EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10-Reviewer_2nd-Quarter.docx
1. EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 10
IKALAWANG MARKAHAN
PAG-UNAWAAT PAGSASABUHAY NG MAKATAONG
KILOS
• Konsepto ng makataong kilos upang makapagpasiya
ka nang may pagkiling sa kabutihan sa gitna ng mga
isyung moral at impluwensiyang kapaligiran.
• Ang makataong pagkilos ay pinagsanib na kaalaman
at mapanagutang kalayaan ayon sa Batas ng Diyos
at pagpapahalagang Batas Moral.
MAKATAONG KILOS TUNGO SA
MAPANAGUTANG PAGKILING SA KABUTIHAN
• ang kalayaan ay pinagkaloob ng Diyos kaya naman
ito likas sa tao at unibersal, para sa lahat, walang
pinipiling edad, kasarian o lahi, at nananatiling
epektibo sa panghabang panahon.
• Ang kalayaan ay ibinigay sa tao upang maging
malaya siyang gumawa ng kabutihan para sa
kaniyang ikabubuti, ikauunlad, at para sa
panlahatang kapakanan.
• Ang paggamit ng kalayaan ay ginagamitan ng talino,
paghubog ng konsiyensiya upang makapagpasiya
kung ano ang tama o mali.
FOUR-WAY TEST (ni Herbert J. Taylor) – moral
code o gabay sa iniisip, sinasabi, at ginagawa ng
isang indibidwal. Bago magsalita o gumawa ng
aksiyon, tanungin muna ang sarili kung ito ba ay:
1. Katotohanan
2. Patas sa kinauukulan
3. Pagmamagandang-loob at pagkakaibigan
4. Kapakipakinabang.
• KATOTOHANAN – mula sa Latin na veritas at sa
Griego na aletheia na nangangahulugang hindi
nababago o nababaluktot, walang pinipiling
panahon, lugar, o tao.
• ang kusang-loob na pagkilos ay may kaakibat na
pagsasakripisyo, at pagmamahal para sa
kapakinabangan hindi lamang sa lahat ng
kinauukulan kundi higit para sa ikabubuti ng lahat.
PANANAGUTAN SA KUSANG-LOOB O
MALAYANG PAGKILOS – ang kalubhaan ng
pananagutan ay nakaugat sa tatlong aspekto:
1. Ito ba ay ginawa nang buo ang kamalayan o
kaalaman ng gumagawa?
2. Ito ba ay ginawa nang may buong pahintulot ng
gumagawa o sinadya ang paggawa?
3. Malubha ba ang magiging bunga o resulta ng
kusang-loob na pagkilos sa tao o lipunan na
maaaring maapektuhan?
• Ang taong hindi nalalaman ang kaniyang ginawa ay
walang pananagutang moral. Kaya ang mga may
problema sa pag-iisip na nakagawa ng krimen ay
napapawalang-sala. Kinakailangang buo ang
kaniyang kaalaman at kamalayan sa pagkilos upang
makita ang motibo o intensiyon.
• Ang taong mataas ang kaalaman tulad ng nakapag-
aral o mataas ang antas na natapos sa edukasyon ay
mas malaki ang pananagutan kaysa sa isang
mangmang o kulang ang pinag-aralan.
• Bawat kilos na sinasadya ay pananagutan ng taong
kumikilos. Ang masamang epekto o resulta ay hindi
pananagutan kung ito ay hindi sinasadya.
Halimbawa: may napatay sa pagtatanggol ng sarili
niyang buhay laban sa mga holdaper o masasamang
loob.
• Kung ang pagsang-ayon sa maling gawain ay bunga
ng pananakot, puwersa, o pananakit, ang tinakot o
napuwersa ay walang pananagutan, kundi ang may
pananagutan ay ang taong nanakot, namuwersa, o
nanakit.
• Mas malaki ang pananagutan ng taong nagnakaw ng
malaking pera sa isang bangko kaysa sa taong
nagnakaw ng isang kilong bigas sa tindahan.
• Kaya mas malaki ang pananagutan ng mga taong
nasa pamahalaan na nagnanakaw sa kaban ng bayan
sapagkat sila ay may pinag-aralan at malaking
halaga ng pera ang pinag-uusapan. Bukod pa, mas
malawak ang naapektuhan; hindi lamang ekonomiya
ng isang siyudad kundi ekonomiya ng buong bansa.
• Ang pananagutan ay humihina sa ilalim ng
kamangmangan, pamimilit, hindi sinasadya, o
pananakot.
