2. Intindihin Natin
Suriin ang larawan. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol dito.
1. Ano-anong emosyon ang iinakikita sa
larawan?
2. An-anong sitwasyon ang maaring magdulot
ng ganitong mga emosyon?
3. Alin sa mga emosyong ito ang madalas
mong nararamdaman/ Bakit?
4. Paano mo pinamamahalaan ang iyong mga
emosyon?
3. Isipin Natin
Bawat karanasan at sitwasyon sa buhay ng tao ay nagdudulot ng
iba’t ibang emosyon at damdamin. Ang damdamin ay itinuturing ni Max
Scheler na pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao. Gaya ng
pagdamdam, pagkagusto, pagmamahal, at pagkapoot, bahagi ito ng
emosyonal na aspekto ng tao na hindi bunga ng pag-iisip.
Nangangahulugan ito na ang damdamin ay may direktang kaugnayan sa
mga obhetong kung tawagin ay pagpapahalaga. Agarang natatanggap
ng tao ang mga pagpapahalagang kilos na ito sa pagmamahal at poot.
4. Pangunahing Bahagi ng Pagkilala at Pag-unawa sa
Emosyon ng Tao
1. Bahaging nagbibigay-malay o kognitibo (Cognitive component)
– Binubuo ng mga pananaw, paniniwala, at mga bagay na iniisip
at inaasahan ng isang tao. Nanahan ito sa kanyang utak at
nakatutulong sa pagdidikta ng kaniyang emosyon.
2. Bahaging Pisyolohikal (Physiological component) – Tumutukoy sa
mga awtomatikong reaksiyon ng katawan (gaya ng panunuyo ng
lalamunan at mabilis o hindi regular na paghinga)sa mga
nagaganap sa paligid.
5. 3. Bahaging tumutukoy sa ekspresyon at ugali (Behavioral
component) – Kabilang dito ang iba’t-ibang anyo ng ekspresyon
o ugali ng tao na maaaring bunga ng kanyang emosyon na
nadarama. Ang ekspresyon ng mukha, tindig ng katawan, galaw o
kilos, at tono ng boses ay ilan sa mga palatandaan na
nagpapakita ng nararamdaman ng tao.
6. Apat na Uri ng Damdamin na Tinutukoy ni Max Scheler
1. Pandamang damdamin (Sensory feelings) – Tumutukoy sa limang
pandama o five senses na nakapagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap ng tao.
2. Damdaming tumutukoy sa kalagayan ng tao (Vital feelings) –
May kinalaman ito sa kasalukuyang kalagayan na nadarama
7. 3. Sikikong damdamin – (Physical feelings) - May impluwensiya
ang kasalukuyang kalagayan ng damdamin ng tao sa kaniyang
pagtugon sa mga bagay sa kaniyang paligid.
4. Ispiritwal na damdamin (Spiritual feelings) – Ito ay tumutukoy
sa mga damdamin na nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga
sa kabanalan, ayon sa pananaw ni Dr. Manuel Dy Jr.