1. Ang Emosyon
Sa pilosopiya ni Scheler
(Dy, 2007) ang damdamin
ang pinakamahalagang
larangan ng pag-iral ng
tao.
2. May apat na uri ng damdamin
• 1. Pandama (sensory feelings). Ito ay
tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o
mga panlabas na pandama na nakapagdudulot
ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa
tao.
3. 2. Kalagayan ng damdamin
(feelings state). Ito ay may
kinalaman sa kasalukuyang
kalagayan na nararamdaman ng
tao. Halimbawa nito ay kasiglahan,
katamlayan, may gana, walang
gana.
4. • 3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang
pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang
paligid ay naiimpluwensyahan ng
kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin
5. 2. Kalagayan ng damdamin
(feelings state). Ito ay may
kinalaman sa kasalukuyang
kalagayan na nararamdaman ng
tao. Halimbawa nito ay kasiglahan,
katamlayan, may gana, walang
gana.
6. • 4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings).
Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga
ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa
paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan
tulad ng pag-asa at pananampalataya.
8. • a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang
• paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng
kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong
kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang
karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa
naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na
aalis upang hindi na kayo magpang-abot.
9. • b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos
kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin. Nakapag-iingat at nakaiiwas ang
tao sa posibleng panganib na dala ng
sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
10. • c. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang
pagpapahayag ng emosyon ay maaaring
marahan o lantad tulad ng ekspresyon ng
iyong mukha, pagsuntok sa pader, pag-iyak, o
pagtawa nang malakas.
11. • Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang
literasiyang pandamdamin ay tumutukoy sa
dalawang bagay. Una, kakayahang alamin at
unawain ang mga sariling emosyon; at
pangalawa, matukoy at maramdaman ang
damdamin na angkop o akma lamang sa
sitwasyon na kinakaharap.
12. • 1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na
may kamalayan sa sariling damdamin. Ito ay
makatutulong sa pagkakaroon ng pang-unawa
sa sarili. Ikaw ay nakagagawa ng pagpapasiya
sa iyong sarili at hindi ka lang sunod nang
sunod sa nais ng iba.
13. • 2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang
kakayahang mapamahalaan ang ating
emosyon ay mahalaga dahil ang mga ito ay
may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
14. • 3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o
magpigil na gawin ang isang bagay na hindi
dapat upang matupad ang isang layuning higit
na mahalaga para sa ikabubuti ng iba. Ang
taong may ganitong kakayahan ay may
disiplina sa sarili at hindi pabigla-bigla ang
pagpapasiya. Naglalaan siya ng oras upang
makapag-relax at magnilay.
15. • 4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at
pangangailangan ng iba. Ang taong may ganitong
kakayahan ay marunong ding bumasa at bigyan
ng kahulugan ang kilos ng iba. Maaari din
• siyang sumangguni upang humingi ng
• tulong sa mga kapamilya at mga
• pinagkakatiwalaang kaibigan.
16. 5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay
nangangahulugan na napamamahalaan
nang wasto ang emosyon sa pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng kaalaman sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan.
17. • a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang
magawa ko ang di karapat-dapat o mas pipiliin
kong gumawa ng makabubuti?” Hindi lamang
ang sarili ang nagiging biktima sa ating maling
pamamahala ng ating emosyon. Mahalagang
naipahahayag natin ito nang maayos upang
mapanatili natin ang ating mabuting ugnayan
sa ating kapwa.
18. • b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang
takot, ngunit isipin na mayroon pang higit na
magandang mangyayari. Maging positibo sa
pagharap sa hamon ng buhay.
19. • c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat
sa yaman, kapangyarihan, at pagiging tanyag
kung hindi sa kakayahan na mamuhay nang
may pagpapahalaga at dangal.
20. • d. Matutong tanggapin na may hangganan ang
lahat ng bagay na mayroon tayo, tao man o
bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na
magiging wala kang pakialam o wala silang
halaga sa iyo.
21. • e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa,
isipin na may mga taong maaari mong
pagkatiwalaan at mahingan ng tulong. Buksan
ang isipan at kalooban na kaya mong makamit
ang hangarin sa buhay.
22. May apat na uri ng damdamin
• 1. Pandama (sensory feelings). Ito ay
tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o
mga panlabas na pandama na nakapagdudulot
ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa
tao.