MGA IDEOLOHIYA NA NAKAAAPEKTO SA
PAMANTAYAN NG MAKATAONG KILOS
Ideolohiya – mga kaisipang nagsisilibing gabay sa pagkilos.
• Moral na Positibismo (Auguste Comte) – walang
likas na batas kung kaya’t walang likas na
karapatan ang tao. Ang lahat ng karapatan ng tao ay
nagmumula sa pamahalaan.
• Hedonismo – ang pinakamataas na kabutihan ay
ang kasiyahan ng tao (pleasure). Ang motibasyon
ng tao ay nakaugat sa paghahanap ng kaniyang
kasiyahan at pag-iwas sa anumang nagdudulot ng
sakit o pain.
• Utilitaryanismo – ang batayan ng isang pagkilos
ng tama o mali ay nakasentro sa resulta nito lalo na
kung ito ay napakikinabangan at nakapagbibigay
ng kasiyahan.
• Moral na Ebolusyonismo – ang moralidad o ang
pagsusuri sa tama o mali ay hindi pa tiyak dahil ang
moralidad ay naglalakbay patungo sa kaganapan.
Maaaring ang pagsusuri ng tama o mali ay mabago
dahil sa pananaw ng tao at ang pananaw ay
nababago. Halimbawa: ang dating paniniwala na
ang mundo ay patag.
• Komunismo (Karl Marx) - layunin nitong
magtatag ng isang lipunang may kaayusan at
walang antas o classless society, walang pribadong
pag-aari o private ownership, at moneyless, kundi
ang estado ang mag-aari ng lahat ng produksiyon
ng negosyo at magbabahaginan ng produkto ng
trabaho. Upang maitatag ito, kailangang magtatag
2. ng isang diktadurang pamahalaan. Sa ganitong
paraan, mawawalan ng kalayaan sa pagpapasiya
nang tama o mali ang mamamayan. Ang pinuno
ang siyang nasusunod sa pagpapasiya ng
moralidad.
SALIK SA MAPANAGUTANG PAGKILOS AT
PAGPAPASIYA
• Patuloy ang tao na nahaharap sa pakikipagtunggali
sa pagitan ng kabutihan at kasamaan; patuloy ang
pagpupunyagi na maiwasan ang kapahamakan;
patuloy ang pag-asam ng matuwid na hangarin.
Kaya nararapat na ang tao ay maging mapanuri sa
paggamit ng kalayaan upang hindi siya madala sa
tila kaakit-akit at makabuluhang pagbabago.
Mga Salik sa Mapanagutang Pagkilos at
Pagpapasiya
1. Emosyon – reaksiyon ng sensitibong
pakiramdam sa pagkilos o hindi pagkilos
kaugnay ng bagay na nararamdaman o naiisip
na mabuti o masama. Ito ay nanggagaling sa
puso sapagkat puso ang sentro ng emosyon.
a. Love – pinakapundamental na emosyon
ng tao na napupukaw sa pagnanais ng
kabutihan na humahantong sa
pagmamalasakit sa kalagayan ng iba.
b. Desire – ang paggawa ng kabutihan dala
ng pag-ibig.
c. Hope – ang pananalig na makamtan ang
ninanais na kabutihan.
d. Joy – ang kasiyahan dahil sa nakamait na
kabutihan.
e. Hatred – ang pagkamuhi dala ng kutob ng
loob sa kasamaan.
f. Sadness – ang pagkalungkot gawa ng
presensiya ng kasamaan.
g. Fear – ang pangamba dala ng kutob sa
nagbabantang kasamaan.
h. Anger – ang pagkayamot dala ng
pagtanggi o paglaban sa kasamaan.
Concupiscence – ang bawat kilos ng tao ay may kasamang
emosyon. Maaaring ito ay positibo, dala ang kabutihan o
negatibo, dala ang kasamaan dahil ang tao ay naaakit sa
kasamaan.
• Ang positibong emoyon ay nagbibigay-inspirasyon
sa pagkilos. Halimbawa: ang passion ng iyong
kaklase sa ML o sa basketball ang nagbibigay sa
kanila ng motibasyon na magsanay nang may
disiplina, mahirap man ay kanilang tinutupad.
Upang pagdating ng panahon sila ay lumakas at
mamayagpag.
Inggit – ito rin ay nakaugat sa sarili. Dahil sa labis na
pagtingin sa sarili, ang taong may inggit ay nalulungkot sa
mabuting kalagayan o magandang kagamitan ng iba.
