SlideShare a Scribd company logo
1 of 10
Download to read offline
1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 2 – MODULE 5
Emosyon
8
2
Modyul 5 - Emosyon
Unang Bahagi
Naranasan mo na bang tumalon dahil sa isang magandang balita? O maiyak dahil sa larawan ng isang
batang may kanser? O makapagpasalamat dahil sa galak? Ikaw na sobrang kaba ay hindi mo nasagot ang mga
tanong ng iyong guro? Ito ay ilan lamang sa mga pagkakataon na nagpapakita ng paraan ng pagpapahayag ng
emosyon.Napapamahalaan mo ba nang maayos ang iyong emosyon? Kung hindi, ano ang idinulot nito sa iyo
at sa iyong pakikipagkapwa? Paano mo mapamamahalaan nang wasto ang iyong emosyon upang mapagbuti
mo ang iyong ugnayan sa iyong kapwa?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa:
7.1) Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong pamamahala
ng pangunahing emosyon. (K to 12 BEC CG: EsP8P-IIe-7.1)
7.2) Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang
sitwasyong may krisis, suliranin o pagkalito. (K to 12 BEC CG: EsP8P-IIe-7.2)
Noong nakaraang linggo ay pinag-aralan mo ang mga kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan, uri
ng pakikipagkaibigan, at kahalagahan ng pakikipagkaibigan. Batay sa inyong napag-aralan, sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?
2. Paano makabubuo ng malalim at tunay na pakikipagkaibigan?
Ang Emosyon
Ang buhay ay punung-puno ng makukulay na karanasan at pakikipag-ugnayan na nagbibigay sigla at
kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay napupukaw ang iba’t ibang emosyon at damdamin. Sa
pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao. Ang
aspektong emosyonal ng tao , katulad ng pagdamdam , paggusto, pagmamahal, at pagkapoot ay hindi
nababatay sa katwiran o anupaman. Ang emosyon ay likas na reaksiyon ng tao na dulot ng pinagsama-samang
aspektong pagkapukaw o pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtaya, at
mga kilos o galaw ng katawan.
Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin; di tuluyan ang pagkontrol o
pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang mga sanhi o epekto (pagsasakatawan o
kilos). Sang-ayon sa lohiko ng damdamin sa lohiko ng damdamin ni Pascal, isinasalarawan ni Scheler ang
kaayusan at magkakaibang antas ng buhay-damdamin ng tao.
May Apat na Uri ng Damdamin:
1.Pandama (Sensory feelings)- Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama
na nakapagudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom,
pagkauhaw, kalasingan, halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit
3
na naiibigan. Ang ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo sa pagtatamo ng mas
mataas na halaga.
2. Kalagayan ng Damdamin (Feeling state)- Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayang nararamdaman
ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan, may gana, walang gana.
3. Sikikong Damdamin (psychical feeling)- Aang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay
naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin. Dahil ang tao ay may likas na
kagalingan o kahusayan, at may pagpapahalaga sa mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring
mapagbago ng kaniyang kalooban at pag-iisip tungo sa positibong panlipunang pakikipag-ugnayan. Ilan lamang
sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings)- Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na damdamin
ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Limang Aspeto ng EQ
1.Kamalayan sa sarili - Ito ay malinaw na pagkilala at pagsusuri sa mga emosyon at nararamdaman ng isang
tao. Kaugnay rin nito ang pagsusuri ng nararamdaman. Mahalaga na sa ganitong aspekto ay makabuo ka ng
malinaw at nauunawaang bokabularyo o talasalitaan ng iyong mga emosyon. Ito ay dahil a iba-iba ang
pagdama ng tao sa kaniyang emosyon.
2. Pangangasiwa ng emosyon - Nangangahulugan ng epektibong pagkontrol ng makatuwirang kaisipan sa
pagpapahayag ng emosyon batay sa kaangkupan nito sa pagkakataon o sitwasyon. May malaking
kahalagahan ito lalong-lalo na sa pagharap sa nakababagabag na sitwasyon.
3. Motibasyon - Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang
matupad ang layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba - kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng
iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya.
Naglalaan siya ng oras upang makapagrelaks at magnilay.
5. Pamamahala ng ugnayan - Nangangahulugang napapamahalaan nang wasto ang emosyon sa pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng ugnayan. Mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala sa sarili, malawak at bukas ang isipan at kalooban,
paggalang, pagtanggap sa mga pangyayari, at pagiging tapat sa sinasabi.
Ang ating mga emosyon, positibo man o negatibo, ay dapat matutuhan nating kilalanin, unawain at
pamahalaan nang mabuti. Ito ay nangangahulugan na dapat makilala at maunawaan mo kung paano
nakaaapekto ang emosyon sa iyong gampanin, kakayahan, pagpapahalaga, at pakikipag-ugnayan sa iyong
kapwa.
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education in
Values:What, Why and for Whom? (1990, ph 51)
4
Mga Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)
Paghahangad (desire)
Pagkatuwa (joy)
Pag-asa (hope)
Pagiging matatag (courage)
Pagkamuhi (hatred)
Pag-iwas (aversion)
Pagdadalamhati (sorrow)
Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng wastong pamamahala.
Bagaman natuwa ka sa nakita mong tsokolate sa inyong refrigerator ngunit alam mo na hindi sa iyo ito kaya
hindi mo ito dapat kainin. Mahalaga na ikaw ay may pagtitimpi at makapagpigil sa pagkuha nito.
