at emosyon, pakikipagkaibigan, at kalinisang puri.
  • 8.
  • 9. Ngayong ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging sanhi ng pagpukaw ng iyong interes sa katapat na kasarian. Ilan sa mga halimbawa nito ay: • pamumula ng iyong mga pisngi tuwing kinakausap ka ng taong iyong hinahangaan • ang pagiging conscious mo sa iyong hitsura at pananamit kapaga magkasama kayo ng iyong mga kasing-edad, at • maging ang kakaibang pakiramdam na iyong nadarama kapag may nakita kang lalaking matipuno o babaeng balingkinitan. Ang iyong pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na mga damdaming ito at ang iyong pagkaakit sa katapat na kasarian ay hindi nararapat na maging sanhi ng iyong pagkalito, pagtataka o pagkahiya. Ang mga ito ay natural lamang na kaakibat ng iba pang mga pagbabagong iyong pinagdadaanan, bagama’t hindi mo pa lubos na mauunawaan ang mga ito. Makatutulong din ang mga ito sa iyong paghahanda tungo sa iyong kaganapan bilang babae o lalaki kung mapamamahalaan mo ang mga ito nang wasto.
  • 10. Ang pagpukaw ng interes sa katapat na kasarian ay maaring iugnay sa sex drive o simbuyong sekswal ng tao na higit ang pagkakaiba s asimbuyong sekswal ng hayop. Ang simbuyong sekswal ng mga hayop ay naayon sa kanilang instinct, isang refelex mode o awtomatikong kilos na hindi na nangangailangan ng kamalayan. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa nila kahit saan kung ano ang likas sa kanila gaya ng sekswal na pagsasama upang panatilihin ang kanilang uri. Samantala, ang simbuyong sekswal o sekswal na pagnanasa ng tao, na mas angkop tawagin bilang udyok o simbuyo ng damdamin, ay bunga ng pagpili at nag-uugat sa pagmamahal.Ang tao ay may kamalayan, kalayaan, at tuon sa pagsisikilos nito. Ito ay maaari niyang supilin, pamahalaan, at bigyan ng tamang tugon. Sa ganitong paraan, maaari itong makatulong sa kaniyang paglago bilang tao at magbigay ng kaganapan sa kaniya bilang babae o lalaki. Sa kabilang banda, ito ay maaari din niyang hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao. Kung magkagayon man, maaari naman itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o sa halip ay magiging sanhi pa ng abnormalidad sa kaniyang sekswal na oryentasyon.
  • 11. Kaya naman tunay ngang isang hamon ang wastong pamamahala at paggamit sa udyok o sekswal na pagnanasa ng tao sa mabuting paraan gaya ng paglilingkod sa tunay at tapat na pagmamahal o kaya naman ay pagtutuon nito sa isports, sa pagpapaunlad nf sariling talent, hilig, o interes, at maging sa pag-aarala. Upang maisagawa ito, kailangan nating kilalanin at tanggapin ang udyok o pagnanasang sekswal bilang bukal ng likas na enerhiya, ayon kay Santo Juan Pablo II.
  • 12. Puppy love o unang paghanga sa katapat na kasarian ay karaniwang bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng mga senses o pandama, at sentiment o damdamin, na bunsod naman ng emosyon. Ito ay nadarama ng isang tao na naakit o napukaw ang interes dulot ng kagandahan ng mukha, katawan, kilos, pananamit, o talent ng isang tao. Ito ay maaaring mabuo, mawal, o lumalim at maging mas masidhi paglipas ng panahon at pagkatapos ng lubusang pagkakakilala sa toang hinahangaan. Dahil ito ay lumilipas at maari pang mabago, hindi ito maituturing na tunay na pagmamahal. Gayunpaman, maaari itong magsilbing pundasyon na maghahanda sa isang tao para sa tunay na pagmamahal sa tamang panahon. Ang taong hinahangaan ay maaari ding ituring bilang inspirasyon at motibasyon upang lalong pagbutihin ng isang tao ang kaniyang Gawain at pag-aaral, at paunlarin ang kaniyang sarili.
  • 13. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng taong minamahal. Ito ay kusang ibinabahagi at ipinagkaloob at hindi idinidikta o ipinagpipilitan. Ito ay pagtanggap sa kniyang buong pagkatao hindi lamang sa mga bagay o katangiang kaibig-ibig sa kaniya. Ito rin ay pagbibigay-halaga at pagturing sa kaniya bilang tao at hindi isang bagay o kasangkapan lamang na maaaring gamiting upang mapunan ang ano mang pansariling pangangailanga. Ito ay bunga ng pagpapasiyang magmahal, at isinaalang-alang nito ang pagtingin sa taong minamahal bilang kapares at kapantay, paggalang sa dignidad at kalayaan ng isa’t isa, at pagpapahalaga sa kani-kaniyang kapakanan at kabutihan.
