Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Bukod sa pagbibigay ng
kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ay may iba pang paraan
upang makilala ang kahulugan ng
...
Ang kahulugan ng mga salita ay
makikila ayon sa…
1. Talinghaga at Idyoma
 Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may
...
Narito ang halimbawa ng mga
idyoma at mga kahulugan nito.
• balat-sibuyas -- maramdamin
• basang sisiw -- kaawa-awa;api
• ...
Narito ang halimbawa ng mga
idyoma at mga kahulugan nito.
•laylay ang balikat -- bigo
• magbilang ng poste -- walang traba...
2. Konotasyon at Denotasyon –
 Ito ang dalawang dimensiyon sa
pagpapakahulugan ng mga salita.
 Ang denotasyon ay karaniw...
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang
halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang
makulay)
b. Lumalaki na an...
3. Tindi ng Kahulugan o Clining
– Ito ay pag-aayos ng
kahulugan ng salita ayon sa
intensidad o tindi ng
kahulugang nais ip...
Poot (matinding galit na halos
gusto nang makapanakit)
Suklam (matinding galit sa dibdib
na matagal bago mawala)
Galit (tu...
4. Paggamit ng contextual na clue –
Ang kahulugan ng salita ay
mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
Halimbawa:
...
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan

16,799 views

Published on

Aralin sa Filipino 8 hango sa Pinagyamang Pluma

Published in: Education
  • Be the first to comment

Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan

  1. 1. Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita. Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitan ng isang mambabasa, tagapanood, o tagapakinig.
  2. 2. Ang kahulugan ng mga salita ay makikila ayon sa… 1. Talinghaga at Idyoma  Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.  Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.  Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.  Katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
  3. 3. Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito. • balat-sibuyas -- maramdamin • basang sisiw -- kaawa-awa;api • buto’t balat -- payat na payat • huling hantungan -- libingan • ikapitong langit -- malaking katuwaan
  4. 4. Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito. •laylay ang balikat -- bigo • magbilang ng poste -- walang trabaho • magdildil ng asin -- maghirap • mahaba ang pisi -- pasensyoso • pabalat-bunga -- hindi totoo
  5. 5. 2. Konotasyon at Denotasyon –  Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita.  Ang denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
  6. 6. Halimbawa: a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay) b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod- bahay. (halamang lumalaki nang mataas) Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan. halimbawa: a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan.(babae) b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.(magulang/angkan)
  7. 7. 3. Tindi ng Kahulugan o Clining – Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
  8. 8. Poot (matinding galit na halos gusto nang makapanakit) Suklam (matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala) Galit (tumatagal na inis) Inis (tumatagal na tampo) Tampo (munting galit na madaling mawala) Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)
  9. 9. 4. Paggamit ng contextual na clue – Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Halimbawa: a.Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng araw. b.Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

×