1. GRADES 1 to 12
DAILY LESSON LOG
Paaralan : Baitang : Ikawalong
Guro : Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa / Oras ng Pagtuturo : Disyembre 11, 2023 (7:30-8:30) and Disyembre 12, 2023 (8:30-9:30) Markahan / Linggo : 2nd Quarter (Week No. 6)
LUNES
(Disyembre 11, 2023)
MARTES
(Disyembre 12, 2023)
MIYERKULES
(Disyembre 13, 2023)
HUWEBES
(Disyembre 14, 2023)
BIYERNES
(Disyembre 15, 2023)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa emosyon.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang mapamahalaanan ang kanyang emosyon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napangangatwiranan na:
a. Ang pamamahala ng emosyon sa
pamamagitan ng pagtataglay ng
mga birtud ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa.
b. Ang katatagan (fortitude) at
kahinahunan (prudence) ay
nakatutulong upang harapin ang
matinding pagkamuhi, matinding
kalungkutan, takot at galit.
EsP8PIIf- 7.3
Naisasagawa ang mga angkop na
kilos upang mapamahalaan nang
wasto ang emosyon. EsP8PIIf-7.4
II.NILALAMAN
(Paksang – Aralin)
Emosyon: Katatagan at
Kahinahunan
Angkop na Kilos sa Pamamahala
ng Emosyon
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro MELCs Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 1, ph. 105
MELCs Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 1, ph. 105
2. Mga pahina sa kagamitang pang-
mag-aaral
ESP 8 Ikalawang Markahan –
Ikalawang Markahan – Modyul 27:
Emosyon: Katatagan at
kahinahunan, ph. 6-21
ESP 8 Ikalawang Markahan –
Modyul 27: Angkop na Kilos sa
Pamamahala ng Emosyon, ph. 7-17
3. Mga pahina sa teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang panturo Telebisyon, laptop at papel o notbuk
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin
Krusigma
Panuto: Sagutan ang Krusigma. Ang
sagot ay maaaring patayo at pahiga.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Panoorin ang video
(https://www.youtube.com/watch
?v=n6MRsGwyMuQ) na may
pamagat na Emotional Intelligence
2. (Modyul 27 ph. 6)
by Daniel Goleman at sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
1. Ano ba ang emotional quotient?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating
kalusugan?
3. Paano mapapalitan ng positibong
emosyon ang isang negatibong
emosyon?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin
Pag-unawa sa Kuwento
Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang kuwento pagkatapos
pagnilayan ang mga
gabay na tanong.
Gabay na mga tanong:
1. Paano naipakita ni Ryan ang
tamang pamamahala ng kanyang
emosyon kahit na ginawan siya ng
masama ng kapuwa?
2. Bakit mahalaga ang pagiging
matatag at kahinahunan ni Ryan sa
pakikipagkapuwa sa kabila ng mga
paninira at pagsubok sa buhay?
(Modyul 27 ph. 7-8)
Kilos Mo! Ilahad Mo!
Panuto: Mula sa situwasyong
inilahad, itala ang mga angkop na
kilos na kailangang pairalin upang
mapamahalaan ng maayos ang
iyong emosyon. Gawing gabay sa
pagsagot ang halimbawa. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Gabay na mga tanong:
1. Ayon sa mga naitala mong
kasagutan, paano mo
napamahalaan ng maayos ang
iyong emosyon?
2. Bakit mahalaga na magtaglay ng
mga angkop na kilos sa
pamamahala ng emosyon?
(Modyul 28 ph. 7)
3. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
May iba't ibang uri ng emosyon na
nakaiimpluwensiya sa kung paano
tayo makipagsapalaran at makipag-
ugnayan sa kapuwa. May mga
pagkakataon na nakagagawa ang
tao ng pasiya ayon sa idinidikta ng
emosyon. Ang emosyon ay
napatutungkol sa ugali,
personalidad at pagpapasiya ng
isang tao kung saan karaniwang
nakikita sa pisikal na
pagkakakilanlan nito, na kalimitang
napapansin tuwing nagpapahayag
ng matinding emosyon gaya ng
pagkamuhi, matinding
kalungkutan, takot at galit.
Ang emosyon ay katangian ng
isang tao na binubuo ng mga
damdamin na minsan ay
tumataliwas sa kagustuhan ng
isipan. Isang halimbawa nito ang
kuwento ni Ryan sa bahaging
Tuklasin na nagpapakita ng
kahinahunan at katatagan upang
mapamahalaan ang sariling
emosyon at hindi agad magpadala
sa bugso ng damdamin.