Ang mga emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap ng damdamin dahil ito ay nakakatakot,
nakalulungkot at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Maraming mga mag-aaral ang ayaw nang mag-aral
sa kolehiyo dahil nahihirapan silang tustusan ang kanilang pinansiyal na pangangailangan. Mas pipiliin nilang
makapagtrabaho pagkatapos ng Senior High School. Natatakot silang hindi rin makapagtatapos. Sa ganitong
pagkakataon ay kailangan ang katatagan ng loob (fortitude) upang malampasan ang hirap at takot na
nararamdaman. Ang birtud na ito ang nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan
ang mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay. Napakahalaga
na pinag-iisipang maigi ang gagawin lalo na sa panahon na nawawalan ka ng pag-asa at pilit na iniiwasan ang
pangyayari dala nang bigat ng suliranin at hindi alam kung ano ang gagawin. Ikaw ay nagalit sa iyong matalik
na kaibigan dahil narinig mong sinisiraan ka niya. Iniisip mo na gantihan siya. Mahalaga na maging mahinahon,
pagnilayan ang sitwasyon, at pag-isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang pagsisisi
sa huli. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, matalinong paghusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang
dapat gawin ng tao sa pagharap sa krisis sa buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa
napapanahong dahilan.
Sa pamamagitan ng emosyon, naipapamalas ng tao ang kaniyang pagpapahalaga sa mga bagay sa
kaniyang paligid. Kung kaya’t ito ay nararapat na mapamahalaan ng husto upang magdulot ng maganda sa
sarili at ugnayan sa kapwa. Ang katatagan ng loob ang nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang
kahirapan at labanan ang mga tukso upang mapagtagumpayan ang mga balakid sa buhay.
Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ng wasto ang emosyon ay (Morato, Jr., 2007):
1.Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas pipiliin kong gumawa ng
makabubuti?” Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang naipapahayag natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang ating mabuting ugnayan sa ating
kapwa.
2. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang higit na magandang
mangyayari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay.
3. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan at pagiging tanyag kung hindi sa
kakayahang mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
5
4. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo, tao man o bagay. Hindi naman
ito nangangahulugan na magiging wala kang pakialam o wala silang halaga sa iyo.
5. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may taong maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng
tulong.Buksan ang isipan at kalooban na kaya mong makamit ang hangarin sa buhay.
Ang mga iminungkahing paraan kalakip ang mga birtud ay nakatutulong upang mapamahalaan ang
emosyon at maging magandang gabay sa pagpapasiya tungo sa matiwasay na pamumuhay at maging
produktibong miyembro ng lipunan.
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip.
Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang
mararamdaman ay takot. Dahil sa naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo
magpang-abot.
b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin. Nakapag-
iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
c. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang pagpapahayag ng
emosyon ay maaaring marahan o lantad tulad ng ekspresyon ng iyong mukha, pagsuntok sa pader, pag-iyak, o
pagtawa nang malakas. Sa pamamagitan ng emosyon, naipababatid natin ang tunay nating nararamdaman at
naipahihiwatig ang mga pangangailangan natin at inaasahan mula sa iba.
Hangad ng bawat isa ay magkaroon ng matiwasay, masaya, at makabuluhang buhay sa pamamagitan
nang mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya nararapat lamang na sa araw-araw nating pamumuhay ay
piliing maigi ang mga bagay na pagtutuunan nang higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa sarili, sa kapwa,
at sa Diyos sa paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng iyong pakikipagkapwa.
Nakikita natin ang epekto ng padalos-dalos nating pasiya at kilos dala ng mga negatibong emosyon na
hindi napamamahalaan. Madalas ay hindi nagiging maganda ang idinudulot nito sa ating sarili at higit sa iba.
Hahayaan mo na lang ba na patuloy itong maging dahilan ng iyong hindi mabuting ugnayan sa iyong kapwa?
Handa ka na bang mapagtagumpayan ang hamon na dala ng iyong emosyon?
Ikalawang Bahagi
Gawain 1. Panuto:Tukuyin kung anong emosyon ang ipinapakita ng mga sumusunod na tauhan batay sa
kaniyang pahayag o kilos. Piliin ang sagot sa mga emosyong nakapaloob sa kahong nasa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel. (15 puntos)
6
Pagmamahal Kawalan ng Pag-asa Pag-iwas Pagkatuwa
Pagkahiya Pagkagalit Pagtatampo Pag-aalala
Pagkainip Pagrereklamo Panghihinayang Pagkatakot
Pagsisisi Paghanga Pagmamalasakit Katatagan
1. Yehey! Ako ang nakakuha ng unang gantimpala ng karangalan sa klase.
2. “Nakakatakot naman sa kalyeng ito. Madilim at wala man lang dumadaang kahit na isang sasakyan.”
3. “Ang dami namang ipinapagawa ni Nanay sa akin. Hindi pa nga ako natatapos sa ginagawa ko may iniuutos
na naman siya.”
4. “Kayo na lang ang pumunta para sa kaarawan ni Shiela. Hindi naman niya ako inimbita.”
5. “Kanina pa ako nag-aantay sa kanya. Asan na kaya yung taong iyon.”
6. “Inipon ko na lang sana iyong ibinigay na pamasko sa akin ng mga ninong at ninang ko kaysa inubos ko lang