Galit – ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao. Ang
taong may matinding galit o problema ay hindi na
tumitingin sa matino at maayos na paglutas ng sanhi ng galit
o problema. Nawawala ang tamang pangangatwiran at
maaaring humantong sa pagkapoot katulad halimbawa ng
pageseselos. Dahil sa pagkawala gng tiwala, tutungo ito sa
pag-aaway.
Kayabangan – ang pagmamalaki ay nakasentro lamang sa
sarili. Sa sobrang pagpapahalaga sa sarili, ang hangad ng
taong mayabang ay masunod ang kaniyang gusto dahil
taglay niya ang talino. Hindi na marunong makinig sa
paliwanag at kuro-kuro at hindi tumanggap ng pagkakamali.
Kasakiman sa Kayamanan at sa Kaakibat na
Kapangyarihan – patuloy ang paghahangad ng karangyaan
na higit sa pangangailangan. Dahil ang pananaw ng tao ay
tumitingin sa materyal na bagay, kadalasan ang sukatan ng
dignidad o karangalan ay nakabatay sa kayamanan.
Kahalayan – nakatutok sa mga kasiyahang seksuwal. Ang
kapusukan ng katawan ay hindi pinipigilan kaya’t
humahantong sa kahalayan. Ang pagnanasa ng mata sa
nakikita at pagnanasa ng katawan ang naguudyok ng
kahalayan. Dahil ang pag-iisip ay hindi dinadala tungo sa
marangal na pamumuhay, mayroon ding nanamantala,
ginagawang hanapbuhay ang kahalayan tulad ng
prostitusyon at pornograpiya sa pelikula, sa babasahin, o
magasin. Malinaw na paglabag sa moralidad ang mahalay na
gawain.
Katamaran – kulang sa motibasyon upang kusang kumilos
kahit man lang para sa kaniyang kapakanan. Lagi nalang
umaasa sa ibibigay na biyaya ng iba na para bang wala
siyang pakinabang sa lipunan.
Kasibaan sa Pagkain – ang wastong pagkain ay mahalaga
sapagkat ito ay pangunahing pangangailangan ngunit ang
iba ay humahantong sa katakawan o labis na pagkonsumo sa
pagkain dulot ng sobrang pagnanasa ng mata at katawan.
Impluwensiya ng Kapaligiran
• Internet – malaking tulong sa pagpapalaganap ng
impormasyon sa iba’t ibang dako ng daigdig. Ang
internet ay maaring magdulot ng kabutihan o
maaari ring maging hadlang sa pagpapalago ng
kabutihan. Maaaring magamit sa paninirang-puri
sa pangalan o pagkatao sa isang kagalit o kaaaway.
Mayroong nanamantala sa negosyo at
pagkakaibigan, pornograpiya, at madaliang
paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagdudulot
ng aliw sa pagpapakita ng parte ng katawan kapalit
ng pera o prostitusyon.
• Mga Programa sa Telebisyon – madalas naririnig
sa mga lumalabas na artista sa telebisyon na kung
saan ka maligaya, iyon ang dapat mong gawin.
May batayan ang kaligayahan hindi lahat ng pag-
asam ng kaligayahan ay tama. Madalas ding
ginagaya ang kilos ng mga artista kaya kung ano
ang uso, siya rin ang namamayagpag na gawain
lalo na ng mga kabataang tulad mo (trend setter).
Halimbawa: sayaw sa tiktok, hairstyle, lengguwahe
atbp.
• Ang mga nabanggit na mga salik na nakaaapekto sa
pagpapasiya at pagkilos ng tao ay maaaring
positibo o negatibo, depende sa paghusga ng tao
kung paano niya ito gagamitin sa kaniyang
pagkilos.
3. LAYUNIN, PARAAN, AT SIRKUNSTANSIYA:
BATAYAN NG MAKATAONG PASIYAAT
KILOS
• Ang suliranin ay hadlang o sagabal sa pagkakamit
ng ninanais na layunin sanhi ng mga sirkunstansiya
(circumstance) na pinagmulan mismo ng taong may
suliranin o ng ibang tao. Ngunit, kung titingnan sa
positibong pananaw, ang problema ay isang
pagkakataong makilala o matuklasan ang sarili. Ito
ay pagsubok ng kakayahan upang maging
mapamaraan na kumilos tungo sa anumang
makalulutas ng problema.