Isinasantabi muna ang kanyang
nararamdaman at tinitimbang ang
mga bagay-bagay bago gumawa
pagpapasiya o kilos. Pinag-iisipan
at pinagninilayang mabuti kung
ano ang pinakamainam na gawin
upang walang pagsisisihan sa
bandang huli. Ang maingat na
paghuhusga, pagiging matatag at
mahinahon ay nagpapatingkad ng
kabutihan ng isang tao. Ito ay
nakatutulong sa pagharap sa
anumang pagsubok, matinding
pagkamuhi, kalungkutan, takot at
galit. Patunay lamang ito na
matagumpay na napamahalaan ni
Ryan ang sariling emosyon kung
kaya naisalba niya ang
pagkakaibigan nila ni Mario.
Ang angkop na kilos ay isang
gawain ng tao na nangangailangan
ng masusing pagtimbang lalo sa
kung paano isasagawa ang isang
bagay. Nasasalamin nito ang iyong
pagkatao at kung paano ang
pakikitungo mo sa kapuwa.
Ang pagkilos nang naaayon sa
wastong pamamahala ay ang
pagpapasiya na may kabutihan na
nakakaimpluwensiya sa paligid
hindi lamang sa sarili pati na rin sa
mga taong nakakasalamuha. May
mga nakaaapekto sa
pagdedesisyon ng tao sa kung
papaano kikilos sa isang lipunan.
Maaaring ang pamilya, kaibigan at
ang konsensiya ay nag-isip sa kung
ano ang magiging resulta sa
gagawin ng tao.
Ayon kay Seeburger, F. (1997,
ph.30), ang literasiyang
pandamdamin ay tumutukoy sa
dalawang bagay. Una, kakayahang
alamin at unawain ang mga sariling
emosyon: at pangalawa, matukoy
at maramdaman ang damdamin na
angkop o akma lamang sa
situwasyon kinakaharap.
Narito ang ilan sa mga angkop na
kilos ng isang tao para
mapamahalaan nang wasto ang
emosyon:
1. Mag-ehersisyo
2. Maging mabait sa iba
3. Marunong makinig at
tumanggap ng pangyayari
4. Makipag-usap sa confidante
5. Gawing abala ang sarili
6. Maging positibo
7. Magpahangin sa labas
8. Magpasalamat at manalangin
9. Ipapakita ang kalakasan
10. Pagpapahalaga sa mga bagay
na nasa sarili
11. Maging kalmado
4. Ang sumusunod ay mga birtud na
nakatutulong sa pamamahala ng
sariling emosyon upang mapaunlad
ang sarili at pakikipagkapuwa batay
sa pagpapakahulugan nina Sto.
Tomas de Aquino at Feldman
(2005).
1. Paghuhusga o Kahinahunan
(Prudence)- Ang kahinahunan
(prudence) ay birtud na
humihikayat sa tao na alamin muna
ang totoong nangyari bago
gumawa ng isang desisyon o
panghuhusga. Nangangahulugan
ito na iniisip muna nang makailang
beses ang bibitiwang mga
salita at gagawing kilos.
2.Katatagan ng loob (Fortitude)-
Ang katatagan (fortitude) ay
tumutukoy sa paninindigan at
paniniwala ng tao na kaya nitong
harapin ang anumang pagsubok na
darating. Mayroon siyang
kamalayan tungkol sa sariling
kalakasan at kahinaan na
pinagsisikapang mapaunlad upang
malagpasan ang iba’t ibang
pasanin, hirap at tukso na
maaaring maranasan.
12. Hindi makipagtalo o
makipagsagutan
13. Pagiging matapat
Ang mga nabanggit ay ilan lamang
sa mga angkop na kilos na
nagpapakita ng wastong
pamamahala ng emosyon sa
anumang pangyayaring
nararanasan.
Sa kabuuan, mahirap mang
isagawa minsan ang angkop na
pagkilos dahil sa maraming dapat
isaalang-alang. Mas mainam pa rin
na pagtimbangin kung anong
nararapat na magiging desisyon o
aksyon hinggil sa isang pangyayari.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang na Kabihasnan Suri-Emosyon!
Panuto: Suriin at tukuyin ang
angkop na emosyon sa bawat
situwasyon. Piliin ang sagot na
nasa kahon at isulat ito sa sagutang
papel.
(Modyul 27 ph. 13)
Pag-unawa sa Teksto
Panuto: Basahin at unawain ang
nilalaman ng teksto. Ilahad ang
iyong pagkilos hinggil sa
situwasyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Maliit lamang ang kinikita nina
Gep at Gen sa kanilang araw-araw
na paglalako ng gulay. Ngunit sa
kabila nito ay napagkakasya nila ito
para matugunan ang pangunahing
pangangailagan. May mga
pagkakataon na humihingi ng
gadget ang kanilang mga anak
subalit ipinapaliwanag namang
5. maigi ni Gep sa anak kung bakit
hindi nila kayang ibigay ang
hinihiling nito. Minsan ay
nasasaktan sila dahil hindi
napagbibigyan ang gusto ng mga
anak. Bagaman, hindi ito
nakapagpapahina ng loob sapagkat
mas prayoridad nilang mag-asawa
ang may makakain at magagamit
na pera kung sakaling may
magkasakit.
