2. —
Sa palagay ng mga kabataan, ang kalayaan ay tumutukoy sa
kakayahan ng tao na isagawa ang ano mang bagay na kaniyang naisin.
Taliwas ditto ang pananaw ni Joseph De Torre. Ayon sa kaniya, kung
susuriing mabuti, walang kakayahan ang tao na gawin ang ano mang bagay
na kaniyang naisin sa lahat ng pagkakataon.
Ang tunay na kalayaan ng tao ay tumutukoy sa kaniyang kalayaan
sa pagpili o pagpasiya. Ayon pa sa pagpapakahulugan ni Santo Tomas de
Aquino, “Ang kalayaan ay isang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito.
Ang limitasyon sa kalayaan ng tao ay ayon sa itinakda ng Likas na Batas
Moral. Ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito ay inihalintulad ni Sr.
Felicidad C. Lipio sa kaugnayan ng dalampasigan sa baybay-dagat.
3. “Kabataan”
Orihinal na isinulat ni: Jeanette Ocampo
Mga kabataan
Maagang namulat sa kahirapan
Sila ay nanakawan
Nanakawan ng kamusmusan
Walang panahon sa paglalaro
O maging sa pagloloko
Kahit masabihan pa na bobo
Ayos lang basta’t
makapagtrabaho
Pursigidong magkapera
Para may maipakain sa pamilya
Sa isang banda
Siya ay may kapalarang kay
sama!
May lasinggerong ama,
May sugarol na ina
At kapatid na lima
Lahat sa kaniya umaasa
4. 1. Panloob na Kalayaan – nakasalalay ang kalayaan ng tao sa
kaniyang kilos-loob, ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de
Aquino. Tumutukoy naman ang panloob na kalayaan ng kilos-loob
sa:
a. Kalayaang gumusto o freedom of exercise – ito ay ang kalayaang
magnais o hindi magnais.
b. Kalayaang tumukoy o freedom of specification – ito naman ay ang
kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin.
2. Panlabas na Kalayaan – ito ang kalayaan sa pagtupad ng Gawain na
ninais ng kilos-loob. Ito ay naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na
salik at maaaring mabawasan o maalis sa pamamagitan ng puwersa sa
labas ng tao.
Dalawang uri ng Kalayaan
5. 1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili o personal good at
kabutihang panlahat o common good. Isang halimbawa nito ay ang
paggamit sa kalayaan ng tao sa paglampas sa mga balakid sa pag-unlad
ng sariling pagkatao gaya ng kamangmangan, kahirapan, katamaran at
kasamaan.
2. Kung handa kang harapin ang ano mang kahihinatnan ng iyong
pagpapasiya. Ano man ang maging kahihinatnan ng isinagawang
pagpapasiya at pagkilos, nararapat itong harapin nang buong loob.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
Ang tao ay may tungkuling magpasiya at kumilos nang naaayon sa Likas
na Batas Moral sapagkat ito ang nagsisilbing batayan ng pagsasaalang-
alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
Mga Pamantayan sa Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan