1. Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10
Unang Markahan
I. Mga Layunin:
A.Natutukoy ang pagkakaiba sa mga gamit ng pandiwa.
B.Nakapagbabahagi ng sariling opinyon ukol sa paksa.
C.Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pandiwa.
II. Paksang Aralin
A. Paksa
a. Panitikan: Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan (Mito mula sa Cordillera)
b. Gramatika at Retorika: Gamit ng Pandiwa
c. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
B. Kagamitang Panturo: kopya ng akda
C. Sanggunian:
Ambat, Vilma C.,Ma. Teresa B. Marcelo,Eric O. Carino,et al.,Modyul para sa
mga mag-aaral.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magandang hapon mga mag-aaral. Pakipulot
ang mga kalat sa sahig.
A. Pagganyak
Atin nang simulan ang aralin sa araw na ito.
Sa inyong pananaw, maaari kayang maging
mag-asawa ang magkapatid?
Bakit mo naman nasabi na hindi?
Ano pa?
Magandang hapon din po guro.
Ma’am hindi po yata.
Hindi po puwede dahil magkadugo sila. At
baka may masabi po ang ibang tao.
Ma’am sabi po ng titser naming sa Biology eh
mahirap po kapag nag-asawa ang magkadugo
dahil maaaring magkaroon ng abnormalities
‘yong mga magiging anak nila.
2. Tama. Dahil ayon sa mga eksperto,
napatunayan na magkakaroon ng depekto ang
bata, mapapisikal man o mental kapag
nagsama ang magkaparehong genes.
Kung ganoon, hindi talaga dapat maging mag-
asawa ang dalawang magkadugo. Ngunit sa
isang mito na ating babasahin, matutunghayan
natin ang kuwento ng magkapatid na sina
Bugan at Wigan na naging mag-asawa. Ang
kuwentong ito ay nauuri sa mito na mula sa
Cordillera.
(Magkakaroon ng dugtungang pagbasa)
NAGKAROON NG ANAK SINA WIGAN
AT BUGAN
Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa
B. Aguilar-Carino
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
“Hay, ano ang saysay ng buhay?”, naibulalas
ni Bugan sa kanyang asawang si Wigan.
“Hindi man lang tayo magkaroon ng anak;
mukhang hindi pinapakinggan ng mga diyos
an gating mga panalangin!.”
Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka!
Pero halika muna, mag-momma tayo at saka
natin isipin kung ano ang dapat gawin.”
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang
nakapagdesisyon si Bugan na magtungo sa
tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka
lang Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na
sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos
ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kaniyang
paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan
sa Poitan, nagtungo sa silangan papuntang
Nahbah, Baninnan. Tumawid siya sa ilog ng
Kinakin at narrating niya ang lawa sa
Yes ma’am.Kasi po may napanood ako noon
sa MMK na ganyan. ‘Yong anak po ng mag-
asawang magkadugo ay abnormal ‘yong balat
ng anak. May kaliskis po ma’am.
3. Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa.
Tinanong siya nito “Saan ka pupunta
Bugan?”, “Pupunta ako ng Silangan para
maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi
kami magkaroon ng anak ni Wigan.” Tumawa
ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan”,
wika nito. “Sige magtungo ka sa silangan at
makipagkita ka sa mga diyos.”
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang
paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos.
Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya
roon ang isang buwaya. “Tao, bakiy ka
naririto?”, Paguusisa ng buwaya. “Ako si
Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng
lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking
asawa”, sagot ni bugan. Humikab ang buwaya
at nagsabing, “Hindi kita maaaring kainin
sapagkat napakaganda mo.” Ipinagpatuloy
muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at
nakarating sa tahanan ng kinakatakutang
pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng
kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at
nagwika, “Pakiusap, kainin mon a ako.
Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayoko
nang mabuhay pa kung hindi ako
magkakaroon ng anak” Sumagot ang pating,
“Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita.
Napakaganda mo. Halika muna sa aking
tahanan at kumain, bago mo ipagpatuloy ang
iyong paglalakbay.”
Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-
kainan, muling naglakad patungong silangan
si Bugan. Sa wakas ay narrating niya ang
tahanan ng mga diyos na sina Ngilin,
Bumakker, at iba pang mga diyos. Labis
siyang napagod kaya humiga muna siya sa
lusong na nasal abas ng bahay. Doon hinintay
ang mga diyos. Lingid sa kaniyang kaalaman,
nasa loob ng bahay si Bumakker.
“May naaamoy akong tao”, sabi nu
Bumakker. Lumabas siya ng bahay upang
hanapin ang pinanggagalingan ng amoy.
Nakita niya ang isang magandang babae na
4. nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng
ginagawa mo rito, Bugan?”, tanong niya
habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay,
sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng
anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon”,
wika ni Bugan.
“Kahibangan”, wika ni Bumakkar habang
tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at
kung nasaan pa ang iba”, wika ni Bumakker.
Nalugod ang mga diyos na Makita si Bugan.
Nagbugay sila ng regaling baboy, manok at
kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa
Kiyangan. Doon ka naming tuturuan ng ritwal
na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak,
masaganang ani at pamumuhay.”
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan.
Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging
dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng
ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan
ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga
diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang
mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa
dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni
Bugan.
B. Paglalahad
Mula sa binasa nating mito may ginamit bang
mga pandiwa?
Mula sa mito magbigay ng tatlong halimbawa
na pangungusap na may pandiwa. Pakisulat sa
pisara at salungguhitan ang mga pandiwa.
Magaling ano pa?
Magbigay pa ng isang pangyayari sa kuwento
na may pandiwa.
Maraming salamat.
Ma’am mayroon po.
Ma’am, Pumunta si bugan sa kinaroroonan ng
mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang,
at ang diyos ng mga hayop.
Tumawa ang igat.
Nalugod ang mga diyos na Makita si Bugan.
5. Ang mga nasalungguhitan sa mga sumusunod
na pangungusap ay mga pandiwa, nagsasaad
ng kilos o galaw. Ang mga pandiwang ito ay
may kanya-kanyang gamit—aksiyon,
karanasan at pangyayari.
1.Pumunta si Bugan sa kinaroroonan ng
mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang,
at ang diyos ng mga hayop.
2.Tumawa ang igat.
3.Nalugod ang mga diyos nang makita si
Bugan.
Ang unang pandiwa ay pumunta na nilapian
ng –um. Tandaan, kung ang isang pandiwa ay
nilapian ng –um, ma-, mag-, mang-, at mag-
an, ito ay tinatawag na Aksiyon. Hindi lang
iyan, may aksiyon ang isang pandiwa kapag
may aktor o tagaganap ng kilos. At ang aktor
ay maaaring tao o bagay.
Naintindihan?
Tingnan naman natin ang pangalawang
pangungusap. Ang pandiwa rito ay tumawa.
Ang pandiwang tumawa ay nagpapahayag ng
damdamin o saloobin. Ito ang tinatawag na
Karanasan.
Kung ang Aksiyon ay matatawag na aksiyon
kung may tagaganap o aktor, ang karanasan
naman ay ano?
Tama. Maaaring magpahayag ang karanasan
o damdamin ang isang pandiwa. Sa ganitong
sitwasyon, may tagaranas ng damdamin o
emosyon.
Sa ating pangalawang halimbawa, ‘Tumawa
ang igat’, sino ang nakakaramdam ng
damdamin?
Tama katulad din sa Aksiyon ang tagaranas sa
Karanasan ay maaaring tao, bagay o maging
Opo ma’am.
Siyempre po ma’am kapag may tagaranas.
Ma’am ang igat po.
6. mga hayop.
Kung mayroong aksiyon at karanasan,
mayroon din tayong tinatawag na Pangyayari
na kung saan, ang pandiwa ay resulta o
kinalabasan ng pangyayari.