Paghubog sa Pagpapasiya Tungo sa Makataong
Pagkilos
• Sa pagsilang pa lamang ng tao, nag-uumpisa na ang
paghubog sa kaniya – mula sa mga magulang at iba
pang kasama sa tahanan. Patuloy niyang
matutuklasan ang tamang asal hanggang sa
pagpasok sa paaralan na kung saan mas marami pa
siyang matututuhan sa guro at sa mga kaeskuwela.
Sa pagdaan ng panahon, ang mga karanasan niya
ay patuloy na maghuhulma sa kaniyang pagkatao.
Mula sa mga karanasang masaya o mapait, o kaya
mga karanasang nakikita sa ibang tao na
nagsisilbing aral.
• Mas tumatatak ang mga sirkunstansiyang
naranasan na puno ng paghihirap at pagkagipit.
• Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kung
paano hinaharap ng tao ang iba’t ibang
sirkunstansiya ng buhay na makatutulong o
makasasama sa paghubog ng pagpapasiya ng tama
o mali:
Kamangmangan – sa panahon ngayon, ang
kamangmangan ng mga bata ay nagagamit sa
paggawa ng krimen dahil sila ay hindi makukulong.
Marahil sila ay sinasamantala ng mga sindikato.
- Juvenile Justice and Welfare Act of 2006
(RA 9344) – nagbibigay-proteksyon sa mga
bata. Ayon dito, ang mga bata na may edad
labing-walong taong gulang pababa (18 years
old below) ay ligtas sa pananagutang kriminal
ngunit sila ay isasailalim sa counseling and
rehabilitation program maliban nalang kung
isinagawa ng bata ang krimen na may pag-
unawa o discernment o batid niya na mali ang
kaniyang ginawa.
- Ang 18 years old pataas na mga kabataan ay
masasanbi nang sila ay nasa age of
discernment o sa edad na ito alam na nila ang
tama at mali. Hangad ng batas na ito ang
restorative justice.
- Restorative Justice – naniniwala na ang mga
bata ay maaari pang magbago at matutuhan
ang mga pagpapahalagang moral o moral
values. Sa pamamagagitan ng counseling at
rehabilitation program mula sa social welfare
system gaya ng DSWD, ang mga bata ay
makababalik pa sa kanilang pamilya, magiging
mabungang kasapi ng lipunan, at hindi na
babalik sa kalye na hahantong sa pagiging
tunay na kriminal sa kanilang pagtanda.
- Punitive Justice – pagpapataw ng
kaparusahan sa nagawang pagkakasala tulad
ng pagkabilanggo.
- House Bill 6052 – Pagpapalakas sa RA 9344
na kung saan isinasama sa batas na kung ang
pinararatangang kasalanan ay pagpatay
(murder), nakapatay (homicide), pagpatay ng
miyembro ng pamilya (parricide), pagdukot
(kidnapping), panggagahasa (rape),
pagnanakaw (robbery), pagbebenta ng droga
(drug trafficking), at iba pang kasalanan na
may kaparasuhan nang mahigit labindalawang
(12) taon, ipinagpapalagay na ang bata ay
kumilos nang may kaalaman na sat ama at
mali.
- Ang mga batang lumaki sa kalye at hindi
nakapag-aral at nakagawa ng krimen ay
masasabing hindi nahubog ang kanilang
tamang pagpapahalaga o moral na dapat
sanang gagabay sa tamang pagpapasiya sa
kusang-loob na pagkilos.
- Juvenile Delinquency – o paglabag sa batas
ng mga batang nasa murang edad pa lamang o
wala pa sa age of discernment (could also be
age of criminal responsibility)
- Ang mga batang nakagagawa ng krimen ay
nakaugat sa problema sa pamilya – sa pamilya
unang natututo ang bata ng tama o mali; ang
mga bata ay nangangailangan ng paggabay ng
mga magulang.
Mga Bisyo – ang paulit-ulit na paggawa ng
masama ay nagiging bisyo. Ang masamang gawain
ay nagiging bisyo kung nakakagawian at nagiging
bahagi na ng buhay ng tao. Mga halimbawa:
paninigarilyo, pag-inom, pagsusugal, pambababae,
o paggamit ng ipinagbababawal na gamot o droga.
Dahil ang mga ito nakadikit na sa buhay, mahirap
sa taong may bisyo ang bumitiw sa kaniyang
bisyong nakagawian na. Kaya’t ang pagpapasiya g
kusang-loob na pagkilos ay nakasentro sa paggawa
ng bisyo.