  • 14. Ayon kay Santo Juan Pablo II, tanging ang taong may kalinisang puri ang may kakayahang magmahal ng tunay. Ito ay dahi kaakibat ng tunay na pagmamahal ang pagbibigay-halaga sa kalinisang puri ng taong minamahal. Ang kalinisang puri ay isang birtud na kumikilala sa tao bilang tao at hindi isang bagay. Sa panliligaw ng isang binata sa dalagang kaniyang iniibig, naipapahayag niya ang kaniyang paggalang sa kalinisang puri nito sa pamamagitan ng pagsasabing, “Malinis po ang hangarin ko sa inyong anak”, sa harap ng mga magulang nito. Ito ay nagpapatunay na ang panlilugaw ng binate bunga ng kaniyang pagmamahal sa dalaga at sa buong pagkatao nito hindi lamang dahil sa taglay nitong ganda at halina. Sa pagitan naman ng mga mag-asawa, naipamamalas ang tunay na pagmamahal at paggalang sa kalinisang puri ng isa’t isa kung Malaya at buong pagtitiwala nilang ibinibigay ang kanilang sarili at buong pagkatao sa isa’t isa. Ang kanilang pagsasama ay hindi lamang dulot ng sekswal na pagnananasa. Bagkus, pinahahalagahan nila nag pagkatao ng isa’t isa.
  • 15. Dahil mapagbuklod ang tunay na pagmamahal, ipinaglalapit nito ang mga puso ng dalawang taong nagmamahalan. Sa ganitong paraan, pinagsasaluhan ng mga nagmamahalan ang iisang pagmamahal. Katumbas ng pagmamahal ba ito ang paghahandog ng buogn pagkatao sa isa’t isa na lubos na naipamamalas sa pamamagitang ng pagpapakasal. Sa pagpapakasala, ipinagkaloob ng bawat isa ang kani-kanilang sarili at kalayaan sa isa’t isa habambuhay. Kasabay nito ang pagbibitiw ng pangako ng pagmamahalan sa hirap man o ginhawa, sa sakit man o kalusugan, maging hanggang sa kamatayan. Sa sumpaang ito, ipinahahayag ang pagtanggap sa buong pagkatao ng isa’t isa, kasama na ang mga katangiang kanais-nais at hindi kanais-nais. Ang tunay na pagmamahal ay maipamamalas lamang ng isang taong ganap ang pagkatao bilang babae o lalaki at mayroong kakayahang pangalagaan ang kaniyang sarili. Sa panahong siya ay handa na at nakatagpo na ng kaniyang magiging kabiyak, malugod niyang tatanggapin at gagampanan ang responsibilidad niya rito dahil sa pagmamahal na kanilang pinagsasaluhan.
  • 16. Gaya ng isang birtud, ang tunay na pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito. Ito ay lagging nakatuon sa kabutihan ng taong minamahal at maging ng dalawang taong pinag-isa ng pagmamahalang ito. Lumipas mang ang paghanga bunsod ng mga pandama at ng matinding emosyon, mananatiling nag-aalab ang tunay na pagmamamahal dahil ito ay nakabatay sa pagtanggap sa buong pagkatao ng minamahal. Higit ding napabubuti nito ang mga taong nagmamahalan. Ang tunay na pagmamahal ay mapanlikha rin dahil ito ay nagbibigay-buhay sa pamamagitan ng pisikal o sekswal na paraan (pagsisilang ng sanggol) at ispiritwal na paraan (pamumuhay bilang biyaya sa kapwa). Alin man sa mga paraang ito ang isabuhay ng tao, mabibigyang-katuparan pa rin ang kaniyang bokasyon sa pagmamahal bilang tao dahil mabunga at makabuluhan ang kaniyang buhay sa mundo. Upang masumpungan naman ang tunay na pagmamahal, kailangang matuto ang bawat isa sa mga naging karanasan ng mga taong dumanas nito. Dapat ding paglabanan ang labis na materyalismo at pagiging makasarili. Higit sa lahat, nararapat na pakatandaan na ang pagmamahal ay patuloy na bumubukal mula sa Diyos sa tulong ng kaniyang biyaya.