sa paglalaro sa kompyuter.”
7. Halos lahat ng mga lalaki sa paaralan nina Rachelle ay napapalingon sa kanyang kagandahan sa tuwing siya
ay dumadaan.
8. “Sabi nang bawal lumabas. Bakit ba ng tigas ng ulo mo?”
9. Sa halip na maghanda para sa kanyang kaarawan ay mas pinili na lamang niyang mamigay ng relief goods
sa mga mahihirap nilang kapitbahay.
10. “Kumusta na kaya si Tatay? Naabutan na siya ng lockdown sa Maynila. Sana ayos lang ang kalagayan niya
doon.”
11. Laging nakatungo si Mila sa tuwing kinakausap siya ng mga tao. Ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha
dahil sa malaking peklat sa kanyang mukha.
12. Namitas ng mga bulaklak ang magkapatid na Gelai at Santino para sa kaarawan ng kanilang nanay.
13. Nagtago si Lucilla nang makita ang kaklaseng madalas na mang-asar sa kanya.
14. Dahil sa umiiral na pandemic ng Covid 19, nawalan ng hanapbuhay si Mario ngunit hindi siya nawawalan ng
pag-asa sa buhay at muli siyang naghanap ng pagkakakitaan.
15. Umiyak na lamang siya sa tabi ng daan matapos ang napakahabang pakikiusap sa pulis nang hindi siya
pinayagang makadaan sa checkpoint dahil sa umiiral na hard lockdown dulot ng Covid 19.
Gawain 2. Panuto: Gamit ang talaan sa ibaba, isulat sa sagutang papel ang mga kasanayang kinakailangan
upang maging mabuti o maayos ang pamamahala ng emosyon. (2 puntos bawat bilang)
Mga Kasanayan sa Makatuwirang Pamamahala ng Emosyon
Halimbawa: Magkaroon ng makatuwirang pag-iisip sa pagharap ng matinding emosyon.
1.
2.
3.
7
4.
5.
Gawain 3. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat pangungusap.Piliin ang pinaka-angkop na sagot at
isulat ang letra sa sagutang papel. (5 puntos)
1. Sa tuwing tayo ay nakakaranas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon, mahalaga na tayo ay
magrelaks. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelaks?
a. pakikinig ng mga musika
b. paninigarilyo
c. panonood
d. pakikipagkwentuhan sa kaibigan
2. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy,
nalasahan o narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang isip.
a. kilos
b. mood
c. emosyon
d. desisyon
3. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
a. ang ating mga opinyon
b. ang ating mga kilos at galaw
c. ang ating ugnayan sa kapwa
d. ang mabilis na tibok ng puso
4. Ang mga sumusunod na emosyon ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng wastong pamamahala
maliban sa?
a. pagkamuhi
b. pagmamahal
c. pagkatuwa
d. pag-asa
5. Ang mga sumusunod ay mga paraang nararapat gawin ng tao kapag siya ay may negatibo o positibo
mang emosyon maliban sa:
a. matutuhang kilalanin ito
b. unawain ang emosyon
c. pamahalaan nang mabuti
d. agresibong pagkilos
8
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. Pagkatuwa 9. Pagmamalasakit
2. Pagkataot 10. Pag-aalala
3. Pagrereklamo 11. Pagkahiya
4. Pagtatampo 12. Pagmamahal
5. Pagkainip 13. Pag-iwas
6. Panghihinayang 14. Katatagan
7. Paghanga 15. Kawalan ng Pag-asa
8. Pagkagalit
Gawain 2 – Malayang pagsagot ng mga mag-aaral
Gawain 3
1. a
2. c
3. b
4. d
5. a
SANGGUNIAN:
Bognot, Regina Mignon C. et. al. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 .Meralco Avenue, Pasig City: Vibal
Publishing House, Inc. pp. 166-190
Punsalan, Twila G. et. al. 2013. Pagpapakatao 8 .Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. pp. 112-123.
9
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Pangasinan II
Binalonan, Pangasinan
WORKSHEETS in Edukasyon sa Pagpapakatao 8
(Quarter 2, Week 5)
MELCs:
1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong pamamahala
ng pangunahing emosyon. K to 12 BEC CG:EsP8P-IIe-7.1
2. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang
sitwasyong may krisis, suliranin o pagkalito. K to 12 BEC CG:EsP8P-IIe-7.2
Pangalan : Petsa:
Baitang/Seksyon: Iskor:
Gawain A1
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita sa bawat bilang. Isulat ang EQ kung ang mga sumusunod
na pahayag ay elementong Emotional Quotient at DAMDAMIN naman kung ang nakasulat ay uri
ng damdamin sa sagutang papel. (5 puntos)
1. Motibasyon
2. Pamamahala ng ugnayan
3. Sikikong Damdamin
4. Pagkilala sa sariling emosyon
5. Ispiritwal na damdamin
Gawain A2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin kung anong uri ng emosyon ang mararamdaman mo sa
bawat sitwasyon. Pagnilayan at isulat kung ano ang epekto ng emosyon sa iyong kilos at pagpapasiya.
Sundan ang halimbawang ibinigay. Isulat sa sagutang papel. (3 puntos)
SITWASYON Emosyong
Mararamdam
an sa
Sitwasyon
Epekto ng Emosyon
sa Kilos at
Pagpapasiya
Hal. Maagang gumising ang Nanay mo para
ipaghanda ka ng almusal.
Pagmamahal Yakapin at
magpasalamat kay Nanay
1. Bumagsak ka sa inyong eksaminasyon
sa paaralan.
2. Nawalan ng trabaho ang tatay mo
dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
10
3. Hindi mo nagawa ang proyektong
ipapasa nyo sa EsP
Gawain A3
Panuto: Pagnilayan ang batayang konsepto sa ibaba at sagutin ang mahalagang tanong sa sagutang papel.
(2 puntos)
Ang talinong pang emosyon ay may malaking kahalagahan sa pag-unlad ng sarili at pakikipag-
ugnayan sa iba. Ang mabuting pamamahalang emosyon ay nagdudulot ng maayos na pangangasiwa ng
sarili at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang mga kasanayan sa epektibong pangangasiwa ng iba’t
ibang uri ng emosyon ay makatutulong upang maisabuhay ang makatuwiran at mapanuring pagpapahayag
at pangangasiwa nito.
________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
Bakit mahalagang mapangasiwaan ang emosyon batay sa makatuwiran at malinaw na pag-iisip?
________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