Karahasan – halimbawa nito ang initiation para sa mga
neophyte (bagong pasok sa fraternity) o tinatawag na hazing
na kung saan maraming kaso ng namamatay dahil sa
internal bleeding ng mga biktima. Ang mga taong
nagsasagawa ng hazing ay hindi humahantong sa tamang
pagpapasiya ng kusang-loob na pagkilos, bagkus
nagpapadala sa emosyon ng karahasan.
Masidhing damdamin – ito ay minsang nagtutulak sa tao
sa maling direksyon. Nakalilimutan ang pagpapasiya nang
tama o mali dahil natatalo ng masidhing damdamin. Ganito
kadalas ang nangyayari sa mga magkasintahan lalo na sa
mga teenager na nadadala ng kapusukan ng katawan. Dahil
madalas magkasama na silang dalawa lang, minsan
nawawala and pagpipigil sa sarili. Sa isang sandali,
nakalilimutan ang kanilang kinabukasan at ang maaaring
kahinatnan ng kanilang pagkilos.
Pagkilala ng Layunin ng Makataong Pagkilos
4. - Ayon kay Wojtyla, may pagkakaiba ang makataong
pagkilos (human acts) sa pagkilos ng tao (acts of man). Ito
ay magkaibang uri ng pagkilos ng tao.
- Human acts – mga gawaing ginamitan ng pakultad ng
pag-iisip. Samaktwid, ay pinag-iisipan at naaayon sa
paraang mabuti. Halimbawa: paggawa ng desisyon.
- Acts of man – mga nangyayari kahit hindi pinag-iisipan.
Halimbawa: pagdaloy ng dugo, pagtunaw ng pagkain, o
paglagay ng saplot ka katawan kung nilalamig (instinctive
motions).
- Ang makataong pagkilos ayon kay St. Thomas, aksiyon na
sinasamahan ng reason at freedom. Ito ay sinasadya na
naaayon sa intension o kalooban ng tao.
Paraan Upang Makamit ang Makataong Pagkilos
1. Paggamit ng mapanuring pag-iisip
a. Isaalang-alang ang iba’t ibang alternatibo –
sinusuri kung paano ito makaaapekto sa sarili at sa
kapwa.
b. Mapanuri sa mga bagay na nakikita at nararanasan
– piliin lamang ang tama, mabuti, at hindi malaswang
mga impormasyon mula sa iba’t ibang makabagong
teknolohiya.
c. Kumikilos at nagdedesisyon ayon sa katotohanan
at katarungan – mahalaga na may paninindigan na
nakabatay sa tamang pagpapahalaga at prinsipyo sa
buhay.
2. Ang paggamit ng tamang konsiyensiya – ang
konsiyensiya ay ang tagahusga kung ang isang bagay ay
mabuti o masama. Pangunahing tungkulin nito na saliksikin
ang katotohanan at malaman ang kailangan at tamang gawin
sa bawat sitwasyon. Dahil dito, kinakailangan ding mabuti
ang pagkahubog sa konsiyensiya kung ano ang tama at
hindi.
3. Paggamit ng kalayaan – anuman ang gagawin ng tao,
siya lamang ang may kalayaang gumawa at siya rin ang
mananagot dito. Kapag pinili ng tao ang gumawa ng mabuti,
ito ay nakabatay sa idinidikta ng kaniyang konsiyensiya.
Mga Batayan sa Pagkilala ng Gawang Mabuti o Masama
1. Layunin o Aksiyon – sanhi o pinagmulan ng kilos.
Kinakailangang maging malinaw sa isang tao ang
tunay na layunin ng mismong aksiyon bago pa niya
ito maisagawa upang hindi siya magkamali sa
pagkilos.
2. Layon ng May-aksiyon – motibo o personal na
intensiyon ng taong gumagawa ng aksiyon. Upang
maituring na mabuti ang aksiyon, kailangang mabuti
ang intensiyon hanggang sa pagkakagawa nito.
3. Mga Sirkunstansiya o Pangyayari – ipinaliliwanag
nito ang mga katangian at lahat ng bagay na may
kinalaman sa aksiyon batay sa sumusunod:
a. Sino – taong gumawa ng aksiyon
b. Ano – ginawang aksiyon at uri ng ginawa at bigat
ng pananagutan dito
c. Saan – lugar na pinangyarihan
d. May kasama at sino ang kasama – mga
nakilahok at ang partisipasyon ng bawat kasama
e. Bakit – dahilan, motibo at intensiyon ng tao sa
paggawa ng aksiyon
f. Paano – tiyak na pamamaraan at mga gamit ng
pagsasagawa ng aksiyon o gawain.
g. Kailan – oras at panahon ng pagsasagawa ng
aksiyon.