Ang pandiwa sa ating pangatlong
pangungusap ay nalugod, at ito ay isang
damdamin ngunit resulta o kinalabasan ito ng
pangyayari. Bakit nalugod ang mga diyos?
Tama. Ang pandiwang nalugod ay resulta ng
pangyayaring dahil nakita nila si Bugan.
Isa pang halimbawa. Magbigay kayo ng
pandiwa.
Salamat. (Bubuo ang guro ng isang
pangungusap gamit ang nasabing pandiwa.)
Umiiyak ang kalangitan sa pagpanaw ng
magiting na bayani.
Ano ang pangyayari sa pangungusap?
Mahusay. Ang pandiwa ay umiiyak na kung
saan, ito ang resulta ng pangyayaring
pagpanaw ng magiting na bayani. Ang
aksiyon, karanasan, at pangyayari ay
tinatawag nating Mga Gamit ng Pandiwa.
Maliwanag ba?
May katanungan?
C. Paglalahat
Dugtungang pagkukuwento ibuod ang napag-
aralan nating mito.
Dahil po nakita nila si Bugan.
Ma’am, umiyak.
Walang anuman po guro.
Ang pagpanaw po ng magiting na bayani.
Opo.
Wala na po.
Hindi magka-anak sina Wigan at Bugan.
Nagpasyang maglakbay si Bugan para
hanapin ang mga diyos na sina Ngilin,
Bumakkar at ang mga diyos ng mga hayop.
Hanggang sa makarating siya sa bahay ng
mga diyos at itinuro ang ritwal na Bu-ad.
Makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon sila
ng anak.
7. Kailangan ko ng dalawang boluntaryong mag-
aaral upang ibigay ang pagkakaiba ng
aksiyon, karanasan at pangyayari bilang gamit
ng pandiwa.
Maraming Salamat sa mga sumagot.
D. Aplikasyon
PAHUSAYAN-PABILISAN
Panuto: Ang mga mag-aaral ay papangkatin
sa lima. Bawat grupo ay paunahang itataas
ang kamay ng lider at isasabi ang tamang
sagot matapos basahin ng guro ang mga
pangungusap at pagbanggit ng mga pandiwa.
1.Ginawa ni Rina ang lahat upang
maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay
Cupid. (Pangyayari)
2.Labis na nasiyahan ang mga bata sa bahay-
ampunan. (Karanasan)
3.Patuloy na naglakbay ang mga mensahero
patungong Gresya. (Aksiyon)
4.Dahil sa panunukso ng kanyang mga
kamag-aral, lumipat siya ng paaralan.
(Pangyayari)
5.Ibinuhos niya sa harap ni Vupid ang isang
malaking lalagyan na puno. (Aksiyon)
E. Pagtataya
Panuto: Bumuo ng tigtatatlong
pangungusap na may pandiwang ginamit
bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari.
Isulat ito sa isang kalahating papel.
May Aksiyon pandiwa kapag may actor o
tagaganap ng aksiyon o kilos. Maaaring tao o
bagay ang actor.
Nagpapahayag ng Karanasan ang pandiwa
kapag may damdamin at may tagaranas ng
damdamin o saloobin.
Ang huli, ay ang Pangyayari na ang pandiwa
ay resulta ng isang pangyayari.
Walang Anuman po guro.
8. V. Takdang Aralin
Panuto: Mamili ng dalawang kasama. Magsagawa ng isang panayam sa isang lolo o lola
sa inyong pamilya o komunidad. Magpakuwento sa kanila ng mga mito. Isulat at isalaysay muli
ang mito ayon sa inyong pagkakaunawa. Sikaping isaalang-alang ang tatlong gamit ng pandiwa
upang mailahad nang malinaw ang mga pangyayari sa mito. Salungguhitan ang mga ito at ilahad
kung anong gamit ng pandiwa sa pangungusap.
INIHANDA NINA:
Bagni, Labinia A.
Cales, Shirly B.
Lumsec, Nherick A.
Valdez, Darlene Joy