More Related Content

What's hot

ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptxESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptxANDREWADALID3
 
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaRoselle Liwanag
 
Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1Ivy Bautista
 
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOSUnang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptxPag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptxMartinGeraldine
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWANitz Antiniolos
 
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptxHirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptxCerilynSinalan2
 
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)Edna Azarcon
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganJared Ram Juezan
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimSherlyn Tapales
 

What's hot (20)

ESP 8 Modyul 11
ESP 8 Modyul 11ESP 8 Modyul 11
ESP 8 Modyul 11
 
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptxESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
 
EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9
 
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
 
Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1
 
EsP 8 Modyul 13
EsP 8 Modyul 13EsP 8 Modyul 13
EsP 8 Modyul 13
 
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOSUnang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
 
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptxPag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
 
Ang sekswalidad ng tao ppt
Ang sekswalidad ng tao pptAng sekswalidad ng tao ppt
Ang sekswalidad ng tao ppt
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
 
EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3
 
ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10
 
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptxHirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
 
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
 
Activity sheet in esp 8
Activity sheet in esp 8Activity sheet in esp 8
Activity sheet in esp 8
 
Module 5 pakikipagkapwa
Module 5 pakikipagkapwaModule 5 pakikipagkapwa
Module 5 pakikipagkapwa
 
Pakikipagkapwa ;)
Pakikipagkapwa ;)Pakikipagkapwa ;)
Pakikipagkapwa ;)
 

Similar to ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf

Hybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docx
Hybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docxHybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docx
Hybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docxLhoveGinSudaria
 
Modyul 7 emosyon .pptx
Modyul 7 emosyon .pptxModyul 7 emosyon .pptx
Modyul 7 emosyon .pptxRichLax
 
Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6
Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6
Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6MaryRoseCuentas
 
Mental, Emosyonal, at Sosyal na Kalusugan.pptx
Mental, Emosyonal,    at Sosyal na Kalusugan.pptxMental, Emosyonal,    at Sosyal na Kalusugan.pptx
Mental, Emosyonal, at Sosyal na Kalusugan.pptxJojetTendido2
 
Pamamahala sa sariling emosyon
Pamamahala sa sariling emosyonPamamahala sa sariling emosyon
Pamamahala sa sariling emosyonMartinGeraldine
 
Lesson presentation emosyon by ken lumogdang
Lesson presentation emosyon by ken lumogdangLesson presentation emosyon by ken lumogdang
Lesson presentation emosyon by ken lumogdangkenlumogdang2010
 