Ito ay patunay lamang na ang
mga magulang ay may magandang
plano para sa kanilang pamilya sa
kabila ng kahirapang dinadanas.
Maging tapat sa bawat miyembro
ng pamilya upang maintindihan
ang kakayahang pampinansyal na
kayang ibigay upang maiwasan ang
di pagkakaunawaan.
Gabay na mga tanong:
1. Angkop ba ang kilos ni Gep sa
pamamahala ng kanyang emosyon?
Bakit?
2. Kung ikaw ang anak ni Gep, ano
ang iyong mararamdaman kung
hindi mapagbibigyan ang iyong
kagustuhan? Paano mo
mapamamahalaan ang iyong
emosyon?
(Modyul 28 ph. 10-11)
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw -
araw na buhay
Sulat-Sanaysay!
Panuto: Sumulat ng maikling
sanaysay na nagpapakita ng tamang
pamamahala ng emosyon gamit ang
mga birtud na katatagan at
kahinahunan. Ilahad kung paano ito
nakatutulong sa sarili at kapuwa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
(Modyul 27 ph. 17)
PERFORMANCE TASK
Paggawa ng Poster
Panuto: Gumawa ng isang poster
na kakikitaan ng mga angkop na
kilos upang mapamahalaan nang
wasto ang emosyon ng tao.
6. (Modyul 28 ph. 14)
H. Paglalahat ng aralin Aral ng Karanasan, Ibahagi Mo!
Panuto: Magbigay ng tig-isang
halimbawa ng sariling karanasan o
naobserbahan na kakikitaan ng
katatagan at kahinahunan
pagkatapos ibahagi ang mga aral
na natutunan mula rito. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
(Modyul 27 ph. 15)
Dyornal
Panuto: Ibigay ang sariling
repleksyon batay sa ipinahihiwatig
ng pahayag. Gawing batayan ang
pamantayan sa pagmamarka. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
"Sa anumang pagkilos
kinakailangan isaalang-alang ang
magiging epekto nito sa paligid at
sa kapuwa tao. Nasa tao
nakasalalay kung paano niya
pagpapasyahan ang gagawin o
ipapakitang kilos."
(Modyul 28 ph. 13)
I. Pagtataya ng aralin Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang
bawat tanong o situwasyon at piliin
ang tamang sagot. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
(Modyul 27 ph. 18-21)
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang
bawat tanong o situwasyon at piliin
ang tamang sagot. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
(Modyul 28 ph. 15-17)
J. Karagdagang gawain para sa takdang
aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
7. C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
Stratehiyang dapat gamitin:
__Koaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I -Search
Stratehiyang dapat gamitin:
__Koaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I -Search
Stratehiyang dapat gamitin:
__Koaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I -Search
Stratehiyang dapat gamitin:
__Koaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I -Search
Stratehiyang dapat gamitin:
__Koaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I -Search
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
Mga Suliraning aking naranasan:
__Kakulangan sa makabagong
kagamitang panturo.
__Di-magandang pag-uugali ng
mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga
bata
__Kahandaan ng mga bata lalo na
sa pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa
kaalaman ng makabagong
teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
Mga Suliraning aking naranasan:
__Kakulangan sa makabagong
kagamitang panturo.
__Di-magandang pag-uugali ng mga
bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga
bata
__Kahandaan ng mga bata lalo na sa
pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman
ng makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
Mga Suliraning aking naranasan:
__Kakulangan sa makabagong
kagamitang panturo.
__Di-magandang pag-uugali ng mga
bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga bata
__Kahandaan ng mga bata lalo na sa
pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng
makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
Mga Suliraning aking naranasan:
__Kakulangan sa makabagong
kagamitang panturo.
__Di-magandang pag-uugali ng mga
bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga
bata
__Kahandaan ng mga bata lalo na sa
pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman
ng makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
Mga Suliraning aking naranasan:
__Kakulangan sa makabagong
kagamitang panturo.
__Di-magandang pag-uugali ng
mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga
bata
__Kahandaan ng mga bata lalo na
sa pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman
ng makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
__Pagpapanuod ng video
presentation
__Paggamit ng Big Book
__Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
__Pagpapanuod ng video
presentation
__Paggamit ng Big Book
__Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
__Pagpapanuod ng video presentation
__Paggamit ng Big Book
__Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
__Pagpapanuod ng video
presentation
__Paggamit ng Big Book
__Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
__Pagpapanuod ng video
presentation
__Paggamit ng Big Book
__Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material