1. PAGGAMIT NG PANITIKAN BILANG LUNSARAN SA PAGKATUTO NG WIKA AT
GRAMATIKA
Resyonal
Ang papel na ito ay nakatuon sa mga kritikal na nilalaman ng kurikulum na natukoy
sa isinagawang konsultatibong worksyap. Bibigyang diin ang paggamit ng panitikan bilang
lunsaran batay sa mga kasanayang pampagkatuto sa wika at gramatika sa baitang 7.
Binibigyan ng pokus dito ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa mga tiyak na
estruktural na gamit ng wika at kawastuhang gramatika sa Filipino, kasabay nito ang
pagtatamo ng kasanayang pangwika sa: masusing pakikinig, mabisang pagsasalita,
maunawang pagbasa, paglinang ng talasalitaan, kawili-wiling panonood at kritikal na
pagsulat gamit ang angkop na wika at gramatika gayundin ang pag-aangkop ng iba’t ibang
estratehiya sa pag-aaral. Upang matamo ang mga ito, gagamit ng mga tekstong
pampanitikan bilang lunsaran sa pagkatuto ng wika at gramatika.
Bilang panghuli, magiging daan ito sa paglalapat ng mga angkop na simulaing
pampagkatuto tuon sa kritikal sa mga kasanayang dapat malinang sa baitang 7 ng
kurikulum sa Filipino at makabuo ng angkop na mga gawaing pampagtataya para sa
produkto ng mga kasanayang nalinang gamit ang mga akdang pampanitikan bilang
lunsaran ng pagkatuto ng wika at gramatika.
Pangkalahatang Layunin:
Malinang ang kongkretong kaalaman at kritikal na kasanayan sa pagkatuto sa wika
at gramatika ayon sa batayang kurikulum sa baitang 7 gamit ang panitikan bilang lunsaran.
Paksa: PANANALIKSIK SA PANITIKAN: POKUS SA PAGTUKOY NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
AKDA
Rasyunale o Panimula:
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang anyo ng panitikang naglalarawan sa kulturang
Pilipino. Ang mga akdang pampanitikan gaya ng: kuwentong bayan, alamat, pabula, parabola,
epiko, nobela, maikling kuwento, sanaysay, tula, salawikain, at iba pang akdang pampanitikan na
pamana ng ating mga salin lahi ay nagsisilbing salamin sa mga katutubong kaugalian, tradisyon, at
kultura. Ginamit ang mga ito ng ating mga ninuno bilang pananggalang tungo sa paghubog tungo
sa iba’t ibang pagpapahalaga na masasalamin sa ating pagiging Pilipino.
2. Ayon pa kay Arnel B. Mahilom (2013) sa kaniyang sinulat na artikulo kung bakit dapat pag-
aaralan ang Panitikang Pilipino ay dahil sa mga sumusunod: a. upang makilala ang kalinangang
Pilipino at malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating
pinagmulan; b. upang matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang mga tradisyon na
nagsisilbing patnubay sa mga impluwensya ng kabihasnang nanggagaling sa ibang mga bansa ; c.
upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang
mga ito; d. upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapag-unlad at ; e. upang mahalin at pagmalasakitan ang ating sariling kultura
sapagkat tayo ang dapat magpahalaga sa sariling atin sa mga akdang pampanitikan na nagpapakita
ng : kabulukan sa politika, pamamalakad ng pamahalaan, ang paghihirap ng mga mamamayang
biktima ng karahasan at kahirapan, ang pagtaas at pagbaba ng krimen, prostitusyon at
eksploytasyon ng mga kabataan, at iba’t ibang aspektong panlipunan. Bagaman may mga isyung
panlipunan ang masasalamin sa bawat akdang babasahin lumilitaw pa rin ang mga magagandang
naidudulot ng mga kaugaliang Pilipino.
Upang matukoy at masuri ang mga nabanggit sa itaas ay kailangang magsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan sa akdang pampanitikan. Sa ganoon, lubos na
mauunawaan ang buong kaligirang pangkasaysayan ng akda, gagamitin ng mananaliksik sa
paghahalughog ng mga datos ang disenyong naratibo sa kuwalitatibong pamamaraan. Sa isang
naratibong pananaliksik saklaw nito ang oral na kasaysayan, ang repleksyon ng mga pangyayari at
kung paano nakikisalamuha ang isang indibiduwal sa lipunang ginagalawan.
Pangkalahatang Layunin:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magabayan ang guro sa gagawing pananaliksik tungkol
sa kaligirang pangkasaysayan ng akdang pampanitikan gamit ang mga pangunahing impormasyon.
PAGSUSURI NG PANITIKANG POPULAR
MGA LAYUNIN:
Ang anim (6) na oras na gugulin sa sesyon ay inaasahang makatutulong sa mga
kalahok upang malinang ang kaalaman at kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang
popular sa pagtuturo ng panitikan. Inaasahan na pagkatapos ng sesyon, ang mga
kalahok ay:
3. a. natutukoy ang iba’t ibang anyo ng panitikang popular;
b. nakapagsusuri ng dokyu, indie film, spoken poetry, atbp; at
c. nakalilikha ng sariling halimbawa ng iba’t ibang anyo ng panitikang popular.