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdangwastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdangkenlumogdang2010
 
PPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptx
PPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptxPPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptx
PPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptxKimMik9
 
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddfemosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddffortunemyrrhbaron1
 
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptxPananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptxKaye Flores
 
edukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptx
edukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptxedukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptx
edukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptxdominicprado1
 
DWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptx
DWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptxDWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptx
DWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptxAprilGraceOng
 
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxMataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxCrislynTabioloCercad
 

Similar to ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf (20)

Modyul 2.3
Modyul 2.3Modyul 2.3
Modyul 2.3
 
Emosyon powerpoint.pdf
Emosyon powerpoint.pdfEmosyon powerpoint.pdf
Emosyon powerpoint.pdf
 
ESP 8 MODYUL 9 EMOSYON.pptx
ESP 8 MODYUL 9 EMOSYON.pptxESP 8 MODYUL 9 EMOSYON.pptx
ESP 8 MODYUL 9 EMOSYON.pptx
 
Ang-Emosyon.pptx
Ang-Emosyon.pptxAng-Emosyon.pptx
Ang-Emosyon.pptx
 
Hybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docx
Hybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docxHybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docx
Hybrid_EsP8-Q2-Week-No.5.docx
 
MODYUL 7.pptx
MODYUL 7.pptxMODYUL 7.pptx
MODYUL 7.pptx
 
Modyul 7 emosyon .pptx
Modyul 7 emosyon .pptxModyul 7 emosyon .pptx
Modyul 7 emosyon .pptx
 
Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6
Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6
Quarter2_DLL-EdukasyonSaPagpapakatao8_W6
 
Mental, Emosyonal, at Sosyal na Kalusugan.pptx
Mental, Emosyonal,    at Sosyal na Kalusugan.pptxMental, Emosyonal,    at Sosyal na Kalusugan.pptx
Mental, Emosyonal, at Sosyal na Kalusugan.pptx
 
Pamamahala sa sariling emosyon
Pamamahala sa sariling emosyonPamamahala sa sariling emosyon
Pamamahala sa sariling emosyon
 
ESP 8 EMOSYON.pptx
ESP 8 EMOSYON.pptxESP 8 EMOSYON.pptx
ESP 8 EMOSYON.pptx
 
Lesson presentation emosyon by ken lumogdang
Lesson presentation emosyon by ken lumogdangLesson presentation emosyon by ken lumogdang
Lesson presentation emosyon by ken lumogdang
 
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdangwastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
wastong pamamahala ng emosyon by ken lumogdang
 
PPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptx
PPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptxPPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptx
PPT-FOR-ENRICHMENT-CLASS_W5-W8.pptx
 
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddfemosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
 
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptxPananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptx
edukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptxedukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptx
edukasyon sa pagpapakatao ikawalong baitangModule 7 Emosyon.pptx
 
2ND Q MODYUL 6.pptx
2ND Q MODYUL 6.pptx2ND Q MODYUL 6.pptx
2ND Q MODYUL 6.pptx
 
DWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptx
DWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptxDWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptx
DWNHS-Presentation-of-PFA-SY-222-2023.pptx
 
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxMataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
 

Recently uploaded

PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 

Recently uploaded (20)

PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 

ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf

  • 1. 1 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO QUARTER 2 – MODULE 5 Emosyon 8
  • 2. 2 Modyul 5 - Emosyon Unang Bahagi Naranasan mo na bang tumalon dahil sa isang magandang balita? O maiyak dahil sa larawan ng isang batang may kanser? O makapagpasalamat dahil sa galak? Ikaw na sobrang kaba ay hindi mo nasagot ang mga tanong ng iyong guro? Ito ay ilan lamang sa mga pagkakataon na nagpapakita ng paraan ng pagpapahayag ng emosyon.Napapamahalaan mo ba nang maayos ang iyong emosyon? Kung hindi, ano ang idinulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa? Paano mo mapamamahalaan nang wasto ang iyong emosyon upang mapagbuti mo ang iyong ugnayan sa iyong kapwa? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag- unawa: 7.1) Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon. (K to 12 BEC CG: EsP8P-IIe-7.1) 7.2) Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang sitwasyong may krisis, suliranin o pagkalito. (K to 12 BEC CG: EsP8P-IIe-7.2) Noong nakaraang linggo ay pinag-aralan mo ang mga kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan, uri ng pakikipagkaibigan, at kahalagahan ng pakikipagkaibigan. Batay sa inyong napag-aralan, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel. 1. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan? 2. Paano makabubuo ng malalim at tunay na pakikipagkaibigan? Ang Emosyon Ang buhay ay punung-puno ng makukulay na karanasan at pakikipag-ugnayan na nagbibigay sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay napupukaw ang iba’t ibang emosyon at damdamin. Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao. Ang aspektong emosyonal ng tao , katulad ng pagdamdam , paggusto, pagmamahal, at pagkapoot ay hindi nababatay sa katwiran o anupaman. Ang emosyon ay likas na reaksiyon ng tao na dulot ng pinagsama-samang aspektong pagkapukaw o pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtaya, at mga kilos o galaw ng katawan. Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin; di tuluyan ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang mga sanhi o epekto (pagsasakatawan o kilos). Sang-ayon sa lohiko ng damdamin sa lohiko ng damdamin ni Pascal, isinasalarawan ni Scheler ang kaayusan at magkakaibang antas ng buhay-damdamin ng tao. May Apat na Uri ng Damdamin: 1.Pandama (Sensory feelings)- Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan, halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit
  • 3. 3 na naiibigan. Ang ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo sa pagtatamo ng mas mataas na halaga. 2. Kalagayan ng Damdamin (Feeling state)- Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayang nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan, may gana, walang gana. 3. Sikikong Damdamin (psychical feeling)- Aang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin. Dahil ang tao ay may likas na kagalingan o kahusayan, at may pagpapahalaga sa mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring mapagbago ng kaniyang kalooban at pag-iisip tungo sa positibong panlipunang pakikipag-ugnayan. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot. 4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings)- Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya. Limang Aspeto ng EQ 1.Kamalayan sa sarili - Ito ay malinaw na pagkilala at pagsusuri sa mga emosyon at nararamdaman ng isang tao. Kaugnay rin nito ang pagsusuri ng nararamdaman. Mahalaga na sa ganitong aspekto ay makabuo ka ng malinaw at nauunawaang bokabularyo o talasalitaan ng iyong mga emosyon. Ito ay dahil a iba-iba ang pagdama ng tao sa kaniyang emosyon. 2. Pangangasiwa ng emosyon - Nangangahulugan ng epektibong pagkontrol ng makatuwirang kaisipan sa pagpapahayag ng emosyon batay sa kaangkupan nito sa pagkakataon o sitwasyon. May malaking kahalagahan ito lalong-lalo na sa pagharap sa nakababagabag na sitwasyon. 3. Motibasyon - Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba. 4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba - kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya. Naglalaan siya ng oras upang makapagrelaks at magnilay. 5. Pamamahala ng ugnayan - Nangangahulugang napapamahalaan nang wasto ang emosyon sa pakikipag- ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng ugnayan. Mahalaga sa pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala sa sarili, malawak at bukas ang isipan at kalooban, paggalang, pagtanggap sa mga pangyayari, at pagiging tapat sa sinasabi. Ang ating mga emosyon, positibo man o negatibo, ay dapat matutuhan nating kilalanin, unawain at pamahalaan nang mabuti. Ito ay nangangahulugan na dapat makilala at maunawaan mo kung paano nakaaapekto ang emosyon sa iyong gampanin, kakayahan, pagpapahalaga, at pakikipag-ugnayan sa iyong kapwa. Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education in Values:What, Why and for Whom? (1990, ph 51)
  • 4. 4 Mga Pangunahing Emosyon Pagmamahal (love) Paghahangad (desire) Pagkatuwa (joy) Pag-asa (hope) Pagiging matatag (courage) Pagkamuhi (hatred) Pag-iwas (aversion) Pagdadalamhati (sorrow) Kawalan ng pag-asa (despair) Pagkatakot (fear) Pagkagalit (anger) Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng wastong pamamahala. Bagaman natuwa ka sa nakita mong tsokolate sa inyong refrigerator ngunit alam mo na hindi sa iyo ito kaya hindi mo ito dapat kainin. Mahalaga na ikaw ay may pagtitimpi at makapagpigil sa pagkuha nito. Ang mga emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap ng damdamin dahil ito ay nakakatakot, nakalulungkot at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Maraming mga mag-aaral ang ayaw nang mag-aral sa kolehiyo dahil nahihirapan silang tustusan ang kanilang pinansiyal na pangangailangan. Mas pipiliin nilang makapagtrabaho pagkatapos ng Senior High School. Natatakot silang hindi rin makapagtatapos. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan ang katatagan ng loob (fortitude) upang malampasan ang hirap at takot na nararamdaman. Ang birtud na ito ang nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay. Napakahalaga na pinag-iisipang maigi ang gagawin lalo na sa panahon na nawawalan ka ng pag-asa at pilit na iniiwasan ang pangyayari dala nang bigat ng suliranin at hindi alam kung ano ang gagawin. Ikaw ay nagalit sa iyong matalik na kaibigan dahil narinig mong sinisiraan ka niya. Iniisip mo na gantihan siya. Mahalaga na maging mahinahon, pagnilayan ang sitwasyon, at pag-isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang pagsisisi sa huli. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, matalinong paghusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa krisis sa buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa napapanahong dahilan. Sa pamamagitan ng emosyon, naipapamalas ng tao ang kaniyang pagpapahalaga sa mga bagay sa kaniyang paligid. Kung kaya’t ito ay nararapat na mapamahalaan ng husto upang magdulot ng maganda sa sarili at ugnayan sa kapwa. Ang katatagan ng loob ang nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan at labanan ang mga tukso upang mapagtagumpayan ang mga balakid sa buhay. Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ng wasto ang emosyon ay (Morato, Jr., 2007): 1.Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti?” Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon. Mahalagang naipapahayag natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang ating mabuting ugnayan sa ating kapwa. 2. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang higit na magandang mangyayari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay. 3. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan at pagiging tanyag kung hindi sa kakayahang mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
  • 5. 5 4. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo, tao man o bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na magiging wala kang pakialam o wala silang halaga sa iyo. 5. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may taong maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong.Buksan ang isipan at kalooban na kaya mong makamit ang hangarin sa buhay. Ang mga iminungkahing paraan kalakip ang mga birtud ay nakatutulong upang mapamahalaan ang emosyon at maging magandang gabay sa pagpapasiya tungo sa matiwasay na pamumuhay at maging produktibong miyembro ng lipunan. Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay: a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo magpang-abot. b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin. Nakapag- iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa. c. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang pagpapahayag ng emosyon ay maaaring marahan o lantad tulad ng ekspresyon ng iyong mukha, pagsuntok sa pader, pag-iyak, o pagtawa nang malakas. Sa pamamagitan ng emosyon, naipababatid natin ang tunay nating nararamdaman at naipahihiwatig ang mga pangangailangan natin at inaasahan mula sa iba. Hangad ng bawat isa ay magkaroon ng matiwasay, masaya, at makabuluhang buhay sa pamamagitan nang mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya nararapat lamang na sa araw-araw nating pamumuhay ay piliing maigi ang mga bagay na pagtutuunan nang higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng iyong pakikipagkapwa. Nakikita natin ang epekto ng padalos-dalos nating pasiya at kilos dala ng mga negatibong emosyon na hindi napamamahalaan. Madalas ay hindi nagiging maganda ang idinudulot nito sa ating sarili at higit sa iba. Hahayaan mo na lang ba na patuloy itong maging dahilan ng iyong hindi mabuting ugnayan sa iyong kapwa? Handa ka na bang mapagtagumpayan ang hamon na dala ng iyong emosyon? Ikalawang Bahagi Gawain 1. Panuto:Tukuyin kung anong emosyon ang ipinapakita ng mga sumusunod na tauhan batay sa kaniyang pahayag o kilos. Piliin ang sagot sa mga emosyong nakapaloob sa kahong nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (15 puntos)
  • 6. 6 Pagmamahal Kawalan ng Pag-asa Pag-iwas Pagkatuwa Pagkahiya Pagkagalit Pagtatampo Pag-aalala Pagkainip Pagrereklamo Panghihinayang Pagkatakot Pagsisisi Paghanga Pagmamalasakit Katatagan 1. Yehey! Ako ang nakakuha ng unang gantimpala ng karangalan sa klase. 2. “Nakakatakot naman sa kalyeng ito. Madilim at wala man lang dumadaang kahit na isang sasakyan.” 3. “Ang dami namang ipinapagawa ni Nanay sa akin. Hindi pa nga ako natatapos sa ginagawa ko may iniuutos na naman siya.” 4. “Kayo na lang ang pumunta para sa kaarawan ni Shiela. Hindi naman niya ako inimbita.” 5. “Kanina pa ako nag-aantay sa kanya. Asan na kaya yung taong iyon.” 6. “Inipon ko na lang sana iyong ibinigay na pamasko sa akin ng mga ninong at ninang ko kaysa inubos ko lang sa paglalaro sa kompyuter.” 7. Halos lahat ng mga lalaki sa paaralan nina Rachelle ay napapalingon sa kanyang kagandahan sa tuwing siya ay dumadaan. 