2. 2
Ang Mayamang Tao
Ni Dennis Austria
Sa isang siyudad, may isang lalaking nagngangalang, Pablo. Wala
siyang anak, asawa o kamag-anak. Siya ay isang mayamang lalaki.
Ngunit siya ay may sakit sa puso at wala ng lunas ito. Gusto niyang
ipamana ang lahat ng kaniyang kayamanan, pero wala siyang
pwedeng mapamanahan. Kaya naisip niya na maging isang plumb at
pumunta sa iba’t ibang bahay para malaman kung sino ang karapat-
dapat na magmana ng lahat ng kaniyang ari-arian.
Sa paglalakad ni Mang Pablo nakakita siya ng isang babae
at sinubukan niyang humingi ng pagkain dito para masukat kung
ang babae na ang hinahanap niya. Pero sa halip na siya ay bigyan,
tinulak pa siya ng babae. Kaya siya ay umalis at pumunta sa ibang
barangay. Doon ay nakakita siya ng isang lalaki na kumakain ng
tinapay. Siya ay muling pinagtabuyan at tinulak. Siya ay umupo sa
isang gilid at may nakakita sa kaniya, isang binatang lalaki na
naghahanap ng trabaho.
3. “
3
“Tatang mukhang gutom na kayo,” sabi ng
binate. Heto po o, pagkain,” alok ng binate.
“Maraming salamat, iho. Napakabuti mo. Gusto mo bang
pumunta sa bahay ko?” tanong ni Mang Pablo.
Ang binate ay nagtaka sa sinabi ni Mang Pablo,
pero sinamahan niya ito at nagulat siya nang makarating
sila sa isang malaking bahay. “Tatang, sigurado po ba
kayong ito ang bahay ninyo?” tanong ng binate na
nagtataka.
“Oo naman, halika at pumasok tayo,” sagot ni
Mang Pablo. Sila ay pumasok at sila ay binate ng mga
kasambahay ni Mang Pablo.
Kinaumagahan, ikinuwento ni Mang Pablo ang
lahat. “Dahil sa iyong mabuting kalooban, ikaw ang
magmamana ng lahat ng aking ari-arian,” sabi ni Mang
Pablo. Takang taka na masaya ang binata. Pagkalipas ng
ilang buwan, namatay si Mang Pablo, at nagging mayaman
ang binata
4. 4
Kailangan ng bawat tao ang isa’t isa upang mabuhay.
Alinsunod ito sa linya ng awiting ”Pananagutan” na isinulat ni Fr.
Eduardo P. Hontiveros , SJ na “Walang sino man ang nabubuhay
para sa sarili lamang.”
Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga bitud ng
katarungan at pagmamahal. Ito rin ay nangangahulugan ng pantay
na pagtingin sa sarili at sa iba. Ito ay ang pagkakaroon ng
pagkakakilanlan ng ibang tao sa sarili. Sa ganitong pagtingin,
natututo ang bawat tao na mag-alay ng sarili para sa ikauunlad ng
pagkatao ng kapwa. Ang pakikipagkapwa ay tinatawag din na
“pamumuhay para sa kapwa,” na nangangahulugang ang sariling
pagkatao ay nagkakaroon ng kahulugan kung ibibigay ang sarili
para sa kapwa.
Sakop din ng pakikipagkapwa-tao ang pagtupad sa
sariling tungkulin sa lipunan at ang pagsunod sa Gintong Aral o
Golden Rule. Bilang isang nilalang na bahagi ng lipuynan,
tungkulin ng tao na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa
kaniyang kapwa tungo sa panlipunan at pansariling kaunlaran.
5. Dahil ang pakikipagkapwa ay bahagi na ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, mahalagang
tandaan ang mga sumusunod:
1. Ipakita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa
sa pamamagitan ng paglilingkod nang walang ano
mang inaasahang kapalit at pagbabahagi ng sariling
kaalaman at kakayahan nang buong puso.
2. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay may katumbas
ding kabutihan.
3. Magkakaugnay ang bawat isa, kung kaya’t ang kahit
anong kilos ay maaaring makaapekto sa isa’t isa.
4. Sa bawat pagpapasiya, pagsasalita at pagkilos,
mahalagang pakaisipin at isaalang-alang ang
kabutihan at kapanan ng kapwa.