8. “Sabi nang bawal lumabas. Bakit ba ng tigas ng ulo mo?” 9. Sa halip na maghanda para sa kanyang kaarawan ay mas pinili na lamang niyang mamigay ng relief goods sa mga mahihirap nilang kapitbahay. 10. “Kumusta na kaya si Tatay? Naabutan na siya ng lockdown sa Maynila. Sana ayos lang ang kalagayan niya doon.” 11. Laging nakatungo si Mila sa tuwing kinakausap siya ng mga tao. Ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha dahil sa malaking peklat sa kanyang mukha. 12. Namitas ng mga bulaklak ang magkapatid na Gelai at Santino para sa kaarawan ng kanilang nanay. 13. Nagtago si Lucilla nang makita ang kaklaseng madalas na mang-asar sa kanya. 14. Dahil sa umiiral na pandemic ng Covid 19, nawalan ng hanapbuhay si Mario ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa sa buhay at muli siyang naghanap ng pagkakakitaan. 15. Umiyak na lamang siya sa tabi ng daan matapos ang napakahabang pakikiusap sa pulis nang hindi siya pinayagang makadaan sa checkpoint dahil sa umiiral na hard lockdown dulot ng Covid 19. Gawain 2. Panuto: Gamit ang talaan sa ibaba, isulat sa sagutang papel ang mga kasanayang kinakailangan upang maging mabuti o maayos ang pamamahala ng emosyon. (2 puntos bawat bilang) Mga Kasanayan sa Makatuwirang Pamamahala ng Emosyon Halimbawa: Magkaroon ng makatuwirang pag-iisip sa pagharap ng matinding emosyon. 1. 2. 3.
  • 7. 7 4. 5. Gawain 3. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat pangungusap.Piliin ang pinaka-angkop na sagot at isulat ang letra sa sagutang papel. (5 puntos) 1. Sa tuwing tayo ay nakakaranas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon, mahalaga na tayo ay magrelaks. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelaks? a. pakikinig ng mga musika b. paninigarilyo c. panonood d. pakikipagkwentuhan sa kaibigan 2. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan o narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang isip. a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon 3. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman. a. ang ating mga opinyon b. ang ating mga kilos at galaw c. ang ating ugnayan sa kapwa d. ang mabilis na tibok ng puso 4. Ang mga sumusunod na emosyon ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng wastong pamamahala maliban sa? a. pagkamuhi b. pagmamahal c. pagkatuwa d. pag-asa 5. Ang mga sumusunod ay mga paraang nararapat gawin ng tao kapag siya ay may negatibo o positibo mang emosyon maliban sa: a. matutuhang kilalanin ito b. unawain ang emosyon c. pamahalaan nang mabuti d. agresibong pagkilos
  • 8. 8 SUSI SA PAGWAWASTO Gawain 1 1. Pagkatuwa 9. Pagmamalasakit 2. Pagkataot 10. Pag-aalala 3. Pagrereklamo 11. Pagkahiya 4. Pagtatampo 12. Pagmamahal 5. Pagkainip 13. Pag-iwas 6. Panghihinayang 14. Katatagan 7. Paghanga 15. Kawalan ng Pag-asa 8. Pagkagalit Gawain 2 – Malayang pagsagot ng mga mag-aaral Gawain 3 1. a 2. c 3. b 4. d 5. a SANGGUNIAN: Bognot, Regina Mignon C. et. al. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 .Meralco Avenue, Pasig City: Vibal Publishing House, Inc. pp. 166-190 Punsalan, Twila G. et. al. 2013. Pagpapakatao 8 .Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. pp. 112-123.
  • 9. 9 Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region I Schools Division of Pangasinan II Binalonan, Pangasinan WORKSHEETS in Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Quarter 2, Week 5) MELCs: 1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon. K to 12 BEC CG:EsP8P-IIe-7.1 2. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang sitwasyong may krisis, suliranin o pagkalito. K to 12 BEC CG:EsP8P-IIe-7.2 Pangalan : Petsa: Baitang/Seksyon: Iskor: Gawain A1 Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita sa bawat bilang. Isulat ang EQ kung ang mga sumusunod na pahayag ay elementong Emotional Quotient at DAMDAMIN naman kung ang nakasulat ay uri ng damdamin sa sagutang papel. (5 puntos) 1. Motibasyon 2. Pamamahala ng ugnayan 3. Sikikong Damdamin 4. Pagkilala sa sariling emosyon 5. Ispiritwal na damdamin Gawain A2 Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin kung anong uri ng emosyon ang mararamdaman mo sa bawat sitwasyon. Pagnilayan at isulat kung ano ang epekto ng emosyon sa iyong kilos at pagpapasiya. Sundan ang halimbawang ibinigay. Isulat sa sagutang papel. (3 puntos) SITWASYON Emosyong Mararamdam an sa Sitwasyon Epekto ng Emosyon sa Kilos at Pagpapasiya Hal. Maagang gumising ang Nanay mo para ipaghanda ka ng almusal. Pagmamahal Yakapin at magpasalamat kay Nanay 1. Bumagsak ka sa inyong eksaminasyon sa paaralan. 2. Nawalan ng trabaho ang tatay mo dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
  • 10. 10 3. Hindi mo nagawa ang proyektong ipapasa nyo sa EsP Gawain A3 Panuto: Pagnilayan ang batayang konsepto sa ibaba at sagutin ang mahalagang tanong sa sagutang papel. (2 puntos) Ang talinong pang emosyon ay may malaking kahalagahan sa pag-unlad ng sarili at pakikipag- ugnayan sa iba. Ang mabuting pamamahalang emosyon ay nagdudulot ng maayos na pangangasiwa ng sarili at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang mga kasanayan sa epektibong pangangasiwa ng iba’t ibang uri ng emosyon ay makatutulong upang maisabuhay ang makatuwiran at mapanuring pagpapahayag at pangangasiwa nito. ________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ Bakit mahalagang mapangasiwaan ang emosyon batay sa makatuwiran at malinaw na pag-iisip? ________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________